Chapter 9

2046 Words
Galit na inalis ni Cara ang kamay ni Jed sa kaniyang bibig at tahimik na pinulot ang mga damit niya. Hindi niya alam ang dapat na maramdaman. Ang masakit ay hindi rin naman niya alam kung paano daramdamin dahil wala pa naman talagang karanasan sa ganito. Nang makapagbihis ay tuluyan siyang tumakbo pabalik sa kanilang kubo pero sa ibang daan para hindi makita ni Lawrence. “Oh bakit dito ka dumaan?” Nalaglag ang panga at nanlaki ang mga mata ni Cara nang makita si Jed sa kaniyang tabi. Tiningnan niya pa ang mga paa niya para siguraduhing tumatakbo siya. “Naglalakad ka lang?” “Oo. Pero hindi yan ang tanong ko,” Sinipat ni Cara ang paligid para siguraduhin na tumatakbo siya saka ibinalik ang tingin kay na Jed walang kaemo-emosyon habang nakapamulsa at naglalakad sa tabi niya. “Paanong?” “Ang bagal ng takbo mo,” monotono nitong sabi. “Nagseselos ka ba?” “Ha?” “Nagseselos ka kaya dito ka dumaan?” “Hindi. Nahihiya ako. Baka makaistorbo ako sa gagawin nila,” Mas sumeryoso ang mukha nito at sa pagkakataong ito ay inalis nito ang dalawang kamay sa bulsa saka tumakbo na rin. “Hindi ka pa rin nagbabago,” bulong nito. “Ano?!” tanong ni Cara dahil hindi narinig ang sinabi nito, abala siyang matakot sa dilim at ang katotohanang baka may mayapakan siyang ahas. “Wala, bilisan mo at baka abutan tayo ng ulan,” Napailing na lamang si Cara at binilisan ang pagtakbo. Sa loob-loob niya ay inis na inis siya sa sarili dahil sa madali siyang naniwala sa mga mabubulaklak na sabi ni Lawrence. Pakiramdam niya ay napakadali niyang makuha idagdag pa na halos itapon na niya lahat ng mga pinagsamahan nila ni Zian para lamang kay Lawrence na ilang panahon pa lamang niyang nakikilala. “Aray!” daing ni Cara nang may mayapakan na lubak. Sumubsob siya sa madamong kalupaan ng binabagtas nilang kakahuyan kasabay ng masakit na singhap dahil sa tila kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan mula sa paa na natapilok. Mabilis niyang iniunat ang kaniyang mga para mabawasan ang sakit. “T-Tul—” natigilan si Cara sa pagsasalita nang makitang wala na si Jed sa kaniyang tabi. “J-Jed?” Bumigat ang paghangos ni Cara at sinipat ang buong kakahuyan para makita si Jed. Nang mabigong makita ay pinilit ni Cara na tumayo gamit lamang ang isang paa at iika-ikang naglakad. Pilit siyang kumapit sa mga punong nadaraanan at maya’t-maya napapapikit sa sakit. Sa kasamaang palad ay nagsimula na naman siyang makakita ng mga imahe. “Alis-alis!” daing ni Cara hanggang sa mapaupo na naman siya sa tindi ng pagkahilo. “Ano bang nangyayari? Bakit bumalik na naman ba?” Nagsimula na siyang umiyak dahil sa pananakit ng kaniyang ulo. Unti-unti na ring nanlabo ang kaniyang paningin tapos aksidente pang nabangga ang paang natapilok kaya naman parang malalagutan na ng hininga si Cara. “T-Tulong!” iyak niya habang pilit na nilalabanan na huwag mawalan ng ulirat. Napasandal siya sa malaking puno at mula sa malayo, kahit ba nanlalabo na ang mga mata ay kita niya na may tumatakbo palapit sa kaniya. “Tulong,” muli ay bulong ni Cara. Ang malabong imahe sa harapan niya ay yumukyok sa kaniyang harapan at ngumiti. “You’re safe, Nazarene,” bulong nito. Hindi na alam ni Cara ang nangyari basta nagising na lamang siya na nakapasan sa likod ng isang lalaki. “Ibaba mo ako,” sabi niya. “At ano, maglalakad ka? Eh nahimatay ka na nga sa sakit ng paa mo,” tawang-tawang sagot ni Jed. “Jed?” “Bakit? Sinong gusto mo? Si Lawrence?” “Ano? Hindi. Manahimik ka. Asan na tayo?” “Aba malay ko. Basta lakad lang ako ng lakad,” “Ano?!!!” tarantang sigaw ni Cara at mabilis na inilibot ang tingin sa paligid. “Teka...bakit parang umaga na?” “Oo,” “Pasan-pasan mo ako ng mahabang oras?” “Ano ako baliw? Asa ka naman. Malamang nong hindi ka nagising, humanap lang ako ng ligtas na mapapagtulugan dahil hindi ko naman alam ang daan saka sinamahan ka matulog. Mga tatlong oras palang kitang pasan,” “Alam mo, akala ko talaga ikaw yong tipong hindi manlang magsasayang ng laway dahil sa tila napaka nonchalant mo pero grabe sa tabil ng dila mo,” “Sayo lang ako ganito,” “Ano? Bakit?” “Sinabi ko na, bingi ka,” “Tsk! San ka ba nagpunta kagabi?” “Ah, akala ko kasi may nakita akong baboy ramo, sinundan ko,” “Ano?! Sira ulo ka ba?” “Aba, ngayon lang ako makakakita sana kaso wala, tao lang pala,” “Tsk! Hay nako. Teka, tumigil muna tayo at titingnan ko ang paligid,” Ginawa naman ni Jed ang inutos niya at nang masipat ang kanilang kinaroroonan agad na tinuro ni Cara ang daan pauwi. “Hindi ka ba nabibigatan?” nahihiyang tanong ni Cara. “Nabibigatan pero hindi naman kaya ng konsensiya ko na ibaba ka sa kalagayan ng paa mo,” Napatingin si Cara sa kaniyang paa at napasinghap nang makita kung gaano ito kaitim. “Kyaaah! Ang paa ko!” “Hahaha, kaya nauunawaan ko kung bakit nawalan ka ng malay,” “Magpapasalamat na sana ako, kaso mas lamang pa ang pang-aasar,” “Wag na tayong bumalik doon,” biglang sabi ni Jed na malayo sa pinag-uusapan. “A-Ano?” “Punta na lang tayo sa malayo,” “Nasisiraan ka na naman,” “Hindi ka ba natatakot na baka masama akong tao? Na baka imbes iuwi ay dalhin na lamang kita sa malayo? Malayo sa lahat,” “Hoy, wag mo akong tinatakot ha,” “Pero paano nga kung lumayo tayo? Samahan mo akong mamasyal kung saan,” “Ibaba mo na ako,” “Haha, natakot. Hindi na, biro lang,” “Tsk! Sinasabi ko sayo, pagtangkaan mo lang ako, hindi ko gagawing madali para sayo!” “Alam ko,” sabi nito. “Lumiko ka sa kaliwa,” sabi na lamang ni Cara at hindi naman nagtagal ay nakarating din sila sa wakas. “Ibaba mo na ako. Kaya ko na dito,” pakiusap ni Cara at sumunod naman si Jed. “Hawakan mo na lang ang kamay ko,” sabi ni Jed na akma sanang hahawakan ang kaniyang baywang pero bigo ito dahil sa malakas na suntok na lumapat sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata ni Cara habang nakatingin sa parang puno na nabual sa pagkakaugat na pagbagsak ni Jed. “Lawrence! Tama na yan!” palahaw ni Rowan mula sa likuran at yumakap ito para pigilan si Lawrence. Nagsisuguran na rin ang ibang mga kasamahan nina Lawrence kasama ang pamilya ni Cara. “Lawrence, wag dito,” awat ni Roch, isa sa mga kasamahan ni Lawrence. Madali itong sumugod para tulungan si Rowan na awatin si Lawrence dahil hindi talaga ito paawat. Pero ang lahat ng ingay at kaguluhan ay agad na natahimik nang walang ano-ano ay sumugod si Cara at sinapak si Lawrence sa mukha. Nagsisinghapan ang lahat dahil ni minsan ay hindi nagpakakita ng karahasan si Cara. “AHHH!” palahaw ni Lawrence dahil sa sakit at gulat. “Peste kang babae ka!” inis naman na sabi ni Rowan at umamba na rin ng sugod kay Cara. Pero agad namang hinigit ni Lawrence ang kamay ni Rowan. “Anong ginagawa mo? Bitaw Lawrence,” “At ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Rowan? Sinabi ko sayo na huwag na huwag kang magkakamali na saktan ni hibla ng buhok ni Cara,” “Bwisit! Magsama kayo!” galit na usal ni Rowan bago nagmamartsang umalis. “Ikaw Chris, intindhin mo si Jed!” daing ni Cara at iika-ikang naaglakad papunta sa kubo. “Mas exciting!” Umirap na lamang si Cara rito. Pagdating sa kubo ay agad siyang nagtungo sa kanilang kwarto para humiga. “Anak, ayos ka lang ba?” tanong ng kaniyang ina na nakasunod pala sa kaniya. Tahimik na lumuha si Cara at itinuro ang kaniyang paa. “Hala anak, anong nangyari diyan?” “Natapilok po ako, ang sakit!” “Ay saglit, intayin mo ako, gagamutin ko,” sabi ng kaniyang ina at madaling lumabas. Pagbalik ng kaniyang ina ay agad tumigil si Cara sa pag-iyak. “Akina ang paa mo,” sabi ng kaniyang ina at marahang iniangat ang kaniyang paa sa hita nito. “Nangingitim na ito.” “Sorry po, Nay. Nawala kasi kami sa kakahuyan,” “Imposible anak, alam na alam ko kung gaano mo kagamay ang kakahuyan na yon. Ano talaga ang nangyari?” “Nadidismaya ho kasi ako sa mga desisyon ko sa buhay,” “Sige kung hindi ka pa handang magsabi,” “Nay, a-asan na ho ang nanay at tatay niyo?” Kita ni Cara ang labis na pagkabigla ng ina dahil sa tanong. “Anak, wala na sila. Bakit mo natanong?” “Sayang naman ho. Sa darating hong Christmas break parang gusto ko hong magbakasyon, sa lugar na hindi alam ng marami,” “Ah ganon ba anak, pasensiya na ha,” “Wala ho yon, Nay. Magapapahinga na po muna ako,” “Ayaw mo ba talaga magpadala sa doctor?” “Nay, magiging maayos rin ho agad ito, ako pa?” “Sige anak, magpahinga ka ng mabuti.” Pumihit patalikod si Cara sa ina at pilit na pumikit para makatulog. Nagising na lamang siya kinabukasan ng bandang ala-una. Malamig na ang simoy ng hangin at matindi na ang pangangalam ng kaniyang tiyan. Pilit siyang bumangon at inalalayan ang paa pababa ng kama. Pinilit niyan maglakad palabas para humanap ng makakain. “Lawrence?” singhap ni Cara nang makita itong nakaupo sa mesa at nagkakape. “Buti gising ka na,” Umayos siya ng tayo at pinilit na itago ang sakit na nararamdaman sa paa. "Nagugutom," maiksi niyang sagot. Tumayo ito at naglakad palapit sa kaniya, “Kamusta ang paa mo?” “Ha? Bakit napano ang paa ko?” Umiling ito at walang pasabi siyang binuhat. “Ibaba mo ako, Lawrence!” Hindi ito nakinig, imbes diretso lamang ito sa pagbuhat sa kaniya hanggang sa iupo siya sa kawayang upuan sa tabi ng mesa na kanilang pinagkakainan. Itinaas nito ang suot niyang pajama at sinipat nito ang kaniyang paa, “Gagaling rin ito pero mas mabuti kung hindi mo muna ilalakd dahil kung ipipilit mo ay mas mapapasama ka.” “Sige,” matipid pa rin niyang sagot. Babawiin na sana ni Cara ang paa mula rito nang laking gulat niya na halikan nito ang parte na nangingitim saka pataas sa kaniyang binti. “A-anong ginagawa mo?” kabadong tanong ni Cara saka mabilis na lumingon sa kwarto ng kaniyang ama. Hindi sumagot si Lawrence, bagkus ipinagpatuloy lamang nito ang paghalik hanggang sa makarating na sa may ilalim na parte ng kaniyang hita. “Itigil mo,” takot na sabi ni Cara. Tumigil si Lawrence at iniangat ang tingin sa kaniya, “Walang namamagitan sa amin ni Rowan.” “Ha?! O eh ano ngayon? Bakit ka naman nagpapaliwanag sa akin?” “Cara,” “Hahaha, ang seryoso mo naman. Pasensiya, nakalimutan ko kasi na galing kayong luwasan, iba nga pala ang kalakaran doon. Hayaan mo pag nabagot ako, kung kailanman yon, ikaw ang una sa listahan na pagpapalipasan ko ng oras. Sige, kain na ako. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas,” Pinilit niyang tumayo para ipaghanda ang sarili ng makakain. Kinabukasan ay nagising na lamang si Cara na nagkakaingay sa labas. Pilit siyang bumangon pero laking gulat niya nang may bumuhat na sa kaniya. “Jed?” “Oh?” “Kamusta ang mukha mo?” “Masakit pero ayos lang,ginanti mo naman ako,”usal nito at ginulo ang kaniyang buhok bago siya tuluyang binuhat palabas ng kwarto. Paglabas ay agad na hinanap ni Cara si Lawrence. “Hinahanap mo si Lawrence? Bakit? Di ba ayaw mo naman sa kaniya? Maagang umalis si Lawrence, mamimili na sila ni Rowan ng mga gagamitin. Bibilisan na ang paggawa para raw umabot sa pasko at dahil na rin ikakasal na sila ni Rowan sa katapusan ng December.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD