Chapter 17

2030 Words
“Cara, saan ka galing?” Natigilan si Cara sa paglalakad nang tawagin ni Zian. May dala-dala itong salansan ng mga bangko na ipupwesto na sa gym. “Ah...ano, sa...sa props room,” kabang-kaba at aligagang sagot ni Cara. Itanggi man niya ay alam niyang nakaramdam siya ng tensiyon habang nasa loob sila ni Lawrence ng props room. “Ano ginawa mo don?” “Tulungan na lang kita?” pagbabago ni Cara sa usapan. “Ako na, mabigat," “Ano...Zi, uuwi na muna ako ha,” “Bakit?” “Ibabalita ko kina Nanay yong tungkol sa pagluwas natin,” “Ay oo nga pala, nakalimutan ko nang sabihin sayo kahapon. Gusto mo ihatid na kita?” “Ok lang. Ako na ang bahala. Hindi ka pa pati tapos sa tuka mo dito,” "Mag-ingat ka," “Sige babye, Zi!” Madaling tumakbo si Cara palabas ng campus at pumara ng tricycle. “Manong sa Bistro Central po,” “Sige Ne,” “Ito ho ang bayad,” “Dalawa ho,” usal ni Chris nang bigla nalang itong sumulpot sa kaniyang tabi. “Usog nga ng konti, ang sikip.” “Excuse me? Anong ginagawa mo dito?” “Nakita kita, tumatakbo at lumilinga-linga, malamang susundan kita,” “Ibang klase ka naman sumunod,” “Wala kasi akong pamasahe,” “Ay wow! Ang lupit mo talaga, Chris!” “I know. Saan ang Bistro Central? Anong gagawin mo doon?” “Tsk! Ang wala kang pake. Manong bababa na ho itong kasama ko,” galit na sabi ni Cara. “Hindi ho, Manong! Diretso lamang,” tawang-tawa na sabi ni Chris. “Ah bwisit talaga!” maktol ni Cara at pinili na lamang manahimik. Isang oras rin mahigit ang naging biyahe bago tuluyang tumigil ang tricycle sa harapan ng isang arko na may nakasulat na BISTRO CENTRAL. Isa itong parke na nakatayo sa bahagyang nakataas na lugar sa tabing-dagat. Mayroon itong iba’t-ibang mga commercial buildings. May mga booths, maliliit na restaurants, at mga rides. Wala pa masyadong mga tao dahil tanghali pa lamang. “Ang ganda dito,” masiglang usal ni Chris na agat minamata ang mga restaurants. “Oo sobra kaya nga kung ako sayo, mag-enjoy ka. Doon oh, punta ka doon sa malayo, sakyan mo lahat ng rides. Tapos kainan mo lahat ng resto. Magsimula ka sa dulo para sulit,” sabi ni Cara habang diretso ang paglinga dahil may hinahanap. Ngumisi si Chris at umiling, “Hindi mo ako mapapaalis.” “Ha? Bakit naman kita papaalisin? Ang akin lang eh sayang naman diba? Sige na,” sabi ni Cara saka nagliwanag ang mukha nang makita ang hinahanap. “Sige na! Enjoy! Bye Chris!” Pilit ang mga ngiti na pinanooran ni Cara si Chris habang naglalakad palayo. Nang tuluyan itong makalayo ay madaling tumakbo si Cara sa restaurant sa kabilang dulo nitong parke. “Tao ho?!” tawag ni Cara sa bungad ng restaurant. “Tao ho?” tawag niya ulit. Maya-maya pa ay may matandang babae ang lumabas mula sa likurang bahagi ng restaurant. “Anong kailangan mo?” mataray nitong tanong. “Kung kakain ka at nagmamadali ka ay doon ka na sa iba.” Tawang-tawang pumasok si Cara at nagmano sa matanda, “Hi Lola. Si Cara ho ito.” Nangunot ang noo nito at sinipat siyan mabuti, “Ah ikaw pala yong babae ng apo ko.” “Ay hindi ho. Kaibigan lang ho,” “Sus! Hindi naman nagiging magkaibigan ang babae at lalaki!” “Pwede ho,” “Ano ang kailangan mo?” “La...ano ho. Pwede ho bang magtrabaho dito? Kahit isang linggo lang ho,” “Ha! Nagpapatawa ka ba?” ani ng matanda at marahang naupo. Inalalayan naman niya ito pero agad ring inalis ang kamay niyang nakahawak. “Kita mo ba ito? Nilalangaw na lang ang restaurant ko.” Yumukyok si Cara sa harapan nito at pinagdaop ang dalawang palad, “Pagbigyan niyo na ho ako.” “Ay ikaw ay nagsasayang ng oras. Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi nga kita masuswelduhan,” “Ganito na lang ho. Kung ano ho ang kitain ko sa loob ng isang linggo, hati ho tayo. Wala kang gagawin, ako ho lahat. Payagan mo lang ho ako,” “Hay nakong bata ka. Ikaw, tutal naman ay ang nagpupunta na lamang dito ay mga loyal customers ko, sige,” “Hala! Totoo po?” “Ay di hindi,” “Joke lang ho. Lola naman!” tawang-tawa na sabi ni Cara at sabik na umamba ng yakap sa matanda pero hindi niya nagawa dahil tinutok nito ang dalawang maliit na swiss knife sa kaniya. “Walang yakap. Sige na, bahala kang maghintay dito. Mamaya pang alas-seis ang simula ng dating ng mga tao kaya matutulog na muna ako,” “Salamat ho talaga!” Hindi naman sumagot ang matanda, at dahan-dahang humakbang papasok sa kwarto nito. “HA!” nakangitingbuntong-hiningi ni Cara. “Ok! Fisrt things first, kailangan ng customer at pag customer mas naaakit sila sa makabago at aestheticlaly-looking resto/ Madaling kinuha ni Cara ang mga gamit panlinis at agad na nilinis ang kabuuan ng resto. Kumakanta-kanta pa siya habang naglilinis hanggang sa makatapos siya. Pagkatapos ay nagpunta siya sa bilihan ng mga dekorasyon. Bandang alas-singko y media nang matapos si Cara sa paglagay ng huling haba ng mga solar led lights. “Hi,’ bati ng isang babae na may dalang anak at kasama ang matatandang mukhang nanay at tatay nito. “Hello po,” masayang bati pabalik ni Cara. “Ano raw ho?” “Wala lang. Kasi ang ganda-ganda kaso ng ayos nitong pwesto niyo. Tapos kakaunti lang ang tao, sabi ko ay dumito nalamang kami kumain,” “Ah ganon ho ba. Tuloy ho kayo. Tuloy,” sabi ni Cara at masayang nagtungo sa likurang kusina. Sakto namang naroon na ang lola ni Zian kaya hindi na siya nahirapang gisingin ito. “Lola, meron na hong customer,” “Sabihin mo walang maluluto,” “Po?!” “Paalisin mo!” Pumamaywang si Cara at hiyang-hiya na naglakad palabas. Pero natigilan siya nang makitang nakikipagtawanan ang mga ito kay Chris. “Chris?” mahinang sabi ni Cara. “Nahingi mo na ba ang order nila?” “Ha? Ah hindi pa eh. Pero kasi...” “Hingin mo ang order nila at samahan mo sila, ihahanda ko lang ang mga ingredients. May ice cream diyan, pakainin mo muna habang naghihintay,” Pinanooran ni Cara papasok ito sa kusina at hiningi na ang order ng mag-anak. Nang makuha ay tumakbo si Cara papasok at baka mamaya ay nagpapatayan na si Chris at ang lola ni Zian. Pero gulat siya nang makita ang dalawa na seryosong naggagayat ng mga sangkap. “OH ano, tatayo ka lang diyan? Tumulong ka sa paghahanda,” mataray na sabi ng matanda. “Dalhan mo sila ng tubig doon.” “Ipagsandok mo na rin ng ice cream,” ani Chris. “Magsulat ka rin ng paskil ng tungkol sa free ice cream.” “Bakit nga ba nagka ice cream?” takadong tanong ni Cara. “Binili ko yong buong ref, tapos hinanap na kita. Ayaw ko ng mga rides, mapagod,” reklamo ni Chris. “Ano, magtsismisan na lang tayo? Kala ko ba kailangan mo ng pera?” “S-Salamat Chris!” Makalipas ang mahigit isang oras ay dinagsa na ang kanilang pwesto. Hindi na magkamayaw si Cara sa kung sino ang uunahin. “Tubig please! At ice cream namin!” tawag ng mga nasa table 4. “Teka nauna kami!” sigaw naman ng nasa table 10. “Opo, andiyan na ho,” sabi ni Cara. Dali-daling kumuha si Cara ng pitsel ng tubig at mga baso sa service area. Pawis na pawis na siya at talagang dama na ang pagod. Nang maihanda na ang mga baso ay akma na siyang maglalakad pabalik pero natigilan siya nang salubungin siya ni Zian. Itinaas nito ang suot na puting damit at pinunasan ang pawis niya. “Ako na dito. Kumuha ka ng isa pa,” ani Zian at nakangiti itong naglakad palabas. “Zian,” “Mamaya nalang tayo mag-usap, Cara,” Tumango si Cara at sumunod kay Zian pagkatapos na kumuha ng isa pang set ng pitsel at mga baso. Paglabas ay laking gulat niya nang makita si Jed, Joy, at Lawrence na nag-iintindi ng mga customers. Gusto mang umiyak ay pinigilan ni Cara. “Cheer up, beautiful!” bulong ni Lawrence nang maglakad palapit sa kaniya at nagtuloy sa kitchen area para kumuha ng mga orders. Tatango-tangong pinahid ni Cara ang mga luhang bahagyang nakatakas sa kaniyang mga mata at muling ngumiti bago humarap sa mga customers. Alas-onse na ng gabi nang mapagdesisyunan nilang magsara at walang sing saya ang lahat nang mabilang ang naging benta sa buong gabi. “Fifty thousand!” masayang anunsiyo ng lola ni Zian. “YEHEY!!!” masayang hikbi ni Cara. “Ang galing.” Tumayo ang matanda at nag-abot ng mga parte nila. At ang pinakamalaki ay kay Cara. “Hala, Lola, ang laki naman ho nito,” hindi makapaniwalang sabi ni Cara. “Kung hindi mo ako kinulit, ay di walang ganito,” matipid na sabi ni matanda. Napayakap si Cara rito at sa pagkakataong ito ay hindi tumanggi ang matanda, “Salamat Cara. Sa mahabang panahon, ngayon na lamang ulit ako nakaramdam na may kasama ako. Kahit mga anak ko ay hindi na ako nabibisita eh.” Humigpit ang yakap niya rito at hindi na nagulat nang tapikin nito ang kaniyang braso, “Ayos na.” “Haha, opo. Sorry po. Ngayon lang ho kasi talaga ako nakayakap ng Lola,” “Eh di asawahin mo si Zian. Sige na magpapahinga na ako. Kung gusto niyong mag-aliw, may banda na tutugtog sa tabing-dagat. May mga tira pang maiihaw diyan sa kusina. Hindi naman na yan pwede ipagpabukas, sainyo na lang. May mga beer naman diyan sa labas, bahala kayo,” sabi ng matanda at tuluyan nang naglakad papasok sa kwarto nito. Marahang humarap si Cara sa mga kasamahan at ngumiti, “Salamat sainyong lahat.” “Tsk! Kung hindi ko kilala si Chris, hahayaan kita na magpasalamat pero dahil kilala ko hanggang kuko yan, alam kong nagluto lang siya para marami siyang makain,” usal ni Jed. “Pero welcome,” sabi ni Chris na diretso ang kain ng ice cream. Si Joy ay umirap lamang. Tumayo si Lawrence at ngiting-ngiti na nagsalita, “Tara sa tabing-dagat.” Nagsitayuan na rin ang mga ito at nagpaumuna na. “Susunod na lamang ako, magdadala ako ng mga maiihaw, alam kong gutom na kayo,” ani Cara at nagpunta sa kusina. “Tulungan na kita,” alok naman ni Zian. Madaling tiningnan ni Cara si Lawrence pero akbay-akbay na ito ni Chris palayo. “Zi, sorry. Nagsinungaling ako,” nakayukong sumamo ni Cara. “Ok lang, Cara. Nang magbabye ka kanina, alam kong may gagawin kang ayaw mong ipaalam saka alam kong may rason ka. At yong uniform ko, wag mo na isauli. Hindi ko na susuotin yon,” Nanlaki ang mga mata ni Cara, “Zi.” “Hindi naman ako galit Cara. Kung ginamit mo iyon para tulungan si Lawrence, ayos lang sa akin,” “Salamat, Zi.” “Kahit ano para sayo, Cara. Tara na, ok na ito,” "Sige." Tumango si Zian at hinayaan siyang umuna palabas. Pagdating sa dagat ay may malaking bonfire sa gitna at napakasarap ng ihip ng hangin. Hindi mapigilang mapangiti ni Cara dahil first time niyang maranasan ang mga ito. ”Ako na, tulungan na kita,” salubong ni Lawrence sa kaniya. “Kaya ko,” Pero imbes na makinig, hinigit ni Lawrence ang malaking ice box na kaniyang dala. “Pagsisilbihan kita sa ayaw at sa gusto mo." "Ah imposible ka talaga," inis na maktol ni Cara. "Wag na wag mong pagsasalitaan si Cara--" galit na sugod ni Zian pero agad na natigilan nang hablutin ni Chris at Jed palayo. "Yon oh, inom tayo!" masayang sabi ni Chris. "Hoy! Ang dami mo ng kain na ice cream tapos iinom ka?!" galit na sabi ni Joy kay Chris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD