Chapter 12

2153 Words
“Oh ano, tapos na ang drama niyo?” mapang-asara na usisa ni Rowan habang nakatayo sa gilid ng kotse ni Rebel. “Umalis ka diyan. Wala ako sa mood makipag-away,” “Bakit? Dahil nasapak ka ng laruan mo? In fairness, nagugustuhan ko na siya,” “Tsk! Manahimik ka. Tabi,” inis na sabi ni Rebel at hinawi ito para buksan ang pinto ng kotse. “Tsk! Tutal malabo ka naman kausapin niyan ngayong araw dahil sa selos, magbihis ka at luluwas tayo,” “At saan naman tayo pupunta?” “Gusto ka makausap ng personal ni Daddy at ng Papa mo to finalize things,” “Sige,” “Wow! Ang bilis ah,” “Sa tingin mo ay may mapapala ako sa pagmamatigas? Umaasa na lamang ako sa sinabi mo na sa oras na magpakasal tayo, walang pakialaman,” “Sige,” tatango-tango na lang na sang-ayon ni Rowan. Pinanooran ni Rebel na maglakad si Rowan palayo bago nagtungo kina Jed at Chris na abalang maghanda ng mga gagamitin sa muling pag-akyat sa bundok para sa mga natitira pang mga bahay na lilinyahan ng kuryente. “Jed, Chris,” sabi ni Rebel sa mga ito habang nakatingin sa tent ni Rowan. “Oh? Ano na naman?” pabalang na maktol ni Chris. “Tsk! Oh, sampong libo, bumili ka ng pagkain mo nang hindi mainit ang ulo mo,” “Yun oh! Sige, ako na ang bahala kay Nazarene. Kung ganito ba naman palagi ay di maayos ang usapan. Ikaw lang talaga ang tunay kong kaibigan,” “Hindi ko alam kung ginugutom ka ba o sinasalat sa pera gayong ang yaman niyo naman,” iiling-iling na lamang na sabi ni Rebel. “Maiba. Aalis ako saglit. Kayo na muna ang bahala. Titingin ako ng mga materyales.” “Kahit mag-isang linggo ka pa,” ani Jed na nagpasama sa mukha ni Rebel. Iniangat nito ang tingin sa kaniya at ngumisi, “Ayos talaga sa pagkaseloso.” “Ahaha! Boiling point agad,” sabi ni Chris at nakipag-apir kay Jed pero hindi naman pinagbigyan ni Jed. “Pre naman, apir lang. Ikapapagod mo ba yon?” “Basta ang bilin ko, lahat ng hingin ni Nazarene, gawin niyo. Wag na wag ninyong hahayaang mapagod. Huwag niyong hahayaan na malapitan ng kahit na sino lalo na si Zian,” “Noted! Bawal malapita ng lamok, langgam, at langaw! Bawal maalibukan, bawal maarawan, bawal mapawisan,” nakangiting sabi ni Chris. “Sir, yes, sir!” “Oo, saktong-sakto nga sa sinabi ko. Jed, ikaw lang ang maaasahan ko. Wag mo sana akong biguin. Walang mapapala dito kay Chris,” “Ouch! May silbi talaga ako,” sabi ni Chris at inilahad ang palad. “Akina ang black card mo. Baka biglang may hingin si Nazarene.” “Ako na ang bahala,” sabi ni Jed. “Wag mo na ibigay ang card mo diyan kay Chris, sigurado, uubusin niya lahat sayo.” “Sige salamat, mauuna na ako. Pakisabi na lang kay Rowan na sumunod na lamang siya,” usal ni Rebel at naglakad na pabalik sa kaniyang kotse. “Ang sweet!” sarkastikong sabi ni Chris. Pagkasakay sa kotse ay agad niyang binuhay ang makina. Sa side mirror ay tiningnan pa niya ang kubo nina Nazarene bago tuluyang pinatakbo ang kotse. “REB...ARGH! BWISIT! LAWRENCE!” palahaw ni Rowan mula sa tent nito na halatang minadali lumabas nang marinig ang kaniyang kotse. “Bumalik ka. Sabay tayo.” Ngumisi lamang si Rebel dahil sa namumulang mukha ni Rowan. “Ice cream? Palamig ka,” sabi pa ni Chris pagkaakbay rito habang abalang dinidilaan ang ice cream na hawak. Lalo nang natawa si Rebel dahil sa ginawa ni Chris lalong nag-alburoto si Rowan. Magtatanghali na nang makarating siya sa luwasan. Agad siyang nagtungo sa bahay na tinutuluyan. Pagkababa sa kotse ay halos takbuhin na niya ang lukurang-bahay. Pargkarating sa likod-bahay, paluhod siyang lumapit sa puntod ng ina. “Ma! Nahanap ko na ho si Nazarene. Nahanap ko na po siya. Nasa mabuti po siyang kalagayan, Ma. Malusog at masaya siya. Ang galing lang ng tadhana. Biruin mo Ma, nakikinig lamang ako sa istasyon ng radyo na paborito mo, sinong mag-aakala dadalhin ako kay Nazarene. Wala siyang alaala, pero parang mauunawaan naman ni Cara iyon Caranova ang gamit niyang pangalan. Diba ang ganda pa rin? Sobrang ganda pa rin niya, Ma. Medyo bumait lang ng kaunti pero andon pa rin ang Nazarene na una kong nakilala.” “Sir Rebel?” Natigilan si Rebel sa pagsasalita nang marinig ang boses ng isang may edad na babae. Madali siyang lumingon at nakita ang kasambahay. “Manang Rose, sorry ho hindi na ako nakapagsabi na nandito ako,” “Nako Sir, buti namn ho nakaparito kayo. Ang tagal na rin simula noong umalis kayo ng walang paalam,” “Pasensiya na ho,” sabi ni Rebel at tumayo para yakapin ang matanda. “Kamusta ang lakad? Mukhang masaya ka?” Buong ngiti na inakay ni Rebel ang matanda papunta sa sala ng bahay at sabay silang naupo sa sofa. “Manang Rose, nakita ko n aho si Nazarene.” Napatabon ang mga kamau ng matanda sa bibig nito at sunod-sunod na tumulo ang mga luha. “T-totoo ba itong naririnig ko, Rebel? Bakit hini mo pa isinama?” “Manang, hindi ho kasi ganoon kadali. Hindi ko rin ho alam kung anong nangyari pero hindi ho ako naalala ni Nazarene. Maski si Chris at Jed.” “Parang imposibleng mangyari iyan? Sa pagkakakilala ko sa alaga ko, napakatalas ng isip niya para makalimot kahit maliit na detalye. Saka malabong malimutan ka niya,” “Manang, sa totoo lang ho ay mas gusto ko pang nakalimot si Nazarene. Hindi ko gugustuhin na mabuhay siya sa mga bangungot. Parang...parang biyaya na rin ho ito. Ang pagmamahal naman ho Manang, kahit anong oras babalik. Tiwala naman ho akong, ako na talaga,” “Sabagay, may punto ka don Rebel. Ang mahala ay masaya si Nazarene at nakakatulog ng maayos. Ang swerte talaga ng alaga ko, sa haba ng panahon, siya pa rin talaga,” “Opo Manang. Iyon ang mahalaga. Siya tumahan na po kayo sa pag-iyak. Dapat maging masaya nalang ho tayo dahil lahat tayo ay nabigyan ng bagong pagkakataon. Sikapin na lang ho natin mabuhay ng tama.” “Hay, Rebel! Masaya na akong magpapahinga. Pero sobrang saya ko talaga na kahit paano gagaan na ang loob ko na nasa mabubuting tao si Nazarene. Masaya ako na iningatan maigi ni Minerva si Nazarene,” Nawala ang ngiti sa mukha ni Rebel, “Minerva?” “Minerva kasi ang pangalan niyong bagong katulong noon kina Nazarene. Parang ikalawang linggo pa lamang ni Minerva nang mangyari ang trahedya,” “Manang, iyong Minerva ho ba, anong itsura?” aligagang tanong ni Rebel at madaling hinugot ang cellphone sa bulsa. “Ito ho ba siya?” Nanginginig ang mga kamay na kinuha ng matanda ang cellphone kay Rebel at marhaang hinaplos ang parte ng litrato kung saan nakatayo si Nazarene. “I-Ikaw nga Mam Nazarene. Kamusta na ho?” “Manang, iyong tanong ko ho,” “Ay oo. Pasensiya na. Teka,” sinipat ng matanda ang litrato at itinuro ang ina ni Nazarene. “Ito, ito si Minerva.” “Manang, sigurado ka ba?” “Oo, Rebel. Siya si Minerva. Ang asawa niya ay si Roger. May tatlo silang anak. Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakatanda ko ng kwento niya noon, Teresa ang panganay niyang anak. Yong dalawa, hindi ko na ganon katanda,” “Tanda niyo ho ba kung saan sila nakatira?” “Sabi niya Humilapan, parang ganon. Basta sa probinsiya,” “Wow! Hind ako makapaniwala,” bulalas ni Rebel. “Sir, alam kong kamalabisan na ito sa lahat ng tinulong mo sa akin, pero pwede bang isama mo ako kay Nazarene? Pangako, Sir, wala akong sasabihin. Gusto ko lang ho makasama si Nazarene.” “Sige ho, Manang. Sabay na ho tayong maghanda,” “Sige ho, Sir. Salamat po ng marami talaga,” “Mas salamat sayo, Manang. Sige na ho, sabay na ho tayo.” Sabik na tumango ang matanda at tumayo na. Pumunta siya sa kaniyang kwarto at naligo. Pagtapos na magsuot ng kulay itim na suit ay tumayo siya sa harapan ng isang full-length mirror at nagsalita, “NAZARENE!” “Welcome back, Master Rebel. Door opening.” Unti-unti, may bumukas na pinto at lumabas ang isang kwarto namay blue na ambiance. Pumasok siya rtio at inilibot ang tingin sa iba’t-ibang uri ng kagamitan na ginagamit bilang isang huntsman. Kumuha siya ng isang bag at naglagay ng ilang mga armas. Pagkatapos ay lumabas na siya at nagtungo sa sala. Pagpunta niya ay abala ang matanda sa paghahanda ng mga pagkain. “Manang, ang dami niyo naman hong hinanda,” Umangat ang tingin ng matanda at tulo-sipon itong ngumiti, “Paano kasi, Sir. Baka matagalan tayo bumalik sayang ang mga pagkain. Ito pati ang mga paborito ni Nazarene.” “Ay oo nga po pala Manang. Caranova na ho ang pangalan niya. Ako naman ho Lawrence. Maging maingat ho sana kayo. Kinakailangan ho kasing panatilihin nating nakatago si Nazarene dahil baka pag pumutok ang balita na nakaligtas siya, siguradong hahanapin siya ng mga gumawa noon sa pamilya niya,” “Sige ho, Sir. Tatandaan ko,” “Sige ho, Manang. Dito na lang ho kita iintayin sa sala.” Tumango ang matanda at ipinagpatuloy ang ginagawa. Bagsak ang mga balikat na naglakad si Rebel papunta sa living room ng bahay. Simula nang iligtas ang matanda, limang taon na ang nakakaraan, hindi pa nrin niya nasasabi ang tungkol sa totoo niyang pagkatao. Pag-upo ay agad niyang binuksan ang telebisyon para pigilan ang nararamdaman. “Maraming negosyante ang ngayon ay nagtitipon sa VREZA Hotel para sa grand launch ng isang bagong technology company na nagngangalang HAPEX. Wala pa itong isang linggo ay triple ang naging kita nito kumpara sa mga matatagal ng kompaniya sa bansa, lalo na ang Fujihara Company. Lahat ay nagbabakasakali na makilala ang nasa likuran nitong matagumpay na kompaniyang ito.” Napatungo si Rebel at pinagdaop ang mga palad na gigil na gigil. “Sinasabi ko na nga ba.” “Sir, okay na ho,” usal ni Manang Rose mula sa likuran. “Sige ho,” sabi ni Rebel at pinatay ang telebisyon. Kay gaganda ng mga ngiti nila ni Manang Rose matapos na ilock ni Rebel ang pinto ng bahay. “Ang ganda ng araw,” masayang usal ng matanda. “Halika na ho. Pero bago ho tayo umuwi ng probinsiya ay may daraanan ho muna tayo,” “Sige lang ho, Sir.” Tahimik silang nagbiyahe papunta sa VREZA Hotel. “Andito na ho tayo,” “Sir, bakit ho nandito tayo kina Mam Rowan na hotel?” tanong ni Manang Rose nang tumigil ang kotse. “May daranan lang ho ako saglit,” sagot ni Rebel. “Eto ho ang card ko, kumuha kapo muna ng kwarto. Babalik rin ho ako pagtapos,” “Sige ho, Sir. Ako na ho ang bahala.” Sabay sila na pumasok sa hotel pero habang naglalakad papunta sa entrance ng hotel ay may nahagip ang kaniyang mga mata na pamilyar. “Sir Rebel, dito ho tayo,” sabi ng hotel manager, dahilan para mawala ang tingin niya sa lalaking naglalakad palabas. “Manang, dito na ho ako,” paalam ni Rebel sa matanda. Ngumiti at tumango lamang ang matanda bago niya tuluyang tinalikuran ito. Sa isang VIP room sila nagpunta at pagbukas na pagbukas pa lamang ay sumalubong sa kaniya ang mga mapang-usig na kilay ni Rowan pati na rin ang mga matatalim na tingin ng ama nito at ng kaniyang ama. Alam ni Rebel na lahat sila ay nagpapakiramdaman. “Magandang umaga ho,” bati niya bago naupo. “Mabuti at nagpunta ka,” sabi ng kaniyang ama. Nangunot ang noo ni Rebel at base sa reaksiyon ng ama, alam niyang hindi ito talaga ito sang-ayon sa pakikipag-isa ng kanilang kompaniya sa pamilya ni Rowan. “Nasabi na po ni Rowan sa akin ang lahat at hindi naman ho pupwedeng hayaan kong bumagsak na lamang ang kompaniyang matagal ninyong pinaghirapan,” tugon niya sa ama. “Mukhang hindi naman pala tayo mahihirapan mag-usap, pwes dapat sa isang taon ay maikasal na agad kayo,” sabi naman ng ama ni Rowan. “Hindi ho ako magpapakasal,” “REBEL!” galit na sigaw ni Rowan. Napahampas ng malakas sa kahoy na mesa ang ama ni Rowan sa galit, “Sinasayang mo lang ba ang oras ko?! Phillip, ang anak mo!” “Wag muna tayong magalit. May iba akong iaalok,” sabi ni Rebel habang abala sa pag-iiscroll sa cellphone. “Pagbabayaran niyo ang pagsayang sa oras ko!” galit na sabi ng ama ni Rowan at tumayo. “Ang HAPEX, kilala ko ang may-ari nito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD