2

1183 Words
“THESE are all for me?” tanong ni Anne kay Nigel habang hinahalukay ang laman ng mga paper bag na nakapatong sa coffee table. There were shoes, clothes, and bags from expensive labels. Alam din ni Anne na ang ilan sa mga iyon ay wala pa sa Pilipinas. Those were new collections from famous fashion designers. “Yes, all of these are for you,” tugon ni Nigel nang tabihan siya sa sofa. Inabot ng binata ang isang kahon na naglalaman ng isang pares ng magandang sapatos. “You shouldn’t have,” ani Anne habang itinatabi ang mga iyon. “Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ito. Hindi nga ako madalas na lumalabas ng bahay. Hindi ko pa nagagamit `yong mga ibinigay mo sa `kin dati.” “I got most of these for free. Wala naman akong pagbibigyan ng mga ito.” Inabot ni Nigel ang kanyang isang paa at ipinatong sa binti ng binata. Isinuot nito ang sapatos na hawak sa kanyang paa. Sukat na sukat iyon at magandang tingnan sa kanyang mga paa. Being a fashion photographer had its benefits. Pero hindi pa rin naniniwala si Anne na karamihan sa mga iyon ay bigay. Sa palagay niya ay ipinag-shopping talaga siya ni Nigel. Ugali na iyon ng binata tuwing aalis ito ng bansa o simpleng out of town lang. Hindi maaaring hindi siya bilhan ng maraming pasalubong ni Nigel. Kinurot ni Nigel ang kanyang pisngi. “Bakit hindi ka na lang magpasalamat?” “Thank you. Nakauwi ka na ba sa Mahiwaga?” Umiling ang binata. “Hindi pa alam ni Mama na narito na uli ako sa `Pinas. I plan to surprise her. Makikipagkita pa ako sa mga kapatid ko bago ako umuwi.” Nakita uli ni Anne ang kakaibang suyo sa mga mata ni Nigel habang nagsasalita tungkol sa pamilya nito. Ayon sa binata, sa Mahiwaga na ito lumaki. It was a six-hour drive from the Metro. Hindi pa nakakarating sa lugar na iyon si Anne. Iyon daw ang pinakamagandang lugar sa buong Pilipinas. Ayon sa kuwento ng kanyang ate noong nabubuhay pa ito, pag-aari ng pamilya ni Nigel ang halos lahat ng lupain sa Mahiwaga. Malawak ang taniman ng pamilya ni Nigel. Ang villa raw ay tila isang palasyo sa gitna ng kakahuyan. The place was breathtakingly beautiful. Nigel told her that his mother had been trying to preserve the beauty of nature in their place. Kahit na naglipana na ang high-tech na kagamitan ngayon, mas nais daw ng ina nito ang makalumang pamamaraan ng pamumuhay. Sa tagal nilang magkaibigan ni Nigel, hindi pa siya nakakabisita sa lugar ng pamilya ng binata. Maraming beses na siyang niyaya na magbakasyon ni Nigel ngunit palagi siyang tumatanggi. Palaging wala sa timing ang imbitasyon. Madalas na natitiyempuhan nito na abalang-abala siya sa trabaho. Minsan naman ay nakaplano na ang trip niyang mag-isa sa ibang bansa. Nakilala na ni Anne ang ina at mga kapatid ni Nigel. Nailang pa nga siya sa ina nito dahil aristokratang-aristokrata ang dating. Tila napakasuplada ng ina ni Nigel at kaya siyang paiyakin nang matindi kahit na hindi nagsasalita. She was very formal to her when they first met. Inakala ni Anne na tipikal na probinsiyana ang biyuda ngunit nagkamali siya. Hindi rin naman nagtagal ay nawala ang pangingilag niya sa ina ni Nigel. Mukha lang masungit ang biyuda ngunit mabait naman pala. She was the most beautiful woman of her age that she had ever seen. Kahit na matanda na, naroon pa rin ang sophistication at grace sa bawat galaw ng ina ni Nigel. She moved and talked like a queen. She was nearing eighty. Nigel was thirty-five years old. Noong una ay labis siyang nagtaka. His mother could pass for his grandmother. Sa katunayan, halos kaedad lang ni Nigel ang mga panganay na pamangkin. Nigel told her the story of his life. Hindi man siya malapit na malapit sa pamilya ng binata, lubos niyang hinahangaan ang angkan ng mga Castañeda. “Sana, sa mama mo na lang ibinigay ang mga ito,” ani Anne habang iniaabot kay Nigel ang mga bag na ibinigay nito sa kanya. Hindi nito tinanggap ang mga iyon. “Sa `yo talaga ang mga `yan. Mayroon nang para kay Mama.” Hindi na pinilit ni Anne na ibalik sa binata ang mga bigay nito. Hindi rin naman nito tatanggapin ang mga iyon kahit na ipilit niya. Madadagdagan na naman ang mga bagay sa kanyang closet na hindi niya nagagamit. “Did you miss me, Anne?” Napatingin siya kay Nigel. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya mabigyan ng pangalan ang mga damdamin na kanyang nabasa sa mga mata ng binata. “Of course,” kaswal na tugon niya bago tumingin sa ibang direksiyon. Hindi siya makatagal na nakatingin sa mga mata ni Nigel. She was very uncomfortable. Tila matutunaw si Anne na hindi niya maipaliwanag. It had always been like that since the first time she laid eyes on him. Magaling lang marahil siyang magtago ng damdamin dahil napagtatagumpayan niyang maging kaswal. Nigel was a dear friend. He was almost a brother to her already. Ito ang lalaking iniibig ng kanyang nakatatandang kapatid na si Molly. “Gusto mong sumama sa `kin sa Mahiwaga sa susunod na Linggo?” tanong ni Nigel sa kanya mayamaya. Nagbalik na ang palakaibigan at kaswal na tinig ng binata. Napatingin siya kay Nigel. Sandaling pinag-isipan niya ang alok ng binata. Sa uri ng ekspresyon ng mukha nito, tila hindi ito umaasa na sasama siya. Hindi ito masisisi si Anne dahil nakagawian na niyang tumanggi palagi. Nagkibit-balikat siya. “Sure, why not?” Sandali itong nagulat bago napangiti nang maluwang. “Really? Wala nang bawian, Anne. Bakit pumayag ka ngayon? Wala ka bang gagawing trabaho?” “I can always work there. Ang sabi mo, tahimik at maganda roon.” May pagtataka pa rin sa mga mata ni Nigel ngunit nanatili ang ngiti nito. Alam kasi ng binata na hindi siya sanay na nagtatrabaho sa ibang lugar. Kung kinakailangan niyang mag-research sa ibang lugar, research lang ang kanyang ginagawa at hindi siya nagsusulat. Hindi siya magaling sa multitasking. “Hindi ka magsisisi sa pagsama mo sa `kin,” masayang sabi ni Nigel. “Magugustuhan mo roon. Matutuwa si Mama kapag nalaman niyang kasama kita.” Hindi alam ni Anne kung maniniwala siya sa sinabi ni Nigel na magugustuhan ng mama nito ang kanyang pagsama. Bahagya siyang nag-alala sa iisipin ng matandang babae sa pagdadala sa kanya ni Nigel doon. Ni hindi nga niya alam kung naaalala pa siya ng matandang ginang. Pakiramdam kasi niya noon, ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin nakakapag-asawa si Nigel hanggang ngayon. Ilang ulit nang naikuwento ng binata sa kanya na hinihiwalayan nito ang mga naging girlfriend na ayaw ng mama nito. Hindi naman sa mama’s boy ang kaibigan, likas marahil sa lahat ng mga bunso ang palaging pagsunod sa mga magulang. Lihim siyang napabuntong-hininga. Nahiling ni Anne na sana ay mahanap niya ang kanyang inspirasyon sa lugar na iyon. Sana ay manumbalik ang kakayahan niyang makabuo ng magagandang kuwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD