Chapter 11

2100 Words
One night ago. “Rebel.” Natigilan sa paglalakad si Lawrence at mabilis na humarap kay Rowan. Tumingin lamang siya sa hubad na katawan ni Rowan at mabilis na sinipat ang paligid. “Wag kang mag-alala, nakaalis na ang bago mong laruan,” sabi pa ni Rowan at naglakad ito palapit sa kaniya. “Kaya tatawagin kita sa totoo mong pangalan.” “Wala akong oras sa mga laro mo, Rowan,” ani Rebel at naglakad paalis sa ilog. “Paano kung hindi ako naglalaro?” sagot nito at humarang sa kaniya. Huminga ng malalim si Rebel at tumalim ang tingin rito, “Ano talaga ang pinunta mo dito?” “Wala, namiss kita. Bawal ba?!” “Magsasalita ka o kailangan pa kitang saktan?” Ngumiti si Rowan at inilakbay ang kamay sa matigas na dibdib ni Rebel, “Fine. Finish your insane and childish business here and return to your real life, Rebel. You can’t be here. You do not belong here. You...cannot...be...with...lowly...beings! Your company is dying and your father begged my father to save him.” Naglapat ang mga ngipin Rebel at hinawakan ang kamay ni Rowan. “Tuso ka talaga, Rowan.” Ngumisi si Rowan at hinawakan ang p*********i ni Rebel bilang ganti. “Hindi ako tuso, Rebel. Sadyang gusto ko lang mabuhay. I have to follow orders. You know we are on the same page, so you have no choice. You cannot live a normal life. We can never be normal people.” Nagngangalit na tinulak ni Rebel si Rowan dahilan para matumba ito sa tubig, “Tigilan niyo na ako. Tapos na akong maging tuta ng mga walang kwenta nating mga magulang.” Tumayo si Rowan at umismid, “Para namang may choice tayo umayaw. Ito lang ang silbi natin bilang mga anak sa labas. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi mawalan ng silbi kay Daddy. Nakiusap ako at pinagbigyan ka niya. Tapusin mo lang itong ginagawa mong kalokohan at sabay na kitang umuwi. Wag kang mag-alala, hindi naman ako maiinlove sayo kahit ikasal tayo. Kung gusto mo nga ay pagtapos ng kasal ay gawin mo ang gusto mo. Sa ganon, nakuha natin ang mga gusto natin at ang gusto nila nakuha nila.” “Magpapakasal?” “Oo, yon ang hinihingi nI Daddy. Alam ni Daddy na kahit palugi na ang mga Fujihara, may isa pa itong alas, kailangan lamang ng pondo. Sa oras na mailabas sa market iyon, si Daddy ang makikinabang. Pag kinasal tayo, all your assets as Fujihara will be mine!” “Talaga? O ikaw?” “Huh! Wag ka masyadong mahangin, hinding-hindi ako magkakagusto sa kagaya mo. Doon ako sa lalaking hindi makabasag pinggan. Ikaw kasi, nagbabasag ka ng mga ulo.” “Manahimik ka!” “Wala kang magagawa, Rebel. Sa pagkakataong ito, alam mong wala kang karapatang tumanggi dahil madadamay ang marami. Baka maulit na naman ang bangungot mo. Nalimutan mo na ba yong nangyari kay Nazarene?” Kumuyom ang mga kamay ni Rebel at sinakmal ang leeg ni Rowan, “Hindi ako...mamamatay tao.” Ngumiti si Rowan kahit namumula ang mukha, “Mamamatay tao ka pa rin, Rebel dahil ikaw ang nag set-up para sila maambush.” “Kinailangan ko lang gawin ang inuutos ni Papa para mabuhay si Mama,” “Ganon pa rin yon. May mga buhay na nawala dahil sayo. Hindi man natin gusto pero wala tayong mapapapilian kundi mawawala tayo sa mundong ito dahil una pa lamang ay hindi naman talaga tayo dapat na isinilang. ” Patulak na bumitaw si Rebel sa pagkakasakal kay Rowan at galit na hinablot ang kaniyang mga damit. Naglakad siya pabalik sa kubo nina Cara at hinanap ito roon. “Lawrence? Ano raw ang kailangan mo?” tanong ng ina ni Cara sa kaniya. “Si Cara ho?” “Ah wala pa. Hindi mo ba kasama? Nagpunta sa ilog at maliligo raw, yon ang paalam sakin,” Tumingin si Rebel sa orasan at madaling lumabas. “Chris,” tawag niya sa kaibigan. “Ano yon?” maktol ni Chris habang kumakain. “Ano na naman?” “Si Cara...hindi pa siya umuuwi,” “Kasama ni Jed, nagchat sa akin,” “Si Jed? Hindi pwede ito!” aligagang sabi ni Rebel at akmang aalis nang magsalita ulit si Chris. “Bakit naman? Natatakot ka na maalala ni Cara este ni Nazarene ang lahat? Hayaan mo na si Jed. Kung may mas karapatan man na makasama si Nazarene, ay si Jed yon,” Natigilan si Rebel at humarap rito. “Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi si Chris at tumigil sa pagkain. “Akala mo ba talaga maiisekreto mo sa amin ang totoo? Pagdating pa lang kanina ay namukhaan ko agad si Cara. Hindi ako pwedeng magkamali.” “Alam na rin ni Jed? Ibig sabihin nakikiayon lamang kayo sa akin?” “Malamang. Kahit hindi namin alam ang rason mo kung bakit tinago mo, nagtiwala kaming may sapat kang rason. Saka hindi ba makikilala ni Jed ang kababata na matagal niyang minahal? Maswerte ka, mabait si Jed dahil sa ginawa mong ito, bilang magkakaibigan, traydor ka. Matagal nating hinanap si Nazarene simula noong insidente, sana naman nagpasabi ka kahit kaunti, magugulat na lang kami.” Napaupo si Rebel sa tabi ni Chris. “Pasensiya na talaga.” “Wag kang mag-alala, hindi pababayaan ni Jed si Nazarene. Alam mong handa yon mamatay para kay Nazarene. Sabihin mo, nagkagusto ka ba kay Nazarene noon? Kaya gusto mo siyang solohin?” Naglapat ang mga labi ni Rebel at napakuyom ang dalawang mga kamay saka tumingala sa langit. “Oo, Chris.” “Sabi ko na nga ba. Pasalamat ka talaga, mabait si Jed at nagkataon na mas mayaman ang pamilya niyo sa amin kaya pinili na lamang niyang manahimik,” “Nanahimik?” “Naramdaman na ni Jed na may gusto ka noon. Dalawa ang pamilya niyo ni Nazarene sa mga makakapangyarihan na mga tao noon kaya, minabuti ni Jed na manahimik na lamang,” “Pero, nanahimik rin ako sa aking nararamdaman dahil alam kong gusto ni Jed si Nazarene at dahil alam kong mas nararapat siya kay Nazarene. Mabuti siyang tao,” “Tsk! Ang saklap naman ng kapalaran ninyo. Tapos ngayon, ni isa sa inyo ay hindi naalala ni Nazarene. Ano kaya ang nangyari noong nawala siya?” “H-Hindi ko rin alam pero...makita lang siya ng maayos ay ok na ako,” tumingala si Rebel at natawa. “S-Saka, siguro mananatili na rin lamang ako ng tahimik.” “Pagkatapos mong sumulpot dito at alukin siya ng kasal ng pabasta-basta?” “Ikakasal na ako,” “Ano?! Gago ka ba? Ginagago mo ba si Nazarene? Gago ka pre!” “Kung yon ang makakabuti sa lahat, ayos lang,” garalgal ang boses na sabi ni Rebel. Napatingin sa kaniya si Chris na di makapaniwala. “Umiiyak ka ba?” “Masakit eh,” “Ay pucha! Mahal mo talaga si Nazarene,” “Sobra,” “Ha! Ang komplikado ng lahat. Ano ba kasing nangyayari? Pero, alam mo, parang mas mabuti na rin na nakalimot si Nazarene at mabuhay na lamang bilang Cara ngayon dahil payapa siya. Kahit paano ay mabibigyan sila ni Jed ng pangalawang pagkakataon na magsimula ulit,” “Anong ibig mong sabihin?” “Noong gabing....pinatay ang buong pamilya ni Nazarene, kaya wala si Nazarene noon sa bahay nila, dahil sinubukang gawan ng masama ni Jed si Nazarene. Mabuti na lamang at napigilan ko si Jed, may inom kasi siya noon. Nagkataon na nakutuban ko, iba ang boses niya non eh. Hindi ko rin naman mahusgahan noon si Jed, dahil sa mahabang panahon, kinimkim niya ang nararamdaman para kay Nazarene. Hindi ko lang akalain na matindi noong sumabog. Biruin mo, sila ang magkababata tapos highschool bigla kang susulpot at ikaw ang ma--” Dumaan si Rowan sa kanilang harapan kaya mabilis niyang pinigilan si Chris sa pagsasalita. Paglagpas ay binasag ni Rebel ang katahimikan. “Chris, nakikiusap ako, wag niyong ipaalam kay Rowan ang tungkol kay Cara na siya si Nazarene,” “At bakit namin gagawin iyon? Hindi naman kami malapit sa Rowan na yan,” “Basta, kahit anong mangyari, hindi pwedeng malaman ni Rowan na si Cara ay si Nazarene,” seryosong sabi ni Rebel at tumayo para magtungo sa sasakyan kung saan natutulog. Pero kagaya ng mga nakasanayang gabi, bigo makatulog si Rebel dahil sa mga bangungot na pilit na gumigising sa kaniya. Ano mang pilit niya, inabot na ng umaga ay bigo pa rin siyang makatulog. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Nazarene at madali siyang bumaba sa sasakyan. Kita niya ang tinginan nila Nazarene at Jed kaya agad siyang sumugod sa mga ito saka walang patumangging sinuntok si Jed. Bumulagta si Jed pero hindi ito nag-abalang gumanti. Sa mga sandaling iyon ay parang wala nang pakialam si Rebel sa mga nasa paligid niya. Kinakain siya ng galit kay Jed at sa muntik nitong ginawa kay Nazarene. Nagsisugod ang mga tao para umawat pero hindi na nauunawaan iyon ni Rebel. Akma na naman siyang susugod para itayo ito nang lumapat sa kaniyang pisngi ang suntok ni Nazarene. “Ikaw Chris, intindihin mo si Jed!” galit na usal ni Nazarene bago umalis. Hindi napigilang mapangiti ni Rebel dahil namiss niya ang dating Nazarene. Nang magsi-alisan na rin ang iba, nagsalita na si Jed. “Alam mo na siguro,” sabi nito at umupo mula sa pagkakabulagta. Napaupo si Rebel sa tabi nito at ipinatong ang dalawang mga braso sa parehas na tuhod, “Bakit mo nagawa yon? Gago ka! Nagpaubaya na nga ako sayo, ginanon mo pa.” “Hindi ko alam kung anong naisipan ko, sobrang mahal na mahal ko si Nazarene. Napuno ako ng inis, dismaya, kaguluhan ang utak ko na ikaw ang pinili ni Nazarene,” Napatingin si Rebel kay Jed, “Anong ibig mong sabihin?” “H-Hindi ba nasabi sayo ni Nazarene?” “Wala. Hindi,” “Noong gabi na may nangyari sa pamilya ni Nazarene, nagtapat ako pero ikaw ang pinili niya. Hindi ko matanggap, ginawa ko naman ang lahat. Pero bakit hindi sinabi sayo ni Rowan?” “Ano? Kilala mo si Rowan?” “Oo. Kagaya niyo, anak rin lamang ako sa labas. Pero hindi ko siya ganon kalapit. Iniatas sa akin na dispatsahin si Nazarene pero hindi ko kinaya. Binigyan ko ng pera ang katulong nila para itakas si Nazarene noon. Sinabi ko na lamang kay Rowan na nagawa ko na. At pinasabi ko na rin lang kay Rowan na ipaalam sayo na mahal ka ni Nazarene dahil hindi ko naman kaya.” “Hindi ako makapaniwala. Si Chris? Anak din ba siya sa labas?” “Yong lokong yon lang ang totoong anak sa atin,” “Tsk! Hindi ako makapaniwala. N-Nakita na ba ni Rowan si Nazarene?” “Ang totoo ay hindi ko alam,” Natahimik silang dalawa bago nagsalita si Rebel, “Ikakasal na ako kay Rowan.” “Ano?” “Hindi ko na kailangan na ipaliwanag sayo. Ayos na ako. Tiwala na ako na iingatan mo si Nazarene. Nakalimot na siya at mas mabuting ganon. Mas mabuting hindi na niya maalala ang mga bangungot na binigay natin sa kaniya. Mas mabuting mabuhay siya bilang Caranova. Protektahan mo siya habang abala ako. Sa oras na matapos na lahat ng ito ay lalayo na kami ni Nazarene. Gawin mo ang lahat para maging masaya siya. Maasahan ko naman na hindi ka na magtatangka pang pumorma kay Nazarene. Mahiya ka at hindi na ako papayag pa. Isipin mo na lamang na...bayad utang ito.” “Alam ko naman. Kaya nga pinili ko na lamang manahimik at sumakay noong unang dating dahil sa pagkakataong ito, gagawin ko ang lahat na magkaroon kayo ng pagkakataon ni Nazarene. Dahil sayo, alam kong masaya si Nazarene." “At protektahan mo si Nazarene kay Zian,” “Sino yon?” “Basta makikilala mo rin yon. Isipin mo, sa pila pangalawa ka. Pag namatay ako, ikaw lang ang pwede kaya protektahan mo ang pila mo,” “Sige. Sabihan mo na lamang kami kung kakailanganin mo ng tulong,” “Salamat.” Nagkamay silang dalawa at tinulungan ang isa’t-isa na tumayo. “Yong Zian? Sino mas gwapo sa inyo?” tanong ni Jed habang nakapamulsa at naglalakad sa tabi niya. “Ako malamang,” “Ah mahirap nga na kalaban,” biro ni Jed. “Yun oh! Bati na sila. Tara kain!” masayang sabi ni Chris at sinalubong sila ng akbay. “May narinig ako sa palengke raw maraming kakanin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD