We went back Beam's house and Kyrie was already sleeping. Buhat siya ni Ley dahil buhat namin ni Beam ang dalawang luggage. Tig-isa kami dahil marami ang gamit ng bata.
Dito siguro bumabawi si Aris sa anak. Binibilhan ng mga gamit ag lahat. I'm sure Aris has a lot of money. Hindi naman iyon mauubusan lang ng pera.
"Is that her?" tanong ng asawa ni Beam nang makapasok kami sa loob ng bahay nila. Her eyes were twinkling while looking at the kid.
"Yeah," si Ley ang sumagot, buhat pa rin ang bata. "Saan ko siya pwedeng patulugin?"
"Oh," natalima ang babae at nauna sa aming naglakad sa hagdan papunta sa ikalawang palapag. "Dito, follow me."
We followed her to the second floor. Hiniga ng dahan-dahan ni Ley ang bata sa kama at nilagay lang namin sa gilid ang dalawang maleta niya.
Sabi ni Ara siya na raw ang mag-aayos ng mga gamit ng bata dahil wala rin naman siyang magagawa rito at hindi naman daw siya mapapagod at mai-stress sa gano'n.
Nabalik lang ako sa sarili ko nang makarating ako sa office ko. I'm spacing out again. Napailing-iling na lang ako dahil doon.
Naabutan kong nag-uusap si Ley at ang asawa ko nang makapasok ako ng opisina ko.
"Hala. Mali 'yan, Ley!"
"Magaling kaya ako 'no ka ba," yabang ng binata.
"Adrienne," tawag ko sa asawa ko para makuha ang atensyon niya. Parehas silang napatingin sa akin.
Pinaningkitan ko ng mga mata si Ley na sumipol lang tinuloy ang kung ano man ang nikalaro sa cellphone niya. This fucker. Kung wala lang itong girlfriend ay iisipin ko nang nilalandi niya ang asawa ko.
"Hmm?" Adrienne hummed while her eyes shows innocence. Damn. That turned me on.
It sounds like a moan for me. Medyo matagal na rin noong huli naming ginawa iyon.
"Pwede ka nang umalis, Finnegan," utos ko at binalingan ng tamad na tingin si Ley na hindi nagpatinag. Tuloy pa rin siya sa pagalalaro at tutok na tutok talaga sa phone niya.
"Saglit lang, hindi ko pa tapos ito—ay bobo! Ang tanga namang kasama ito!" Napailing-iling na lang ako sa kanya.
Dumiretso ako sa upuan ko saka tinignang muli ang asawa ko na sa akin lang ang mga mata. "Come here."
Tumayo naman siya at lumapit sa'kin. Hindi ko kasalanan kapag may makikita si Ley. I told him to get out but he didn't.
Bahala siya riyan kapag nakita niya kaming naghahalikan. Hinila ko si Adrienne nang tumigil siya sa gilid ko. Pinaupo ko siya sa table ko. Pinarte ko ang mga hita niya para roon pumosisyon.
Titig na titig ako sa mga mata niya. "We'll have dinner with mg family tomorrow."
"Hindi ka ba pinagalitan ni Papa?" mahinahon at kuryosong tanong niya.
Umiling ako. "Kahit naman pagalitan niya ako wala akong pakialam. Siya ang may gustong mag-dinner tayo sa kanila kaya sila ang mag-adjust."
Ngumiti siya sa'kin at hinila ang batok ko para sa mahigpit na yakap. Ginantihan ko siya ng yakap and we stayed with that position for minutes.
Eksakto namang natapos si Ley sa nilalaro niya ang napunta ang tingin niya sa amin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata para makaalis na. He doesn't want to witness something, does he?
Sumimangot siya at sinenyas na aalis na. Bahagya lang akong tumango sa kanya at umalis na siya nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.
"How was Aris' daughter?" malambing na tanong niya habang yakap pa rin ako. I started caressing her back lightly.
"She's okay with Beam's wife," tugon ko.
"Can we visit her? She said she wanted me to be her mom."
"Hmm? We can visit her some other time. Pagbigyan lang natin si Dad and then we'll visit her," sagot ko na nagsimula nang maglakbay ang mga kamay ko sa katawan niya. Pumaloob ang palad ko sa loob ng tee shirt niya at pinasadahan ko ang likod niya. "It's been a long time, Ad. I want to do something."
"What do you want to do?" tanong niya kahit alam naman niya na ang sagot doon. I chuckled at that.
"I want to do you."
-
Nagmamaneho ako para pumuntang warehouse kung saan ang usapan namin ni Aris. Mas safe doon kaysa sa ospital. Aris owned that warehouse that no one knows.
Maraming bahay ang lalaking iyon para doon maghanda para sa mga mission niya. Patingin-tingin ako sa side mirror ng kotse ko at napansin ang isang Ford na sasakyang sumusunod sa akin.
Napangisi ako at naisipang makipaglaro. Mas binilisan ko ang sasakyan ko at at iniliko iyon sa kabilang kalsada.
I smirked when I saw the car still following me. Son of bitches.
Hinayaan ko iyon at pinagpatuloy lang ang pagmamaneho. Hinintay kong nasa liblib na kaming lugar bago ko hininto ang sasakyan.
Pinapalibutan kami ng malalaking mga puno at mahabang kalsada. Wala ring kahit anong bahay sa paligid and I can tell that this is the best place where you can kill a person without any witness.
Tumingin ulit ako sa side mirror at nakitang tumigil din ang sasakyan sa hindi kalayuan. Lumawak ang ngisi ko dahil doon. I opened my car and got out my car.
Swabe akong naglakad tungo sa sasakyan at bahagyang kinatok ang pintuan ng driver's seat. Matagal bago iyon bumaba.
"Stalking me?" nakangisi at may pang-aasar kong tanong.
"This is your fault, Viray," sisi ni Ley kay Beam na nakaupo sa passenger seat. Si Ley naman ang nagmamaneho.
Son of bitches. Sinundan nga ako, halatang-halata naman. "You're sucks of stalking you know. Iniwan niyo ang tatlo?"
Tumaas ang kilay ko sa dalawa dahil sinabi kong bantayan nila ang tatlong babae. Tapos ngayon palihim nila akong sinusundan? This bitches.
"Oh f**k. Kasalan nga ito ni Viray. He keeps insisting nasundan ka namin," sisi ulit ni Ley na binatukan ni Beam.
"Nahiya naman ako sa'yo na nagmakaawa pa talagang samahan kita tapos malalaman ko na may susundan pala tayo," balik salita naman ni Beam. Nagsimula silang magsisihan na ikinailing ko.
"You don't know how I want to hang you both." Then I gave them bored look. Parang gusto ko silang itali sa mga punp rito at iwan.
Ang chichismoso talaga ng mga gagong ito. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Sinong kasama ng tatlo?" Tinaasan ko sila ng kilay at tinaliman ng tingin. Dinala ko si Adrienne sa bahay ni Beam dahil gusto na raw niyang makita ang anak-anakan niya.
Sinabi kong pagkatapos ng dinner namin ng parents ko pero gusto na raw niyang makita ang bata. Kaya wala akong nagawa at pinagbigyan ko.
It's an advantage to me because I don't have somewhere to put her. Hindi naman pwede sa parents niya dahil magtaka pa ang mga iyon. I'm sure they got tight security kaya hindi ko na iisipin kung paano ko sila protektahan. Maraming mga tao si Tito Ellis because of their status too.
Marami rin silang kaaway dahil sa meron sila.
Nag-iwasan ng tingin ang tatlo at hindi sumagot. f**k these two. Ang sarap ingudngud ng mga mukha nila sa sahig.
"Okay. Bilisan niyo para makauwi tayo agad. Mga chismoso." Tinalikuran ko na sila pagkatapos kong tapikin ang sasakyan niya.
I went back to my car and drive while they were following me. Ilang minuto lang ay huminto na rin ako sa kaisa-isang bahay dito. Dalawa itong palapag pero napakasimple ng disenyo.
Aakalain talaga ng makakakita na abandonado na ito. Lumabas ako ng sasakyan at gano'n din ang dalawa.
"You'll meet Aris here?" tanong ni Ley na nasa tabi ko na pala. Ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng pantalon niya at may suot pa itong shades.
"Pwede ba, Ley, ang pangit ng pormahan mo. Nakakairita tignan ang itsura mo," naiinis namang komento ni Beam at talagang asar na asar kay Ley.
Ano ba kasing pinopormahan ng lalaking ito? Though it's not obvious but we f*****g know him.
"Pinopormaham yata si Aris.
You want to be Kyrie's mother?" Tinaasan ko siya ng kilay at dinagdagan ang pang-aasar sa kanya.
Sumama ang mukha niya at tumalim ang tingin niya sa aming dalawa. "f**k you both! Pinagkakaisahan niyo na naman ako!"
I raised my two hands like I'm surrendering. "Okay, okay. I'm just kidding."
Tinatawanan lang siya ni Beam at nagsimula na naman silang magsagutan. Tumalikod na ako at pumasok sa warehouse kung saan si Aris.
Sumunod din naman sila pero nagsasagutam pa rin. Bahala sila riyan.
Pagkabukas ko ng pintuan ay si Aris ang una kong nakita na inaayos ang isang sniping gun. It was a Barrett M82.
Alam niyang nakapasok na kami pero tutok ang atensyon niya sa ginagawa. Natahimik na rin ang dalawa nang tuluyan nang makapasok.
"f**k. That's cool," si Ley na tuwang-tuwa at nilapitan pa talaga si Aris para panoorin ang ginagawa nito.
Doon na napatingin si Aris sa kanya. Tumaas ang kilay niya at kitang-kita ang supladong mukha niya. Wala na itong suot na mask na walang tatakip sa mukha niya.
He was using a contact lense to cover the real color of his eyes. Kay Kyrie ko talaga nakita ang kulay ng mata nila. I wonder why he's cover those. Maganda naman ang mga mata niya.
Siguro para iwas identification din. Para kapag may nakakita ay hindi nila siya mailalarawan.
"How's my daughter?" malamig nitong tanong bago binaba ang baril na hawak-hawak sa lamesa.
Nagkibit-balikat si Let at si Beam naman ay naglakad sa couch para umupo. Sumandal naman ako sa pader at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.
"Mabuti pa rin naman ang kalagayan niya sa kulungan niya," sagot ni Ley na parang wala lang.
Parehas kaming nagulantang ni Beam dahil sa sinabi Ley. What the f**k? Baka isipin pa nitong inaabuso namin ang anak niya.
Dumilim ang anyo ni Aris na hindi nagustuhan ang sagot ni Ley. Humagalpak naman si Ley sa mga reaksyon namin.
Walang hiya. Ipapahamak pa kami ni Ley dito. Baka nakakalimutan niyang hawak pa rin ni Aris ang baril niya. Siya ang una nitong babarilin panigurado.
"Barilin mo na kaya siya, Aris," hindi napigilang sabihin ni Beam dahil sa pinapahamak kami ni Ley dito.
"Good suggestion," he said and directed the gun at Ley. Nanlaki ang mga mata ni Ley at tinaas ang mga kamay na parang sumusuko.
"Right," naiiling kong komento.
"Chill. Your daughter's fine. May dalawa na ngang ina, e. Tapos ako ang pinakapaborito niya kumpara sa dalawang ito," sabi niya na pinapakalma si Aris dahil baka barilin talaga siya nito.
"Hindi naman kasi kami binabae na alam makipaglaro ng manika," iwas tingin na ani Beam na may halong pang-aasar.
It's true. Ley's playing barbies with Kyrie noong wala siyang kalaro. Nagpapahinga si Ara at wala pa roon si Adrienne kaya siya ang nakikipaglaro.
Hindi naman namin alam maglaro nu'n. Binaba ni Aris ang baril niya at kalmado na siya ngayon. Nagbibiro lang naman siya noong tinutukan niya si Ley ng baril para takutin.
Hindi mabiro pagdating sa anak niya kaya ganyan. "Is she looking for me?"
"Hindi dahil marami na siyang kasama," si Ley na naman ang sumagot na ikinasama ulit ng mukha ni Aris.
Ang galing talagang mang-inis ni Ley. Walang pinipiling tao.
Umubo si Beam at humalakhak lang muli si Ley. "Kidding. Yeah, she keeps asking about you. Bakit hindi mo bisitahin?"
"If he'll let me." Then he looked at me like he's asking permission. Seryoso ang tingin niya sa'kin at alam kong gustong-gusto niya nang makita ang anak niya.
"Have you done what I've asked?" seryosong tanong ko.
Tumango siya bilang tugon. "It's on the table." He pointed where he put the thing I asked him.
Nang tignan namin iyon ay binabasa na pala ni Beam. Tumango na lang ako sa kanya at hinayaang basahin iyon ni Viray.
"Later tonight. These two will be with you to make sure no one's following you," I said.
Nagliwanag ang mukha niya pero tinago niya lang iyon.
"Richard and Shanaiah all connections?" Napatingin kaming tatlo sa kanya.
Being Ley, the nosy asshole, siya ang naunang lumapit kay Beam para makibasa. "All connections of the the couple?"
...