Katahimikan ang isinukli nina Haring Agrial at Komander Acosta pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko. Ilang sandali pa ay napahalakhak si Haring Agrial habang hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “Nakakatuwa itong bago mong kawal, Komander Acosta! Teka,” napahawak siya sa kanyang tiyan sabay tawa ng malakas, “nakakatawa ka talaga, Hijo!” Sumimangot ako habang nakatingin ng diretso sa mahal na Hari. “Seryoso ho ako, Kamahalan,” mariin kong saad. Saglit na napatigil si Haring Agrial bago ako tinawanan muli. Argh! Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko! “Naku, Hijo. Pinasaya mo talaga ako ngayon. Pero,” biglang dumilim ang ekspresyon ni Haring Agrial, “hindi ko matatanggap ang iyong paliwanag.” “Nagsasabi ho ako ng totoo! Pinatay talaga namin ang mga halimaw! Naririnig ko talaga ang

