CHAPTER 6

1384 Words
CHAPTER 6   KANINA pang gustong sumigaw ni Anastacia dahil sa inis. Pinagtatawanan siya ng dalawa dahil sa ginawa niya noon.   Hindi niya akalaing may nauna pa pala siyang atraso sa lalaki at hindi niya malaman kung sinasadya ba iyon ng tadhana.   Mabuti na lang ay may bumusinang kotse sa tapat ng kanilang bahay. Maya maya lang ay lumabas sa sasakyan nito ang isang lalaking nasa late 30s ang edad. May dala itong gamit ng mga engineer at panukat.   Tumayo naman si Maverick at sinalubong ang bagong dating at sumunod naman ang kanyang ina. Saglit silang nag-usap at pagkaraa’y nagsimula na.   “Can we start?” ani Maverick na tinanguan naman ng engineer.   “Yeah, doon na tayo sa likod magsimula.”   Bumaling ang binata sa ginang. “Aleng Guadalupe, maiwan na muna namin kayo. Sisimulan na po namin ang pagsusukat.”   “O siya sige, pasasamahan ko na kayo sa aking anak para mapayongan kayo.”   “Nako, hindi na po kailangan, ayos lang po ako.” anito kasunod ng pagsulyap nito sa kanya.   Agad naman siyang umiwas at napabuntong hiningang niyuko ang bitbit na payong.   Tumingala naman ang ginang sa kalangitan. “Naku, hindi hahayaang mabilad ka sa initan, Sir Maverick. Tingnan niyo naman ang panahon, maya maya lang ay hindi niyo na kakayanin ang sobrang init, kaya sige na pumayag ka nang isama itong si Tasya.”   Napabuntong hininga naman ang binata. “S-sige po, salamat.”   Nagpatiuna nang lumabas ng kanilang bahay sina Maverick at ang enhinyero. Pinagtulakan naman ng ginang ang kanyang anak na sumunod sa mga ito.   Nang makarating sa likod ay agad na nagsimula ang mga ito sa pagsusukat. Siya naman ay sinundan ang binata saka sinimulan din itong payungan.   Bitbit ni Maverick ang isang notebook at doon inililista ang mga sukat. Seryoso ito sa ginagawa kaya naman hindi siya nito pansin.   Ilang saglit lang ay nakaramdam na si Tasya ng ngalay sa paghawak ng payong lalo’t matangkad ang lalaki kaysa sa kanya at pinipilit niyang dumistansya rito upang maiwasan ang paglapit nila sa isa’t isa. Ang resulta, tagaktak ang pawis niya dahil nasa bukod tanging ang lalaki lamang ang kanyang pinapayungan.   Lumobo ang pisngi niya saka pinakawalan ang hangin habang ipinapagpag ang damit sa bandang dibdib upang mahanginan manlang ang sariling katawan. “What happened to you?”   Napalingon siya nang magsalita ang binata. Kunot ang noo nito at halata ang pagtataka sa itsura niya. “Para kang basang sisiw riyan. Basang basa ka na sa pawis.”   Nagsalubong ang kilay niya nang mapansing inaasar siya nito. Umirap na lang siya at umiwas ng tingin dito.   “Come here.”   Napalingon muli siya dito nang marinig iyon.   “H-ha?”   “Ha?” panggagaya pa nito na ikinainis niya. “I said come here.”   “Bakit ba?” mataray na tanong niya.   Sa halip na sagutin siya ay bigla na lang siyang hinawakan nito sa braso at hinila palapit dito dahilan para bumangga siya at madikit sa katawan nito. Doon ay pareho na silang nakasilong sa iisang payong.   Hindi niya alam ang naramdaman sa oras na iyon. Nanigas ang kanyang katawan dahil sa ilang. Dahil sa sobrang lapit nito ay naaamoy na niya ang pabango nito. Lalaking lalaki at matindi ang naging epekto sa sistema niya.   Kahit hindi niya ito kaharap ay naaamoy rin niya ang mabangong hininga nito sa tuwing magsasalita ito. “Pwede mo naman akong iiwan dito. Ba’t pinili mong samahan ako at payungan?” maya maya ay narinig niyang sabi nito na pinigilan naman niyang lingonin.   Napabuntong hininga siya. “P-pagagalitan ako ng nanay ko kapag pinabayaan kita rito.”   “Ayos lang naman talaga sakin.” anito at kita niya sa sulok ng kanyang matang nakatingin ito sa kanya.   “Hindi na, hihintayin ko na lang kayong matapos.”   “Fine...” pabuntong hiningang sabi nito. Nagpatuloy ang pasusukat ng mga ito at panay naman ang sunod niya. Minsan ay bigla nalang siyang hihilahin ni Maverick para lumipat ng pwesto.   “How’s your neck?”   Napalingon si Anastacia kay Maverick. “Ha?”   Mataman lang siyang tinitigan nito saka bumaba ang tingin sa kanyang leeg. Napahawak naman siya roon.   “Noong huli nating pagkikita, hindi pa lubos na gumagaling ang leeg mo di ba?” wala sa sariling napatango naman siya. “Are you fully recovered?”   Pormal siyang napangiti. “Oo, maayos na rin sa wakas. Hindi na tulad noon na limitado ang galaw ko dahil bigla bigla nalang sumasakit. Ngayon ayos na talaga.”   “That’s good then...” napangiti pa ito na ikinabigla naman niya. Dahil ngayon lang naman niya ito nakitaang ngumiti.   Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Wala siyang nagawa kundi ang kutkutin ang laylayan ng damit niya habang nasa baba ang tingin.   “Wala ka bang pasok ngayon?”   Muli na naman siyang napalingon dito. “Pasok?” medyo naguguluhang tanong niya.   “Oo, sa trabaho.” anito.   “Ah, hindi na ako nagtatrabaho dun. May nag-offer sakin ng 2 year contract sa isang modeling agency.”   “That’s nice.” senserong sabi nito.   Huminga siya ng malalim bago magsalita. Hindi pwede ito lang ang nagtatanong ng tungkol sa kanya.   “Eh ikaw? Kumusta?” Napatingin naman ito sa kanya. “Ang sabi ng nanay ko, magtatayo ka raw ng ospital dito.”   Tumango siya. “Habang ginagawa iyon ay tinatapos ko naman ang residency ko.”   Tumango tango naman siya at tipid na ngumiti.   Napabuntong hininga siya. “Uhm, k-kanina nung makita mo uli ako...”   “Hmm?” Nakagat niya ang ibabang labi niya at hindi alam kung itatanong ba niya iyon.   “N-nung makita mo ako at malaman mong dito pala ako nakatira, anong naramdaman mo?”   Nagkibit-balikat naman ito. “Siyempre nagulat.”   “Y-yun lang?”   Napakunot ang noo nito. “Ano pa bang dapat kong maramdaman?”   Napaiwas naman siya ng tingin at napabuntong hininga. “Alam naman nating pareho na hindi maganda yung huli nating pagkikita diba? Maiintindihan ko naman kung magagalit ka sakin. Lalo na ngayon, mas may tyansa kang gantihan ako.”   Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang bahagya niyang pagtawa.   “That’s childish. Bakit ko naman gagawin yon?”   “Dahil nga galit ka sakin, deserve ko naman iyon kaya okay lang.” sabi pa niya na pilit ngumiti.   “Fine, I’ll tell you this.” anito na pumihit paharap sa kanya kaya naman bahagya siyang napa-atras. “To be honest? Nakaramdam ako ng inis nung makita kita ulit kita. Pakiramdam ko pinagtitripan ako ng tadhana dahil baka kung ano na namang kamalasan ang mangyari ngayong nakita kita.”   Napanguso naman kaagad ang dalaga. “Kita mo na.”   Natawa naman ito. “But that does not mean na gaganti ako sayo at gagawan kita ng masama. Saka matagal na iyon, kalimutan na lang natin iyon.”   Natahimik naman ang dalaga. Hindi na niya magawang tumingin sa lalaki dahil sa ilang.   Maya maya lang ay hindi na niya namalayang natapos na ang pagsusukat ng mga ito. Saglit na kumuha ng mga litrato si Maverick saka nagyayang bumalik na sa bahay.   Sandaling nagpahinga ang mga ito sa sala. Agad naman siyang kumilos at tinulungan ang kanyang ina na naghahanda ng meryenda.   Maya maya ay nagpaalam na ang mga ito. Inutusan naman siya ng nanay niya na ihatid si Maverick palabas ng bakuran nila. Hindi naman siya tumangi at sinabayan ang binata hanggang sa paglabas.   Nauna nang umalis ang engineer at tanging sila nalang dalawa ang naroon kaya hindi niya alam ang gagawin. Tahimik lang sila at nagpapakiramdaman. Nakasandal lang si Maverick sa kotse nito habang nakatingin sa kanya kaya naman kanina pa siyang nasa ibang dako ang tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito. “So...pano, aalis na ako.” anito at napatingala naman siya rito nang kumilos na ito at buksan ang pinto ng sasakyan.   “S-sige, ingat..” iyon lang ang nasabi niya.   “Magkikita pa tayo, Stacy...”   Nagulat siya sa itinawag nitong pangalan sa kanya.   “H-ha?”   Ngumiti lang ito ng matamis saka akma nang papasok sa sasakyan. “Goodbye, Stacy.” Kumindat pa ito bago tuluyang pumasok.   Napaawang tuloy ang labi niya sa pagkabigla. Nakaalis na ang sinasakyan nito pero naroon parin siya at natulala sa kawalan.   “Stacy?” Hindi makapaniwalang bulong niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD