Chapter 21
Trisha’s PoV
“Childhood crush mo ‘ko ‘di ba? Bakit? Ano bang nagustuhan mo sa’kin. Trish?”
Totoong childhood crush ko si Raven, tama ang sinabi niya at hindi ko ‘yon mai-dedeny. At hanggang ngayon siya pa rin ang crush ko. Siya lang ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Wala nang iba. Siya lang ang lalaking nag paramdam sa akin ng tunay na malasakit.
“Mahalaga pa ba ‘yun? Bakit kailangan mo pa malaman? Hindi naman ako si Zebbie. Hindi naman ako ang gusto mong—”
“Trish,” sabat niya at biglang nag salubong ang kanyang kilay. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Ayaw mo bang nababanggit ko si Zeb? Kasi nasasaktan ka pa rin. Kasi siya pa rin ang mahal mo–”
“Trish!” Muli niyang pinutol ang sasabihin ko. Ngayon ay sa tonong tensyonado. Mariin na tila nagbababala.
Hindi naman ako nagpatinag sa titig niyang matalim. “Totoo naman–”
Gusto niya na akong bulyawan pero mas pinili niyang maging kalmado at humugot ng malalim na pag hinga. “Trish, yes, ayaw kong nababanggit mo ang babaeng ‘yun. Hindi dahil sa nasasaktan ako dahil mahal ko pa siya. It’s the opposite. Naiinis ako kasi wala na nga siya ‘di ba? Hindi naman ako masokista at martir para saktan ang sarili ko ng paulit ulit dahil lang sa babaeng hindi ako mahal. Hindi ako pinapahalagahan. Walang respeto sa pinag pagalan ko. Kaya bakit mo pa siya bini-bring up?”
Wala na tuloy akong maisagot. Ramdam ko na kasi ang pagka pikon niya pag si Zebbie na ang usapan. Pinilit niyang kumalma at bahagyang ngumiti dahil naging tensyonado na ang paligid.
“Trish, mahalaga ‘yun sa akin.” Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatanong sa mesa. Babawiin ko sana dahil hindi ako sanay na dumadampi ang balat niya sa balat ko. Para kasing may kuryente na dumadaloy na bigla na lang gugulat sa akin. Pero mas nangingibabaw ang pag nanais na mahawakan niya rin ang kamay ko, gaya ng matagal ko nang inaasam.
At ano daw ang mahalaga? Ano na nga bang pnag-uusapan namin? Saglit kasi akong nawawala sa wisyo kapag kausap ko siya at tinititigan ako ng mga mata niyang sa malayo ko lang pinagmamasdan.
“Trish, gusto ko rin makaramdam ng kilig. Yun bang may magsasabi sa akin kung gaano ka-cute ang ngiti ko, na mahalaga ang presensya ko. Something like that. It may sound petty and shallow pero, kahit iyon hindi kayang ibigay ni Zebbie dahil hindi naman niya ako mahal. I just want to love and be loved in return. Na hindi pinipilit, na hindi nababayaran.”
Napangiti na lang ako. Nauunawaan ko siya. Napakabait ni Raven. Masipag, matalino, mapagmahal, gwapo. Kahit sinong babae, maituturing siyang ideal man. Sa dami ng hirap na pinagdaanan ko, hindi na ako umasa na mapapabuti pa ang buhay ko. Hindi na ako umasa na babalik pa ang nanay ko, na magbabago pa ang tatay ko. Wala na akong inaasahan para sa kinabukasan. Pero isa lang ang hiniling ko— si Raven.
Kaya ganun na lang kasakit na hindi siya pinahalagahan ni Zebbie. Ang lalaking tinuring kong ginto ay tinrato lamang niyang parang isang basura.
FLASHBACK. . .
Kapitbahay namin ang pamilya ni Raven. Isa ang pamilya nila sa kinaiinggitan ko. Hindi naman sila mayaman, tricycle driver ang tatay niya habang ang nanay niya na si Aling Alma ay labandera pero masaya silang pamilya. Mabait si Mang Nelson, ang tatay ni Raven. Para ko na nga siyang tatay. Isang responsableng haligi ng tahanan. Malayong malayo sa tatay ko. Ni wala sa kalingkingan. Siguro… siguro lang naman, paglaki ni Raven ay magiging tulad din siya ng ama niya. Iyon ang nakikita kong magiging siya sa aming pagtanda.
Oo, si Raven talaga ang lalaking pinapangarap ko. Dahil sa tatay ko, kinamumuhian ko na ang mga lalaki. Bata pa lang ako ay ipinangako ko na sa aking sarili na hinding hindi ako kailanman iibig dahil ang mga lalaki ay pare pareho lang. Hindi sila nakukuntento. Ibigay mo man ang lahat pati ang puso't kaluluwa, kailan man, hindi pa rin magiging sapat dahil sila ay mapaghangad. Walang katapusang paghahangad. Hindi na baleng mag isa habambuhay kaysa mamuhay sa miserableng buhay. Itinatak ko na ito sa aking puso at isipan.
Not until Raven came to make me realize, hindi lahat ng lalaki ay masama. Hindi lahat babaero. Hindi lahat ay mapanakit. Meron pa ring tapat at mapagmahal.
Bata pa lang kami, nakita ko na sa kanya ang mga katangian na hinihiling ko na sana ay meron sa tatay ko.
Isang umaga, kay aga agang nagbubunganga ang tyahin ko. Paalis na ako ng bahay para pumasok nang bigla na naman niyang pinagbuntunan ako ng pagka bad trip. Natalo kasi siya sa tong its at lagot siya sa tiyuhin ko dahil pinatalo niya ang pang kain namin sa dalawang araw. Kaya hindi na ako umasa na pababaunan niya pa ako.
Dali dali na lang akong lumabas ng bahay para makatakas na sa pag bubunganga ni Tita. Naghihintay na si Mang Nelson at Raven sa tricycle. Mabuti na nga lang at sinasabay na nila ako papuntang paaralan kundi ay maglalakad ako sa ilalim ng init ng araw o kaya ay ulan.
Bago ako pumasok ko sa tricycle, pilit ko munang hinanda ang huwad kong ngiti.
“Musta na anak? May baln ka ba? Ang agang mag ingay ng Tita Chona mo, paniguradong talo na naman sa tong its,” bati ni Mang Nelson at ngumiti na lang ako. Kahit papaano ay napawi niya ang masamang umaga ko. Ang sarap talaga sa pandinig ang salitang “anak”.
“Dito ka sa kabila Trish. Mas safe dito,” sabi ni Raven na umusog sa gilid ng upuan at inalok ang pwesto malapit sa driver. Iyon agad ang bungad ni Raven sa akin.
Pag tingin ko sa kanya, ang mga mata niya ay nakangiti. Ang cute ni Raven. Para siyang. . .
Angel.
Oo, isa talaga siyang angel. Hindi lang dahil sa cute niyang mukha kundi dahil sa busilak niyang puso. Binigay niya sa akin ang baon niyang sampung piso dahil binaunan naman daw siya ni Aling Alma ng kanin at hotdog.
Hanggang sa recess namin ay tinabihan niya ako sa upuan. Pagkatapos ay binigay ang isang hotdog.
“O, sa'yo na’tong isa. Dalawa naman pinabaon ni Nanay,” sabi niya at inalok ang hotdog na nakatusok sa tinidor. Habang nagsasalita siya, sa mga mata niya ako nakatingin. Parang huminto ang oras. Parang lumabo ang paningin ko. Iyon pala ay nagbabadya nang bumagsak ang mga luha ko.
Bago pa tumulo ang luha ko ay agad kong kinuha ang tinidor mula sa kanyang kamay at sinimulang kainin dahan dahan ang hotdog. Gusto kong maawa sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay sobrang hirap ko, daig ko pa ang pulubi. Pero iba si Raven, hindi ganoon ang tingin niya sa akin. Sadyang genuine care ang pinapakita niya dahil isa siyang mabuting tao.
Wala pang nagmalasakit sa akin ng gaya nito. Kung mayroon man, mga nakakatanda pero ang tulad namin ni Raven na bata ay wala pa. Wala kasi akong kaibigan. Walang gustong kumaibigan sa isang tulad ko.
Tahimik lang daw kasi ako at hindi masayang kausap. Walang interesante sa akin. Oo nga. Wala nga.
Si Raven lang. Si Raven lang ang tinuring akong normal na bata. Simula noon, siya lang ang naging crush ko hanggang sa tumuntong na kami ng high school.
Hanggang sa nag-kolehiyo at sa isang hindi inaasahang pagkakataon, may nangyari sa amin.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .