NAMANGHA agad si Anne pagpasok pa lang niya sa loob ng magandang villa. Inasahan na niyang maganda at magara ang interior niyon, ngunit hindi niya inasahan na ganoon kaganda. She loved the interior of the house. Marami na rin siyang nakitang magagandang bahay ngunit iba ang Villa Cattleya. Being inside the villa brought her a warm, homey feeling. Mga pakiramdam na hindi niya nararamdaman sa ibang bahay.
She even felt like she belonged there.
Namamangha pa rin na naglakad si Anne sa grand foyer ng villa. Pagtingala niya ay napangiti siya sa mga floral painting sa vaulted ceiling. The floor was marble with brass and wood inlay. The walls had wood paneling and gold leaf accents. Ilang hakbang mula sa front door, naroon ang isang Empire-style center table. The glass table had a base of winged lions with ball-and-claw feet. Sa ibabaw ng center table ay isang malaking vase na punong-puno ng sariwang orchids na iba-iba ang kulay. Sa tapat ng orchids ay isang magandang crystal chandelier.
Inakay siya ni Nigel patungo sa living room. Nagpaalam sa kanila ang mama ng binata na magtutungo muna sa kusina upang alamin kung ano ang inihandang tanghalian ng kusinera.
Namamanghang nilapitan ni Anne ang napakalaking larawan sa itaas ng isang grand brown and gold console table. It was a wedding portrait. The frame was intricately carved and made of gold. Sa ibabaw ng console table ay mga mamahaling figurine ng mga bulaklak—orchids in particular. Ang nakakamangha roon ay hindi ang ganda ng console table o ng mga figurine kahit na gawa sa ginto ang frame ng portrait. mas namangha siya sa larawan mismo.
Simple lang ang larawan. Ang damit-pangkasal na suot ng mag-asawa ay simple lang din. Walang mababakas na kagarbohan sa larawan mismo. Malinaw niyang nakikita ang pag-ibig sa mga mata ng dalawa. Matamis ang ngiti ng mga ito at nagniningning ang mga mata.
“That’s Tatay and Mama,” ani Nigel sa kanya na sinamahan siya sa pagtingin sa malaking wedding portrait.
Napakaganda ng ina ni Nigel noong kabataan. Hindi kamukha ni Nigel ang ama nito, ngunit may angking kaguwapuhan din ang lalaking nasa larawan.
“You have a wonderful home, Nigel. Gusto ko na talagang magsisi kung bakit ngayon lang ako pumayag na sumama sa `yo rito,” ani Anne habang hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa portrait.
“Hindi mo pa nakikita ang lahat. I’ve always been very proud of my home. Hindi dahil magara at maganda rito, kundi dahil dito ang tahanan ko. Mula noong bata pa lang ako, madalas nang ikinukuwento sa `kin ni Mama at ng mga kapatid ko kung paano nabuo ang villa na ito. Tatay worked so hard. Hindi siya nagmula sa mayamang pamilya. Isang simpleng magsasaka lang siya. Kaya nga simple lang ang wedding portrait nila ni Mama. Iisang kopya nga lang ang larawang iyan dati. Nang magkapera si Tatay, umupa siya ng magaling na pintor at nagpagawa ng magandang frame na yari sa ginto. He commissioned a well-known furniture maker to do this console table. Gusto niyang may paglalagyan ng mga bulaklak na ibinibigay niya kay Mama. When he started traveling, he bought expensive figurines of orchids para daw hindi na malalanta ang mga bulaklak.”
Napatingin siya kay Nigel. He obviously loved his parents very much. Umaapaw ang pagsuyo sa tinig at mga mata ng binata. “They must’ve loved each other very much.”
“Yes,” tugon nito. “Kahit na wala na ang tatay, mahal na mahal pa rin siya ni Mama. Araw-araw, nagtutungo siya sa puntod ni Tatay. Great love. Nang dahil sa kanila, alam ko kung ano ang totoong ibig sabihin n’on.”
“Great love,” usal ni Anne nang ibalik niya ang tingin sa larawan. Kung mananatili ba siya roon, malalaman din ba niya kung ano ang ibig sabihin niyon? Kung aalamin niya ang kuwento ng mga magulang ni Nigel, babalik ba ang kanyang drive sa pagsusulat ng romance? Kapag nalaman na niya ang totoong kahulugan ng “great love,” makakabuo na ba uli siya ng isang magandang kuwento ng pag-ibig?
NAKILALA ni Anne ang isa pang pamangkin ni Nigel na si Eduardo. Galing pa raw ito sa bukirin. Hindi raw sila nabati ni Eduardo kanina sa bukid nang sunduin nila ang lola nito dahil abala ang binata sa pakikipag-usap sa mga magsasaka. Hindi kamukha ni Nigel si Eduardo ngunit parehong malakas ang s*x appeal ng dalawa. Eduardo also had a sexy smile. Lalaking-lalaki ang hitsura. Matangkad, matipuno, at kayumanggi ang kulay ng balat. Hindi alam ni Anne kung dahil iyon sa pagkabilad nito sa araw sa bukid o talagang natural na kulay iyon.
Hindi niya akalain na may ganito kaguwapong pamangkin si Nigel. Maaari itong maging bida sa isang nobela.
Tumikhim nang malakas si Nigel. “Anne, stop looking at Eduardo.”
Napatingin siya sa kaibigan. Muntik na siyang matawa sa ekspresyon ng mukha ni Nigel. Kunot na kunot ang noo nito at maasim ang mukha.
Natawa nang malakas si Eduardo. “Aminin mo na, Uncle, mas guwapo talaga ako sa `yo.”
“Hah,” mayabang na tugon ni Nigel sa pamangkin. “Marami ka pang kakaining bigas, Dudes. Lamang na lamang pa rin ang kaguwapuhan ko sa `yo.” Mas nangibabaw na ang pagbibiro sa tinig nito.
Natawa nang marahan si Anne. These men looked so cute. Napatingin sa kanya si Nigel at napangiti nang masuyo. Nagniningning ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.
“Pagbigyan mo na si Uncle, Kuya Eduardo,” ani Glanys sa magaan na tinig. “Matanda na `yan kaya hayaan mo nang mas maging guwapo siya sa ngayon. Magbigay-galang ka sa nakatatanda,” tudyo nito habang nakatingin sa uncle nito.
Lalong natawa si Anne nang muling umasim ang mukha ni Nigel.
“Kayo, por que malalaki na kayo, ginaganyan n’yo na `ko,” ani Nigel na tila nagtatampo.
“Matanda ka na talaga, Uncle,” tukso pa ni Eduardo. “Mag-asawa ka na kasi.” Napatingin ito sa kanya at saka siya kinindatan. “Mabait itong uncle namin. Hindi ka magsisisi.”
Nag-init ang mukha ni Anne. Bakit ba may impresyon ang mga kapamilya ni Nigel na siya na ang babaeng pakakasalan nito? Hindi lang naman siya ang babaeng dinala nito roon. Dinala rin nito roon ang kanyang Ate Molly noong nabubuhay pa ang kanyang kapatid. Hindi siya maniniwala kung sasabihin ng mga ito na walang iniuwing girlfriend ang kanyang kaibigan sa mga nakalipas na taon.
“Handa na po ang hapag,” anang isang kawaksi na lumapit sa kanila.
Inakay siya ni Nigel patungo sa dining area. Dalawa ang dining area sa villa. Ang isa ay malaki at magara. It had an elegant fourteen-seater dining set. From the coffered ceiling hung a large, elegant crystal chandelier. Gusto niya ang detalye ng china cabinet sa isang panig ng silid. There was also a French sliding door done in stained glass. Mula roon ay makikita ang maraming halamang namumulaklak.
Hindi sila roon kakain dahil lima lang sila. Mas nais ng ina ni Nigel na magsalo sila sa tanghalian sa isa pang dining room na mas maliit kompara sa naunang dining room. Five-seater lang ang wooden round table.
Naroon na ang ina ni Nigel at nakaupo sa harap ng hapag. Inalalayan siyang maupo ni Nigel sa upuang katabi ng ina nito. Inikot ni Anne ang kanyang paningin sa loob ng dining room. Hindi iyon kasinggara ng malaking dining room ngunit maganda rin ang interior doon. There was a mini-chandelier above them. The walls were covered with floral wallpaper. Kahit ang mga kurtina ay may floral detail.
“Gaano kayo katagal na mananatili rito?” kaswal na tanong sa kanila ng ina ni Nigel habang kumakain sila. Masarap ang mga putahe na nakahain.
“Mga two weeks po siguro,” tugon ni Nigel.
Napabuntong-hininga ang matanda. “Hindi ba kayo puwedeng magtagal ng mahigit sa dalawang linggo? Lubos-lubusin n’yo na ang bakasyon n’yo. Kauuwi mo lang galing ng ibang bansa, Nigel.”
“I’d love to, Mama. Kaya lang po ay kailangan ko ring balikan ang ilang mga trabaho ko sa studio at gallery. Baka rin po may deadline si Anne sa publisher niya sa New York. Hindi naman po kasi ito sanay na nagsusulat sa ibang lugar. Huwag po kayong mag-alala, uuwi naman ako every weekend.”
“Bakit ba pag-alis kaagad ang pinag-uusapan natin?” tanong ni Eduardo. “Kararating lang po nila, Lola.”
“I’m just asking, apo,” anang matandang babae. “Bihirang magdala ng bisita rito ang uncle mo. Gusto kong ma-enjoy at masulit ni Anne ang bakasyon niya.” Nginitian nito nang masuyo si Anne.
Gumanti siya ng ngiti sa matandang babae. “Sigurado pong mag-e-enjoy ako rito. You have a very beautiful place, Ma’am. Hindi pa man po ako nakakapaglibot nang husto, gustong-gusto ko na po rito.”
Her smile widened. “Baka hindi mo na gustuhing umalis kapag nalibot mo na ang mga lugar na nakapaligid sa Villa Cattleya. And please do call me ‘Mama Ancia.’ Kahit ang mga tauhan namin ay hindi ako tinatawag na ‘Ma’am.’”
Muntik nang masamid si Anne. “P-po?”
“Huwag ka nang mailang sa `kin. Ang mga espesyal na kaibigan ng mga anak at apo ko ay ganoon din ang tawag sa `kin.”
Uminom muna siya ng tubig. Hindi maipa-liwanag ni Anne ang eksaktong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Nahihiya siya na naiilang. May maliit na parte rin sa kanya na maligaya dahil gusto siya ng ina ni Nigel. Matagal na rin ang panahon mula nang may tinawag siyang “Mama.” “Maraming salamat po, M-Mama Ancia. Salamat po sa pagtanggap n’yo sa `kin dito. Truth is, I really need this vacation. I need to find my inspiration again. Ilang linggo na akong walang maisulat. Walang ideya na pumapasok sa isip ko kahit na ano ang gawin ko. Sana ay makatulong ang bakasyon na ito.” Hindi siya normally nagsasabi ng mga ganoong bagay sa ibang tao. Hindi pa nga siya umaamin kay Nigel. There was just something about Mama Ancia that she found comforting and calming. Tila masasabi niya sa matandang babae ang mga bagay-bagay kahit na hindi ito gaanong magiliw sa kanya. She radiated strength and positivity. Tila nais ni Anne na mahawa ng katatagan at positivity ni Mama Ancia. Tila may nagsasabi sa kanya na kaya niyang lampasan ang lahat ng kanyang mga pinagdaraanan sa kasalukuyan.
“Hindi mo sinabi sa `kin ang bagay na `yan,” ani Nigel. May bahid ng akusasyon sa tinig ng binata. Alalang-alala ang ekspresyon ng mukha nito. Puno ng concern ang mga mata. Alam ni Nigel na iyon ang unang beses na nangyari sa kanya ang bagay na iyon.
Nginitian niya ng kaibigan. “I’m gonna tell you eventually.”
“Is it serious?”
“I guess not. Kailangan ko lang marahil ng pahinga at sariwang hangin. Don’t worry, I’m feeling good.” Totoo naman ang bagay na iyon. Magaganda ang nakikita ni Anne at pakiramdam niya ay nanunumbalik na ang kanyang inspirasyon.
Hinawakan ni Nigel ang kanyang kamay. “Just relax and don’t think too much about it. Enjoy the place. We’ll have so much fun together.”
“I’ll bet you’ll have so much fun with her,” tudyo ni Eduardo sa tiyuhin.
Glanys giggled softly.
“Puno ng pag-ibig sa lugar na ito, hija,” ani Mama Ancia. “Hindi ka mauubusan ng isusulat. Stay here until you finish a book. I won’t mind.”
“Thank you po,” she gratefully said.
For some reason, tears stung her eyes. She didn’t know why but she felt like she belonged with this family. Karaniwan nang nakakaramdam ng inggit si Anne tuwing nasa ganoon siyang sitwasyon. She would feel so alone, so left out. But with Nigel’s family, it was different. She felt like she was part of the family.