“Oh yun luto na!” sabik na usal ni Chris at akmang dadamputin ang lutong karne sa ihawan.
Pero agad na pinigil ng kamay ni Lawrence kasabay ng isang matalim na tingin. “Talaga, Chris? Ang layo mo dito kani-kanina lang tapos nang makaluto na, andito ka na? Ayos ah. Bumalik ka sa doon.”
“Gusto mo dalhin ko dito si Zian?”
“Gusto mo bawiin ko sayo ang black card ko?”
“Haha, sabi ko nga, kay Cara muna,” tawang-tawang sabi ni Chris at sarkastikong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Lawrence.
Napailing na lamang si Cara at muling ibinalik ang tingin sa kumpulan ng mga tao mula sa kinauupuan nila ni Lawrence.
Saktong alas-dose na ng madaling araw.
“Masaya ka ba?” tanong ni Lawrence habang tinatabi ang mga luto ng karne.
“Hm,” tango ni Cara. “Ngayon pa lang ako nakaranas ng ganito.”
“Bakit?”
“Ang dami mong tanong,” pag-iiba ng tono ng boses ni Cara.
Si Lawrence, hindi napigilang matawa ng sobra. Sa isip-isip nito ay itong-ito talaga ang ugali ng Nazarene na una niyang nakilala.
“Ang iksi ng pasensiya mo no?”
“Ang dami mo kasing tanong,”
“Masama bang kilalanin ka?”
“Tumigil, Lawrence,”
“Wala ka bang masyadong kaibigan?” di patinag na tanong ni Lawrence habang nakatitig sa kaniya.
“Bisit! Ang kulit!” inis na sabi ni Cara at nahihiyang tumingin pabalik kay Lawrence. “Pahingi munang beer.”
Ngumiti si Lawrence, “Ganon mo ba nilalabanan ang nararamdaman mo?”
“Ang kapal mo, wag kang feeling,” irap ni Cara at sa wakas ay tumingin na kay Lawrence para kunin ang bote ng alak.
“Hep, kaya mo ba uminom? If you can’t, I won’t allow you,” usal ni Lawrence na nakatingin ng mapang-akit na tingin kay Cara.
Naglapat ang mga labi ni Cara at pilit na pinigil ang ngiti. “So what if I can’t hold my liquor?” nakapangalumbabang tanong ni Cara.
Lumaki ang ngiti ni Lawrence at idinikit sa sintido ang pawisang bote ng beer saka kumagat sa labi. “I’m afraid it would be hard for me to control myself from falling deeper in love with you.”
Napataas na lamang ang kilay ni Cara at nangibit balikat habang pigil na pigil ang tawanin.
“Urgh! Kinikilig ka ba o natatae?” usal ni Joy bigla pagkatapos na yumukyok sa kanilang harapan at walang pasabing kumuha ng mga karne.
“Joy!” hagakgak ni Cara at kinuha na ang beer mula kay Lawrence.
“Si Chris ba ang nag-uto?” tanong ni Lawrence habang nag-iiwas ng tingin kay Joy.
“Malamang. Baka mamatay na daw siya eh,” inis na sabi ni Joy.
“Tsk!” iiling-iling sa dismaya ni Lawrence. “Sige na dagdagan mo na para sa iba. Basta, wag kayong pupunta dito.”
“Huy!” saway ni Cara.
“Oh bakit? Gusto kitang masolo,” diretsahang sabi ni Lawrence.
“Pag ako talaga sinabunutan ni Rowan, sinasabi ko sayo,”
“I swear not a tip of your hair will be touched by her,” sinserong sabi ni Lawrence.
“Ay pota, wala pang inom eh matindi na ang englishan. Sige,” paalam ni Joy na nagdala na rin ng ilang bote ng beer paalis.
“Sa hirap ng buhay, pakiramdam ko ay ang sama-sama ko kung mag-aaksaya ako ng oras sa ganitong kasiyahan,” seryosong sabi ni Cara habang nakatingin na naman sa unahan kung saan pangatlong kanta na ang inaawit ng banda.
Napangiti pa ng malungkot si Cara, “Parang sa pag-ibig, naiisip ko noon, na ang sama-sama ko kung magmamahal ako, paano ang pamilya ko? Ang mga panganay ko kasing mga kapatid nagsiasawahan na at kami na lamang ni Boching ang natira para makasama nina Nanay at Tatay. Na imbes na isipin ang saglit na kasiyahan, kailangan mag-isip kung paano kakain sa isang araw.”
Kumuha ng isang bote ng alak si Lawrence at uminom habang pinagmamasdan si Cara at ang marahang pagsayaw ng buhok nito sa samyo ng banayad na hangin ng madaling-araw.
Kita nito ang malungkot na mga mata ni Cara at ang pagkilab ng luhang pumatak dahil sa ningas ng bonfire.
Marahan nitong inilahad ang kamay para punasan ang luha ni Cara, “Sorry.”
Humarap si Cara rito at tumaas ang kilay, “Oh bakit ka nagsosorry? Kasalanan mo ba kung bakit ganito ang buhay ko?”
Napainom ng malala si Lawrence at agad na naubos ang bote. “Wala sorry lang. Ako na ang magsosorry para sa lahat. Pero...may chance pa naman na mabago di ba? And I’ll support you all the way. I swear to be at your back and do everything para makarating ka sa tagumpay na gusto mo.”
“Cheers?” alok ni Cara at tumango naman si Lawrence. “Ikaw, kwento ka naman. Ano ang mga pilat mo sa likod?”
Kumuha ng tatlong piraso ng karne si Lawrence at sinubo kay Cara. “Kainin mo na at masamang uminom ng walan laman ang tiyan.”
Tinanggap naman ni Cara. “Ano na, wag mong ibahin ang usapan.”
“Anak ako sa labas. Kaya noong bata ako ay sa probinsiya ako pinalaki ni Mama. Hanggang sa tumuntong ako ng labintatlong taong gulang at kinuha ako ng aking ama. Kinilala ako bilang anak. Sabi ko noong una, ayos, mayaman pala ang ama ko, makakaranas ako ng magaan na buhay pero maling-mali ako. Ang mga pilat ko sa likod ay lahid ng mga hagupit sa akin ni Papa pag hindi ko nasusunod o nagagawa ng maayos ang mga gusto niya. Si Mama, namatay siya sa sakit na nagmula dahil sa lungkot at stress kakabawi sa akin. Pero ano nga bang magagawa ni Mama sa yaman ng ama ko?” Lumayo ang tingin ni Lawrence at huminga ng malalim. “Gusto ko ng sumuko pero nagbago lahat ng dahil sayo.”
Sa pagkakataong ito ay si Cara naman ang nagpahid ng luha ni Lawrence. “Sorry Lawrence.”
Hinawakan ni Lawrence ang kamay ni Cara at ngumiti, “Congrats.”
“Ha?” natatawang tanong ni Cara habang diretso ang pagtulo ng mga luha. “Wiping my tears is one step to sweetness.”
“Ah! Muta mo!” inis na sabi ni Cara at binawi ang kamay. “Ah ang sakit sa mata ng usok ng iniihaw.”
Napainom na lamang si Cara ng alak ulit at paglipas ng mahigit kalahating oras ay panay na sila tawa dahil sa mga pinagkukwentuhang kung ano-ano.
“Ang baho siguro ng utot ni Chris,” sabi ni Cara na abot ngala-ngala na ang pagtawa.
“Sinabi mo pa. Minsang umutot yan sa office noon, delayed ang meeting for one hour. Di kayanin ng disinfectant team. Ingat, tawa ka ng tawa diyan, mahulog ka,”
“Alam mo, bagay sila ni Joy magkatuluyan,”
“Oo tunay,” sang-ayon ni Lawrence.
“Kawawa mga kapitbahay nong mga yon,” tawang-tawang sabi ni Cara at nagpapadyak na, hindi na mapigil ang tawa. Sumandal siya sa inuupan pero laking gulat niya nang umangat ito at bumagsak siya sa buhangin.
“Oh sinabi ko na nga ba!” natatawang sabi ni Lawrence at dahil sa may inom na rin ay pasubsob naman na nahulog sa kinauupuan.
“AHHH! Kita ko yon,” hagakgak ni Cara at pilit na bumangon. “Shet! Ang hilo.”
“O-Ok ka lang ba?” tanong ni Lawrence na kay daming buhangin sa mukha.
“Ako pa talaga ang tinanong mo. Halika nga, linisan ko mukha mo,” ani Cara at sinapo ang magkabilang pisngi ni Lawrence saka marahang pinahid paalis ang mga buhangin.
Kaso sa sobrang kilig ay aksidenteng naibuga ni Lawrence ang alak na nasa bibig kay Cara.
“Shoot! Di ko sinasadya!” tarantang sabi ni Lawrence pero binuhos na rin ni Cara sa kaniya ang tirang beer sa boteng nasa tabi niya nang mahulog. “Bleeh!”
Madaling tumayo si Cara at kahit nahihilo ay pilit siyang tumakbo.
“CARA!!!” sigaw ni Lawrence at pilit na tumayo para habulin si Cara.
“Ikaw ang nauna!” tawang-tawa na sabi ni Cara.
“Hindi ko sinasadya!”
“Kahit pa!”
Nang malapit na si Cara sa timbon ng mga tao ay nahagip na ni Lawrence ang kaniyang baywang at inikot-ikot. “Huli.”
“This song is for everyone who is too broke to love but still chooses to feel and to fall regardless of how difficult the situation is because the right person will see your beauty even with all the cracks and flaws. Sabayan niyo ako. Sumayaw tayo,” sabi ng vocalist sa gitna.
Nagsimula itong kumanta ng pinagsamang english at tagalong version ng line without a hook.
“Sinta maligaya
Ako na nandito ka
Halina't pag-usapan
Ang ating nadarama
Matagal na palang
Tayong di nagkakasama
Halina't simulan
Ang bagong alaala
Oh binibini Ikaw ang napiling
Hahanapin bawat sandali
Ang iyong ngiting nagbibigay liwanag
Para di maligaw..."
Marahang ibinaba ni Lawrence si Cara at hinapit ang baywang para isayaw.
“Akala ko ba hindi ka marunong sumayaw?” biro ni Cara.
“Dinadama ko lang naman ang kanta,” nakangiting sabi ni Lawrence at inikot si Cara saka sumayaw silang magkapit ang mga kamay kahit papano na lamang.
Hanggang sa muli siyang iikot ni Lawrence at niyakap habang siya ay nakatalikod.
“If I have to break all my bones for you,” bulong ni Lawrence habang nakasuksok ang mukha sa leeg ni Cara.
Napahawak ang isang kamay ni Cara sa ulo ni Lawrence at ang isa naman ay sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang baywang kasabay ng mabibigat na hininga. “Mahirap akong mahalin, Lawrence.”
“I won’t mind, your pieces are worth it,” usal ni Lawrence at marahang ipinasok sa suot na damit ni Cara ang isang kamay.
“Take me home, Lawrence,” banat ni Cara at tumawa saka pumasan sa likuran nito. “Gusto ko na tumulog.”
“Ok.”
Hindi na nagpaalam si Lawrence sa mga kasamahan, binuhat na niya si Cara papunta sa kotse saka nagmaneho pauwi sa baryo nito.
Kaso ilang minuto pa lamang sila sa pagdadrive ay biglang nagising si Cara at sumigaw, “Nasusuka ako!”
Dali-daling tinigil ni Lawrence ang kotse.
“Saglit! Saglit!” aligagang sabi ni Lawrence habang inaalis ang seatbelt at tumakbo papunta sa backseat kaso huli na siya, nakasuka na si Cara.
Pagkasuka aynahiga na ulit si Cara at bumalik sa pagtulog.
Nailing na lamang si Lawrence at muling bumalik sa driver’s seat para magmaneho.
Iyon lamang ay ilang metro na lamang sana at malapit na sa bundok nina Cara ay muli itong nagising, “NAIIHI AKO!!!”
“Cara, saglit malapit na,”
“Hindi ko na kaya,” hirap nitong sabi at laking gulat ni Lawrence nang itaas nito ang palda ng suot na uniform.
“Oh shoot!” taranta ni Lawrence at kinabig ang manibela papunta sa ilog.
Sagitsit na ang mga gulong ng kotse nang itigil niya sa tabing-ilog at madaling binuhat si Cara palabas.
Sa sobrang kalasingan ay hirap makalakad si Cara at halos matumba-tumba na ito kaya walang nagawa si Lawrence kundi ang buhatin at sabay silang lumubog sa tubig.
“Ang lamig,” ungot ni Cara habang kandong-kandong ni Lawrence.
“Sorry,” natatawang sabi ni Lawrence nang maramdaman ang mainit na sensasyon sa kaniyang mga hita.
“Bakit mo ako binasa? Ayan nakaihi na ako,”
“Haha, hindi ka na pwedeng uminom ulit ng hindi ako ang kasama,” tawang-tawang sabi ni Lawrence at binasa-basa ang mukha ni Cara para mahulasan ito.
“Sorry, hindi naman ako ganito,” naiiyak nang sabi ni Cara.
“Ok lang,”
“Pero dapat tinulungan mo na lang akong ibaba ang panty ko,”
Natawa si Lawrence at inilapat ang noo sa noo ni Cara, “If I did, I’d break you. But I won’t pull your panties down until I know I’m paid and your strong enough to endure it.”
Sinapo ni Cara ang magkabila niyang pisngi at nagsalita, “Wala akong nauunawaan sa sinabi mo pero alam mo ba, hindi ko alam kung bakit may lalaki na lagi akong napapanaginipan at pumapasok na lamang sa isip ko. Ang tagal ko nang nararanasan yon. Minsan nahihilo na lang ako at nawawalan ng malay sa tindi ng mga imaheng dumarating sa isip ko. Pero imbes na isipin na mababaliw na ako, baka lang… may nagkagustong element sa akin dito sa ilog.”
Napatingala na lamang si Lawrence at hinayaang magkwento si Cara habang masayang pinagmamasdan bawat emosyon na pinapakita sa mukha nito.
"Cause there is something, and there is nothing
There is nothing in between
And in my eyes, there is a tiny dancer
Watching over me, he's singing
"She's a, she's a lady, and I am just a boy"
He's singing, "She's a, she's a lady, and I am just a line without a hook
Oh, baby, I am a wreck when I'm without you
I need you here to stay
Broke all my bones that day I found you
Crying at the lake
Was it something I said to make you feel like you're a burden? Oh
And if I could take it all back
I swear that I would pull you from the tide”