KABANATA 5: DOKTOR

1476 Words
"Hindi nakakatuwa, Marlon." naiinis kong sabi. Kanina pa kasi niya ako tinititigan. Nagtatanong ako kung may mali saakin sabi naman niya wala. So bakit niya ako tinititigan? Unless nagagandahan siya saakin diba? It bothers me. It makes me uncomfortable. "What?" amazed niyang tanong. Kakalabas lang namin ng sasakyan at kitang-kita ko ang aliw sa mata niya. Kabaliktaran saakin. "I know stuffs running on your mind right now." Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang napakalaking gate ng hospital dito. Napatingin ako sakaniya at hindi pinansin ang mga kabaliwang lumalabas sa bibig niya. "This is Palestine Island Medical Hospital found by Artemis Luciano, a businessman but also a doctor." paliwanag ni Marlon. Halos wala akong masabi dahil sa ganda ng hospital na 'to. I never saw a hospital like this. Inspired by Spanish designs and interiors. The placement of light and chandelier was perfect. The wall is so gorgeous, mukhang magaling ang engineer at architect ang humawak sa lugar na 'to. Inilibot muna ako ni Marlon sa buong hospital. Hindi ko na nga naiintindihan ang mga sinasabi niya because I'm too focused with this kind of beauty. It's so damn attractive and I like it. Malayong-malayo sa mga design ng hospital ngayon. Mas lalo akong namangha ng makita ang isang malaking pinta ng isla sa mismong pagpasok mo sa hospital. It's Isla Palestina, with beautiful water and mountains. Natigil ako doon at tinitigan 'yon. "Isn't beautiful?" aniya. Napalipat ako ng tingin sakaniya na nakangiti ding nakatingin doon sa painting. I smiled too, widely. "It is beautiful." Nalipat ang tingin ko sa painting habang pinapakinggan siya. "This painting was painted 3 years ago by the granddaughter of Artemis Luciano." Napatingin ako kay Marlon na biglang nagbago ang tingin at tila naging malungkot sa pagbanggit ng pangalan. "Its Saj Luciano's painting." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin ako ng maigi sakaniya. "Come on! Let's go para mapakilala na kita sa president ng hospital." Hindi na ako umangal pa. Nauna siyang maglakad kaya sinundan ko nalang. Seems like there's something between Saj Luciano and Marlon. "Good morning, tito Peter." bati ni Marlon doon sa lalaking nakaupo sa swivel chair. May katandaanan na dahil sa puti nitong buhok. Agad itong napatingin saakin kaya naman yumuko ako to pay respect. "Good afternoon sa inyo, especially to you iha." he said. "Take a seat please." dagdag nito. Naupo ako sa sofa katapat ng inupuan ni Marlon. Medyo napalagay nadin ako kasi wala namang awkward atmosphere dito. Napagtanto ko na hindi pa pala ako nakakapagpakilala sakaniya kaya naman nilingon ko siya at tumayo. "Anyway, I'm Agatha Sullivan Rivera. U-Uh." I don't know what to say next so he cut me. Natawa pa nga siya eh. "No need to introduce yourself iha. I already know you, well your family too. Isa kayo sa pinakakilala at sikat na pamilya so sinong hindi makakakilala sainyo sa elite world, right?" aniya. Ngumiti nalang ako bilang tugon. "So, you're Agatha. The granddaughter of Antonio Rivera, one of the best Cardiothoracic surgeons. I bet you're also a CS?" tanong nito. I shook my head. "No sir, actually my brother, Axel is. I am a General Surgeon. I found CS so hard so I took GS po. Isa pa, mom, and dad were both CS na din po eh. So, I wanna take another path." Marami pa kaming napag-usapan about our field pero habang tinitignan ko si Marlon, para bang sinasabi niya na tama na please. Wala kasi siya naiintidihan for sure. Ilang saglit lang ay natapos na din kami ni Sir Peter. Well, he isn't a doctor nor medical specialist. He's just a businessman who runs a hospital. Agad kaming umalis ni Marlon sa opisina ni Sir Peter at dumaan na sa mga ward. Nung una ininform ako ni Sir Peter na hindi muna pwedeng gumalaw ng kahit anong pasyente hangga't hindi pa napapadala ang memo from my past hospital na pinagtrabahuan mo. Bawal kasi 'yon. If you're a doctor from another hospital and you visit a hospital. Kahit pa may naghihingalo diyan, bawal kang mangealam. Unless they permitted you to do so. And in my case, pinadala na pala ni mom ang memo via email so-I'm happy! "You sure you are not busy Mr. Marlon?" ani ko. He immediately shook his head and smile. "Nope. I already cancel my schedule for today, just for you! Ang tagal niyo kasing mag-usap ni tito Peter. Wala naman akong naiintindihan." medyo pikon niyang sabi. "You can leave me naman earlier eh," I answered. He shook his head. "I can't. I promised to tita Amelia, Don Samuel, and Donya Esme to be with you for today. I always kept my promises." I giggled. Kaya pala panay siya tingin at tipa sa phone niya kanina. Nililibot namin ang mga ward. I want to be familiar dahil I'm gonna work here, maybe tomorrow! As we go by, napadaan kami sa ERT. Emergency Room and Trauma Center. I was a little shocked dahil madaming pasyente. Well, unlike sa Manila na sobrang dami. Pero doon naman maraming nurses and doctors that will assist you. Eh, dito? Wala gaano. "That's why I hate Emergency rooms." ani Marlon. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Well, it is my favorite room." sagot ko sakaniya. Pareho naming tinitigan ang mga pasyente na inaasikaso ng mga aligaga nang nurses at ER doctors. Nang biglang may dumating na tatlong magkakasunod na pasyente na bali ang mga paa at nagsisilabasan na ang mga buto. Grabe ang tagas ng dugo. I saw how doctors and nurses widened their eyes. Maski nung napalingon ako kay Marlon ng marinig siyang magsalita. "What the f*ck! Let's go. It's gross here!" aniya. Umiling ako. Kinuha ng ibang doctor ang may pinakamalalang tama sakanilang tatlo. Sinunod naman ang iba pa. Pero hindi iyon ang pumukaw ng atensyon ko. Isang matandang lalaki na namimilipit na naman sa sakit. It sounds familiar, parang may pasyente na ako na nagkaganito. Iniwan ko si Marlon at pinuntahan ang lalaking 'yon na may katabing dalawang nurse. Yung isang nurse, chinicheck lang yung flow ng dextrose tapos yung isa iniinterview siya. Nauna lang siya ng kaunti doon sa mga nabalian pero kanina ko pa napapansin na namumutla na siya at namimilipit. "What's his problem?" tanong ko sa nurse na nag-iinterview sakaniya. Nag-angat ng tingin ang nurse at sinurusi ako na para bang kinukwestyon ang pangengealam ko. "Ma'am pwede pong antayin nalang po nati-" I immediately cut her. Nakatingin lang ang isang nurse saakin. "I said what is his problem!" naiinis kong sabi. Hindi ako sinasagot ng mga nurse kaya dahan-dahan kong pinasandal ang lalaki sa higaan niya na medyo mataas naman. Dali-dali kong kinapa ang upper part ng kaniyang tyan. From left to right. "Sir, sabihin niyo lang po kung masakit ha?" Idiniin ko ang upper left, dumaing siya ng kaunti pero nung pagluwag ko nawala din agad. Sinunod ko ang middle, napahiyaw sa sakit ang matandang lalaki. "Masakit po..." aniya. Triny kong diinan ang right side pero kagaya ng left din ang reaksyon niya. Tinignan kong muli ang dalawang nurse na nakatunganga. "Bakit hindi niyo siya inaasikaso!" naiinis kong sabi sakanila. "Ma'am... Sino po ba kayo?" medyo naguguluhang tanong ng nurse na isa. Naiinis na ako. "I'm a doctor! Talagang nagawa niyo pang tanungin ako sa ganitong lagay ng pasyente ha?" sinermonan ko na ang dalawa. Agad itong napayuko at tila nakaramdam ng hiya. Habang patuloy padin ang hiyaw ng matanda. "Anong test ang nagawa niyo sakaniya?" "ECG palang po. Sabi niya medyo makirot daw po yung simula sa dibdib niya tap-" Hindi ko na pinatapos ang nurse. "Where's his doctor?" "Umalis po. Abdominal Pain lang na-" I cut her again. Napabalik ulit yung tingin ko sa lalaking namimilipit na. "Sir. Wait lang ha? Gagawan ka nila ng mga test." sabi ko sa lalaki. Tumango naman ito. "Hand me the ECG result." sabi ko sa nurse na isa. Agad niyang inabot ang resulta saakin. Maayos naman ang rate at beat ng heart niya. Nothing to worry about, maybe it is an ulcer. "Okay, ganito ang gawin niyo. Find him a doctor. Test him with Endoscopy, X-ray his upper digestive system then Breathe test for H. pylori." sabi ko sa dalawang nurse na na andoon. Nagtanguan naman yung dalawa. Agad silang kumilos at hinila ang kama ng pasyente. Hindi pwedeng patagalin pa 'yon dahil napainom na siya ng mga gamot but then, di padin alam kung ano talaga? It may lead to Sepsis. "Are you done?" Napatingin akp sa pinamulan ng boses na 'yon. Laking gulat kong andito nga pala si Marlon. "A-Andito ka pa?" aniya. He shrugged his shoulder."Yup. Bakit alam mo ba pauwi?" tanong niya saakin. Umiling nalang ako. "Nakakapagtampo ka, Agatha. Ganoon ka pala kapag may pasyente, nang-iiwan." Natawa ako ng bahagya at hinarap siya. Nagdrama pa ang gago! "Don't be so dramatic, Marlon. Let's go home!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD