16

1653 Words

NAG-ENJOY si Anne sa pag-akyat ng bundok. Madalas ang kanilang stopover dahil hindi siya sanay sa mahabang lakaran. Nigel had been very patient and indulgent. Nakaalalay ito palagi sa kanya. Sila lang ang magkasamang umakyat dahil memoryado na raw ng binata ang daan. Tuwing uuwi pala si Nigel ay umaakyat ito sa bundok. Kapag nagpapahinga siya, kumukuha naman ito ng mga larawan. Sa palagay ni Anne, malayo na marahil ang narating ni Nigel kung hindi siya kasama ng binata. Wala naman itong reklamo. Masaya raw ito na magkasama silang dalawa nang mga sandaling iyon. Hindi raw kailangang magmadali. Nais daw ni Nigel na makita niya ang kagandahan ng lugar. Kapag pagod siya, hindi niya gaanong naa-appreciate ang kagandahan ng mga dinadaanan nila. Hapon na nang makarating sila sa tuktok. Nigel s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD