CHAPTER 7
“KUMUSTA ang lakad mo anak?”
Tanong ni Erick sa anak nito nang makita siya nito sa Veranda at nagbabasa ng diyaryo.
“Okay naman, Dad. Malaki ang lupa at mababait ang mga tao roon.” tugon ni Maverick.
“Mababait talaga ang pamilyang iyon. Nung nagkaroon ako ng time para pasyalin ang lupang iyon ay agad nila akong inasikaso. Binigyan pa nila ako ng prutas at gulay dahil ginawa nilang taniman ang likod bahay nila.”
Biglang may naalala ang binata kaya agad niyang ibinaba ang diyaryo at nilingon ang ama.
“By the way, Dad. Hindi niyo nabanggit sakin na dinala niyo pala ako doon noong bata pa ako. Si Aleng Guadalupe ang nagkwento sakin.”
Nag-isip naman ang kanyang ama. Pagkaraa’y nagliwanag ang mukha na halatang may naalalang kakatwa, saka natawa ng bahagya. Alam na niya ang sasabihin nito.
“Ah yes, anak. Isinama na nga pala kita roon noong limang taon ka pa lang. Nawala lang sa isip ko. And guess what happened to you that day?”
Umangat ang balikat niya at napabuntong hininga. “Sinabunutan ako ng batang babae...” tugon niya na ikinatawa muli nito.
“Oh, you already know?” tanong nito na tinanguan na lang niya.
Iiling iling ito at di na nawala ang ngiti sa kanya tuloy ay parang napapahiya siya dahil sa nangyari noon.
“So, how’s the girl? I’m sure dalaga narin iyon.” maya maya ay tanong nito na sinabayan pa ng mapanuksong ngiti kaya naman ay nailang siya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Well, she’s a lady now. Medyo snob at stubborn minsan.” aniyang napangiwi pa pagkatapos.
“Really? Kung hindi mo lang kasi tinanggalan ng ulo ang laruan ng batang iyon ay hindi ka sana nasambunutan.” Natawa na naman ito sa sarili nitong saad at naman ay napakamot nalang batok.
“Tsk, Dad. Matagal na yun, okay? I didn’t even remember it”
Kinailangan niya pang ibahin ang kanilang pinag-uusapan para lang maiwasan ang tungkol sa babaeng iyon. Ewan ba niya pero naiilang siyang pag-usapan ang babaeng iyon lalo na sa kanyang ama.
At maya maya ay hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Kahit nagsasalita ang kayang ama ay hindi niya maintindihan at marinig iyon dahil wala roon ang isip niya.
Naglalakbay ang isip niya sa mga sandaling magkasama sila ni Anastacia kahapon. Ang laki ng pinagbago nito lalo na sa paraan na ng pag-aayos nito sa sarili. Malayong malayo sa dating itsura nito na hindi niya kailanman nagustuhan. Ang ayos nito ngayon ay inaamin niyang gustong gusto niya para dito.
Awtomatiko naman siyang napangiti nang maisip ang itinawag niyang pangalan dito.
Stacy...
I like it. Sa isip niya.
Gustong gusto niya ang pangalang iyon para rito. Mas maganda kasi iyon pakinggan kaysa sa buo niyang pangalan.
Ipinilig na niya ang kanyang ulo at nakinig nalang sa kanyang ama dahil baka kung anong isipin nito.
MAAGANG gumising ang dalaga upang tulungan ang ina sa pag-iimpake. Hindi narin muna pumasok sa school ang kapatid niyang Si Analiza upang matapos nila iyon dahil kinabukasan na ang araw ng kanilang paglipat.
Nang matapos nilang ilagay sa tapat ng kalsada ang mga kahon na kaya nila ay sakto ring dumating ang truck na maghahakot ng mga gamit nila. Mabilis na kumilos ang mga lalaking sakay niyon at ikinarga na ang mga malalaking gamit.
Habang nagpapaypay si Anastacia sa sarili ay may dumating ang isang itim na kotse at pumarada sa likuran ng truck. Ilang saglit pa ay lumabas mula roon si Maverick.
Napapalunok siya nang suyudin niya ang kabuuan nito. Mapagkakamalan mong artista dahil sa porma nitong white button-down dress shirt at maong pants. Naka sunglass pa ito kaya naghuhurumintado ang dibdib niya lalo na nang maglakad ito palapit sa kanya. Talaga namang ubod ng gwapo kaya bumilis kaagad ang t***k ng kanyang puso.
Lihim naman siyang nataranta nang tuluyan na itong makalapit at ngumiti sa kanya pagkatapos tanggalin ang sunglass at isukbit sa neckline nito. “Good morning, Stacey.”
Nagbaba siya ng tingin at nakagat ang sariling labi dahil sa tawag nito sa kanya. Pinipigilan niyang ngumiti dahil tila nagugustuhan niya ang tawag nito sa kanya.
“H-hi, S-sir Maverick.”
“Tsk, seriously, Stacey? Sir talaga?” kunot noong saad nito ikinatigilan niya. “Drop that ‘sir’. Maverick nalang, or Mav if you want.”
“Okay...M-mav.” hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon dahil sa presensiya nito gayong noon naman ay tinatarayan lang niya ito.
Siguro ay dahil sa kaalamang ito ang may-ari ng lupang kinasadlakan nila ng matagal na panahon at magbibigay pa ng bago nilang titirhan. Sa makatuwid, malaki ang agwat ng pamumuhay nila kaya naman alam niya kung paano lumugar at rumispeto.
Pero nakaramdam siya ng ilang ng hindi na naalis ang titig nito sa kanya.
Bigla tuloy siyang nahiya dahil pakiramdam niya ay pinagpawisan siya nang husto dahil sa pagbubuhat kanina. Baka hindi nito nagugustuhan ang itsura niyang pawisan.
“Magandang umaga po, Aleng Guadalupe.”
Mabuti na lamang at lumabas na ng kanilang bahay ang kanyang ina at sinundan naman ito ng kanyang kapatid na si Analiza.
“Magandang umaga rin, Sir Maverick.”
“Maverick na lang po, Aleng Guadalupe.”
“O sige, kung iyan ang gusto mong itawag ko sayo.” nilingon nito ang bunsong anak. “Siya nga pala, ito nga pala ang isa ko pang anak, si Analiza.”
“Hi, kuya Maverick.” magiliw na bati ni Analiza.
“Hello, Analiza.” bati rin ng binata saka tiningnan ang truck. Mukhang tapos na sa pagkakarga ang mga lalaki dahil sumakay na ang mga ito lahat sa truck. “Sumakay na po kayo at ihahatid ko na kayo sa bago ninyong tirahan.”
“O siya sige, tara na.” tugon ng kanyang ina.
Iginiya sila ng binata palapit sa kotse para sumakay doon. Nagtaka naman siya nang buksan ni Maverick ang pinto ng front passenger seat at suminyas sa kanya.
“Ha?” takang usal niya.
Tumikhim muna ito. “Dito ka na maupo...”
Alanganin naman siyang sumunod hanggang sa itulak siya bigla papasok ng kanyang kapatid at ngingisi ngising sumakay sa backseat. Agad niya itong nilingon sa likuran at sinamaan ng tingin. Habang ang kanilang ina ay abala lang sa paghalungkat sa dala nitong bag.
“Wait...” hindi niya namalayang nakapasok narin si Maverick at nagulat na lang siya nang dumukwang ito palapit sa kanya. Naghalo ang pagtataka niya at kaba dahil sa lapit ng mukha nila sa isa’t isa at ang paningin nito ay nasa tagiliran niya. “Seatbelt.” anito na akala mo ay hindi siya marunong magkabit. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ito at lumayo na sa kanya.
Nadagdagan tuloy ang pawis niya at napapaypay pa sa sarili dahil tila uminit ang pakiramdam niya.
Natigilan na lang siya nang makitang nakatingin sa kanya si Maverick na kakatapos lang i-start ang sasakyan. Halata ang pagtataka sa mukha nito.
“Naiinitan ka ba?” tanong nito.
Pilit siyang ngumiti. “M-medyo.” aniya saka umiwas ng tingin.
Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na may pinipihit si Maverick sa harapan nito. Maya maya lang ay ramdam na niya ang lamig sa loob. Tinodo yata nito ang aircon para sa kanya.
Nagsimula na itong paandarin ang sasakyan. Ang truck naman ay kanina pang naunang nakaalis. Ilang sandali lang ay nasa kalagitnaan na sila ng biyahe. Ang sabi nito ay nasa loob parin ng Maynila ang lokasyon ng bago nilang tirahan.
“We’re here.” anunsiyo ni Maverick nang tumigil sila sa tapat ng isang simple pero dalawang palapag na bahay. Kung tutuusin ay sobra sobra ang laki niyon para sa kanila. Masyado iyong labis para sa utang na loob na sinasabi ng mga ito sa kanila.
Nang makalabas ay agad humanga si Tasya sa linis ng paligid ng village na iyon.
“Naku, Maverick, Hijo, ang ganda ganda naman nitong bahay. Ito ba talaga ang titirahan namin?” hindi makapaniwalang turan ng kanyang ina.
Napangiti lang ang binata. “Ito nga po, Aleng Guadalupe. Dito na kayo titira. Sana ay magustuhan ninyo.”
“Ay lubos pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko, Hijo. Ang laki ng bahay na ito. Maraming salamat talaga sa iyo.”
“Walang ano man po, tayo na po sa loob.”
Pumasok na sila sa loob at naabutan nila ang mga kalalakihan na busy sa paglapag ng kanilang kagamitan.
Hindi agad pinalampas ng kanyang kapatid na libutin ang kabuuan ng bahay. Maging siya ay sinilip ang bawat kuwarto ng bahay na iyon at tuluyan siyang humanga dahil napagtanto niyang bago pa iyon.
Matapos ang nakakapagod na paglibot nila sa bahay ay sandali silang nagpahinga. Ang ina naman niya at kapatid ay gumawa ng meryenda at juice para sa lahat kasama na ang mga kargador.
Maya maya lang ay nagpaalam na ang mga ito. Kasunod namang nagpaalam si Maverick.
“Sabihin mo kay Aleng Guadalupe na bukas na kayo mag-ayos ng mga gamit.”
“Ha, bakit?” tanong ni Anastacia. Hinatid niya hanggang sa labas ang binata.
“Tutulong ako.”
“Ha?” gulat na tanong niya. “B-bakit pa? Nakakahiya na sayo, Mav. Ang dami mo nang naitulong samin.”
“Puro kayo babae dito, hindi niyo kakayanin ang pagbubuhat ng mga malalaking gamit. Saka teka, ayaw mo ba akong tumulong?” anitong salubong na ang kilay kaya natigilan siya.
“H-hindi naman sa ganon. Nakakahiya na kasi sayo kung pati iyon ay iaasa pa namin sayo.” aniya saka napabuntong hininga.
“It’s alright.” anito saka mataman siyang tinitigan. Hindi niya alam kung bakit biglang napako ang tingin niya dito at hindi na niya magawang alisin pa iyon. “Ang totoo niyan, naghahanap lang talaga ako ng dahilan...”
Bahagyang napakurap ang mata niya. “Dahilan para saan?”
Tumamis bigla ang ngiti nito.
“Para makita ka ulit.”
Biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib sa narinig. Ilang beses niya pang pilit inintindi kung tama ba ang narinig niyang sinabi nito.