Chapter 19

2279 Words
“Aray!” daing ni Cara paggising kinabukasan. Maghapon siyang tulog dahil hindi talaga kaya ng kaniyang katawan ang alak. “Anak, buti gising ka na,” bati ng kaniyang ina. “Nay sorry ho, gabi na ho ako nagising.” “Madaling araw na, Na...Mam Cara,” natatawang sabi ni Manang Rose at ibinaba ang sabaw sa mesa. “Oh humigop ka na muna ng sabaw.” “Umaga na ho?!” bulalas ni Cara at tumakbo palabas ng bahay kubo. “Anak, alam kong nasa tamang edad ka na pero tamang inom lang. Sobra ang takot at pag-aalala namin buti na lang talaga at kasama mo si Lawrence. “Si Lawrence.” Napasapo sa bibig si Cara at pilit na inalala ang mga nangyari. “Asan ho si Lawrence?” “Nako, andon sumama sa Tatay mo sa paglulukad, pati si Zian,” “Ano ho?! Bakit niyo pinayagan? Eh mga sira ang mga ulo ng mga yon!” tarantang sabi ni Cara at madaling humigop ng sabaw saka tumakbo papunta sa tent ni Chris. “Chris--- AHHH!” palahaw ni Cara nang makita itong walang malay at nakakalat ang ilang mga pagkain sa palibot nito. Napakarami na ring mga langgam. “Ano ba naman yan, ang aga-aga!” inis na ungot ni Chris at pumihit ng higa. Napakapit sa dibdib si Cara at nakahinga ng malalim. “Bwisit! Peste ka! Akala ko...” “Na patay na ako,” inis nitong sabi at kinukusot pa ang mata nang tuluyang umupo. “Ay paano, nakakalat diyan sa tabi mo ang mga pagkain tapos ang dami pang mga langgam,” “Ha! Ganiyan talaga, katabi ko sila matulog,” “Ibang klase ka talaga, Chris! Maghunos-dili ka pa rin sa pagkain ha, mamaya, magkasakit ka na,” “Wag mo kong isipin. Ano palang kailangan mo?” “Samahan mo ako, may pupuntahan tayo,” “Si Jed na lang,” “Andito pa si Jed?” “Diyan sa kabilang tent,” taboy sa kaniya ni Chris at bumalik na sa paghiga. “Sige sige.” Madaling tumakbo si Cara sa kabilang tent at walang pasabing binuksan ito. “Jed, samahan mo ako—” natigilan si Cara nang tumambad sa kaniya nag tila anghel na natutulog na si Jed. Nakatopless lang ito at nakalantad ang perpektong katawan. Pero ang nakakuha talaga ng pansin niya ay ang kulay itim na orasang may basag sa gitna. Wala sa sarili siyang gumapang papasok ng tent habang nakatuon ang tingin sa orasan. “Wag yan,” seryosong sabi ni Jed nang biglang hawakan ang kaniyang kamay nang akma na niyang kukunin ang orasan. Napatingin sa ibaba si Cara at nanlalaki ang mga matang tiningnan si Jed, “Sorry.” Bahagyang bumangon si Jed at naupo, “Anong ginagawa mo?” Natigilan si Cara habang nakaluhod sa harapan ni Jed, “H-Hindi ko rin alam. Pakiramdam ko ay pamilyar ako sa orasan.” Ramdam ni Cara ang paghigpit nang pagkakahawak sa kaniyang palapulsuhan ni Jed at ang pagbigat ng hininga nito. “Lumabas ka na, magbibihis lang ako,” sabi na lamang ni Jed at binitawan na siya. “S-Sige. Iintayin kita. Salamat.” Lumabas si Cara at tumambad ang ngiting-ngiti na mukha ni Chris. “Madali naman patahimikin ang bibig ko,” sabi pa nito. “At bakit naman patatahimikin?” “Hindi matutuwa si Lawrence kung malalaman niya na nasa loob ka ng tent at nakaibabaw kay Jed,” “Ha? Wala naman kaming ginagawang masama,” “Ikaw rin,” “Tsk! Bahala ka kung anong gusto mong sabihin. Wala naman akong ibang maiinteresan na lalaki kundi si Lawrence lang,” Ngumiti nang napakalaki si Chris, “Same answer, good job!” Lumabas sa tent si Jed at seryoso ang mukha nito, “Tara na.” “Sama ako,” parang batang sabi ni Chris. Hindi naman na ito pinansin ni Cara dahil sa tindi ng t***k ng dibdib dahil sa mga binitawang salita. Tahimik nilang tinahak agn bundok kung saan nagkokpra ang kaniyang ama maliban siyempre kay Chris. “Malayo pa ba? Patay na ako!” reklamo nito. “Pinilit ka bang sumama?” masungit na sabi ni Jed. “Bumalik ka na lang kung puro ka reklamo.” “Malayo na ang napuntahan natin!” “Eh di magpagulong-gulong ka,” sabi ni Cara. “Ang sama niyo!” maktol ni Chris. At nang sa wakas ay makarating sa ahon kung saan nagkokopra ang kaniyang ama, agad na tumambad sa kaniya ang sigawan ng ama at mga kasamahan nito habang si Lawrence at Zian ay nagtutunggali sa pag-aalis ng balat ng niyog. “ANONG GINAGAWA NINYO?!!” galit na sigaw ni Cara dahilan para magsitigil ang mga ito. “Anak, nagkakatuwaan lang,” sabi agad ng kaniyang ama na si Roger. “Katuwaan? Ay puro sugat na ang mga kamay ng mga yan? Tay naman! Anong alam ni Lawrence sa paggaganito? Isa ka pa Zian!” dismayadong sabi ni Cara. “Tama, tapos naman na ang laban una pa lang,” inis na sabi ni Chris. “Shut up, Chris!” galit na sabi ni Cara. “Itigil niyo na yan. Kayong dalawa, umuwi na kita!” galit na sabi ni Cara at nagpaumuna nang maglakad pabalik. Walang nagawa si Lawrence at Zian kundi ang sumunod. Ni isang salita ay walang binitawan si Cara hanggang sa makababa. Nang makarating sa paanan ng bundok ay tumigil si Cara at biglang lumuhod. “Cara!” aligagang sugod ni Lawrence. “Tumayo ka. Anong nangyayari?” Pero tumanggi si Cara sa kamay ni Lawrence. “Tumigil na kayo, pakiusap. Ayaw ko ng ganitong mga ginagawa niyo. Nasabi ko na sa inyo ng maliwanag,” sumamo ni Cara. “Sabihin mo na kasi nang wala nang mabigat sa dibdib mo,” sabi ni Chris. Tuluyan nang bumigay ang mga luha ni Cara, “Zian, sorry. Sobrang sorry. Hindi pa man ako sigurado pero...kahit anong dikta ko sa aking isipan at puso, si Lawrence lamang ang lagi kong naiisip.” Humakbang si Zian palapit sa kaniya at ngumiti, “Tahan na. Wag na magsorry. Alam ko naman eh. Alam ko na. Sinusubok ko lang naman si Lawrence kung hanggang saan ang kaya niyang harapin para sayo. Halika na tayo na diyan. Siguro naman ay tuloy pa rin ang sayaw natin sa ball?” “Oo!” ngawa ni Cara at mahigpit na yumakap rito. “Sana hindi ka mailang sa atin pag nag ojt tayo.” “At bakit naman? Magkaibigan pa rin naman tayo ah,” sabi ni Zian at hinaplos ang kaniyang buhok. “Ako pa rin ang bestfriend mo.” Pagkatapos ay bumitaw si Cara at hinawakan ang braso nito. “Tara sa bahay gagamutin ko ang sugat mo.” Pero bumitaw si Zian at nanginginig ang kamay na pinisi ang kaniyang palapulsuhan, “Ako na ang bahala. Si Lawrence na ang unahin mo. Hindi pa ito magagamot ngayon. Hintayin na lang kita sa school.” Pinanooran ni Cara na umalis si Zian at parang pinupunit siya na pagmasdan ang pagbagsak ng mga balikat nito. Kita niya ang pagpahid ng mga luha nito at panginginig ng mga balikat. “Zi...” usal ni Cara at akma nang hahakbang para sundan ito nang hawakan ni Lawrence ang kaniyang kamay. “Wag na Cara. Lalaki din ako at hindi kita papayagan na basagin pa siya ng sobra pag sumunod ka. Hindi ko hahayaan na mahirapan siya humilom. Act your usual. I’m very proud of you,” sabi ni Lawrence at pinatong ang kamay sa kaniyang ulo. “Tara uwi.” Tumango lamang si Cara at naglakad na sila pabalik. Pagdating sa bahay ay diretso ang pag-iyak ni Cara habang ginagamot ang mga sugat ni Lawrence. “Ako na ang magtutuloy nito. Magpakana para pumasok. Mag-ingat ka sa school. Hindi na kami muna pupunta, magkita-kita na lamang tayo sa bistro central. Darating na ang mga materyales ngayon kaya magisismula na kami maglinya,” Lumiwanag ang mukha ni Cara at yumakap kay Lawrence sa sobrang saya, “Talaga?! Ang galing! Mag-ingat kayo. Ang daan titingnan mo ng mabuti. Bukod sa mga ahas, yong mga bato baka mamali ka ng apak eh madisgrasya ka.” “Haha! Kikiligin na ba ako? Relax lang. Magpapakasal pa tayo kaya dapat talaga mag-ingat ako,” nakangiting usal ni Lawrence. “Sige, mamaya na lamang ulit,” nahihiya nang sabi ni Cara at madaling tumayo. “Sorry sa mga pinaggagawa ko kahapon, lasing lang ako!” Kinahapunan, habang naglalakad palabas ng school ay sinalubong siya ni Zian, “Sabay na tayo sa bistro. Sayang pa sa pamasahe.” Tumango naman si Cara at sinuot ang helmet saka umangkas sa likuran ni Zian. “Pajama mo,” “Opo,” natatawang sabi ni Cara at hinigit na ang pantalon na nakapailalim sa palda. “Nga pala, about sa thesis, kasama na natin si Joy,” “Totoo?! Ayan, mas masaya,” sabik na sabi ni Cara at nabigla nang biglang patakbuhin ni Zian ang motor kaya napayakap siya rito. “Testing!” tawang-tawang sabi ni Zian. “Bwisit ka, Zi! Baka gusto mong kalbuhin kita!” Nagtungo na sila sa bistro at agad na naglinis ng restaurant ng lola ni Zian. “Oh ano, ayos ka na?” tanong ng matanda nang magbaba ng mainit na sabaw sa mesa. “Higupin mo yan nang tuluyan nang mawala ang hangover mo.” “Salamat po, Lola.” “Bakit kasi iinom ng sobra tapos hindi naman kaya,” “Sorry na ho,” ani Cara at sinumulang humigop ng sabaw. Pagpatak ng alas seis ay nagsimula nang magdatingan ang mga tao. “Andito na kami!” sabik naman na sabi ni Chris pagdating. Malawak ang mga ngiting tumakbo palabas si Cara para sumalubong kaso hindi niya nakita si Lawrence. “Wala! Kasama ni Rowan, may inaayos pa sila sa plano at distribution lines,” ngisi ni Chris. “Oh alam mo na ang pakiramdam?” “Pakiramdam ng ano? Tsk! Magluto ka na,” sabi ni Cara at nagtuloy na sa pag-aasikaso ng customer. Tinapik lamang ni Jed ang kaniyang balikat. “Wag kang magseselos, kailangan munang mapatay si Lawrence bago matsansingan. Sayo lang daw niya ibibigay yon.” Namula si Cara sa sinabi nito at halos mabitawan ang mga dala. Alas-onse ng gabi nang magsarado ang restaurant at habang abala ang lahat sa pagliligpit ay laking gulat ni Cara nang may bigla na lamang humila sa kaniya. “Tara, abot pa.” “Lawrence?” “Ang tagal ko ng gusto magrides, hindi ko pa nasusubukan simula noong bata pa.” Tumango si Cara at ngumiti. “Ayusin mo lang talaga, ayaw ko nang sumusuka.” “Talaga?” biro ni Lawrence at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. Una silang pumila sa feris wheel na wla nama silang ginawa kundi ang mainip dahil sa bagal ng ikot. “Hinding-hindi na ako sasakay diyan,” reklamo ni Lawrence. “Gusto mo ng mabilis? Eh di roller coaster tayo!” sabi ni Cara pero pagtapso naman ay halos hindi na makalakad si Lawrence ng maayos. “Ayaw ko rin diyan! Mamamatay ako ng wala sa oras!” nanghihinang sabi ni Lawrence. “Kung ganon, doon tayo naman sa gusto at paborito ko,” sabi ni Cara. “Game!” Hinila niya si Lawrence papunta sa upgraded horror house kung saan ang pinakamaraming mabaril na mga creatures ay may makukuhang premyo. “Hindi ko talaga alam pero ito talaga ang isa sa hilig kong laruin. Para bang gamay ng katawan ko ang pagbaril,” sabi pa ni Cara habang nilalamnan ang nerf gun para kay Lawrence. “Kung hindi ka naman tumama, akong bahala panalo pa rin tayo dito. Basta tulungan mong protektahan itong watawat sa likuran ko. Hindi pwedeng makuha ito sa akin.” “Ok! Pero susubukan ko pa rin,” sabi ni Lawrence nang tanggapin ang nerf gun. “Ayaw ko namang maging pabigat.” “Ok. Ito ang extrang mga bala. Pag naubos, irefill mo lang, kita mo naman kung paano ko ginawa,” “Yes Mam!” nakasaludo pang sabi ni Lawrence. “Ok, game!” sabi ni Cara at tumakbo na papasok. Pagpasok ay agad na sumugod ang mga white ladies at ilang mga aswang. “Oh Lawrence sa likod ka—” Natigilan naman si Cara nang tamaan ni Lawrence ang mga ito sa ulo. “Wow! Tsamba!” sabi pa ni Lawrence nang lingunin niya ito. “Tsamba?! Lahat headshot?” “Fine. Ang totoo, marunong naman ako. Kaunti lang,” “Sige.” “Sa likod mo!” sabi ni Lawrence at madaling humarap sa kalaban saka walang hirap na binaril. “Ayos to, ubos ang premyo nito,” sabi ni Cara at pinagpatuloy na ang pagbaril. Hangggang sa nakarating sila sa isang intersection at marami ang naging kalaban kaya nang maubusan ng bala ay kinombat na lang ni Lawrence ang mga ito. “Kuya naman, bakit ang seryoso mo?” ngawa niyong tiktik na pati ang costume na dila ay nasira. “Pagbabayarin mo pa ako. Peste ka!” “Sorry ito,” sabi ni Lawrence dahil at inabutan ito ng maraming cash na binunot sa bulsa. Naglakad si Lawrence palabas ng kwarto para hanapin si Cara nang may mahagip na tila pamilyar na kilos. “Fck!” gigil na sabi ni Lawrence at madaling tumakbo sa direksiyon kung saan papunta ang alam niyang tauhan ng kaniyang ama. “Cara, where are you? Ang hirap talaga pag walang cellphone.” Maingat niyang hinanap kung saan ito nagtungo pero pagliko niya sa isang pader ay saktong sila ang nagkatutukan ni Cara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD