“WOW,” USAL ni Anne pagpasok niya sa loob ng library ng Villa Cattleya. Floor to ceiling ang wooden bookshelves. Punong-puno ng mga libro ang shelves. Nagtungo siya roon dahil may kailangan siyang libro. Hindi niya kasama si Nigel dahil kausap nito si Eduardo. Pinasadahan ng tingin ni Anne ang ilang titles ng libro. Marami ang mga classic novel sa shelves. Koleksiyon yata iyon ni Mama Ancia. Nabanggit sa kanya ni Nigel dati na mahilig magbasa ang mama nito. Natigilan siya nang makita ang kanyang mga libro na maayos na nakapatas sa isang shelf. Binilang niya ang mga librong naroon. Naroon lahat ang mga na-publish niyang libro. “Your books are great.” Napalingon si Anne sa pintuan. Hindi niya namalayan na nakapasok na roon si Mama Ancia. Nakangiti ito nang masuyo sa kanya. “Thank you fo

