“I want you all to meet my good friend, Daniel Solomon.”
Pagkasabi ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng napaka eleganteng suit.
May maganda itong ngiti at matikas na pangangatawan. Walang kahit anong bahid na pagmamataas ang mababakas sa pagkatao nito.
“Rebel,” wika nito at inilahad ang kamay.
"Daniel," nakangiting bati ni Rebel rito at tumayo para makipagkamay.
Sabay-sabay na nagsigulat ang tatlo sa upuan na kani-kaniyang tapon ng tingin sa bawat isa na puno ng takot.
"Hi, everyone. I'm Daniel Solomon," nakangiting sabi nito.
"Hindi ba kayo babati?" preskong sabi ni Rebel.
Nakakuyom ang mga kamay na pilit na ngumiti si Rowan, "H-Hi, Mr. Solomon. I'm Rowan Valderosa, The owner of Valderosa Company’s daughter."
"I'm Phillip Fujihara—"
"I'm sorry but I do not have much time," nakangisi nitong sabi dahilan para maputol ang sinasabi ng ama ni Rebel. "Let's skip to the good part. My good friend Rebel here asked me to come dahil may good offer daw kayo? I wanted to hear it. Hapex is open for new ideas and collaborations especially kung galing sa mga batikan na sa industriyang ito."
"A new design is about to go out the market," paninimula ni Rebel at ipinaghigit ng upuan si Daniel para umupo.
"Rebel!" gigil pero nagtitimping awat sa kaniya ng ama.
"Father, let me do this," matapang na sabi niya sa ama saka ibinaling ang tingin kay Daniel. "Ok. Tutuloy ko na. That prototype sadly won't be as effective and revolutionary without GRX-CHIP 13."
Ngumisi si Daniel at nagcross-arms. "You are saying?"
"Nakita ko ang ilalabas ninyong prototype at mukha itong pamilyar sa akin. That prototype needs FRC-CHIP 15, our FRC-CHIP 15."
Humalakhak si Daniel at pumalakpak, "I see where you are going but yeah, this is a good offer. What do you want then?"
"I can give you our FRC-CHIP 15 for free,”
“REBEL!” sa pagkakataong ito ay napatayo na sa galit ang ama ni Rebel na si Mr. Phillip Fujihara.
Hindi naman nagpatinag rito si Rebel, “In return, let's be one. We don’t have to get in the way of each other, instead let’s get stronger together, and what a better way to do it is by a wedding,” pagpapatuloy niya.
“Am I hearing this right? You are giving me FRC for free but instead of asking GRX for free in return, you want to get married? To me?” natatawang sabi ni Daniel.
Ngumisi si Rebel at nakipagtitigan rito, “Your sister.”
“REBEL!” pahiyaw na sabi ni Rowan habang naglalapat ang mga ngipin.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Daniel nang marinig ang sinabi ni Rebel.
“Hm!” tighim nito at inayos ang suot na necktie. Ramdam na ramdam ang tensiyon sa biglang pagbigat ng hininga nito. “F-Five years ago, my family got into a tragic accident. We were assaulted inside our home however we managed to escape. My sister was dragged away that night. Along our way to the police, unfortunately, due to exhaustion and terror, my father got us in a car accident, ending their lives. I was recovered, thankfully. I tried to look for my sister when I woke up but could not. I assume she was dead by now; it’s been five years. So, I’m afraid it can’t be done.”
Napalunok ang ama ni Rebel at nagsimulang manginig ang mga kamay. “H-How are you close with my son?”
Ngumiti si Daniel ulit bago nagsalita, “The truth is, una ko siyang nakilala sa school. He would often defend me from the bullies. Wala eh, I was weak back then. Lagi pang nabubully dahil sa estado ng pamilya namin but Rebel was different. Until I found out he was my sister’s friend. After the accident, no one came to see me except Rebel. From that moment, I knew he was a friend to me too, not just my sister. He was there throughout my recovery until he booked me a flight to live in another country, para daw makarecover ako sa trauma. You got a great son there, Sir. You must be a great father.”
Dama ang diin sa huling salita na binitawan ni Daniel.
“Did you try to find out who did it?” kabadong tanong ulit ng ama ni Rebel na panay ang pisil sa kamay.
Ngumiti nang mapait si Daniel at pinigil ang pagbigay ng boses, “I...I did not try to find out. I tried to live a new life. When I failed to find my sister, I tried to focus on living a new life.”
“Tama ang ginawa mo,” sang-ayon ng ama ni Rebel at niluwagan ang suot na necktie.
“I found her.” Matapang na usal ni Rebel dahilan para mas mabalot ng tensiyon ang buong kwarto.
Matagal bago nakasagot si Daniel. Napansin na lamang nila ang pagtulo ng mga luha nito. “Please...don’t make hope again for nothing. I...used all my resources, best resources to find her but I failed.”
“I’m sure it is her,” paninindigan ni Rebel at kinuha ang cellphone para ipakita ito rito.
Napasapo sa nanginginig nitong mga labi si Daniel at mas dumalas ang pagtulo ng mga luha, “It is my sister. Kasama ang aming katulong dati.”
Binawi agad ni Rebel ang cellphone nang tangkaing tumayo ni Rowan para makitingin. Pati ang ama niya na sinubukan ring tumayo ay tinapunan na lamang niya ng nakakatakot na tinging.
“Take me to her,” demand ni Daniel.
“Unfortunately, not now. Nakalimot siya at hindi ko alam kung bakit basta sigurado ako na wala siyang naalala. Kung bigla kang susulpot at ipipilit na ipaalala ang mga nangyari, it won’t do her good. Ang akin nga, parang mas mabuti pang hindi na siya makaalala dahil sa mga bangungot. Masisigurado ko lang ay masaya siya at malusog.”
“Pero...”
“Daniel, limang taon ang nawala, hindi biro yon, nauunawaan ko pero sa ngayon...hayaan mo munang siya ang kusang makakaalala.O hayaan na lang natin na magpatuloy siya sa tahimik at masayang buhay niya ngayon. Besides, you are still busy. May meeting ka pa today. Madami ng mga tao na naghihintay. Wag kang mag-alala, dadalhin ko si Manang Rose kay Nazarene.”
Pinahid ni Daniel ang mga luha, “Do the papers. Get married whenever you want. Anytime. I give you my blessing. I can give you the GRX completely for free. I can give you half of the profit pag nilaunch ng company ang new tech namin. I can even shoulder the expenses of your tech’s manufacturing or buy a share to be named to you. Name it.”
Lumunok ng laway si Rebel at tumayo mula pagkakaupo saka lumuhod, “Sobrang sapat na ang basbas mo para ipagkatiwala sa akin ang iyong kapatid. Salamat. The rest, you can settle it with my father. Labis-labis ang offer mo.”
“Then it’s settled. Mr. Phillip Fujihara, let’s settle this tomorrow,” ani Daniel at tumayo na para makipagkamay sa ama ni Rebel.
Nang tumayo si Rebel ay mahigpit siyang niyakap ni Daniel, “Pinauubaya ko na sayo ang kapatid ko.”
“Salamat, Daniel. Pangako ko na ibibigay ko kahit buhay ko para masiguradong ayos lamang siya.”
Tinapik ni Daniel ang kaniyang balikat at masayang nagpaalam. “Pakicharge na lang sa akin lahat ng expenses nila,” bilin nito sa hotel manager.
Galit na tumayo ang ama ni Rowan at nagpupuyos na naglakad palapit kay Rebel saka ngumiti. Tinapik nito ang balikat niya, “You played well, kid. This is more than I expected from you. You played slow but surely. You proved to be a good blood. Sana lahat may pakinabang.”
Puno ng lason ang mga salita nito bago tumingin kay Rowan saka ibinalik ang tingin sa kaniya, “Sobra akong magagalit kung nasayang lang ang pagpunta ko dito at hindi mo naman siguro gugustuhin na magalit ako, diba? Mukhang umaayon naman lahat sa plano mo, huwag mo naman sanang hayaan na makasagabal pa ako. Aalis na ako. Rowan! Mag-uusap tayo!”
Napuno ng galit at panlulumo ang mukha ni Rowan dahil sa sinabi ng ama.
“Magbabayad ka, Rebel!” ani nito at tarantang sumunod sa ama.
Nang sila na lamang mag-ama ang natira, mahigit limang minuto rin bago binasag ng ama ang katahimikan. “Paano mo nagawa akong traydurin?”
“Pa, makinig ka muna,”
Sinuntok nito ang mesa at galit na tumayo saka kinuha ang bangko sabay binato sa kaniya.
Hindi naman nagp-abalang umiwas pa si Rebel dahil mas lalala lamang ang gulo.
Nang makalapit ang ama ay kwinelyuhan siya nito, “Isa lang ang hiniling ko sayo noon, ang burahin ang mga Solomon, pero ano ito?!!”
Nanlalaki ang mga mata ni Mr. Phillip habang lumalabas ang litid sa leeg sa gigil.
“Pa, pakinggan mo muna ako. Hindi ko naman inaasahan na makakaligtas siya. Noong nabalitaan ko ay agad akong nagpunta sa ospital para linisin ang pagkakamali ko dahil sa takot na baka magalit ka, pero naisip ko na mas makikinabang ka kung bubuhayin siya. Magiging utang pa niya ang buhay sa atin,”
“Hindi mo ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan mo! Ang sabihin mo, balak mong solohin ang lahat kaya gumawa ka ng mga plano na hindi manlang ipinaalam sa akin. Maaaring pinlano mo ang lahat ng ito para ipahiya ako at makuha ang lahat,”
“PA! Makinig ka naman! Hindi naman lahat ay kasing lulong mo sa pera at ginhawa sa buhay,”
“Aba’t! Kadugo kita at alam ko na kaya mong maglaro,”
“Ibahin niyo ako, Pa. Hindi ko ho ni minsan hinangad ang kayaman niyo na nakuha mo sa maduming paraan.”
“Sinungaling,”
Buong lakas na inalis ni Rebel ang dalawang mga kamay nito sa kaniyang kwelyo at tinulak palayo, “Pa, dito na magtatapos ang lahat. Kung tutuusin sa lahat ng mga nangyari, lahat tayo ay nabigyan ng pagkakataon. Isa pang pagkakataon para makalaya sa mga maling nagawa natin. Hindi ka ho ba napapagod mabuhay ng ganito? Kulang pa ho ba? Hindi ka ho ba talaga nakokontento sa pera niyo? Hindi ka manlang ho ba binangungot?”
“Wala akong pakialam sa mga kahibangan mo. Pagbibigyan kita ngayon, huwag ka lang ulit papalya at ako na ang mismong liligpit sayo kasama niyang babae na yan na hindi pa mamatay-matay!” giit nito saka huminga ng malalim bago inayos ang suot na suit. “Lahat ng shares na makukuha mo, ibibigay mo sa akin.”
“Yon naman ho ang plano ko,”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
Inayos ni Rebel ang suot na suit at ang kaniyang kwelyo saka ngumisi, “Inaamin ko na kaya ko binuhay si Daniel ay para sa araw na ito. Sayo na lahat ng pera, ng shares, o ano pa mang makukuha mo pero hahayaan mo na ako.Tapos na ang pagiging anak ko sayo.”
“REBEL!”
“Wala ka nang magagawa dahil sa oras na idawit mo pa ako sa mga kalokohan mo at gumawa ng hindi ko ikatutuwa, sinasabi ko sayo, sa kulungan ka tatanda,”
“Ha, at sa tingin mo ako lang?”
“Ay ano ngayon kung sumama ako sa impyerno sayo, basta magbayad ka lang sa mga kasalanan mo. Tanggapin mo na, na hindi ka habang buhay na mananatili sa taas na iisa. Isipin mo na lamang na kaysa walang-wala, atleast di ka nilalangaw sa kulungan dahil wala ni isa ang dadalaw sayo.”
“Hayop ka!”
“Hindi ba’t ama kita?”
“REBEL!!!”
“Lawrence na nga pala. Patay na si Rebel.”
Hindi na niya inabala pang lingunin ang ama. Paglabas ng VIP room ay napasuntok pa sa saya si Rebel.
Madali siyang nagpunta sa kwarto kung saan naroon si Manang Rose at niyakap ang matanda, “Manang uwi na ho tayo kay Nazarene.”
Mula sa hotel ay nagtungo sila sa munisipyo para magpabago ng pangalan. Pati apelyido ay ipinabago na niya.
Pagtapos ay tinawagan ang sekretarya niya sa kanilang kompaniya para ipahanda ang kontrata at transfer of assets.
Kaya naman umaga na nang tuluyang bumaba ang minamanehong kotse sa probinsiya ni Nazarene.
“Sir...kinakabahan ho ako,”
“Manang, huwag ho. Alam kong hindi man makaalala si Nazarene, ay si Cara ho pala. Dapat sanayin na natin. Kahit hindi ho kayo naaalala ni Cara, alam ko sa puso niya, mahal ka pa rin niya,”
Tumango ang matanda at ibinaba ang bintana ng sasakyan.
Abot-tenga pa ang ngiti ni Rebel dahil sa kasabikan na makita si Nazarene.
Kaso saktong ibinaba niya ang bintan para namnamin ang sariwang hangin ay ang pagdaan ng motor ni Zian na napatingin pa sakaniya.
Nawala ang ngiti ni Rebel at humigpit sa pagkakahawak sa manibela.
Si Zian naman, ibinaba ang cover ng helmet at pinaharurot ang motorsiklo.
“Manang, kapit ho!”
“Sir?”
Hindi na ito pinansin ni Rebel at pinaharurot na rin ang kotse.