GIFFLET'S POINT OF VIEW
Nag-iinat-inat ako habang naglalakad papuntang parking lot. f**k. Inaantok na ako.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ko nang may maramdaman akong presensya. I waited for him to talk and he did.
"You know something," malamig ang boses niya.
Humarap ako kay Richard. He's still on his Doctor's gown. He looks scared. Napangisi ako dahil doon.
Anong kinatatakot niya? Hindi ko naman siya ibubulgar. I have a better plan for them.
"Know what?" maang kong tanong. Tell me, Richard. Tell me what do you think I know.
Tumagis ang bagang niya. "You know what I'm talking about. Ano pang alam mo?"
Lumawak ang ngisi ko at hindi ko na sinubukang itago pa. I showed him my devilish smirk. Napatigil siya nang makita ang itsura ko.
Binulsa ko ang mga kamay ko sa pantalon ko at dahan-dahang naglakad sa kanya, still wearing my devilish smirk. Nanatili siya sa kinatatayuan niya at hindi man lang umatras.
Tumigil lang ako ng sobrang lapit ko na sa kanya. "Alam ko ang lahat, Richard. Lahat-lahat."
He was stunned at matinding takot ang namutawi sa mga mata niya. He paled thag I enjoyed seeing. I smirked for the last time before turning my back on him.
Before I could open the door of my car, he said something I expected.
"Walang pwedeng makaalam lahat ng tungkol sa akin. Ikaw ang susunod panigurado."
Napailing-iling na lang ako at hindi na siya pinansin pa. I drove away from him.
Sure, Richard. I'll wait for that to happen. Sa tingin ba niya hahayaan ko ulit siyang gawin niya sa'kin iyon? Stupid.
Nang makauwi ako ay nakita kong wala ng bukas na ilaw. Tulog na si Adrienne panigurado.
Bubuksan ko na sana ang gate nang may mapansin akong papel na nakadikit sa gilid nito. Nagtaka ako.
Ano 'yan? Kinuha ko ang papel para matignan kung sulat ba ito. I opened it and was confirmed, it was a letter.
Halos matumba ako nang mabasa ang sulay. Namutla ang buong mukha at nanghina pa lalo ang pagod kong katawan. Hindi ako nakagalaw dahil sa halo-halong nararamdaman.
Isa lang ang sigurado akong nararamdaman ko—matinding takot. Hindi pwede. Mabilis kong tinago ang papel sa bulsa ko nang nakabalik ako sa katinuan.
Nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Paano ko 'to sasabihin kay Adrienne? Iiwan niya ako. Ilalayo siya sa'kin ng mga magulang niya.
Napasandal ako sa gate sa sobrang frustration. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Paano na? Siguradong ang sinasabi sa sulat ay sa lalaking iyon at ako ang aako.
Ilang minuto akong nakasandal sa gate. I have to compose myself. Aayusin ko ito bago pa mahuli ang lahat. Bumuntong hininga ako, sasabihin ko kay Beam para siya muna ang umayos nito.
I opened the gate and decided to leave my car outside. Doon na lang muna, tinatamad na akong dalhin sa garahe.
I opened the door and locked it after. Anong oras na rin, paniguradong tulog na si Adrienne.
I entered our room and sat on the bed unconsciously. Napasabunot ako sa buhok ko.
Lumalim ang iniisip ko at matinding problema talaga ang naidulot ng nalaman ko. Tama si Beam.
Buntis si Trinity, hindi lang limang buwan. 8 months, imagine, walong buwan na pala. Isang buwan na lang manganganak na siya. Ako ang aako nu'n kahit hindi ako ang may anak pero nandito ako sa katawang ito. Ako ang dapat umako.
I thought being in this body was good, but I never thought it has a lot of consequences. Ang daming kapalit. Hindi lang puro saya pero mas marami pa ang problema.
Alam kong hindi lang ito ang magiging problema, may nga darating pa at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Dito nga, nahihirapan na ako, ang mga susunod pa kaya.
Mas lalo akong napasabunot sa buhok ko. Malaking problema ito, at paano ko ito aayusin? Hindi ko ito maayos kahit ano pang gawin ko.
Tangina. Ang laking prolema nito.
Napayuko ako habang nakatukod ang mga siko ko sa hita ko. Napapikit ako ng mariin.
Bahala na. Pagod na ako, gusto ko munang magpahinga.
Tatayo na sana ako para magbihis bago matulog nang may malalambot ba kamay ang pumalibot sa baywang ko. f**k. Halos nakalimutan ko ng meron pala 'yung asawa ko rito.
Mahigpit ang yakap niya sa baywang ko habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Humawak ako sa braso niyang nakapalibot sa baywang ko.
"Anong problema?" she asked in soft and comforting voice. Bahagya akong kumalma nang marinig ang boses niya.
"Nothing. I was just tired," tugon ko nang nakapikit at pinakiraramdaman ang dulot ng mainit niyang hininga na dumadampi sa leeg ko.
Nag-init ang katawan ko dahil doon. I need a distraction right now.
"It's 1 am, over time?" she asked in a soft voice.
Tumango ako bago minulat ang mga mata. Hindi ako humarap sa kanya at hinayaan siyang painitin ang buong katawan ko gamit lamang ang mainit niyang hininga.
Bumilis ang paghinga ko at hindi na naging normal. I was breathing rapidly fast.
"Y-Yeah, may surgery ako kanina at may meeting ang board."
It's true. It's my first time meeting all the directors of the hospital. Thankfully, Beam and Ley guided me without them knowing I don't know anything about it.
Tungkol lamang sa pera ng ospital at mga kagamitan ang pinag-usapan. Pati na rin ang shares napag-usapan namin at buti na lang nandiyan si Ley na nagsasalita bago ko pa magawa. They helped me earlier so much.
I even met Richard's step father—Manuel Arellano. I've met him even before when Richard and I were still best friends. He's a nice step father, nakita ko noon kung paano niya ituring na totoong anak si Richard.
Inggit nga ako kay Richard dahik kahit hindi niya tunay na ama, mahal na mahal siya. Unlike mine, biological parents ko naman, hindi tinuturing na totoong pamilya.
Her hands started to caress higher. Hinuli ko ang kamay niya at agad humarap sa kanya. I laid her on the bed and went on top of her.
I can feel my body is burning. My eyes were glittering with lust and I know she can see and feel it.
Inosente siyang nakatitig sa'kin habang nakahiga sa kama na mas lalong nagpatigas sa akin. Napapikit ako ng mariin ng dahil doon. Nakaluhod ako sa kama at nasa magkabilang gilid ng balakang niya ang mga binti ko.
Diretso ang mga mata ko sa mga mata niya at gano'n din siya sa akin. Tinanggal ko ang pang-itaas ko at hinagis lang iyon sa kung saan.
"I wanna do it, Adrienne." She smiled sweetly as a response.
"Malaking problema ito, Gifflet," problemadong komento ni Beam habang hawak ang papel na may sulat na galing kay Trinity.
"Anong ginawa mo, Gifflet? Maayos na kayo ng asawa mo hindi ba? Masisira kayong dalawa dahil dito." Mag galit sa boses ni Ley. He cares a lot to Adrienne kaya hindi ko siya masisisi kung ganito ang reaksyon niya, nilang dalawa.
Malalim akong humugot ng hininga. I even memorized the letter for reading it repeatedly.
I'm pregnant, 8 months. We both know it's yours.
-Trinity
Kahit isang basa lang ay tatak talaga sa isip. Napasabunot ako sa buhok ko. Galit ako at naiinis.
Kung sana mas maaga pa akong napunta sa katawang ito wala na akong poproblemahin pa ng ganito. Sumasakit ang ulo ko kakaisip .
"What can I do? Nandiyan ba 'yan, e. Hindi ako mamamatay tao para utusan siyang patayin ang bata. Akin pa rin iyon, dugo ko pa rin," parang buhat ko ang mundo sa klase ng pagkakasabi ko. "Ang pinoproblema ko lang, paano ko sasabihin sa asawa ko? Iiwan niya ako panigurado."
Only the thought if it breaks me. Hindi pa nangyayari pero sirang-sira na ako.
"Talagang gagawin niya iyon. Kahit hindi man niya gawin, hindi hahayaan ng ama niya. Tangina naman, Gifflet. Pati kami namomroblema. Wala akong maisip na paraan," inis na usal ni Ley. Pabagsak siyang naupo sa couch.
Umiiling-iling lang si Beam dahil halatang wala rin siyang maisasagot. "Do all your plan before everything's late, Gifflet."
"Right. Gawin mo na lahat ng plano mo bago mahuli ang lahat. Kami na munang bahala kay Trinity at ang anak mo," he emphasized the last word. Anak ko. Napapangisi na lang ako ng mapait sa tuwing naiisip ko iyon. Hindi akin pero ako ang aako, kahit ayaw ko man ay wala akong magagawa. Kapag ba sinabi kong hindi ako ang tunay na Gifflet Whitlock maniniwala sila?
I guess so. Sasabihin lang ng mga taong baliw ako. Ako nga hindi rin naniwala noong una. Sino ba kasing mag-aakala na pwede pala mangyari ang nangyari sa akin?
Kahit kailan hindi ako naniwala sa muling pagkabuhay sa ibang katawan. Hindi lang kapani-paniwala.
"Ako na ang kakausap kay Trinity pero hindi ko maipapangakong hindi iyon mag-eeskandalo. Desperada siyang babae, Gifflet." Napatango ako sa sinabi ni Beam. Tama siya. Kailangang maaga itong maayos bago pa sirain ng babaeng iyon ang meron ako ngayon.
Sa oras na mangyari iyon, mawawala lahat ng meron ako. Masasayang lahat ng mga pinlano ko. I have to be more wise this time.
"Salamat," bulalas ko.
Tumaas ang kilay ko nang pareho silang napatigil at titig na titig sa akin na tila hindi makapaniwala. What's going on? May nasabi ba akong mali?
They both let out an unbelievable laugh.
"Bago 'yan, a. You never said thank you before. Anong meron?" asar ni Beam. And there I realized, hindi nga pala mabuting tao ang may-ari ng katawang ito. Pati simpleng mga salita hindi niya kayang ibigkas.
"Wow! Nagbagong buhay ka na talaga, Gifflet. I'm so proud of you, my friend!" sigaw ni Ley na parang babae. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Mga gago."
THIRD'S POINT OF VIEW
Isang lalaki ang pumasok sa isang warehouse. Nakadamit ito ng purong itim at may suot na hood at mask para matakpan ang mukha.
Pumasok siya sa loob ng warehouse at doon niya nakita ang taong kikitain niya. Dalawa silang naghihintay sa kaniya—isang babae at isang lalaki.
"Sit," alok ng lalaki sa kanya na agad naman niyang sinunod. Umupo siya sa upuang kaharap ng dalawa.
Ang babae ay nakaupo sa hita ng lalaki habang hinahalik-halik ang panga at leeg ng lalaki. Hindi komportale sa kanya ang nakikita pero wala siyang magawa kundi magtiis na lamang.
"Bakit niyo po ako napatawag?" tanong niya sa kanila.
May nilapag ang lalaki sa lamesa na papel. Hindi na siya nagtaka kung may ipapapatay sila sa kanya. Kilala niya na ang dalawa at ayaw niyang matulad aa mga naging tauhan nila.
"Patayin mo ang taong nasa litrato. Dodoblehin ko ang sahod mo basta siguraduhin mong malinis ang trabaho mo," saad ng lalaki. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Hindi na bago sa kanya ang mga ganito pero kailan man ay hindi pa niya nagagawang pumatay.
Kilala niya ang dalawa. Oras na sinabi na sa kanya ang impormasyon, hindi na siya pwedeng tumanggi. Siya ang mamamatay kung sakali.
Dahan-dahan niyang kinuha ang papel at binasa ang impormasyon ng taong dapat niyang patayin. Malaki man ang ibabayad sa kanya pero ayaw pa rin niyang tanggapin ang alok. Pero ayaw niyang isugal ang sariling buhay.
Gifflet Whitlock.
Iyon ang pangalan ng taon papatayin niya. Titig na titig siya sa litrato ng lalaki at binasa na rin ang iba pa nitong impromasyon.
Isang Chief Executive Officer sa isang pinakamalaking ospital sa buong mundo at pangalawa sa buong Asya. Muli siyang nagdalawang isip.
Hindi madali ang trabahong ito. Paniguradong maraming taong makapangrihan ang nasa likod ng lalaki.
"Malakas siyang tao. Imposibleng magawa ko ang pinapagawa mo. Baka tututukan ko pa lang, may nakatutok na sa aking baril," saad niya. Propesyonal siyang sniper at alam niya ang ikot ng buhay ng mga mayayamang tao.
Paniguradong hindi lang isa ang taong eksperto sa barilan at labanan ang pumuprotekta sa Doctor. Marami sila at mag-isa lang siya. Napakagat labi siya sa pagdadalawang isip.
"Marami akong mga tauhan, Aris. Kaya kitang ipapatay ng madalian sa kanila."
Nagulo ang utak niya at hindi na alam kung ano ang pipiliin. Kahit anong piliin niya sa dalawa, sa hukay pa rin ang bagsak niya.
Sana pala hindi na siya pumayag makipagkita noong una pa lang.
...