chapter 9
“BAKIT ‘DI MO KO FINOLLOW BACK?”
Bigla na lang siyang nabulunan pagkarinig niyon. Napasuntok siya ng husto sa kanyang dibdib ng ilang beses.
“Hey, are you alright?” nag-aalalang tanong nito saka mabilis na inabot sa kanya ang basong may juice.
Agad niya iyong nilagok hanggang gumaan ang pakiramdam niya. Nakahinga siya nang maluwag pero agad ding natigilan nang mapansing nakatunghay sa kanya si Maverick nang ganoon kalapit.
“Okay ka na ba?” tanong nito na tila walang pakealam sa pagkakalapit ng kanilang mukha.
Napalunok muna siya saka sumagot. “O-oo...” aniya saka napaiwas ng tingin.
Naramdaman niyang umayos na ito nang upo ngunit ganoon parin kadikit ang kanilang mga katawan. Napabuntong hininga na lang siya. Tila hirap siyang huminga dahil sa presensya nito.
“So, why didn’t you follow me back?” ayun na naman ang tanong nito na ikinalingon niya rito. Kaswal lang itong nakangiti habang deretsong nakatingin sa kanya.
“S-sa alin ba?” maang maangan niyang tanong na ikinataas ng kilay nito.
“You know what I’m saying, Stacy.”
Muli na namang bumilis ang kabog ng puso niya nang muling marinig ang tawag nito sa kanya. Dagdag pa ang kakaibang titig nito.
“Hindi ah. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.” nakanguso niyang turan na ikinabuntong hininga nito.
“I followed you on IG. I also commented on your latest post.” anito na tiningnan pa ang sariling cellphone at nagpipindot doon. Maya maya ay ipinakita sa kanya ang post niya sa IG na ni-like nito. “See?”
Napanguso siya. “Pano mo pala ako nahanap sa IG?”
Tumaas ang gilid ng labi nito. “AnastaciaGonzales, who would think it’s not you? And besides, nakita ko din ang profile picture mo.”
Hindi kaagad siya nakasagot. Muli siyang uminom ng juice. “Pano mo rin nalaman ang buong pangalan ko?”
Napakamot ito sa sintido na parang nagsasabing dapat ay alam na niya iyon. “Of course, Dad and Atty. Mariano told me your family name and I already knew your name so...”
Napabuntong hininga na lang siya saka naisipang magligpit ng mga kinainan nila dahil mukhang tapos narin naman ito.
“Dyan ka lang muna, huhugasan ko lang itong mga platito at baso.” aniya nang makatayo at binitbit ang mga platito.
“I’ll help you.” anito na kinuha ang mga baso.
“Hala hindi na, bisita ka dito.” gulat na sabi niya saka nagpatiunang maglakad sa kusina. Hinanap niya ang ina at kapatid pero wala na ito doon. Dahil may pinto doon palabas ng likod bahay ay alam niyang naroon ang mga ito.
Inilapag niya ang mga hugasin sa lababo at naramdaman naman niya ang paglapit ni Maverick.
“Salamat,” aniyang kinuha dito ang mga baso. “Bumalik ka na doon, ako nang bahala dito.” nakangiti niyang sabi.
“Dito lang ako.” tugon nito na ikinagulat niya.
“O-okay.” Wala na siyang nagawa kundi ang nakangusong binalik sa hugasan ang paningin saka nagmadaling hinugasan ang mga iyon. Hindi siya sanay na may taong nakatingin sa kanya sa gilid.
Hindi pa man siya tapos ay nagsalita ito. “You should follow me back.” pangungulit na naman nito na ikinakagat niya ng kanyang ibabang labi. Nakasandal lang ito sa countertop sa gilid niya.
“Oo na.” pabuntong hiningang sagot niya na ipinagtaka pa sa sarili dahil parang kaswal na lang pakikipag-usap niya dito.
Sa wakas ay natapos din siya. Agad niya iyong inilagay sa patuluan saka nagpunas ng kamay sa nakasabit na pamunas.
Nang humarap siya ay sumandal siya sa tapat ng lababo at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Nagtungo siya sa kanyang IG at hinagilap ang pangalan ng lalaki. Maya maya lang ay nakarating na siya sa profile nito. Agad niyang pinindot ang follow button.
“Oh...” Ipapakita sana niya iyon ngunit natigilan siya nang ganoon na pala ito kalapit sa kanya. At napasinghap pa siya nang sumilip ito sa cellphone niya kaya halos mahalikan nito ang noo niya. Oo, matangkad ito kaya halos hanggang balikat lang siya nito.
“Good.” nakangising turan ng lalaki at nagbaba ng tingin sa kanya. Pero ganoon nalang kabilis ang paglaho ng ngiti nito matapos magtagpo ang mga mata nila. Marahil ay saka lang nito napagtantong sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa at nalalanghap pa niya ang hininga nito.
Para siyang nanigas nang bumaba pa ang tingin nito sa labi niya. Muling sumibol ang kaba sa dibdib niya at halos lumuwa ang puso niya sa sobrang kalabog niyon.
At mas lalo pang naghurumintado ang katawan at kaluluwa niya nang maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang braso. Hindi naputol ang kanilang titig sa isa’t isa at hindi rin niya alam kung paanong natatagalan niya ang pagtitig dito. Maya maya ay nahulaan na lang niya ang gagawin nito nang dahan dahan itong inilapit ang mukha sa kanya.
Bigla siyang napapikit nang sobrang lapit na talaga ng mukha nito. Humigpit din ang pagkakakapit niya sa laylayan ng kanyang shorts.
Hanggang maramdaman na niya ang pagdaplis ng ilong nito sa kanya. Huminga siya nang malalim bago inangat ang mukha para sana salubungin ang labi nito nang...
“Tasya.”
Ganoon nalang kabilis ang pagmulat niya ng mata nang marinig ang ina. Nasa sala na marahil ito. Agad na nagtama ang paningin nila ng binata na hindi man lang inilayo ang mukha sa kanya at ramdam niya parin ang pagkakadikit ng ilong nito.
Ilang beses siyang napakurap saka bahagyang itinulak si Maverick nang marinig ang yabag ng ina na papasok na roon.
“Tapos na ba kayong kumain?” tanong nito na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila.
“Opo, nay. Kakatapos ko lang maghugas.” sagot niya na hindi makatingin ng deretso sa ina.
“Kayong dalawa?”
“Ang alin po, nay?” nanlalaki ang matang tanong niya na ikinakunot ng noo nito.
“Ang ang hugas ng pinggan.”
“Ah.” Nakahinga siya ng maluwag saka napatingin kay Maverick at mabilis ding nag-iwas ng tingin dahil parang hindi man lang ito kinabahan. “Ako lang, nay. Sinamahan lang ako ni Maverick”
“O siya sige, magsimula na tayong mag-ayos ng gamit. Simulan muna natin dito sa ibaba.” anitong nagpatiunang lumabas ng kusina.
Agad siyang sumunod at hindi na nilingon pa si Maverick. Napapikit siya ng mariin dahil nakakahiya ang nangyari kanina. Muntikan na silang mahuli ng kanyang ina.
Ilang sandali lang ay naging abala na silang lahat sa pag-aayos ng gamit. Mabuti na lang talaga at naroon si Maverick dahil mabibigat ang ilan sa mga gamit doon tulad ng cabinet, TV, Ref at iba pang appliances.
Hindi naman mawari ang nararamdaman niya sa tuwing magaabala siyang buhatin mag-isa ang isang mabigat na karton ay palagi siyang sinasaklolohan ni Maverick. Para bang ayaw na siya nitong pagbuhatin lalo pa’t hagard na naman ang itsura niya sa sobrang pawis.
Nang matapos sa baba ay isinunod nila ang itaas ng bahay.
Napansin niyang tagaktak na sa pawis si Maverick dahil palagi siya nitong inuunahang magbuhat ng mga bagay bagay pati narin ang ina’t kapatid niya. Kaya halata na sa mukha nito ang pagod.
Naroon sila sa kwarto niya habang ang kapatid niya nasa kwarto naman nito. Ang kanyang ina naman ay bumaba na para maghanda ng tanghalian.
“Nauuhaw ka ba? Gusto mo ba ng tubig?” tanong niya rito.
“Yes, please.” anitong nilingon siya saka ngumiti.
Gumanti siya ng ngiti. “Sige, dyan ka muna. Kukuhanan kita ng tubig.” Saka lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Dumeretso siya sa kusina at binuksan ang ref. Kinuha niya doon ang babasaging pitsel na may lamang pinalamig na tubig. Kumuha naman siya ng dalawang baso. Uminom muna siya bago binitbit ang mga iyon paakyat sa taas.
Pero bago paman siya makapasok sa kwarto niya ay agad nanlaki ang mata niya sa nabungaran. Ang hubad na likuran ni Maverick ang tumambad sa kanya na ikinalunok niya nang makita ang pormado nitong katawan. Likod pa lang iyon ha, paano pa kaya kung humarap ito.
“U-uminom ka muna ng tubig.” utal na sabi niya na kaagad nilingon nito. Ganoon nalang ang pagkagat niya sa ilalim ng kanyang pisngi nang makita ang magagandang ukit sa tiyan at dibdib nito. Maging ang braso ay hindi nagpapatalo. Malamang ay hindi ito umaabsent sa gym dahil sa ganda ng hubog ng katawan nito.
“Thanks.” anito nang makalapit saka kinuha sa kanya ang pitsel at baso.
Hindi niya napigilang panoorin itong lagukin ang tubig at nakailang baso pa ito sa sobrang uhaw marahil.
Inilapag nito ang pitsel at baso sa side table niya at nagpupunas ng katawan nang muling humarap sa kanya.
“Sorry kung naghubad ako. Basang basa na ng pawis ang damit ko eh.”
“Ayos lang, pero pano yan. May dala ka bang damit?”
“Yeah, nasa kotse.”
Tumango siya saka inalis ang paningin dito. “Tapos ka na pala.” aniyang napansing nakaayos na ang lahat sa kwarto niya.
“Oo.”
Kinuha niya ang mga wala nang lamang karton at inilagay doon ang mga kalat.
At dahil iyon na lamang ang huli nilang gagawin ay bumaba na sila dala ang mga karton at inilagay iyon sa likod bahay.
Ilang minuto silang nagpahinga sa sala. Maya maya ay uuwi na sana si Maverick pero pinigilan ito ng kanyang ina at pinakain muna ng tanghalian.
“Mauna na po ako.” paalam ni Maverick nang matapos ang tanghalian.
“Salamat ng marami, hijo. Mag-iingat ka sa pag-uwi.”
“Sige po.” sagot ng binata saka napasulyap sa kanya.
Agad siyang tumayo at lumapit sa binata. “Ihahatid na kita sa labas.”
Ngumiti ang lalaki at tumango. Sabay silang lumabas ng bahay at naglakad palapit sa kotse ng binata.
“Salamat sa lahat ng tulong mo, Maverick.” sinserong aniya.
“You’re welcome.” anito saka humarap sa kanya nang naroon na sila sa tapat ng kotse nito. Napabuntong hininga ito at mataman siyang tinitigan. “Ngayon, hindi ko na alam kung anong irarason ko para makita ka ulit.” natigilan siya ng makitaan ito ng lungkot sa mga mata.
Pati siya ay nakaramdam ng lungkot pero pilit siyang ngumiti rito. “Naka-follow naman tayo sa i********: di ba? Makikita mo ang mga post ko at ganon din ako sa yo.”
Sumilay ang ngiti nito at hindi nakatakas ang kislap ng mata nito sa kanya.
“Give me your phone.” maya maya sabi nito na inilahad pa ang kamay.
“Ha?”
“Your phone.” anito.
Taka man ay kinuha niya parin ang cellphone sa kanyang bulsa at iniabot iyon sa binata.
Nagpipindot ito doon.
“Anong ginagawa mo?’ takang tanong niya pero sa halip na sumagot ay kinuha nito ang sariling cellphone nang tumunog iyon.
Saka lang niya napagtantong inilagay nito ang numero sa kanyang cellphone.
Ibinalik nito ang kanyang cellphone at nakita niya ang nakarehistro nitong pangalan sa screen.
Mav.
Agad siyang nag-angat ng tingin dito nang bahagya itong lumapit sa kanya.
“Hindi man kita makita, atleast makausap man lang kita sa cellphone.”
Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. Pero agad din siyang natigilan nang inilapit nito ang mukha saka dinampian ng halik ang kanyang labi.
Hindi siya nakapagsalita sa gulat.
“Bye, Stacy.” anitong kumakaway na at binuksan ang pinto ng kotse.
Kumurap kurap siya. “I-ingat ka.” pahabol na sabi niya bago ito tuluyang makasakay.
Hindi parin siya nakaalis sa kinatatayuan kahit na wala na doon ang sasakyan ng binata. Para siyang tangang tulala habang haplos ang sariling labi.