"Rowan?" saway ni Lawrence. "Anong ginagawa mo?"
"Why? Is there something wrong? Pinapakuha ko lang naman ang mga inumin natin. Hindi ko naman alam ang daan pabalik, "
"Bakit hindi kanina bago tayo umalis, sana sinabi mo agad!"
"Well, I forgot, Sorry, Cara. Pretty please? Balikan mo na? Ikaw naman ang lumaki dito sa bundok."
Napangiti si Cara at nakipagtitigan kay Rowan.
"Row-- " awat sana ni Lawrence pero agad na pinutol ito ni Cara.
Alam ko ang daan pabalik, unfortunately hindi ako marunong gumamit ng kotse. Lumaki kasi ako sa bundok. Mamaya, kung saan pulutin ang kotse mo, wala akong ipambabayad," preskong usal ni Cara.
"Oooh, nice! I like it!" pumapalakpak na sabat ni Chris.
"Shut up, Chris!" sabay na usal nina Lawrence at Rowan.
"Ganito na lang, why not parehas na lang kayong bumalik?" mungkahi ni Chris na hindi manlang natinag sa nakakatakot na tingin nina Lawrence at Rowan.
"Jed," galit na sabi ni Lawrence sa isang kaibigan. "Take Chris away at baka kung saan pa pulutin yan kapag hindi ako nakapagpigil,"
"Ok! Chill out guys!" pagsuko ni Chris at nag-iwan ng nakakalokong ngiti si Cara.
"Ay wag na ho tayong mag-away. Ang totoo ay kahapon pa lamang ay nakapaghanda na kami para kung saan man tayo titigil na bahay, walang poproblemahing pagkain at tubig. Alam niyo ba, sa taas nitong kinarorooanan natin ay may talon. Iyon ang pangunahing source ng inumin dito dahil sa walang mga kabahayan at halos di napupuntahan, pure water ang tubig ng talon," paliwanag ng kapitan para mamagitan. "Cara, tanungin mo na si Manang Trining kung nakahanda na sila ng mga makakakain na."
"Wow, amazing!" You all drink from a waterfall? That's hygienic and sanitary," sarkastikong sabi ni Rowan at inirapan si Cara bago naglakad palayo.
Nagpintig ang tenga ni Cara at napailing. "That waterfall passed the test parameter for drinking without the treatment system. With the filtration and treatment system, I can say it's beyond safe to drink. I prefer this than the rain," bawi ni Cara at naglakad patungo sa bahay na tinigilan nila.
"Nay, papasok ho ako," magalang na tawag ni Cara.
"Ay ineng, bakit raw?" salubong ng isang may edad na babae galing sa likurang bahay.
"Nay Trining, pinapatanong ho ni Kap kung handa na raw po ba ang mga pagkain sa ating mga bisita?"
"Ay nariyan na ba?"
"Opo,"
"Ay oo. Saglit lang at nililinisan lamang itong mga dahon ng saging,"
"May maitutulong pa ho ba ako?"
"Hindi ako sigurado. Pumunta ka na lamang sa likod at ipagtanong mo. Inaantabayanan ko pa ang anak ko na pinabili ko ng yelo,"
"Ay sige ho," tugon ni Cara at nagtungo sa likod-bahay.
Pagdating sa likuran ay maraming mga tao roon na nagtutulong-tulong.
"Hello po, may maitutulong pa po ba ako?" usisa ni Cara sa isang matandang lalaki na kakahataw lang ng bucher's knife para patayin ang manok habag diretso sa paghithit ng sigarilyo.
Umangat ang tingin nitong matanda at sinipat si Cara, "Ikaw ba si Cara?"
"Opo,"
"Marami pang gagawin. Maraming lulutuin eh. Maraming bisita. Mamili ka na lang, pwede dito ka sa akin at tumulong sa paglilinis ng manok na aadobohin sa gata, doon naman ay magsisibak ng kahoy para sa litson, doon sa matandang babae na laging galit, maglilinis ng dahon ng saging,"
"Sige ho,"
"Si Zian, hindi mo kasama?"
"Hindi ho,"
"Bakit?"
"Po?"
"Bakit hindi mo kasama si Zian? Dati-rati kung nasaan ka, naroon din ang batang yon,"
"M-Marami ho kasing ginagawa,"
Tumayo ang matanda at tinapakan ang sigarilyo. "O iba na ang gusto mong kasama? Mas panatag ako kay Zian. Alam kong kabaryo mo lamang kami pero gusto lang namin na ligtas ka. Sige, mag-ingat ka."
"Nako, Isko, wag mong tinatakot si Cara. Hayaan mo yang matandang yan. Ikaw ay doon sa lalaki na kaya kang buhayin ng higit pa sa maginhawa. Huwag kang tumulad sa amin. Matanda na ay mamamatay pa ring mahirap," giit nitong matandang babae na abala sa pagpupunas ng dahon ng saging. Asawa ito na Ka Isko.
"Nabuhay naman kita. Hindi kita sinaktan at sinikap kong lamnan ng tiyan mo," giit ni Ka Isko at umirap lamang ang matandang babae.
Hindi na napigilang mapakunot ng noo si Cara dahil sa isiping bakit masama ang kutob ng iba kay Lawrence.
"Hey, hindi ka na bumalik," ani Lawrence sa kaniyang likuran dahilan para magulat si Cara.
"S-Sorry, ano?" uutal-utal na tanong ni Cara.
"Kako, hindi ka na bumalik,"
"Ah, ano, tiningnan ko lang kung may maitutulong pa baa ako sa kanila," turan ni Cara at tumitig kay Lawrence.
Sa mga sandaling iyon ay may malalabong imahe ng isang batang lalaki at binatang lalaki ang tila mga nagsibalikan sa isipan niya.
Nakaramdam siya ng matinding pagkahilo pero agad namang nilabanan para hindi tuluyang matumba.
"Cara ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lawrence dahilan para bumalik siya sa realidad.
"O-Ok lang," sabi Cara at madaling umayos ng tayo dahil sa natagpuan ang sariling mas malapit na ang mukha rito dahil nasambot pala siya nito. "Hindi ko alam, kala ko ay may kamukha ka,"
"Gusto mo munang magpahinga?"
"Hindi, ok lang ako. May ganon talaga akong pagkakataon na mapapatigil na lang dahil may mga malalabong pangyayaring tumatakbo sa aking isipan na hindi ko naman alam kung bakit,"
"Ganon ba. Sigurado ka bang kaya mo?"
"Oo naman. Bumalik ka na doon, matatapos na rin naman ito,"
"Hindi, tutulong na rin ako at nang mabantayan ka. Namumutla ka. Pasensiya na kay Rowan kanina,"
"Nako, ayos lang. Nauunawaan ko naman si Rowan. Kung baga matagal na kayong magkakaibigan, pinoprotektahan ka lang nila. Parang si Zian,"
"Iba talaga ang pag-ibig pag bata pa," iiling-iling na turan muli ng asawa ni Ka Isko na tumayo at winaswasan sila ng dahon ng saging.
Nagkatawanan na laamng silang dalawa.
"Sige na, dito na ako tutulong. Mas mabuti kung doon ka sa mga nagsisibak ng panggatong sa litson, matatanda ang naroon. Dito na lang ako sa pagluluto ng ginataang manok," ani Cara bago tinapik ang balikat ni Lawrence.
Pero habang nag-aalis ng balahibo ng manok, hindi mapigilan ni Cara na pag masdan si Lawrence sa malayuan habang nagisisbak ito ng kahoy.
"Ano ba ang hindi ko nakikita?" bulong niya. "Matagal na akong hindi inaatake. Bakit bumalik na naman?"
Pero agad naman niyang binawi ang tingin nang maghubad ito ng suot na damit.
"Oh bakit inalis mo? Hindi mo pa nakikita ang best part," biglang sabi ni Chris na nakayukyok na pala sa kaniyang harapan.
"C-Chris? Anong sinasabi mo?"
"Kako, tumingin ka ulit," sabi pa nito at pumangalumbaba sabay baling ng tingin sa dako ni Lawrence.
Pilit na lumingon si Cara pabalik at saktong nakita na pinupunasan ni Rowan ng pawis ito.
"Bagay sila ano?" pasaring ni Chris pero pinili na lamang ni Cara na hindi pansinin.
Tumingin ulit siya kay Chris at sinipat itong mabuti, "Bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin?"
"Ganito ako sa lahat,"
"Pakiramdam ko ay may kakaiba. Pati ang ngiti mo kanina,"
"Sus, isip mo lang yon. Hindi mo naman ako kilala dati di ba?"
"Hindi,"
"Yon naman pala eh,"
Tumayo si Cara at sinadyang hampasin si Chris nitong manok na inaalisan ng balahibo.
"Ay sorry, nandiyan ka kasi," ani Cara at dinilaan si Chris.
"Aba! Aba!" tawang-tawang sabi ni Chris habang inaalis ang mga balahibo na pumasok sa bibig. "Takbo!"
Tumakbo si Cara dahil pasugod na si Chris dala-dala ang tasa ng may dugo ng manok.
Masalimsim na nang makabalik sina Cara sa bahay kubo.
Lahat ay pagod at wala nang balak gawin kundi ang matulog na.
"Gumawa na kayo ng tent, kanya-kanya," sabi ni Jed na kinagulat ni Cara habang naglalakad papunta sa kubo.
Buong pag-aakala ni Cara na si Jed ay hindi manlang mag-aaksaya ng kahit anong laway sa buong panahon na pananatili rito dahil sa tila tahimikin ito at walang emosyon na panlabas na pakita.
"Anak, kamusta ang araw...ay jusko po, anong nangyari sa iyo?" gulat na bulalas ng ina ni Cara.
Puno kasi ng dugo ang kaniyang mukha at damit.
"Ah ano lang ho, nakipaglaro lang ho sa bata,"
"Maligo ka na at magpalit. Ang lansa mo,"
"Sa ilog na lang ho nay at mukhang kailangan ng maraming ligo rito,"
"Ay sigurado ka?"
"Oho,"
"Sige. Si Lawrence?"
"Nasa barangay ho,"
Kumuha lamang si Cara ng mga gamit at nagtungo sa ilog.
Pinili niya sa parte ng ilog kung saan hindi masyado napupuntahan ng mga tao.
Marahan siyang naghubad ng damit at nagsimulang magbuhos ng tubig.
"SHOOOOOOT! Ang lamig!" ipit na ungot ni Cara habang nagtatatalon na. "Ay nako. Lumangoy nalang tayo."
Binato ni Cara ang tabo at tuluyang lumangoy sa malalim na bahagi ng tubig.
Umahon siya at nagfloating. Habang nakatingala sa malapit nang magdilim na langit, pumikit siya at naroon na naman ang mga malalabong imahe na parang mas lumala pa.
"Ha!" takot na himutok ni Cara at mabilis na tumayo dahil muntik na siyang malubog sa tubig.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napabaling ang tingin niya sa nagsalita at laking gulat niya na makita si Jed na hubo't-hubad.
"B-Bakit ka h-hubad?" umaatras na wika ni Cara sa takot.
Pero ang mas nakapagpalaglag sa kaniyang panga ay ang mapansin ang pulang likidong umaagos sa katawan nito. "A-Ano yan?"
Marahan itong humakbang palapit sa kaniya kaya tumalikod si Cara para tumakbo pero masyado siyang mabagal sa tubig, nagawa na siya nitong higitin.
Tinabunan nito ang kaniyang bibig at walang hirap siyang binuhat patabi saka patago sa likod ng malaking puno na minsan nilang pinagkainan nina Lawrence noong nakaraan.
"Anong ginagawa mo?!" takot na tanong ni Cara habang pilit na inaalis ang kamay nito sakaniyang bibig.
"SSSH! Wag kang maingay," bulong nito.
Hindi na alam ni Cara ang gagawin dahil sa naghahalong takot at kaba dahil sa nakadikit na p*********i nito sakaniyang tiyan.
Magsasalita pa sana ulit si Cara nang matigilan siya dahil sa pamilyar na boses.
Inalis ni Jed ang kamay nito sa kaniyang bibig at hinayaan siyang lingunin si Lawrence.
Pinanooran niya kung paano itong naghubad at naligo sa ilog. Sa likuran nito ay sunod na naghubad si Rowan at marahang sumunod kay Lawrence.