Sa gilid ay hindi nila alam na may nakikinig pala sa kanila. Na may sumunod sa kanila na hindi nila napapansin. Nakikinig ng mabuti ang lalaki at napapangisi na lang sa mga naririnig.
Iniisip ba talaga nilang magtatagumpay sila sa mga pinaplano nila? He chuckled silently and stayed where he is. Kailangan muna niyang hintayin na sila ang unang umalis.
Sumandal siya sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon niya. Gaya ng lalaking pumasok ay nakasuot din siya ng hoodie at suot ang hood nito.
Ayaw niyang mamukhaan siya kung sakali mang may makakita sa kanya. Baka mamaya ay siya na ang susunod na ipapapatay. Hindi niya alam pero nakakatawa para sa kanya ang mga naririnig niya.
Are they stupid? They didn't even make sure if there's someone followed them. Hindi man lang nila napansin na nakasunod na siya sa kanila.
Nagpapanggap lamang ba sila o talagang bobo sila at matalino siya? Pwede silang nagpapanggap pero anong rason? Anong pinaplano nila kung gano'n?
"Kill him or you're a dead man, Aris. Wala kang magagawa kundi gawin iyan kahit ayaw mo man. You know the rule. You shouldn't came here in the first place," rinig niyang boses iyon ng pamilyar na lalaki. Of course, he knows that man.
Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot ang Aris na tinawag niya. "Kahit anong piliin ko sa dalawa, mamatay pa rin ako. This man is powerful and dangerous. Hindi natin alam kung ilang mga malalakas na tao ang nasa likod niya."
He smirked at that big time. Shoot.
'Buti at alam mo,' bulong niya sa isip niya. These two people didn't know who are they trying to do bad. Kahit hindi nagsasalita ang babae ay ramdam niyang mayabang ito dahil sa malawak ding koneksyon nila.
Buti pa itong Aris at alam niya ang taong kinakalaban nila.
'Keep it up, dude.' Panay ang bulong niya sa isip niya. Nag-eenjoy talaga siyang nakikinig sa kanila. It satisfies him more.
Hindi niya sinubukang sumilip kahit ilang minuto silang natahimik. Narinig lang niyang tumatawa ang lalaking pamilyar sa kanya ng sarkastiko.
"Alam mo naman pala, e. Kapag hindi nawala ang lalaking ito, kami ang mamamatay at idadamay ka na rin namin dito. Kailangang mawala na ito sa mundo bago pa siya gumalaw," may bahid ng takot ang boses ng lalaki. Naaaliw pa siya lalo sa mga naririnig. How he wish the two hears this.
"Fine. When will I do the plan and where?" tanong ng lalaki.
He heard a proud chuckle. "The building near the Pantaleon Hospital, sa rooftop kung saan maganda ang spot at malaya mong mabaril ang ulo niya mula sa opisina niya."
Nakaplano na pala ang lahat, huh. Magaling din pala ang lalaking ito at may plano na agad. Pero basura ang plano niya. Mga plano lamang ng mga mababang tao.
Paligoy-ligoy at hindi man lang napag-isipan ng mabuti. Akala ba niya madaling gawin iyon? Hindi iyon madali lalo na at mautak ang lalaking plano nilang patayin.
Nauna na niyang naisip iyan bago pa nila magawa. Napapailing na lang siya sa kabobohan nila.
"Tomorrow night. Ihanda mo na ang mga gamit mo." Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaki pero papalayong yapak.
Umalis na ang lalaki panigurado. Hindi muna siya umalis at hinihintay na maunang umalis ang dalawa.
"Don't you think that's easy, babe? Huwag na muna natin siyang patayin. Let's kidnap him and torture him," the woman suggested. Napataas ang kilay niya dahil doon. Really, huh?
"Kailangang mawala na siya agad, babe. We don't know what he can do if we don't do it sooner."
"Sayang naman ang itsura niya," may panghihinayang na ani ng babae. Tumaas lalo ang kilay niya.
What a slut. Pati mga tingin nito sa lalaking pinag-uusapan nila ay para na niyang ginagahasa.
"Mas gwapo naman ako sa kanya. Did you see his wife? We can have her and make her as our slave. What do you think?" may saya sa boses ng lalaki.
Kumuyom ang mga kamao niya sa narinig. Hindi na niya nagugustuhan ang usapan nila. Binabastos nila ang kaibigan niya. Since her husband is his friend, kaibigan na rin niya ang babae.
Bumuga siya ng malalim na hininga, ayaw na niyang marinig pa ang pag-uusapan nila kaya tahimik niyang nilisan ang lugar na iyon. He was about to buy groceries when he saw that man's car.
Parang may nagtulak sa kanyang sundan ito kanina na buti ay ginawa nga niya. May ichichismis na naman siya sa dalawa.
Ngingisi-ngisi siya habang bumibili ng mga kakailanganin niya sa ospital. Since he was staying there as if it's his house.
Napangiti siya ng mapait nang may naalala. He made the hospital his house when his girlfriend transferred in that hospital. Ilang taon na ring hindi pa nagigising ang girlfriend niya, ilang taon na rin niyang nararanasan ang impyerno until he got closed with the two.
Medyo gumaan ang mga nararamdaman niya at nagkaroon siya ng ibang distraction maliban sa mga pasyente niya. He has been distracting himself with his patients at mas lalo siyang nadown nang mawala ang dalawang batang lagi niyang kausap sa tuwing binibisita niya ang magkapatid.
Nasaktan siya ng sobra noong nawala sila. Naging parte na rin siya ng buhay niya.
GIFFLET'S POINT OF VIEW
"As expected, they will plan something like that against me," naiiling kong ngisi nang maikwento ni Ley ang mga narinig niya.
Pumunta pa sa bahay ko si Ley. Anong oras na at pumunta pa talaga rito. Kauuwi ko lang.
As usual, nasa opisina kami ng bahay. Tulog na si Adrienne that is my advantage.
Inaantok na akong nang makauwi pero nawala iyon nang walang hiyang pumasok ang hayop na 'to sa bahay ko. At mag-isa pa talaga siya, paniguradong maiinis si Beam nito dahil hindi siya kasali.
Magrereklamo iyon kung bakit hindi namin siya sinama. "Anong plano?"
"Sa tingin mo, ano?" balik tanong ko sa kanya. Malamang hindi ko hahayaang patayin ang ng gagong iyon.
He shrugged. "Kami ng bahala sa lalaki bukas ng gabi. It would be at the rooftop of the Automotive Company near the hospital. That would be a great spot, right? May plano na agad ang lalaking iyon. Ano ba talagang ginawa mo?"
"Nothing much. I just told him some point about their crime. I was amazed actually, may utak din siya. Kung ako siguro siya, papatayin ko na agad ang taong banta sa akin, but I will plan something clever before doing it," mahaba kong lintiya. Medyo paligoy-ligoy ang plano ni Richard.
His plan was so common. Madali lang iyon mahulaan.
I punched him playfully when I thought of someone. "Anong inisip mo at hindi mo sinama ang chismosong iyon? Maiinis 'yon, gago."
Umasim ang mukha niya at pinakita pa sa akin ang gitnang daliri niya. "Malay ko na sa lalaking iyon. Hinahanap ko kanina pero kasama niya ang asawa niya. Ayaw ko namang istorbuhin sila kanina dahil parang may ginagawa sila. Hindi ba buntis ang asawa niya? Is that even safe?"
Natatawa ko ulit siyang sinuntok ng mahina. Gago talaga. "Of course it's safe as long as they will perform a safe position."
He cringed his forehead and acted like he was disgusted. Umakto pa siyang nasusuka. Ang arte naman ng lalaking ito.
"Yuck. Buti at hindi ako sumulip. Ayaw kong makakita ng impyerno." Nagtawanan kaming dalawa. Wala naman si Beam kaya walang maiinis.
"Isusumbong kita sa kanya."
"Edi gawin mo. Alam ko namang mahina ka. Kahit dalawa pa kayonf dalawa, hindi niyo ako kaya," mayabang niyang ani.
"Ang yabang mo. Saan ka matutulog? Pupunta ka pang ospital? Maraming guest room diyan, pumuli ka na lang," sabi ko at tumalikod sa kanya. "Suit yourself. Papahiramin na lang kita ng damit bukas."
I waved my hand at him while walking away. Bahala na siya diyan, inaantok na ako. "Ang bait mo ngayon, a."
"Don't f**k yourself inside my house, Marley."
"f**k you! Nagugutom ako, kakain na lang ako sa kusina niyo."
"Maraming pagkain sa fridge. Magpainit ka na lang doon. Bahala ka na, may isip ka naman," tinatamad kong tugon sa kanya. Tuluyan na akong lumabas ng opisina at dumiretso sa kwarto namin.
Napangiti ako nang makitang mahimbing na natutulog si Adrienne sa kama namin. Pagod akong humilata sa tabi niya at niyakap siya.
Niyakap niya ako pabalik na bahagyang nagising dahil sa galaw ko. "You're late again," malambing at inaantok niyang ani.
I nuzzled her neck. Ang bango niya. "Marley came to give me the important documents."
It's true though. May binigay siya kanina na importante at ginamit niyang rason para makapunta rito para hindi magtaka si Adrienne. May sense rin ang lalaking iyon.
"Is he still there?" malambing niyang tanong. "It's too dark outside, sana pinatulog mo na rito kung pinauwi mo."
"He's there. Bahala na siyang matulog sa mga guest rooms diyan," tugon ko sa kanya. Inaamoy-amoy ko ang leeg niya at dinadilaan na rin.
Inaantok siyang umungol. "Let's sleep then."
Yakap-yakap ko siya nang matulog kaming dalawa. This feels heaven for me.
Kinaumagahan ay hindi ko na naabutan si Adrienne sa tabi ko. Nag-unat-unat muna ako bago naglakad sa banyo para maligo.
Napangiti ako nang maamoy ang body scent na ginagamit ni Adrienne. Ang bango lang, nakakadik pa. Umiling-iling ako at nakangiting naligo.
I wore my usual clothes which is white polo and slacks. Hindi ko kinabit amg necktie dahil hindi ko alam kung paano. Hindi naman talaga ako ang naglalagay ng necktie ko, it was Adrienne.
Habang pababa ako ng hagdan ay rinig ko ang tawanan na nanggagaling sa kusina. Tumaas ang kilay ko roon dahil boses ni Ley at Adrienne iyon na nagtatawanan.
"Wow! Ang sarap mo talaga!" May dumaang inis sa akin sa sinabi ni Ley. Ano raw? "I mean ang sarap mo magluto. Baka marinig pa tayo ng isang diyan."
Sabi niya na parang pinaparinggan ako. Sumandal ako sa gilid ng pintuan ng kusina at pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang pinapanood sila.
"Sira," natatawang sabi ni Adrienne na parang aliw na aliw sa bisita namin.
Nakatalikod si Adrienne dahil nagluluto siya at si Ley ang nakaharap sa akin dahil nakasandal ang likod niya sa sandalan ng sink na katabi lang ng stove. Ngumisi lamang siya sa'kin ng nang-aasar.
"Ipagluto mo rin ako, Ad. Friends naman tayo hindi ba?" tanong niya sa asawa ko na inaasar pa talaga ako.
I glared at him. How dare this idiot. Ang kapal ng mukha. Though he's not flirting my wife, iyon pa rin ang nararamdaman ko.
"Keep dreaming, Ley. Pinatulog lang kita rito naging makapal pa lalo ang iyong mukha." Tumalikod si Adrienne para harapin ako at tumawa lang si Ley.
I know he didn't mean it. Inaasar lang ako ng gagong ito. "Ito naman, hindi mabiro. Ang sarap lang ng asawa —" I glared at him. "—ng luto ng asawa mo."
Lumapit ako sa kanila at tinulak si Ley. Ang lapit niya masiyado sa babae ko.
Umakto siyang matutumba at dumaing pa. "Aray! Ang demonyo mo talaga."
"Gifflet, you shouldn't have pushed him like that," mahinanv saway sa'kin ni Adrienne na nagpangisi ng malawak kay Ley. I glared at him once against at nang mapunta ang tingin sa asawa ay naging malamlam ang mga mata ko.
"Pagsabihan mo nga, Adrienne my friend. Ang sama niya sa'kin," sumbong pa ni Ley. I rolled my eyes at him and didn't pay more attention on him.
I faced Adrienne. "Anong oras kang nagising?"
"Alas kwatro gising na 'yan." Tumalim ang mga mata kong lumipat kay Ley. Siya ba ang kinakausap ko?
"Are you Adrienne?" He shrugged while wide grin plastered on his face. Umupo siya sa isang high chair at nagsimulang kainin ang fried chicken na niluto ni Adrienne.
"Hayaan mo na," alo ni Adrienne at hinaplos ang braso ko. Umiling ako bago binalik ang tingin sa kanya.
"It's your day off, right?" Linggo ngayon at iyon ang day off niya. Unlike us, walang day off. Day and night may trabaho. Kahit isang oras lang wala kaming pahinga.
Maraming pasyente sa ospital na mamamatay na kapag walang tumingin sa kanila. Tumango siya bilang tugon at pinagpatuloy ang pagluluto.
"Sama ka sa'kin?"
"Sa ospital? Aren't you busy?"
"Hindi 'yan magiging busy para sa'yo," singit ni Ley na ikinainis ko.