KABANATA 6: AKSIDENTE NG NAKARAAN

1362 Words
Ligtas kaming nakauwi ni Marlon. Medyo nakakahiya nga lang na hindi siya nakapasok sa trabaho para lang samahan ako at ipasok sa hospital ng Isla. Kasalukuyan akong nasa garden at nililibang ang aking sarili. Hindi pa din ako pwedeng maging surgeon kasi sa ER pa din ako inassign ni mama. I don't know pero okay na din naman sa akin. ER doctor man o maging surgeon ay okay sa akin as long as nakakatulong ako sa nangangailanga. Inikot ko ang aking mata sa mga nagagandahang gumamela dito. Natigilan ako ng biglang may naaninag akong nagbubungkal ng lupa mula sa malayo. Rinig na rinig ko ang tunog ng pala kapag natama ito sa lupa. So dahil na-curious ako, tinignan ko kung anong meron doon. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang mga lalaki na busying busy sa pagbubungkal. Ano naman kayang meron doon? Hindi siya nag-iisa, marami sila at halos mga 15 ata na lalaki at limang mga babae. Gusto ko pang lumapit doon para makita at malaman kung ano yung ginagawa nila roon pero bago ka makarating doon ay kailangan ko munang akyatin ang bakod. May bakod kasi para makatawid ka sa kabila, luminga-linga ako at nagbabaka-sakaling makahanap pa ng ibang daan pero wala na akong makita na ibang way maliban sa pagtawid sa bakod. Napatingin ako sa ayos ko, tama lang naman. I wore jogging pants and fitted shirt. Karaniwan kong ayos kapag nasa bahay lang.  Walang pasabi kong tinawid ang bakod. Hindi naman siguro ako trespassing dahil paniguradong pag-aari pa din itong sakahan na ito ng mga Dela Vega. Kung hindi? Bakit naandoon si Colton diba? Ligtas at maayos akong nakatawid sa kabilang bakod. Tuwang-tuwa ako nung makita ko ang malawak at malaking sakahan na. Umayon pa ang kulay ng mga bundok sa dulo pati ang kulay dagat na langit. Perfect! Kaso may nakalimutan ako―nakalimutan ko yung phone ko! Shemay! Mabilis akong naglakad at dali-dali akong lumapit sa mga babae na nasa kubo na di kalayuan sa mga lalaking nagbubungkal. Halos lahat sila ay nakatingin sa mga lalaki na nagbubungkal. Laking gulat nila ng makita at mapansin ako. “M-Ma'am! A-Ano pong ginagawa niyo dito?” kabadong sabi nung isang babae. “U-Uh. Wandering?” sagot ko. Napakunot ang mga noo nila na tila ba hindi ako naiintindihan. “Naglilibot, I mean.” Sabay sabay silang nagsitanguan. “A-Ah! Ganun po ba ma'am. Sige po at pumasok kayo sa loob ng kubo ho, medyo tirik pa ang araw at papalubog pa lamang ho.” Gaya nga ng sabi niya mabilis akong pumasok sa loob. Nakita ko na nakangiti silang lahat ng pumasok ako. Binati pa nga nila ako eh. Naupo ako sa tabi nila at tinignan ang mga lalaki. dahil curiosity brings me here, nagtanong na ako sa kanila kung anong ginagawa nung mga kalalakihan na kinabibilangan ni Colton. “What is he doing here?” tanong ko sa mga babae. Bahala na sila kung sino ang sasagot. “Ay ma'am, si sir Colton po ba?” tanong nung isang babae na naglakad papunta saakin at inabutan ako ng isang boteng tubig. “Salamat po. Yes po, si Colton po.” “Ay kasi tuwing martes ho kasi ay nagpupunta dito si sir sa gilid ng sakahan para magtanim ng puno.” Aniya. Napataas naman ang kilay ko. “Bakit naman?” Natahimik ang mga babaeng ito. Tila ba nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong kong bakit. Pero sa huli, yung babaeng kanina pa kumakausap saakin ang sumagot. “Ang usap-usapan dito ma'am. Martes daw po namatay si ma'am Monique, yung first love at girlfriend ni sir Colton. Yung nalaglag po sa hagdan sa mansyon.” Natigilan ako bigla. Monique! Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magsalita at magtanong gayong nabanggit na nila si Monique. Parang bumalik tuloy sa akin lahat ang nangyaring iyon. “You are Agatha, right?” dahan-dahan niyang tanong saakin.  Tumango naman ako bilang sagot. Kakalabas ko lang mula sa kwarto ng makita ko siya na nakatayo malapit sa may hagdanan. “At ikaw yung babaeng malapit kay Colton?” Tumango ulit ako. Si Colton lang kasi ang lagi kong nakikita dito sa mansyon nila. Yung iba niyang pinsan nasa iba't ibang bansa. Isa pa, tuwing bakasyon laging andito kami sa isla kasi si papa ang doctor ni Don Samuel. Dadaan na sana ako nung hawakan ni Monique ang braso ko. “Saan ka pupunta?” “Sa baba. I'm hungry, I need to eat. Tao ako kagaya mo kaya kapag nagutom kumakain unless di ka kumakain kapag gutom ka.” pabara kong sagot. She's getting my nerves! Ayoko siyang patulan dahil hindi ako cheap. Ilanga raw na din kasi akong hinaharang ng babaeng ito. Hindi ko alam kung anong gusto niya. Agad kong inalis ang mga kamay niya sa braso ko. Mabuti nalang at mabilis ko iyong natanggal dahil hindi mahaba ang pasensya ko sa mga taong ganito kakitid ang ugali. Namula ang mukha nito at akmang sasampalin na niya ako ng mahawakan ko ang palapulsuhan niya. Nahuli ko ang kamay niya sa ere. “You b***h! Let go of my hand!” Dahil sa ayaw ko na gumawa ng isang eskandalo dito ay binitawan ko ang palapulsuhan niya. “I know everything, you poor girl! Naandito ka tuwing vacation para akitin at agawin sa akin si Colton diba?” matalas niyang sabi. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napangisi nalang ako at umiling. “I'm not that stupid and desperate b***h. Oo, I like Colton pero hindi ako obsessed unlike you!” naiinis ko nang sabi sa kaniya. “Kung gusto mo sa iyo na siya. Andito lang ako dahil sa mga magulang ko, naiintindihan mo ba?” Mas lalo siyang nagalit at nag-attempt na naman na sampalin ako ngunit nahawakan ko ulit ang palapulsuhan niya. “Don't try to slap me again. Hindi ako tanga at boba para magpasampal sa isang estupidang kagaya mo!” Binitawan ko ang kamay niya at tinalikuran siya. Hahakbang na sana ako ng isang baitang pababa ng bigla niyang hablutin ang buhok ko. “A-Aray!” Napalakas ang daing ko. Ang sakit talaga! Hawak niya ang pinakababa sa anit ko. Sa may batok ko banda, halatang-halata na sanay siya sa pakikipag-sabunutan. “Bitiwan mo ko!” “No!” singhal niya. Wala na akong nagawa kung hindi patulan siya. I use my free hand which is my right hand. Yung isa kasi naka-alalay sa buhok ko to lessen the pain. Hinawakan ko din ang buhok niya at nagsabunutan kami sa may tuktok ng hagdan. “Help me! H-Help me please...” sigaw ko sa kawalan ng mga pintuang nakasara. Kailangan ko ng tulong dahil baka malaglag ako sa napakahabang hagdan nila. Paniguradong hindi lang concussion ang aabutin ko kapag nagkataon na mahulog ako. Kaya sumigaw ako ng sumigaw. “Help me! Please!!!” “No one will help you here. Lahat sila umalis. Your mom! Your dad! Donya, Don at iba pa.” aniya. Baka andito si Colton! Baka andito siya. “Colton! Help!” I shouted. Very loud. Nagulat ako ng sampalin ako ni Monique. Nabitawan niya ako kaya naman nagkataon ako para umakyat sa isang baitang para hindi ako malaglag. “How dare you to call my boyfriend! You fvcking b***h!” Akmang susugurin niya ulit ako ng umiwas ako sakaniya. “A-Ahhhhhhhh—” Natigilan ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I saw Monique, lying on the flat surface of this staircase. Mga ilang segundo lang 'yon. Agad akong bumaba at dinaluhan siya. I panicked when I saw her showering her own blood came from her head. I check her pulse and I couldn't hear beats. I'm only in my first year in medicine that's why hindi ko pa alam ang gagawin ko but I know how to do CPR. I pushed her chest, the middle part. Faster as I can. 30 pushes in 18 seconds but still, wala ng tumitibok sakaniya. I am about to shout for help when I saw someone staring at me. Looking at the scenario. His bloodshot eyes are intensely looking at me. “C-Colton?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD