CHAPTER 5

1117 Words
"A-ANONG GINAGAWA MO DITO?" Di napigilang itanong ni Tasya sa lalaki dahil sa tindi ng pagkagulat. "Ikaw ang dapat kung tanungin niyan. What the hell are you doing here?" salubong ang kilay na balik tanong ng lalaki sa kanya. "Teka teka, magkakilala kayong dalawa?" takang tanong naman ng kanyang ina. Sandaling natigilan ang dalaga at napatingin sa kanyang ina. "Bakit nay, kilala niyo rin ba ang lalaking 'to?" taka ring tanong niya na itinuro pa ang lalaking halata ang inis sa kanya. "Ano ka bang bata ka." agad nitong tinapik ang kamay niyang nakaturo sa lalaki at pinandilatan siya ng mata. "Bakit ganyan ka kung umasta kay Sir Maverick?" Natigilan muli ang dalaga at nagkunot ng noo. "S-sir Maverick?" "Oo, siya ang anak ni Mr. Santillan, ang may ari nitong lupang tinitirhan natin." Halos lumuwa ang mata niya sa gulat at dahan dahang napatingin sa binata. Napapalunok siyang tingnan ito na napabuntong hininga na lang at seryoso siyang tinititigan. H-Hindi!!! Kulang na lang at malumpasay siya sa sahig dahil sa biglang panghihina ng kanyang tuhod. Para siyang nabingi pagkarinig niyon. Anong gagawin niya ngayon? "Ano bang nangyayari sayo at para kang nakakita ng multo sa pagkaputla mo?" singhal ng inay niya na nagpabalik sa kanyang ulirat. Hindi na lang siya nakapagsalita at kagat ang ibabang labing muling napatingin sa binata. Biglang tumaas ang kilay nito at halatang inaasar siya sa pagkakangisi nito. "Nice meeting you again..." Napalunok siya nang makita ang peke nitong ngiti. Hindi na talaga niya nagawang magsalita pa. Kinabahan siya bigla dahil alam niyang malaki ang atraso niya rito at hindi maganda ang mga sinabi niya rito noong huli nilang pagkikita. "Paano niyo pong nakilala itong anak ko, Sir Maverick?" tanong ni aling Guadalupe na agad niyang ikinataranta saka nilingon ang binata. "Uh, sa kalsada actually..." anitong hindi maipagpatuloy ang sasabihin dahil sumama ang mukha niya. "Nagkaroon lang nang konting aksidente at doon ko siya nakita." "Ah ganon ba?" sagot ng kanyang ina. Tila nakahinga siya ng maluwag nang hindi nito sinumbong ang tunay na nangyari. Napanguso siya nang makitang umangat ang kanang gilid ng labi nito habang sa kanya nakatingin. "Hala sige na, mag-ayos ka na roon ng sarili mo dahil sasamahan mo si Sir Maverick na libutin ang buong lupain." "Po?" gulat na tanong ko. "Ang sabi ko ay sumama ka kay Sir Maverick na pasyalin ang buong lupain." "B-bakit ako?" bulalas niya na napatingin pa muli sa binata. Tumaas muli ang isang kilay nito. "E sino pa ba? Wala ka namang ginagawa ngayon. Sige na, kumilos ka na at nakakahiya kay Sir Maverick. Magdala ka ng payong at payungan mo si Sir." Tinutulak pa siya ng kanyang ina pabalik sa hagdanan kaya nakasimangot siyang umakyat pabalik sa kanyang kuwarto at tinapos ang pag-aayos ng sarili. "PASENSYA na kayo do'n sa anak ko, Sir Maverick. May pagkaburara kasi ang batang iyon sa sarili niya." sabi ni Aleng Guadalupe habang tinanaw ang hagdanan. Sinundan din ito ng tingin ni Maverick at napangiti na lang. "Ayos lang po. Anyway, pag-usapan muna po natin ang tungkol sa napag-usapan namin ni Daddy." aniya saka bumalik sa pagkakaupo. "Bukod po sa pagpunta ko dito para tingnan at sukatin ang lupa, gusto ko rin pong magpasalamat sa inyo ng personal sa pag-aalaga ninyo sa lupang ito." "Nako, sa tinagal naming pananatili dito ng libre ay dapat kami ang magpasalamat sa inyo, Sir." Tumango naman siya saka ngumiti. "Saka sa makalawa naman po ay babalik ako rito upang sunduin kayo at para ihatid narin kayo sa resettlement house po ninyo. Wag po kayong mag-alala, wala po kayong puproblema sa linya ng kuryente at tubig doon pati na ang bahay na inyong titirhan ay malinis na po." Agad namang rumehistro ang gulat at tuwa sa mukha ng ginang dahil sa narinig. "Abay sobra sobra na po iyon, Sir Maverick. Nakakahiya man pero tatanggapin ko iyon. Maraming salamat talaga, napakabait niyo katulad ng inyong ama." Napangiti lang siya bilang tugon. "Siguro po ay mga ala---" Natigil ang pagsasalita ni Maverick nang maagaw ang pansin niya ang pagbaba ng dalaga. Agad na natunghayan niya ang kabuuan nito. Ngayon lamang niya na-appreciate ang kagandahan nito kahit na walang kolorete ang mukha. Mas lalo rin itong pumuti at kuminis ang balat di tulad noong unang makita niya ito. Malaki talaga ang pinagbago dahil pati ang asul na highlight nito sa buhok ay nawala na at natural na kulay na lamang ng tuwid at mahaba nitong buhok ang natira na siyang mas bumagay dito. Tumikhim ito na siyang ikinagising niya sa pagkatulala dito. Napatayo siya nang mapansing nasa harap na pala niya ito habang bahagyang kunot ang noo sa kanya bitbit ang isang payong. "Oo nga pala," natigil ang pagtitig niya sa dalaga nang magsalita si Aleng Guadalupe. "Natatandaan ko na kung kaylan kita unang nakilala, Sir Maverick." Agad naman siyang nilingon ito at nagkaroon ng interes sa kwento nito. "Naalala ko noong ikalawang punta dito ni Sir Ricky. May dala siyang isang batang paslit at ikaw yun." "Pasensya na po kayo, hindi ko po matandaan." aniya. "Hindi mo talaga iyon matatandaan dahil katulad nitong si Tasya ay sobrang bata mo pa." tumaas naman ang kilay niya at nilingon ang dalaga. Tulad niya ay kunot din ang noo nito tanda na hindi nito alam ang sinasabi ng ina. At mas lalo pa siyang nagtaka nang astang natawa bigla ang ginang nang tila may inaalala. "Ano bang nakakatawa, nay?" salubong ang kilay na tanong ng dalaga. Sa halip ay muling natawa ang ginang. "Alam mo bang sinambunutan mo iyang si Sir Maverick noon?" "Ano?!" nanlalaking mata sa gulat ni Tasya at agad na napalingon sa kanya. Bagaman nagulat din ay nanatiling kalmado si Maverick at tumaas na lang ang gilid ng labi niya habang nakatingin rito. Agad na nag-iwas ng tingin ang dalaga at tila napapahiya. "Sigurado ba kayo, inay?" "Oo naman, malinaw parin sa memorya ko kung bakit mo ginawa iyon." "Ano po bang ginawa ko sa kanya?" interesadong tanong ng binata na ikinanguso ng dalaga. "Eh pano kasi Sir Maverick, pinagtripan ninyong putulin ang ulo ng manika nitong si Tasya kaya ayon, nanggalaiti sa galit ang anak ko at sinugod kayo at sinambunutan sa harap pa mismo ni Sir Ricky." natawa si Aleng Guadalupe pagkatapos na sinabayan naman ng binata. Nanlalaki naman ang mata ni Anastacia at halos hindi makatingin sa kanya. "Ganon po ba? Maski si Daddy ay hindi iyan naikwento kaya naman hindi ko rin po alam ang tungkol diyan." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtagpo muli ang paningin nila ng dalaga at awtomatikong sumilay ang ngisi sa labi niya na ikinasimangot naman ng babae. Matatawag na ba niya itong tadhana? Gayong hindi pala talaga iyong kanyang inakala ang kanilang unang pagkikita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD