“Nay, Manang Rose, lakad na ho kami,” paalam ni Cara habang inaayos ang uniporme.
“Sige anak, ingat,” ani Minerva.
“Ingat Mam Cara,” maingat namang sabi ni Manang Rose at sabik na iniabot ang isang malaking lunch box.
“Hala, para san ho ito, Manang Rose?”
“Sayo yan. Nasa bag na ni Boching ang kaniya,” sagot ni Manang Rose.
Masayang yumakap si Cara kay Manang Rose, “Dito ka na lang ho ah. Haha, wag ka na ho kay Lawrence.”
Gustong-gustong sumagot nitong matanda pero pinilit niyang pinigilang ang sarili.
“Sige ho, Mam, ingat kayo,” paalam na lamang ni Manang Rose.
Paglabas ng kubo ay saglit na natigil si Cara sa b****a ng kubo at masayang pinagmasdan si Boching na nakikipaglaro kina Lawrence at Zian.
Sa isip-isip niya ay kahit maiksing panahon pa lamang ang dumaraan ay parang napakarami ng nangyari.
“Cara, halika na, pasok na tayo!” tawag ni Zian sa kaniya nang makita siya.
Tumango siya at naglakad na palapit sa mga ito. “Boching naman, nagpakalaro na agad eh papasok pa.”
“Ok lang ho, Ate. May aircon naman si Kuya Lawrence,”
“Boching! Ano ka ba,” saway ni Cara sa kapatid. “Simula ngayon ay balik na ulit tayo sa dati. Magcocommute na lamang ulit tayo. Baka makaabala tayo sa kanila.”
“Ate? Bakit naman ho?” dismayadang tanong ng kapatid.
“Basta, Boching. Tara na,”
Tumungo na lamang si Boching at nagtitisod ng mga bato.
“Cara, kasya naman tayo sa motor,” giit ni Zian.
“Hindi, mas ligtas kung sa sasakyan tayo,” habol ni Lawrence.
“Tumigil na kayo. Kaya ko na ito. Gumawa na lamang kayo nang mga gawain niyo yon,” matapang na paninindigan ni Cara at inakay na ang kapatid pababa ng bundok.
Pagdating sa school ay agad na nagtungo si Cara sa dean’s office. “Hello po, magandang umaga ho.”
“Ano raw ang sayo, Ms. Lavero?” salubong ng assistant roon.
“Sir, this coming next semester, pwede ho bang sa kabila ako mag-ojt?”
“Ah hindi pa ba nasasabi sayo ni Mr. Zian Ornos na sa kabila talaga kayo mag-oojt?”
“Kami ho?”
“Oo. Remember your thesis? After your first defense, may company na nakagusto ng balak niyong prototype. And they personally contacted us na sa company na nila ninyo tapusin ang ginagawa niyo ni Mr. Ornos. Sila na raw ang bahala sa lodging niyo, the materials, plus, you two get to have a paid training na sa kanilang company. Sila na rin daw ang bahala sa inyong pagrereview,”
“H-hala. T-Totoo ho? Ano hong company?”
“If I am not mistaken, HAPEX is the company. Take note, it’s not a small company. Congratulations, Ms. Lavero. The school is rooting for you. We are so proud of you.”
Nanginginig si Cara habang palabas ng dean’s office dahil sa nalamang balita.
Saktong paglabas niya ay ang pagtigil naman ng motor ni Zian sa harapan.
“ZI!!!” masayang sabi ni Cara at sabik na tumakbo palapit rito.
Mabilis na bumaba sa motor si Zian at malugod na tinanggap ang yakap ni Cara.
“Zi! Maaahon ko na ang pamilya ko sa hirap!” umiiyak na sabi ni Cara.
“Congrats sa atin,” masayang sabi ni Zian at bahagya siyang itinaas para maiikot. “Sabi ko sayo, deserve natin mag-enjoy sa ball.”
“Oo. Oo, Mag-eenjoy tayo sa ball,” natatawang sabi ni Cara. “Sige na ibaba mo na ako.”
“You deserve it, Cara,” sabi ni Zian at pinahid ang kaniyang mga luha.
“Kaso, wala naman akong pambili ng dress,”
“Pinproblema mo ba yon? Ako na ang bahala. Titingin ako sa bayan sa sunod na linggo, sabay na tayo,”
“Zi,”
“Utang yon, Cara. Ok na ba? Aba, mababayaran mo na ako kasi sa isang bigating kompaniya ka na magtatrabaho,”
“Zi talaga,”
“Wag ka mag-alala, walang tubo ito,” usal ni Zian at ginulo ang kaniyang buhok.
“Sira! Tara na, at kita ay tumulong na sa paghahanda. Marriage booth daw ang tuka natin sabi ni Pres,” natatawang sabi ni Cara habang inaayos ang buhok.
“M-Marriage booth?”
“Oh, bakit parang uutal-utal ka?”
“Wala. Wala.”
“Ikaw, nangingitim ka na naman,”
“Hindi ah,”
“Sus! Hahaha, halatado ka Zian!”
“Oh, ano ngayon? Gusto mo isigaw ko pa? I love you, Caranova Lavero!” sabi ni Zian dahilan para matigilan si Cara.
“Zian,”
“Bleh! I love you, Cara! I love you, Cara. I love you, Cara!”
“ZIAAANNN!!!!” hiyang-hiya na bulong ni Cara at naghabulan na itong dalawa sa corridor.
***
“I love you? Ano raw?”
“Sshh! Kumalma ka Lawrence! Baka makita tayo ng guard, sinasabi ko sayo, ayaw kong masayang ang lisensiya ko,”
“Paano ako kakalma, Jed. Nag I love you na yong tusong yon,”
“Eh ano kung mag I love you, ikaw naman ang gusto ni Cara eh. Punta na akong canteen!”
“Shut up, Chris!” sabay na bulalas nin
“Kayo na namang tatlo?”
Sabay-sabay na napaharap si Lawrence, Chris, at Jed sa nagsalita.
“Ika—” naputol ang sasabihin Chris nang bugahan ni Joy ng usok mula sa vape.
“Oo, ako,”
“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ako?”
“Ha?! Nabalot na ba ng mantika ang utak mo at nakakaisip ng walang kwentang mga bagay? Bakit naman kita susundan? Kaya ako nandito dahil dito ako nag-aaral. Oh kayo, anong ginagawa niyo dito?”
“Nag...naglilinis,” bwelta ni Chris.
“Tsk! Ngayon janitor, ano bukas?” iiling-iling na sabi nito. “Ang tatanda niyo na hindi pa kayo umakto sa edad niyo.”
Napanganga si Chris at galit sanang hahampasin ng walis itong si Joy pero agad na naagapan ni Jed.
“Hoy! Mayaman kami! Mayaman na mayaman!” galit na sigaw ni Chris kahit pinagtitinginan na sila ng mga estudyante.
Si Joy, itinaas ang middle finger habang hawak ang vape.
“Oh eh ano kung ganito kami. Eh ikaw, Joy na walang saya! Siguro, walang magkagusto sayo! AHH! Bitawan niyo ako, nawala ang gutom ko dahil sa babaeng yon!”
“Hoy kayo!” turo ng guard sa kanila kaya nagkagulo na ang mga ito kung saan tatakbo.
“Ah bwisit!” reklamo ni Lawrence. “Sundan niyo ako!”
Kaso nang tumakbo siya ay laking gulat niya na sa magkakaibang direksiyon nagpunta ang dalawa.
Wala nang nagawa si Lawrence kundi ang tumakbo na lamang ng tumakbo.
Hanggang sa makarating sa likuran ng gym at pilit na isiniksik ang sarili sa loob ng isang maliit na silid.
Kabang-kaba siyang nanatili sa loob, napupuno ng dismaya at inis sa sarili.
“May nakita ba kayong lalaki rito na nakasuot ng pang janitor?” tanong ng isang lalaki sa labas ng kinaroroonang silid ni Lawrence.
“s**t! s**t! s**t! Yari ako kay Papa,” pumipikit na usal ni Lawrence habang pilit na iniipit ang sarili sa maraming mga damit para maitago ang sarili.
Hanggang sa tila tumigil ang kaniyang paghinga nang marahang magbukas ang pinto ng silid.
“Masaya ka naman sa ginagawa mo?”
Napahinga ng malalim si Lawrence nang maulinigan ang boses ni Cara at buong lakas na hinigit ito papasok.
Sinara niya ang pinto at humahangos na tinitigan si Cara.
“Tinatanong kita, kung masaya ka ba sa pinaggagagawa mo?”
Imbes na sumagot ay napalunok na lamang si Lawrence dahil sa lapit nila sa isa’t-isa.
“Tsk! Tabi,” usal ni Cara at isa-isang tiningnan ang mga damit.
“Oh eto magpalit ka at suotin mo. Mamayang lunch, sumabay ka sa karamihan ng mga estudyante. Paglabas mo, dumiretso ka na sa bahay.”
Tumango si Lawrence at tinanggap ang damit.
“Sige na, dumito ka na muna. Tutunog ang bell para sa lunch, saka ka lumabas,”
“Saglit, Cara.”
“Oh ano?”
“Hindi na kami ikakasal ni Rowan. Nagawan ko ng paraan na kombinsihin ang Papa ko na hindi ituloy ang kasal,”
Napakuyom ang mga kamay ni Cara, “Congragts, kung ganoon. Sabagay sinabi ko na rin naman kay Zian, dapat sabihin ko rin sayo. Pasensiya na pero kung totoo talaga na trip mo ako, sa ngayon ay malabo pa kitang patuluyin sa buhay ko. Ayaw kong umasa sa marangya mong buhay kaya gagawa ako ng sa akin. Lalo pa at nakatanggap ako ng magandang offer na trabaho, doon ako magfo-focus. Yon lang.”
Ngumisit si Lawrence at pinahid ang pawis sa noo ni Cara, “I know you would do that. Proud ako sayo. Do what you need to do at pag handa ka na, just tell me. Dahil wala akong balak na i-give up ang pila ko.”
Kita ang pamumula ni Cara sa sinabi ni Lawrence. “Tsk! Wag ka na umasa sa pila. Si Zian na raw ang nasa una.”
Nangunot ang noo ni Lawrence, “At paano nangyari yon?”
“Siya ang first love ko kaya siya raw ang nasa una ng pila. First love never dies,”
Sa pagkakataong iyon ay mas lumaki ang ngiti ni Lawrence, “Hindi ka sure.”
“Hindi ako sure saan?”
“Na siya ang first love mo,”
“Maalam ka pa sa akin?”
Humalakhak si Lawrence, “Basta. Hindi ka sure doon. Sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Salamat sa pagligtas.”
“Hindi kita niligtas!”
“Sige na. Ok lang. Rinig ko ang sabi ng puso mo,”
“AHH! Imposible kayo!” maktol ni Cara at nagmamartsang umalis.
Samantala, si Chris na hindi na alam kung saan pupunta ay nagulat na lamang nang biglang may humila sa kaniya papasok ng isang room.
“Joy?” gulat na sabi ni Chris. Pero ang nagbabantang inis ay agad na napawi nang maramdaman ang lamig ng aircon. “Namiss ko na ang aircon.”
“Tangna, bakit ka umiiyak?” inis na sabi ni Joy.
“Hindi mo ako nauunawaan!” inarte ni Chris at napaupo sa tabi ng pinto.
Napakaliit ng kwarto kaya naman walang ibang uupuan si Chris kundi sa sahig.
“Ano ba talaga ang trip niyo?” usisa ni Joy.
“Hindi na kita masasagot ng matino, bukod sa uhaw na ako ay gutom na gutom na ako,”
Napailing si Joy at inikot ang inuupuang swivel chair saka binuksan ang maliit na ref gamit ang paa, “Oh kuha na.”
Nanlaki ang mga mata ni Chris, “S-Sayo to?”
“Oo. Bigay ng mga nagkakagusto sakin?”
“Lahat yan? Ang dami!”
“Oo, madami ring may gusto sakin eh,”
“Eh bakit ganiyan ka?”
“Ano ako?”
“Walang joy,”
“Tsk! Hindi ako gusto ng lalaking gusto ko, ok na?”
“Ouch! Sino?”
“Si Zian,”
“Wow! Ibang klase ka, hindi ka mahirap kausap talaga,”
“Kumain ka na lang, ang putla mo na,”
Sabik na kumain si Chris at masayang napasandal nang sa wakas ay malamnan ang tiyan. “AHHH! Sarap! Salamat, Joy.”
“Bakla ka ba?”
“Hindi ah! Halikan ta jan eh,” irap ni Chris.
“Sige!” sabi ni Joy at walang takot na inilapit ang mukha sa kaniya. “Halik.”
Ngumisi si Chris at pinaunlakan naman ito.
“Bwisit ka!” galit na tulak ni Joy sa kaniya.
“Oh ano? Ok na?”
“Umalis ka na mamayang lunch, maglalabasan ang mga estudyante,”
“Ok,” sabi ni Chris at madaling inubos ang bote ng coke. “Gusto mo bang masolo si Zian sa ball?”
Natigilan si Joy at humarap ulit sa kaniya. “Magtigil ka, Chris.”
“Kaya ko yon, pero may ibibigay kang kapalit.”
“Ano yon?”
“Nice. Gusto ko ireport mo lahat sa akin ng mga gagawin ni Cara. Lahat-lahat. Tuwing hapon magkita tayo sa aplaya,”
“Baliw na talaga kayo,”
“Aba mahirap rin na lagi kaming nakasunod, hindi ako makakain,”
“Bahala kayo sa buhay niyo. Wala naman akong balak na umattend ng ball. Walang gown ang babagay sakin,”
“Fine. Pwede kong paraanan na makasama ka sa OJT nila. Tutal deserve mo rin naman na mapansin ni Zian bilang babae at hindi lang bilang anak ng trabahador nila. Ito ang number ko, tawagan mo ako kung aattend ka ng ball. Maganda rin na makita ka ni Zian na may-ayos. Maganda ka, Joy.”
Bago pa man makapagsalita si Joy ay nagring na ang bell para sa lunchbreak.
“Sige na aalis na ako. Baunin ko na lahat to, kulang eh. See you, Joy.”