CHAPTER 8

1734 Words
CHAPTER 8   “NAY, bukas na lang natin ayusin ang mga gamit natin.”   Nilingon ng ina si Anastacia. “Ano pa nga ba. Pagod na rin naman tayo dahil sa pagbubuhat kanina.”   “Tutulong daw ho si Maverick.”   “Ha?” gulat na usal nito. “Aba’y nakakahiya naman kung pati doon ay tutulungan niya pa tayo. Ba’t di ka man lang tumanggi?”   Napanguso siya pakaraa’y naalala ang mga sinabi ng binata. Tuloy ay hindi niya napigilang mapangiti.   “Tumanggi na ako, Nay. Pero nagpumilit siya.” aniyang iniwasang banggitin ang huling sinabi ng binata.   “Ang bait talaga ng batang iyon.” nasabi na lang ng kanyang ina.   “Oy ate,” biglang sabat ng kanyang kapatid. “May gusto ba sayo si kuya Maverick?”   “A-ano?” gulat na bulalas niya dito. “Ano bang sinasabi mo diyan?”   “Sus, halata kaya. Pati ikaw, may gusto karin dun ano? May something sa inyo.”   Sisinghalan na sana niya ito.   “Ano ka bang bata ka?” nang maunahan siya ng kanilang ina. “Ano bang pinagsasabi mo? Imposibleng magkagustuhan ang ate mo at kuya Maverick mo sa ganoon kaikling panahon.”   Napanguso na lang ito.   “Ang mabuti pa ay tulungan niyo akong ilabas ang mga kakailanganin natin ngayon hanggang mamayang gabi.” utos ng kanilang ina saka naunang naglakad palapit sa mga kahon at binuksan ang mga iyon.   Sumunod naman ang magkapatid at tinulungan itong maglabas ng mga gagamitin nila katulad ng kumot, unan, damit, toiletries, gamit pangluto at iba pa.   Maya maya ay naisipan niyang picturan ang buong bahay saka in-upload sa i********: niya.   Anastacia_Gonzales: New home.   Ilang minuto lang ay marami nang nagheart sa kanyang post. Meron na siyang 55K followers at nakatulong ang pagmomodelo niya para dumami ang mga iyon lalo na ang kalalakihan dahil ang karamihan sa post niya ay promotion ng magazine kung saan siya ang model. At ang mga suot niya doon ay sexy at medyo revealing. At nasanay na siya doon. Nakakatulong ang pagdami ng followers niya sa i********: dahil bumibili rin ang mga ito ng magazine.   Gabi na nang matapos siyang ayusin ang kanyang kuwarto. Nagpahinga muna siya at hindi namalayang nakatulog. Nagising na lang siya sa tawag ng kanyang ina para kumain. Naligo muna siya bago bumaba.   Habang nasa hapag at kumakain ay tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang marami na ang nagheart at nagco-comment sa post niya.   Inisa isa pa niyang basahin ang mga comment habang umiinom ng tubig. As usual, karamihan doon ay lalaki at mayroon din namang babae, kabilang na doon ang mga kasamahan niya sa agency.    Maya maya ay napakunot noo siya nang mapamilyaran ang username ng isang nagcomment ng heart.   Mav.Santillan   Agad niyang tiningnan ang profile nito. Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata niya at naibuga pa ang tubig sa bibig nang makomperma kung sino iyon.   “Tasya!” gulat na sigaw ng kanyang ina. “Ano bang nangyayari sayo?”   “Sorry, Nay.” aniyang hindi man lang nawala ang paningin sa kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwalang si Maverick nga iyon.   Pa’no niya nalaman at nahanap ang IG ko?   “Engot ka Tasya, malamang, andali lang mahanap ng pangalan mo. Kumpleto ba naman.” bulong niya.   So alam niya ang buong pangalan ko?   “Sino ba yan?” dudukwang na sana ang kapatid niya para silipin ang cellphone niya nang mabilis siyang tumayo at lumayo.   “Akyat na ako, Nay.” paalam niya.   “Tapos ka na bang kumain?”   “Oho.” aniya at nagmadaling umakyat sa kanyang kuwarto at napaupo sa kanyang kama.   Muli niyang tiningnan ang profile picture ni Maverick at zinoom pa ito. Ito nga ang nasa profile. Naka white fitted shirt ito na may nakasabit na sunglass sa neckline nito at kaki shorts na brown. Nakasandal ito sa railings ng sa hula niya ay terasa dahil halatang nasa mataas na bahagi ito ng bahay o kaya hotel.   Tiningnan niya ang feed nito at nakita niya ang ilan sa mga post nito. Karamihan sa post nito ay nakasuot ito ng scrub at minsan din ay may mga kasama ito sa picture na marahil ay kaklase nito. Ang iba naman ay kuha sa beach, minsan ay sa bar. At mas tumagal ang tingin niya sa post nitong nasa gym ito at nagsi-selfie sa malaking salamin. Pawisan ang suot nitong gray muscle tee at sweatpants na dark blue kaya naman hindi niya mapigilang tumitig sa mga lumitaw na mucles nito.   Ang sumunod naman ay solo nitong close up selfie na ikinangiti niya dahil sa sobrang gwapo nito lalo na’t nakangiti pa ito.   Pero nawala din ang ngiti niya nang ang sumunod ay picture nito at ng isang babaeng halatang pilit umakbay dito at dahil matangkad ang lalaki ay yumuko ito para maabot ng babae. Parehong nakangiti ang dalawa kaya hindi mapangalanan ang inis na naramdaman niya.   Napabuntong hininga siyang in-exit iyon at nagtungo sa notification. Nanlaki muli ang mata niya nang mabasang naka-follow na sa kanya si Maverick!   “Hala ka!” bulalas niya na natakpan pa ang bibig sa gulat.   Tuloy ay matagal bago siya nakatulog nang gabing iyon.   KINABUKASAN, nagising siyang nasisilaw ang mata dahil sa sikat ng araw na pumapasok sa kanyang bintanang wala pang kurtina.   “Hoy ate!!!” bigla siyang nabulabog sa sigaw na iyon ng kanyang kapatid.   “Wag mo nga akong ma-hoy hoy, Analiza! At bakit ka ba sumisigaw?” aniya saka bumangon na sa kama.   “Gumising ka na diyan. Magsisimula na tayong mag-ayos.”   “Alam ko! Ito na bumabangon na.” sagot niya saka tumayo.   “Nandito na si Kuya Maverick.”   “Ha?!” gulat na bulalas niya kahit na alam na niyang pupunta ito. Masyado nga lang napaaga. “O-o sige, maliligo na muna ako.” aniya saka nagmadaling kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo.   Nagmadali siyang maligo dahil ayaw niyang paghintayin si Maverick dahil nakakahiya. Pero nang matapos siya ay natagalan siyang mamili ng kanyang isusuot.   Sunod namang itinagal niya ay ang pag-aayos sa sarili. Ayaw niyang maulit ang nangyari kahapon na mukha siyang hagard pero ayaw naman niyang ipahalata na nagmake up siya kaya naisipan nalang niyang maglagay ng base powder, kaunting blush on at cherry lip balm.   Sinuklay naman niya ng sinuklay ang kanyang buhok hanggang sa tumuwid iyon at walang makitang kulot.   Saka huminga ng malalim bago bumaba ng hagdanan.   Napapalunok pa siya nang tuluyang makababa at mabungaran ang mga tao sa sala. Agad na bumilis ang t***k ng puso niya nang maabutan si Maverick na tutok sa cellphone nito habang hawak ang tasang may lamang kape.   “O, nakababa ka na pala.” nag-angat ng tingin si Maverick nang magsalita ang kanyang ina. Kasunod nito si Analiza na may bitbit na platong may lamang mga...pancake?   Napakunot noo siya kung saan galing ang mga iyon. Saka lang niya naisipang dala marahil ni Maverick yon kaya naman muli niya itong nilingon at muntikan na siyang matigilan nang magtagpo ang paningin nila. Tuluyan na siyang nakababa ng hagdan at hindi niya malaman kung saan dederetso dahil sa titig ng binata sa kanya. Nakaawang pa ang bibig nito saka napatikhim at nag-iwas ng tingin nang ilapag ng kapatid niya ang pancake at juice naman ang sa kanyang ina.   “Aba ate, mag-aayos lang naman tayo ng gamit. Bakit ganyan ang ayos mo? Nagpaganda ka naman masyado.” Nanunukso ang tinig nito.   Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid. “Ano bang sinasabi mo diyan? Anong nag-ayos?” maang maangan niyang tanong.   “Sus, halata kaya. Naglipstick ka pa nga eh.”   Pinandilatan niya ito ng mata saka bahagyang tumalikod kay Maverick. “Natural na mapula ang labi ko!” singhal niya.   “Wushoo!” natatawang asar ng kapatid kaya naman napipikon siyang inambahan ito pero agad na sinaway ng ina.   “Magsitigil nga kayo. Hindi ba kayo nahihiya sa bisita natin. Tsk tsk, kababae niyong tao.” sermon ng kanilang ina kaya natigil ang dalawa sa pagbabangayan. “Halina kayo at nang makapag-almusal na. Tasya, nagdala nga pala ng pancake areng si Maverick. Maupo ka na diyan.” utos nito saka naunang maupo sa single sofa. Ganoon din ang kanyang kapatid sa isa pang single sofa kaya wala siyang choice kundi ang umupo sa mahabang sofa kung saan naroon si Maverick at nakaupo sa bandang gitna noon.   Magkalapat ang labi niyang dahan dahang umupo sa espasyong iyon na sadyang maliit lang dahil hindi naman kalakihan ang sofang iyon. Kaya naman nang umupo siya ay nagkiskisan at nagkadikit pa ang mga braso at binti nila ng binata na ipinagtataka rin niyang hindi man lang umusod papunta sa kabilang dulo.   Lihim na lang siyang napanguso.   “Good morning...”   Napalingon siya nang marinig ang bulong ni Maverick.   “G-good morning din hehe.” aniya saka umiwas ng tingin. “Salamat nga pala sa dala mong pancakes.” ginawa niyang dahilan ang pagkuha ng pancake para hindi niya lingonin ang binata.   “You’re welcome.” tugon nito na ramdam niya ang titig sa kanya.   Nang makapaglagay siya ng isang pancake sa maliit na plato at nilagyan iyon ng syrup ay iniabot niya iyon kay Maverick.   “Kumain kana.” kinakabahan man ay nakangiti niyang sabi saka sinalubong ang tingin nito.   “Thanks.” nakangiting anito saka tananggap ang plato at dahil sa liit niyon ay nahawakan nito ang kamay niya. Ganoon na lamang ang pagkatigagal niya nang makaramdam ng kuryente mula doon.   Pati ito ay bahagyang nagulat kaya naman mabilis niyang inalis ang kamay niya at nag-iwas ng tingin dito.   Nang tumingin siya sa kanyang ina at kapatid ay mukhang wala naman itong nakita kaya nakahinga siya ng maluwag. Kumuha narin siya ng pancake niya at sinimulan iyong kainin kahit na maya’t maya ang ilang na nararamdaman niya dahil magkadikit ang katawan nila ng binata.   Ba’t kasi ayaw niyang umusod? maktol niya sa kanyang isip.   Mabilis na natapos ang kanyang ina at kapatid sa pagkain at nagpaalam ang mga ito para mag-asikaso sa kusina kaya natira silang dalawa doon sa sala.   Walang kakurap kurap ang mata niyang nakatitig lang sa pitsil ng juice at pinakikiramdaman ang binata. Hindi na talaga niya ito malingonan dahil sa hindi niya mapangalanang pakiramdam. Upang mabilis siyang matapos at makalayo na dito ay binilisan na niya ang pagkain ng kanyang pancake. Kahit puno pa ang bibig ay panay ang subo niya.   “Bakit ‘di mo ko finollow back?”   HUK!!!          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD