Linggo, isang araw bago ang college ball, maagang nagising si Cara.
“Nay, Manang Rose, magandang umaga ho sainyo,” masayang bati ni Cara sa mga ito. “Nay handa na ho ba ang mga suman?”
“Anak, kami na ang bahala ni Manang Rose dito, pero halika muna saglit sa kwarto, may sasabihin lamang ako sayo,” sabi ng kaniyang ina dahilan para mapaisip si Cara sa kung ano ang maaaring rason kung bakit siya gustong kausapin.
“Sige ho, Nay,” sabi ni Cara at sumundo rito.
Pagpasok sa kwarto ay pinukpok nito ang katabing pwesto sa kama.
“Nay, bakit raw ho?”
May kinuha itong envelope sa lumang plastic na drawer at iniabot sa kaniya, “Batid namin ang ginagawa mong pagtitinda sa restaurant ng lola ni Zian kaya gabi ka na madalas umuwi. Pasensiya na anak, nag-aalala lamang kami ng Tatay mo kaya nagkuhang tanong na kami kay Lawrence. Kaya ito ang ilan sa mga ipon namin ng tatay mo at ang mga bigay mula sa mga kaibigan mo. Pagtapos nating mag-umagahan ay magpunta tayo sa bayan para magtingin ng masusuot mo sa bayan.”
Napatabon sa bibig si Cara dahil sa naghahalong saya at lungkot sa kaniyang dibdib.
“Nay, sainyo na ho ang ipon ninyo ni Tatay. Kaya nga ho ako nagtatrabaho,”
“Hindi anak. Ni minsan ay hindi ka nanghingi sa amin ng Tatay mo. Lagi na lang sinisikap mong paraanan ang lahat kaya hayaan mo sana na magbigay naman kami,”
“Nay saka hindi lang ho kasi para sa college ball ang pinag-iipunan ko ho. Ang totoo po ay may kompaniya hong gusto na agad kaming kunin ni Zian para magtraining sa kanila. Bagamat sabi ho sa school ay sasagutin ng mga ito ang lahat, hindi naman ho maiiwasan na magkakayayaan lumabas, ayaw ko naman ho na hindi ako sasama dahil wala akong baong pera,”
“Totoo ba ito anak?”
“Opo! HAPEX po ang pangalan ng kompaniya. Daniel Solomon ho ang CEO ng kompaniya,”
Nalaglag ang mga ngiti sa labi ng kaniyang ina at napahigpit ang kapit sa kaniyang mga kamay, “Anak, kung hindi ka na tumutuloy?”
“Po?”
“Ano anak, baka kasi...ano masyadong malayo,”
“Ahh! Hahaha, Nay hindi naman na ho ako bata. Saka kasama ko ho si Zian at panigurado hindi naman ako pababayaan ni Lawrence. Nay hindi pwedeng hindi eh, kailangan natin ng pera. Marami akong pangarap sa ating pamilya. Hindi pwedeng habambuhay na maglulukad si Tatay at magtitinda ka ho ng suman,”
“Anak, sa bayan, baka pwedeng doon ka na lang. O di kaya sa school, bakit hindi ka na lang magturo?”
“Nay naman. Nay, makinig ka ho. Aabutin ko lang ho ang mga pangarap ko para sa ating pamilya tapos dito na ho tayo. Hindi ko ho kayo pababayaan. Kaya relax na ho,”
“Anak maraming masasama sa luwasan,”
“Alam ko ho iyon kaya nga po sabi ko sainyo na kasama ko naman ho sina Lawrence, Zian, at iba ko pa hong mga naging kaibigan.”
“Jusko Cara, natatakot ako anak,”
“Nay relax ka lang ho. Malakas ho ang kakampi natin sa taas, bukod doon, hindi naman ho ako papayag na magpapaapi kung ano’t-ano. Pwede ho akong umalis anytime na gusto ko. Siya kita ho ay magpakana at mamamasyal tayo sa bayan. Malaki-laki na rin ho ang naiipon ko eh, panigurado masaya nito si Boching,”
Tumango ang kaniyang ina at marahan siyang naglakad palabas ng kwarto.
“Manang, hain ho tayo para sa umagahan,” wika ni Cara kay Manang Rose. “Pagkatapos ho ay sa bayan na tayo magpupunta.”
“Anong ulam?” masayang tanong ni Chris nang pumasok ito, nagkukusot pa ng mga mata dahil kagigising lang.
Napakarami nitong band-aid sa kamay.
“Anong nangyari sa kamay mo?” usisa ni Cara rito.
“Wala. Sa paglilinya lang ito. Si Jed nga nakuryente pa,”
“Hala! Eh bakit?”
“Namali kaya ganoon. Ano na nga ang ulam?” sabi ni Chris at naupo sa mahabang kawayang upuan.
“Adobo po,” sabi ni Manang Rose at ibinaba sa mesa ang bagong luto na ulam. “May sabaw rin.”
“Ayun oh!”
“Si...Si Lawrence?” usisa ni Cara.
“Andon na sila nina Rowan sa sitio dies,”
“Ah ganon ba,”
“Miss mo?”
“Tsk! Manahimik ka na lamang,” irap ni Cara at napailing na lamang si Chris. “Ah oo nga pala, aalis kami papuntang bayan, isasarado ba namin itong bahay o hindi?”
“May lakad din ako. Nag-energize lang ako. Alam mo naman hindi gumagana ang katawan at utak ko nang walang laman na pagkain.”
Pagkatapos na kumain ay masayang lumabas si Chris ng kubo habang nag-iinat-inat. Nakaalis na sina Cara papuntang bayan.
Marahan nitong hinubad ang suot na t-shirt at naglakad papunta sa poso kung saan sila naliligo.
Sumisipol-sipol pa ito habang dala-dala ang timba, tabo, at ang kompleto nitong skin care.
“Haay! Tagumpay ako! Solo ko ngayon ang poso!” sabik nitong bulong at luminga-linga pa bago inalis ang suot na pajama. “HUU! Ang lamig. Pero pogi pa rin. Grabe, ang ganda ng abs ko, ng biceps ko, ng mukha ko.”
Nagsimula itong magbomba ng poso at pag bababa na ang hawakan ay dinadahan-dahan nito para halikan ang muscles sa braso.
“Sabagay pati mukha mo may abs!”
Natigilan si Chris at madaling tumingin sa kaniyang gilid kung saan nakacross-arms at nakasimangot si Joy.
“Hoy! Anong ginagawa mo dito? Ha! Diba sabi ko sa aplaya tayo magkita,”
“Ang tagal mo, kanina pa ako naghihintay,” inis na sabi ni Joy at humithit sa vape. “Pero ngayong nakita ko kung bakit, hindi na ako magtataka na magtatagal ka. Muscles pa lang sa mukha mo mahirap na isa-isahin.”
“MANAHIMIK KA! Porket walang mapuri diyan sa itsura mo, idadamay mo ako sa kamiserablehan mo,”
Nawala ang ngiti ni Joy at muling sumakay sa motor nito. “Kalimutan mo na ang usapan natin.”
“Aba hoy! Nagawan na kita ng paraan na maisama ka sa ojt,”
“Wala akong pake, di bawiin mo,”
Galit na sumunod si Chris rito at hinigit ang hulihan ng motor para hindi ito makatakbo.
“Bitaw! Kakaladkarin kita, sayang ang muscles mo sa mukha,”
“Oh sorry na, hindi na kita lalaitin. May...itsura ka naman Joy, itsura lang laging galit,”
“Ay bwisit!”
“Anong gusto mo, magsinungaling ako?”
“Bwisit ka!”
“Sige na hindi na. Intayin mo lang ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng maayos na ligo,”
“Tsk! Sige na, bilisan mo.”
“Pwede magrequest?”
“Hindi,” matipid na sabi ni Joy at sinubukang patakbuhin ang motor kaya nagtalsikan ang mga putik kay Chris.
“JOY!!!!”
At wala nang nagawa si Joy kundi ang magtaas-baba ng poso para magkatubig.
Mahigit isang oras rin ang ginugol nilang dalawa sa kaaway bago tuluyang natapos sa paliligo si Chris.
“Ok tara na sa bayan!” sabi ni Chris paglabas sa tent nito.
Hindi naman na umimik si Joy.
“Mag-ingat ka sa pagmamaneho, baka magalusan ang gwapo kong mukha,”
“Mukha lang, walang gwapo,” sabi ni Joy at pinatakbo na ang motor. “Wag kang yayaka—”
“Basta dahan-dahanin mo lang, ayaw ko kasi ng mabilis,” sabi ni Chris nang yumakap kay Joy ng mahigpit habang nakasandal pa ang baba sa balikat nito.
Hindi naman magawang pumalag ni Joy sa kadahilanang nasa mahirap ang daan pababa ng bundok.
“Pasalamat ka talaga!” gigil na sabi ni Joy at nagfocus na magmaneho.
Pagdating sa bayan ay agad silang naghanap ng tindahan ng mga dress.
“Dito, tingnan natin,” higit ni Chris kay Joy pero saglit lang ay lumabas na din agad dahil walang nagustuhan.
Naglakad-lakad ulit sila at nang may makita si Chris ay muling hinigit si Joy.
Hanggang sa sumapit ang tanghali ay hapong-hapo at galit na galit na si Joy.
“Hindi na ako pupunta,” galit na sabi ni Joy at sinubukan nang maglakad pabalik kung saan pinarada ang motor.
“Hindi ka pupunta kung saan, maghahanap pa tayo ng dress mo!”
“Walang ngang babagay sa akin! Dambuhala ako, maliit man ang pangangatawan pero ang laki pa rin dahil matangkad ako, parang manananggal ang buhok ko, parang mangkukulam ang ilong ko, ngiting mamamatay tao ako,” naiiyak nang sabi ni Joy at ipinusod na ang mahaba at tuwid na tuwid na buhok.
Natigilan si Chris at napatitig kay Joy.
“Ganiyan ba ang tingin mo sa sarili mo?” sa wakas ay sabi ni Chris.
“Tingin ng lahat sa akin. Kaya wala akong pag-asang mapansin ni Zian. Kumpara kay Cara na katamtaman lamang ang taas, maliit ang pangngatawan, perpekto ang pagmumukha na kahit anong gawin maganda at cute pa din! Eh ako? Walang-wala ako don!”
“Kaya galit ka sa mundo?”
“Kaya galit ako sa sarili ko! Bakit ganito ako!” gigil na gigil na sabi ni Joy. “Kita mo, pag nagagalit ako parang isang sapak ko lang sayo, tulog ka.”
Napasabunot sa buhok si Chris, “Kung hindi ko nakikita na maganda ka, sa tingin mo isasakripisyo ko ang kain ko para sayo? HA! Maganda ka, Joy! Kahit yon manlang ibigay mo sa sarili mo. Sadya lang walang saya na nakikita sa mga mata mo kaya lahat ang kita mo pangit, kaya ang kita ng lahat pangit!”
Magkalapat ang mga labing hinigit ni Chris si Joy at nagtungo sa panahian.
“Magandang tanghali ho,” bati ni Chris sa isang matandang babae. “Kita ko ho ang mga desenyo mo sa labas, pwede niyo ho ba tahian ang girlfriend ko?”
Nagpumiglas si Joy nang marinig ang sinabi ni Chris pero tiningnan lang niya ito ng masamang tingin kaya tumigil na.
“Ay Sir, marami ho kasing pila ngayon na...”
“Babayaran ho kita ng abala para sa lahat, tapusin niyo lang ho hanggang gabi,” sabi ni Chris. “Kalahating milyon. Pwede na ho?”
Napatabon sa bibig ang matanda, “May pera kang ganon?”
Binuksan ni Chris ang dala-dalang bag at inilabas ang pera. “Ok na ho? Alam kong pang isang linggo kong pangkain ito pero para sa girlfriend ko ay kaya kong isuko sa isang araw.”
At sa kauna-unahang pagkakataon ay gumuhit ang maliit na ngiti kay Joy, “Isang linggo? Kala ko isang araw na kain mo lang sa takaw mo.”
“Sige Ne, maghubad ka na,” sabi ng matanda.
“Po?”
“Sa istruktura kasi ng katawan mo, maganda kung dikit sa katawan ang dress mo at kukuhain ko rin ang magandang lugar kung saan ko lalagyan ng bukas para makita ang kurba mo,”
Luminga si Joy at nakitang sa liit ng panahian ay walang ibang pagsusukatan.
“Saan ho ako maghuhubad?”
“Dito. Boyfriend mo naman ito, anong ikakahiya mo? Imposibleng hindi pa kayo gumagawa ng kalokohan,” ngisi ng matanda.
“Lumabas ka,” sabi ni Joy kay Chris.
At sumunod na lamang si Chris.
Paglabas ay nahagip ng mga mata niya si Rowan na kasama si Zian.
“s**t!”
Dali-daling bumalik si Chris sa loob. “May pupuntahan ako—”
Natigilan si Chris nang maabutan si Joy na nakapanty at bra lamang. Napakaganda ng katawan nito.
“LABAS!!!”
“Oo na. Magpapaalam lang. Babalik din ako, dito ka lang,” sabi ni Chris at madaling tumakbo sa lugar kung saan nakita sina Rowan.
Nakita niya ang mga ito sa bilihan ng mga singsing.
“Sa tingin mo talaga ay talagang dahil lang koinsidenteng narinig sa radyo ni Lawrence si Cara kung bakit sila nagkakakilala. Alam kong wala ka pang balak na maniwala, sige lang. Pero pagluwas niyo sa pag ojt, sabihan mo lang ako,”
“Tumigil ka na Rowan!” galit na sabi ni Zian. “Kahit anong sabihin mo, hindi ako maniniwala sayo. Matagal ko nang kaibigan si Cara!”
“Ah! Kung may cellphone at reception lang sana dito, madali lang. Mgugulat ka na hindi lang basta-basta ang kaibigan mo. But fine! If you want to see na there is something wrong, give this to her. Kahit paano may matitrigger na alaala sa kaniya.”
Iniabot ni Rowan ang isang kwintas kay Zian.
“Tsk! Oh bakit di ka pa umalis?”
“Are you crazy? Kaya lang naman ako nakapunta dito dahil sa kasusunod ko sayo. Inaasahan mo bang makakabalik ako mag-isa? Stupid!” galit na sabi ni Rowan.
“Kaya pala kahit anong gawin mo, hindi ka magustuhan ni Lawrence,” matalim na sabi ni Zian at naglakad na palabas ng bilihan ng singsing.
Madaling nagtago si Chris para hindi makita ng mga ito, “Epal talaga ang Rowan na yon. Kunwari ayaw kay Rebel pero baliw na baliw naman. Ipokritang chanak!”