Tumaas ang kilay ko nang makitang parang matutumba na si Marley. Kitang-kita sa kanya ang sobrang pagod at kulang sa tulog.
"Oh. Kaya mo pa?" Hindi siya nagsalita at walang hiyang dumiretso sa couch dito sa office ko at humiga. Nakapikit siya at parang hindi na niya kaya pang imulat ang mga mata.
"I'm so tired. Tangina. Bakit pa kasi ako nagdoctor. Kung sana kumuha na lang ako ng business management, baka ako na ang nakaupo diyan sa upuan mo total ang bobo mo naman pumirma," mahabang lintiya niya. Hindi pa rin siya nagmumulat at panay ang daing at reklamo.
"Ba't parang sinasabi mong kasalanan ko pa?" My forehead creased. This bastard.
Anong pinagsasabi nito. "Aray! Ang sakit ng likod," reklamo niya at dahan-dahang tumingin sa'kin. "Why don't you massage my back para may silbi ka naman."
I rolled my eyes. Grabi rin kapag lumalala ang lalaking ito. Kung ano-anong pinagsasabi. "Oh yeah. Don't be gay. I won't f*****g do that even of it is means my worth."
I moved my chair at stood up. I walked near him and raised my eyebrow. I crossed my arms against my chest and stopped near him. "Ba't parang ginahasa ka ni Dr. Wilson sa itsura mo. What happened?"
He glared at me and showed his middle finger. Umupp siya mula sa pagkakahiga para mapaharap sa akin. "You know what, it's your f*****g fault. That Wilson, puro yabang lang ang alam. He risked the patient's life! Inisip ko nga kung nag-aral ba talaya 'yon ng medisina! Ang bobo niya!"
Reklamo niya at parang inis na inis. Sumandal siya sa couch at dumikwatro pa. "What really happened?"
"I kicked him out from the operation. He almost cut the largest vein of the patient! Imagine, Giff, lahat ng doctor alam na hindi dapat pinuputol ang pinakamalaking ugat ng katawan pero siya?! Tangina."
Kaya naman pala inis na inis at may galit. Sino nga namang tanga ang puputol nu'n. I'm quite disappointed. Akala ko ba magaling sa pagdodoctor ang lalaking 'yon?
Oo nga pala, sa'kin siya laging lumalapit sa tuwing midterms. Pero pati 'yon hindi niya alam?
Tahimik ako at hinayaan siyang magreklamo nang magreklamo. Pero napatigil siya at parang may naisip. He looked at me and glared.
"You. You did it right? You partnered him to me because you know I won't tolerate doctors like him. Ang galing mo rin, 'no. Pasalamat 'yon at mabait pa ako kanina. Pero kasalanan mo pa rin! Pinahihirapan mo ba akong hayop ka?" Dinuro niya at bakas ang sobrang inis sa mukha. Wala naman akong makitang galit sa mukha niya kaya halatang naiinis lang siya dahil sa sobrang napagod.
Well, not my fault. Sino ba naman kasing hindi matulog ng dalawang araw ay opera lang nang opera? Buti na lang at walang girlfriend ang gunggong na ito.
I shrugged and looked at him boredly. "Nah. Gusto ko lang malaman kung anong gagawin mo sa kanya. You're annoyed with him right? Pero oo nga, ang bait mo, Ley," I said sarcastically. Akala ko kung tatanggalin o sisigawan niya si Richard, hindi pala. Dismayado ako actually.
And then he smirked evilly. Sa paraan ng pagkakangisi niya ay parang nadedemonyo siya. "Why the f**k you're smirking?"
"You think I only kicked him out?" His smirk grew wider. Ngayon ay napangisi na rin ako. He's really an evil person, huh. "I humiliated him in the operating room earlier and announced that he was stupid for almost cutting the most important vein. You think that's enough?"
Para tuloy kaming tangang nakangisi. "That's enough for now."
Baka kasi aalis siya kaagad at masisira ang mga plano ko. But that was impossible. Malaki ang pride ni Richard at hindi niya hahayaang siya ang matatalo. Knowing that little dicked-ass.
He suddenly looked serious. "What do you mean for now? You're planning to make him suffer?"
"Yeah. He's a person who did so much to me," wala sa sariling nasabi ko. Kahit nagtataka siya ay hindi na siya nagtanong pa. He knows when to stop and not. That's what I like about him.
He's a respectful person. Magaling din siyang bumasa ng tao kaya kahit papaano ay may silbi rin siya. Not that I'm using him.
I don't use people just for my advantage. Kung ginawa ko 'yon, parang magkatulad na rin kami ng mga taong kinamumuhian ko. I don't want to be like the people I despised.
Hindi ako ganoong tao ay hinding-hindi ako magiging gano'n. Alam ko ang sakit nu'n at ayaw kong makasakit ng taong pinapahalagahan ako. Adrienne is my wife and Ley is my closest friend.
Kahit ganyan 'yan umakto ay maaasahan siyang tao. Kung pwede nga lang sabihin ko na lang sa kanya ang totoo ay hindi pa pwede sa ngayon. Balang araw ay sasabihin ko rin sa kanila ang tunay kong pagkatao.
May tiwala ako sa kanila pero hindi pa ito ang tamang panahon. Tatapusin ko muna ang dapat kong tapusin bago ako magpakilala sa kanila. Hindi naman siguro sila magagalit dahil hindi ako nagsinungaling sa kanila tungkol sa pagkatao ko.
Hindi ko lang sinabi sa kanila ang totoo. Pero may tinatago pa rin ako. Alam kong mabuti silang tao at maiintindihan nila ako.
"Whatever you're planning. Kahit ang tanga mo at bobo ay tutulungan siguro pa rin kita. Pero kung pinaplano mong patayin ang lalaking iyon, kayo na lang ni Beam. Total parang susundin ka pa rin nu'n kahit anong iutos mo," at tumawa siya. Gone the serious and tired Ley.
Sumama ang itsura ko at tinaliman ang tingin sa kanya. "You know what, mas bobo at tanga ka pa sa'kin. Dagdag pa natin pagkabakla mo. See? Lamang na lamang ako sa'yong gago ka."
"Hoy! Sinong bakla?! Ikaw ba Beam?" tanong niya kay Beam na kakabukas lang ng pintuan ng office ko.
Nagtataka pa nga ito at iniisip kung bakit siya nadamay. "H-Hah? Hindi. May asawa na ako baka ikaw nga 'yon Doc Finnegan, e."
Natawa ako nang natalo si Ley. "You see? Ilang taon ka na rin at wala ka pang girlfriend. Sino bang hinihintay mo? Si Cathleya sa private room? 'Yung comatose patient?" And there I realized. Natahimik kaming tatlo at parang parehas kami ng iniisip ni Beam.
Nakatingin kaming pareho kay Ley na hinihintay ang magiging reaksyon niya. Seryoso akong nakatingin sa kanya at bakas ang pangungulila sa mga mata niya. I looked at Beam and saw him being serious. Tahimik din at nababasa ang sitwasyon.
May papeles siyang nilagay sa lamesa ko at lumapit sa pwesto namin ay umupo siya sa couch na kaharap ni Ley. Ako na lang ang nakatayo. Bumalik ang tingin ko kay Ley.
"She was in coma for almost three years. I hated doctor before and I'm planning to drop it but when the accident happened, I changed my mind," walang emosyong paliwanag niya. I know about what happened to the patient. Since I'm the CEO, alam ko lahat bawat detalye ng pasyente. It's my job after all.
I nevet thought that Marley was the man who she with when the accident happened. Hindi ako nakapagsalita at gano'n din si Beam. Nakikinig siya at parang walang balak magsalita.
"I worked here and decided to do what my parents want. Everyone turned their back on Cathleya because they couldn't afford the bills. I took her out in the hospital she was in before and transferred her here. Para na rin mabantayan at makasama ko siya kahit comatose siya."
That's the reason why I seldom see him go home. Good thing I let him sleep in my private room here. Buti hindi ko ipinagdamot sa kanya.
"I sleep in my office's couch before because I don't have a room in there. Doon ako natutulog dahil hindi naman ako umuuwi. Para na ngang bahay ko itong ospital, e," ngumiti siya ng mapait habang nagsasalita. "At least you lend me your room, right? Kahit ang baho at ang dami mong semen doon."
At may gana pa talaga siyang magbiro. "Gustong-gusto mo naman."
"Hoy! Hindi, a! May sarili akong semen like yuck."
"So it means your s*x life was inactive for almost three years?" tanong ko na ikinaubo ni Beam. Pigil ang tawa niya na sinamaan naman ng tingin ni Ley.
"Ang gagago niyo! Porket may mga asawa kayong magaganda!" he ranted.
"Ang ganda rin kaya nu'ng girlfriend mo. 'Yung nasa room 415? Nakita ko na siya," si Beam. I have a wife but I know how to appreciate beauty.
"Yeah. She's gorgeous. Hindi ko alam na may tinatago ka rin pala."
"Oo nga. Hindi ko rin 'yon naisip. Halos walang araw na hindi kita nakikita na pumupuntq doon." Umiiling-iling si Beam.
"Minsan ang kapal din ng mukha mo, Beam. Boss mo kami," sita ni Ley. We know he doesn't mean it. Biro lang pero parang seryoso.
Natawa lang si Beam at alam kong nagiging komportable na siya sa amin. It's because of Marley. He's too friendly at halos lahat ng tao ay kaibigan niya.
Kapag may nakasalubong siya, papansinin niya. But it's obvious that he does that things to hide his real emotions. Imagine being in pain for almost three years. He was hurting but he couldn't do anything but to hope and trust in Him. I salute him for that.
Though we're the same being in pain, magkaiba kami pero parehong iyong pakiramdam na sakit. Alam kong ang may-ari ng katawang ito ay maraming nasasaktan. Like Beam, he was the reason why Beam doesn't trust himself for saying words to down him.
I was sorry for him but I'm not the one who should say sorry here. Bumabawi na lang ako for the behalf of the real Whitlock.
"Mas makapal ang mukha mo. I'm your boss but you're acting like I'm not." I rolled my eyes.
Tumawa lang silang dalawa at parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. "Kaysa 'yung isa diyan sunod-sunuran sa ama."
"Not anymore."
And I remember the body owner's father. This week daw siya babalik o ngayong araw. And the f**k I care. I'm not his son and he doesn't have the right to puppet me.
Like heck, I don't need him anymore. Lahat ay inalam ko tungkol sa kanila at mga magulang ni Adrienne. Ang totoo nga niyan ay wala siyang tinulong para mapunta ako sa posisyong ito.
It was all because of Adrienne and her parents. Mayaman ang pamilya nila at maraming silang branch na ospital. At hawak ko rin iyon kaya halos hindi ako makatulog sa dami ng inaasiko. The reason why I don't have time to do my job as a doctor.