Chapter 7

2140 Words
“AAHHHHH!!!!” Malakas na sigawan ang umangilawlaw kinabukasan dahilan para matigilan si Cara at ang ibang mga magsasaka sa ginagawa. Agad na natawa si Cara at magiliw na pinanood kung paanong nagkanda hulog na sina Lawrence at Zian palabas ng kubo. “Bakit mo ako niyakap?!” singhal ni Zian kay Lawrence at tinulak ito. “Aba, ikaw ang yumakap sa akin!” bulyaw ko Lawrence at tinulak pabalik si Zian. Napapikit sa inis si Cara at galit na naglakad palapit sa dalawang nagtatalo habang dala ang panggapas. “Oh, eto, gamitin niyo nang mabilis,” sabat niya nang ihagay sa gitna ng mga ito ang panggapas. Nagsitigil ang mga ito at tuluyang naglayo. “Oh ano, ayos na kayo?” Walang tumingin sa kaniya kaya muling sumigaw si Cara. “Sumagot kayo!” “Hindi kami ayos pero hindi na ako makikipag-away,” sabi agad ni Zian. “Ikaw,” singga niya kay Lawrence. “I did not start it in the first place so you can trust me that I won’t waste my time on a childish act,” “Aba at inenglish mo pa ako!” “Zian!” saway ni Cara kay Zian at hinila ito palayo. Nang makarating sa kabilang dulo, saglit munang tiningnan ni Cara si Lawrence na seryosong nakatingin sa kanila. “Anong ginagawa mo?” buntong-hininga ni Cara nang ibalik ang tingin kay Zian. “Anong-ano ang ginagawa ko?” “Ito. Ano ito?” “Sinabi ko na sayo kagabi. Ilang araw rin akong nag-isip at hindi ko talaga kayang ipagkatiwala ka na lamang nang ganon-ganon,” Huminga nang malalim si Cara at umiling, “Zian, sorry pero...” “Hayaan mo lang ako. Aminado akong mali ako dahil kahit alam kong gusto mo ako noon, wala akong ginawa,” “Hindi yon, nauunawaan ko,” “Sorry pati sa mga sinabi ko. Nadala lang ako ng emosyon. Maling-mali ako. Ang totoo ay sa sarili ko ako nagagalit at nadidismaya kung hindi lang sana ako naging duwag,” “Zian, please, makinig ka. Itong meron sa amin ni Lawrence, kakaiba ito. Kaya please, wag mo nang sayangin ang oras mo sa akin,” “Cara. Wag mo naman ako itaboy na para bang wala tayong pinagsamahan,” “Hindi kita tinataboy, Zi. At lahat ng mga pinagsamahan natin, habang buhay akong magpapasalamat doon,” “Pasensiya na, Cara. Kahit ayaw mo, hindi mo ako mapapaalis. Hindi ko na ipipilit ang nararamdaman ko pero dito lang ako sa tabi mo dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito,” “Itigil mo na, Zi. Wala kang karapatan na husgahan si Lawrence,” “Hindi ko siya hinusgahan. Nag-aalala lamang ako sayo. Hindi ka ba nagtataka na marami siyang sugat sa likuran?” “At dahil lamang sa mga pilat ay masamang tao na siya?” “Nagiging maingat lamang ako sayo. Wala tayong alam sa taong ito at hindi natin alam kung ano talaga ang totoong pakay nang paglapit sayo,” “Jusko, sakin pa talaga siya nagkaroon ng pakay ay mas dukha pa kami sa mga daga. Sa tingin mo ay may mapapala siya akin?” Galit na tumalikod si Cara at nagmamartsang nagtungo kay Lawrence. “Tara na, umuwi na tayo.” Ngumisi si Lawrence at nakangising tumingin pa kay Zian bago tuluyang naglakad palayo. “Utoy, hindi ka kasi agad pumorma kay Noving. Ayan tuloy,” tukso ng matatandang magsasaka na nag-abot ng mainip na kape. “Hindi pa naman ho tapos ang laban,” sabi ni Zian at sumunod kina Cara at Lawrence. Ganoon na lamang ang naghahalong kaba at takot na nararamdaman ni Cara habang binabagtas ang daan pabalik sa kanilang kubo. “Teka nga lang,” sabi ni Lawrence at kinuha ang dalawang kamay ni Cara. “Bakit?” aligagang tanong ni Cara. “Pwede bang kumalma ka?” “Paano naman ako kakalma, Lawrence?” “Wala tayong ginawang mali. Anong kinatatakot mo?” “Hindi mo kilala ang tatay. Iba yon magalit,” “Magpapaliwanag kita ng maayos kung hindi sila maniniwala ay ako ang bahala sayo. Kung hahagupitin ka, sasaluhin ko,” “Ako rin!” sabat ni Zian. Napasabunot na lamang sa buhok si Cara dahil sa dalawa dahil nagsimula na naman itong mag-iringan. “TABI!!!!” Sabay-sabay na napaharap sina Cara, Lawrence, at Zian sa kung saan nanggaling ang boses at ganon na lamang ang gulat nila nang makita ang isang nagngangalit na kalabaw papalapit sa kanila. Mabilis na binuhat ni Lawrence si Cara paalis habang si Zian ay nanatili sa kinatatayuan. “Hoy! Nababaliw ka na ba?!” palahaw ni Lawrence kay Zian pero hindi ito natinag. “Dito ka lang. Nasiraan na ata ang kaibigan mo,” sabi ni Lawrence kay Cara nang mailayo sa dadaanan ng kalabaw. Patakbong bumalik si Lawrence kay Zian pero nang hihigitin na ito ay swabeng nahuli ni Zian ang tali ng nag-aalburutong kalabaw. “Woh! Woh! Tsk! Tsk!” matapang na sigaw ni Zian at nakipagbuno para mapigilan ang kalabaw. “Hoy, bitawan mo yan!” inis na sabi ni Lawrence. “Wag kang makialam, wala ka naman alam sa ganito. Mayaman ka eh,” “Bwisit! Ang tindi ng tama mo!” Limang minuto lamang ay nagawa na ni Zian na pakalmahin ang kalabaw. “Ay maraming salamat, Zian!” humahangos na usal ng ama ni Cara. “Tay Roger, ito ho, kalmado na ang kalabaw. Ano ho bang nangyari?” “Nagbababa na kasi kami ng mga copra kaso nakasalubong kami ng ahas, kaya natakot itong kalabaw,” “Ah ganon ho ba? Kamusta ho?” “Ayos na. Napatay na namin ang ahas, kaso talagang ang hirap habulin nitong kalabaw. Salamat Zian,” “Wala ho yon, Tay. Kayang-kaya ko naman ho. Hindi naman ho ako pinawisan,” sabi pa ni Zian at tumingin ng mayabang kay Lawrence. “Teka, ano palang ginagawa mo dito?” “Tay,” nakayukong sabat ni Cara mula sa likuran ni Zian. “Kasama mo si Zian, Cara?” “Ako rin ho, kasama,” usal naman ni Lawrence. Saglit na namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang apat bago tumighim ang ama ni Cara. “B-Buti naman at may kasama ka naman pala, umuwi na tayo,” sabi ng ama ni Cara at iniikot na ang kalabaw. “H-hindi ho kayo galit, Tay?” “Bakit naman ako magagalit? Matanda ka na at tiwala ako na alam mo na ang dapat mong maging desisyon. Pasalamat na lamang ako na kasama mo sina Lawrence at Zian, kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala namin,” sabi ng ama ni Cara at tumingin sa kaniya. “Ngayon sigurado akong ligtas ka.” “S-Salamat ho, Tay.” “Bilisan na natin at nang makakain. Paniguradong gutom na kayo,” “Tay, wag ho kayo mag-alala sinigurado kong ligtas si Cara,” sabi ni Zian. Tinapik ng ama ni Cara ang balikat ni Zian, “Salamat.” Nang makabalik sa kubo ay agad na sumalubong ang ina ni Cara at si Boching. “Anak, saan ka ba nagpunta?” umiiyak na tanong ng ina. “Nay, pasensiya na ho. Nagpunta ho kasi kami ni Lawrence sa tambayan ko sa bundok kaso naabutan ho kami ng baha kaya hindi na ho nakauwi,” “Ganon ba. Jusko, sobra ang pag-aalal namin sayo,” “Sorry ho talaga,” “Siya...ayos na. Maligo na kayo sa poso at nang makakain,” “Sige ho, Nay.” “Boching, kunin mo ang palanggana at mga gamit sa paliligo sa loob,” utos ng ina Cara. Agad namang tumakbo ang bata at hindi naman naglaon at lumabas ito na bitbit na ang palanggana. “Ako na ang magdadala,” sabi ni Lawrence. “Salamat, Boching.” “Welcome Kuya,” “Ako na ang magdadala ng mga tabo at sabon,” sabi naman ni Zian dahilan para mapatingin si Lawrence dito. “Ayaw mo talaga magpalamang,” natatawang sabi ni Lawrence. “At bakit ako magpapalamang?” “TUMIGIL!” sigaw ni Cara at kinuha ang palanggana mula kay Lawrence saka pabagsak na inilagay ang tabo at mga sabon sa palanggna. “Ako ang magdadala nang walang away.” Nagpaumunang maglakad si Cara papunta sa poso. Pagkarating ay agad na ibinaba ang palanggana sa bunganga ng poso. “Ako na,” sabay na sabi ni Lawrence at Zian nang parehas na hawakan ang metal na hawakan. Inabot ng kung anong oras ang paliligo sa poso dahil sa hindi magkasundo-sundo itong si Zian at Lawrence. Pagod na pagod na itong dalawa pagkatapos pero kahit ganon ay nagtalo pa rin ang mga ito kung sino ang magdadala ng palanggana pauwi. “Zian, umuwi ka na muna. Ayoko na may maririnig akong masama kina Tita dahil sa hindi ka umuwi,” wika ni Cara habang nagliligpit ng pinagkainan nila. “Pero...” “Walang pero-pero, pakiusap. Pagod na pati ako sa kaaway niyo ay isang araw pa lamang kayong nagkakasama,” Pilit ang mga ngiting tumayo si Zian, “Sige. Magkikita naman tayo sa school bukas eh. Mag-ingat ka Cara.” Pag-alis ni Zian ay kay Lawrence naman tumingin si Cara, “Tara na barangay hall.” Pagkagaling sa barangay hall ay umuwi sila sa kubo at masayang nagsalo ang pamilya ni Cara kasama si Lawrence. Kaiba sa pagkakataong ito dahil talagang ramdam ni Cara na welcome na welcome na ito sa kanilang pamilya. “Di ka pa ba matutulog?” tanong ni Cara nang matapos sa pagbabantay ng suman. “Inaaral ko pa itong mapa ng baryo niyo para madali na lamang bukas,” “Magsisimula ka na agad bukas?” “Wala akong oras na pwedeng sayangin,” “Mag-isa ka lang ba?” usisa ni Cara at naupo sa tabi ni Lawrence. “Nag-iwan na ako ng e-mail sa mga kasamahan ko sa opisina. Aasa na lang ako na sana piliin nila ako at mga saglit kong naibigay sa kanilang pamumuno.” “Pipiliin ka nila dahil mabuti kang tao, sa mundong ito, pinatunayan mo sakin na may pipili at pipili sa atin ano man ang kalagayan sa buhay. Matulog na tayo at ako ang bahala sainyo bukas. Ako ang magiging mapa ninyo.” “Pero may pasok ka,” “Tsk! Wag kang mag-alala. Tapos naman na ang midterms at naghahanda na lamang para sa gaganaping college ball. Eh hindi naman ako pumupunta don, kaya libre ako.” Bakas ang lungkot sa mukha ni Lawrence pero pilit nitong itinago kay Cara. Kinabukasan ay nagising si Cara sa kaingayan na naman ng mga kabaranggay nila at ang sunod-sunod na pagdating ng mga kotse. Dali-dali siyang lumabas at ganon na lang ang saya sa mukha ni Lawrence nang magtama ang mga tingin nila. “Dumating sila,” sabi nito nang tumigil siya sa tabi nito. “Sabi sayo eh.” Isa-isang nagbabaan ang mga nagsisigwapuhang mga lalaki. Sampu ang saktong bilang ng mga lalaking naroon na may kani-kaniyang kasintahan na kasama. Nakipagkamay ang mga ito kay Lawrence, at kani-kaniya ang bati sa ganda ng lugar at sa ganda ni Cara. “Pasensiya na, akin na siya,” matapang na pahayag ni Lawrence. “Wala namang lalaban,” sabi nong isa na ang pakilala ay si Chris. “So, anong pagkain, ang gutom na para makapagsimula na tayo ng bagong kompaniya.” Pero ang ingay at kaguluhan ay agad na natigil nang may isa pang kotse ang dumating at isang napakaganda ring babae ang bumaba. Matangkad ito, maputi, at napakatapang ng awra. “Bakit kayo magsisimula ng wala ako?” sabi nito at inabot ang kamay ni Cara. “Rowan nga pala.” “Ooh! This is exciting!” sabi nitong Chris at tinapik ang balikat ni Lawrence. Tumingin si Cara kay Lawrence at napansin ang seryosong tingin nito kay Rowan. “Ay magandang umaga ho sainyong lahat. Tara ho, tayo ay magsalo-salo bilang pasasalamat sa inyong pagdating,” sabi ng kapitan dahilan para umingay na ulit. Nagsalo-salo sila sa isang simpleng umagahan at di nga naglaon ay inililibot na ni Cara ang mga ito kasama ng kapulunan ng kanilang barangay sa kanilang baryo para mismong makita ang mga kabahayan na nangangailangan ng kuryente. Habang ginagabayan ang mga ito ay di mapigilan ni Cara na humanga sa dedikasyon at katalinuhang pinapamalas ni Lawrence. “Sa tingin ko ay magpahinga na muna tayo rito,” sabi ng kapitan. Nasa bahay sila ng dalawang mag-asawang matanda na tagni-tagni lamang na dahon ng niyog ang bahay. Nagsisang-ayon naman ang lahat na magpahinga dahil malayo-layo pa ang hahayhayin nilang mga kabahayan. “Dito tayo,” sabi ni Lawrence nang alalayan si Cara na maupo sa isang malaking bato. “Ikaw,” ani Rowan sa kanilang likuran. Napaharap si Cara kay Rowan. “Ito ang susi ng kotse ko, kunin mo ang mga inumin doon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD