“NAGLILIHIM ka na sa `kin ngayon.” Tinawanan ni Anne ang sinabi ni Nigel. Patungo sila sa silid na kanyang ookupahin. “Ayaw na kitang abalahin pa masyado. You were out of the country. Alam kong marami ka ring ginagawa at iniisip. Naisip ko rin na baka kusang mawala ang writer’s block na nararanasan ko. Hindi ko inisip na lalala ito. I was starting to worry when you invited me to come here. Matagal na akong nakakulong sa bahay ko. Baka ibang kapaligiran ang kailangan ko para makapagsulat uli.” Binuksan ng binata ang isang malaking pinto. Ang akala ni Anne ay silid na iyon ngunit nagkamali siya. Isang mahabang hallway ang bumungad sa kanya. Inakala niyang lalabas muna sila at hindi pa magtutungo sa kanyang silid. Hinawakan ni Nigel ang kanyang kamay habang naglalakad sila sa colonnaded h

