Chapter 10

2173 Words
Tulala si Cara pagpasok ng school. “Wag mo naman ipahalata masyado na nanghihinayang ka kay Lawrence,” ngingisi-ngising sabi ni Chris habang kumakain ng ice cream sa kaniyang tabi. Napapikit si Cara at huminga ng malalim, “Anong pinagsasasabi mo?” “Ikaw, tulala ka masyado. Iniisip mo ang pagpapakasal ni Lawrence, no?” “Sinong hindi matutulala? Ha?! Isang dukha na darating sa school isang araw na naka sports car, buhat-buhat ng mukhang mamahaling lalaki tapos ngayon, kasama kahit saan ako magpunta. Balak niyo ba akong baliwin?” Kasalukuyan silang nakaupo sa loob ng computer lab room, nasa magkabilang upuan niya si Jed at Chris. Sarap na sarap pang kumakain si Chris ng ice cream, habang si Jed ay seryoso sa paggawa ng kaniyang gawain sa AutoCad. Kung pwede lang nga humiling na maglaho ay gagawin na ni Cara dahil sa tindi ng atensiyong nakukuha. Bawal ang mga nangyayari pero ginawan ng mga ito ng paraan. Hindi niya maunawaan kung paanong wala ni isa sa school niya ang nagreklamo sa ginagawa nitong dalawa. Sa isip-isip niya ay iba talaga ang impluwensiya ng pera. “Hindi naman. Ginagawa lang namin ang utos sa amin,” preskong sabi ni Chris. “Ayaw mo talaga ng ice cream?” “Utos? Nino? At sa ika-sampung pagkakataon hindi ko nga gusto ng ice cream,” gigil na bulong ni Cara kay Chris. Pakiusap, hinaan mo naman ang boses mo. Hindi ba pwedeng bumulong ka lang? Sobrang hirap bang gawin? Alam kong hindi uso ang hiya sayo pero kahit para na lang sa akin?” “Ang daming tanong. Pero dahil ang utos sa amin ay gawin ang lahat para maging komportable ka kaya, sige. Una sa lahat, inutusan kami ni Lawrence. At hindi ako pwedeng bumulong dahil ito na bulong ko.” “Ah! Bwisit!” inis na sabi ni Cara at sinubukang lumingon sa upuan kung saan madalas umuupo si Zian. Sa loob niya ay kailangan talaga niyang humingi ng patawad dahil sa mga nabitawan niyang salita. “Tapos na,” sabi sa wakas ni Jed at laking gulat ni Cara, halos mapangagnga pa dahil sa ginanda ng kaniyang plano. “May estimate na rin ito.” “S-Salamat,” utal na sabi ni Cara at pinanooran si Jed na iprint ang blueprint. Nang tuluyang matapos ay maingat na tiningnan ang plano. “Oooh, ang ganda! Mukha bang pamilyar,” biro ni Chris nang tuluyang maubos ang ice cream. Hindi naman nakapagsalita si Cara dahil sa loob-loob niya ay may punto si Chris. Para ngang pamilyar sa kaniya ang lugar. “Parang...alam ko itong lugar,” bulong ni Cara. “Right?” sabik na sabi ni Chris, halos humalik na sa mukha niya ang mukha nito. Huminga ng malalim si Cara at ibinaba ang papel, “Oh ikaw na ang tumingin. Tsk!” Humalakhak ng malakas si Chris dahilan para magtinginan ang lahat. “Akina na, ipapasa ko na,” sabat ni Jed at hinablot ang design sa kaniyang kamay. Sinundan ni Cara ng tingin si Jed at nang maiabot nito ang papel sa kaniyang professor ay nagsabi ito na uuwi na sila. “Halika na,” sabi ni Jed nang kunin ang kaniyang bag at binato kay Chris. “Ayaw ko, hindi pa tapos ang klase ko. May gagawin pa pati ako,” “Sa lagay mong yan sa tingin mo makakatulong ka talaga?” Tumaas ang kilay ni Cara at ngumisi, “Para saan pa at nariyan kayo?” Napapusngat ng tawa si Chris at halos mabulunan ng kinakain na ice cream, “Pinapasaya mo ako, Na...ah, Cara. Ibang klase ka talaga.” Napangisi si Cara sa nagngangalit na mukha ni Jed. Saktong nagring na ang bell para sa pagtatapos ng klase nila sa AutoCad. Magiliw na iniabot ni Cara ang dalawang kamay kay Jed para magpabuhat. Nagpaganda pa siya ng mga mata rito. Tumalikod si Jed at yumukyok sa kaniyang harapan. “Yah!!” masayang sabi ni Cara nang sumakay sa likod nito. “Ok na ba?” “Ano mabigat ako no?” tumatawang sabi ni Cara. “Basta masaya ka, ayos na ako don,” usal ni Jed sa kakaibang tono ng boses. Napakunot ang noo ni Cara dahil ang tono ng boses nito ay kaparehas na kaparehas niyong malabong pigura kagabi na tinawang siyang Nazarene bago siya mawalan ng malay. “Imposible!” bulong ni Cara at isinantabi na lamang ang isipin. “Sa gym tayo.” “Sa wakas makakakit rin ng magaganda,” sabi ni Chris ng sakbitin ang kaniyang bag. “Lalaki ka?” “Malamang,” “I mean, hindi ka bading?” “Ahahaha, I can be both,” “Nge,” “Haha, baka magulat ka,” Nangunot ang noo ni Cara dahil andon na naman si Chris sa malaman nitong ngiti. “Wala ba sa luwasan? Sigurado naman akong mas maraming magaganda doon,” pang-aasar ni Cara kay Chris. “Mas prefer ko yong hindi polluted,” turan ni Chris at naglakad na palabas. Sumunod si Jed rito pero bago magpunta sa gym ay nagtungo muna sila sa clinic. “Sabi ko sa gym,” sabi ni Cara. Hindi naman siya pinansin ni Jed, nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Nang makarating sa clinic ay agad siya nitong ibinaba sa kama. “Anong ginagawa natin dito?!” pag-aalburoto ni Cara. Sa dami ng lugar, ang pinakaayaw niya talaga ay ospital o clinic. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay mauubos ang kaniyang paghinga kapag pumapasok sa mga ito. “Wag kang makulit,” sabi ni Jed at biglang hinawakan ang dalawa niyang mga kamay para pigilan siya sa paglilikot sa kama. “A-Anong ginagawa mo?” kabadong tanong ni Cara habang bumubulong dahil sa lapit ng mukha ni Jed sakaniya. Kita ni Cara ang paglunok ng laway ni Jed at imbes na sumagot ay marahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Nanlaki na ng sobra ang mga mata ni Cara at hindi inasahan ang kinikilos ni Jed. “Ahm, ehem. Clinic ito?” sabi ng school doctor at sabay na napatingin si Cara at Jed rito. Si Chris naman ay masaya lang kumakain ng ice cream habang lalamba-lambayog ang mga paa sa kabilang clinic bed. “Hihingi sana ako ng gamot para sa paa niya,” sabi ni Jed at madaling umangat palayo kay Cara. Ngumisi nang nakakaloko itong doctor at naglakad palapit kay Cara. “Hay mga kabataan nga naman. Sana all na lang. Saan ba kasi kayo nagpupupunta kaya ka natapilok ng kaganito?” “Titingnan mo ba o ano?” walang-buhay na sabi ni Jed. “Relax, eto na oh,” sabi nito at iniangat ang paa ni Cara para tingnan. “Ingatan mo, dahan-dahan lang,” sabi ulit ni Jed. Pagkatapos nang mahigit na bente minutos na pakikipagtalo ni Jed sa doctor, nakainom rin si Cara ng gamot para sa nakuhang sprain sa paa pati wheelchair. “Sa canteen na muna tayo, gutom na ako,” sabi ni Chris habang tulak-tulak siya ni Jed. “Ano? Nagutom ka pa ng lagay na yon?” pabalang na tanong ni Cara. “Diabetic ako,” sagot ni Chris kaya agad na napatingin si Cara dito. “S-seryoso ba?” buong pag-aalalang tanong ni Cara. “Joke! Matakaw lang talaga ako,” “Ah bwisit!” irap ni Cara. “Jed, sa gym na tayo.” Nang makarating sa gym ay tinanggap na lamang ni Cara ang mga tinginan sa kaniya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hinayaan na lamang niya ang mga tinginan ng mga ito. “Oh anong gagawin?” masungit na tanong ni Jed. Ngumisi si Cara at itinuro ang mop at timba sa gilid. “Yan kasi ang tuka ko.” “Seryoso?” galit na sabi ni Jed. “Oo bakit?” “Gusto ko ng full set meal,” nakangiting sabi ni Chris. “Ano? Wala akong pera,” gulat na sabi ni Cara. “Paraanan mo,” kindat ni Chris at lulumpat-lumpat pa papunta sa mop. Pero laking gulat ni Cara nang mula sa kaliwang pinto sa harapan ng gym ay sumulpot si Zian habang sa kabila naman ay si Lawrence. Parehas pa ang mga itong humahangos. “Ako ang maglilinis para sayo, Cara!” sabi ni Zian, na parang tatlong hangos pa ay matutumba na lamang. “Ako!” kalmado pero makapangyarihan na sabi ni Lawrence. “Ano na naman ito?!” nayayamot na sabi ni Cara. Pinanonooran niya kung paanong sabay itong tumakbo palapit sa kung saan nakatayo si Chris, wala ni isa ang binibitawan ang mga gigil na tingin sa bawat isa. “Anong nangyayari sa school na ito at kung sino-sino na lamang ang pumapasok?” hinagpis ni Cara. “Akin na to!” sabi ni Lawrence nang hawak ang mop. “Akin,” sabi ni Zian na ayaw magpatalo. “Oh, tig-isa kayo,” sabi ni Jed nang abutan si Lawrence ng isa pang mop. Napasapo na lamang si Cara ng mop at pilit na itinulak ng kabilang paa ang wheelchair palayo sa mga ito pero agad na pinigilan ni Chris. “Saan ka? Ano ka ba? Hindi mo na naman makikita ang best part!” “Bitawan mo, lalabas na ako!” “Ayaw ko,” sabi ni Chris at pinilit siyang iharap. Napanganga na lamang si Cara nang makita ang dalawa na nagigigitgitan sa pag mop. Ang ibang mga estudyante sa gilid ay nagsialisan na rin sa takot na baka madamay sa pag-iinitan nitong dalawa. “Kung ako yan, dagdagdagan ko pa yan ng bunot!” sigaw ni Chris. “Ay bwisit talaga!” inis na sabi ni Cara at hinampas si Chris. “Tumigil na kayo! Wag niyong pansinin—” Hindi na natapos ang sasabihin ni Cara nang ang ilan sa mga katropa ni Zian ang naghagis ng bunot dito. “JED!” sigaw ni Lawrence at galit na hinigit ni Jed ang bunot sa isang babaeng may hawak nito. “Go Zian!” sigawan ng mga estudyante na bawat segundo ay dumarami ang nakikiusyoso sa mga nangyayari. “Go kuya pogi!” sigaw naman ng iba kay Lawrence. “Ay ang dami nang katunggali,” buyo ni Chris sa kaniya. “Manahimik ka!” “AHHHH!!!” gigil na daing ni Zian habang gigil na gigil sa pagmamop kasabay nang pagbubunot. Gumanti naman ng sigaw itong si Lawrence na naghubad na ng suot na polo, natira na lamang ang sando dahilan para mas mapuno nang nakakabinging mga hiyawan ang buong gym. Si Zian ay naghubad na rin ng polo, sando na rin lang ang tira. “Jusko po!” galit na sabi ni Cara at pinilit na tumayo. Natigilan sina Lawrence at Zian, parehas na humihingal itong tumingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo?!” habol ni Jed pero tinabig niya ang kamay nito palayo sa kaniya. “Tama na ang kalokohang ito,” irap ni Cara rito. Hihingkod-hingkod siyang naglakad palapit sa dalawa. “Cara, your feet!” gigil na sabi ni Lawrence. Tumingin lamang siya rito pero imbes kay Lawrence, kay Zian siya lumapit. “OOHHHH!!!” palahaw ng mga naroon. “May nanalo na.” “Bobo! Don ka sa mukhang mamahalin! Pero sige, kami na ang bahala. Salamat accla!” sabi naman ng iba. “Zi...” “Cara,” “Zi, ayaw ko na dito,” malungkot na sabi ni Cara. Ngumiti si Zian at walang pasabi na pinasan siya sa likuran. Ang mga kabarkada ni Zian, halos magwala na. “Bata namin yan! Binata na siya.” Marahan silang naglakad palabas at sabay silang sumakay sa motor nito. “Oy, saan tayo pupunta? Hindi pa tapos ang klase natin,” Ngumiti si Zian at sinuotan siya ng helmet, “Kahit saan pa tayo pumunta ay ayos lamang.” “Anong ibig mong sabihin? Papano pag napagalitan tayo?” “Saka ko na ikukuwento. Saan mo gustong pumunta?” “Kahit saan, basta malayo,” “Ok! Hawak ng mabuti sa maskels ko,” sabi ni Zian at binuhay ang makina ng motor saka pinatakbo. “Namiss kita, Zi,” “Paano pa ako? Parang mababaliw na ako. Kala ko nawala ka na ng tuluyan sa akin.” Hindi napigilan ni Cara na mapasandal ang ulo sa likuran ni Zian at humigpit ang pagkakayakap. Marahang bumitaw ang isang kamay ni Zian sa isang manibela at maingat na itinaas ang dalawang kamay ni Cara papunta sa may tiyan. "Medyo mababa ang pwesto ng kamay mo." Nanlaki ang mga mata ni Cara nang mapagtanto ang sinasabi ni Zian. “Oh my ghad! Sorry! Hindi ko sinasadya!” tarantang sabi ni Cara. “Hu! Cara!” naiiling na sabi ni Zian. “Kung...Kung buo lang ang isip mo sa akin, baka...” Naramdaman ni Cara ang pagpisil ng kamay nito sa kaniyang mga kamay. Ramdam rin niya ang panginginig nito. “Sorry, Zian!” hagulgol ni Cara. “Sorry! Ang tanga ko!” Sa side mirror ng motorsiklo ay makikita ang sakit sa mga mata ni Zian, “Si Lawrence na pala talaga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD