Chapter 6

1861 Words
“Halika, may pupuntahan tayo,” masayang bulong ni Cara kay Lawrence. “Saan? Hindi pa ba tayo pupunta sa barangay hall?” “Pwede pa naman bukas yon eh,” Hindi napigilang mapangiti ni Lawrence sa inasal ni Cara. Sa mga sandaling iyon ay giliw na giliw itong nakatitig sa magandang ngiti ng dalaga. “Ang...ganda mo, Caranova.” “Talaga,” biro ni Cara kay Lawrence. “Aba...nagbibiro ka na ah,” “Halika na, tara na. Baka dilimin na tayo sa daan,” Tumakbo si Cara at masayang sumunod si Lawrence. Mahigit isang oras rin silang tumatakbo, may ilog pa silang tinawiran, bago tuluyang tinahak ang matarik na bundok. “Papatayin mo ba ako? Kaya sa malayo tayo pupunta?” pabirong tanong ni Lawrence habang humahangos. “Ano? Ikaw ha, siguro mahilig kang manood ng mga action at thriller movies ano? Tsk!” irap ni Cara at pinahid ang noo na puno na ng pawis. “May ipapakita lamang ako, naisip ko na mabigat ang loob mo. Sa tuwing masama kasi ang loob ko, nagpupunta ako doon para mag-isip-isip, magpalipas.” “Malayo pa ba tayo?” “Ang totoo ay pag narating natin ang taas nito ay ok na. Wag mong sabihin na pagod ka na? Ang laki -laki ng katawan mo, ang ganda pa ng abs mo tapos mabilis ka mapagod?” Tumawa na lamang nang alanganin si Lawrence, “Ganon talaga. Kailangan rin magpahinga.” “Pwede bang tiisin mo na lang? Kasi...” Napatayo si Lawrence sa kinatatayuan at mabilis na tumakbo kay Cara. “Ano...ano? May kwentong aswang ba dito?” takot nitong tanong at halos mahubaran na si Cara dahil sa pagyapos nito habang panay nag linga sa paligid. “Wala, ano ka ba! Wala. Pero kasi... pag ganitong oras ay tumatawid ang mga ahas eh,” Natigilan si Lawrence at napabitaw sa pagkakayakap, “AHAS?!” “Oo.” “Ahas?! Eh mas nakakatakot pa sa aswang yon! Halika na! Pumasan ka na sa likod ko!” aligagang sigaw ni Lawrence at walang hirap na hinigit ang dalawang mga braso ni Cara para mapasan sa likuran. “Haha! Ang dami mo namang kinatatakutan!” tawang-tawang sabi ni Cara. “Mas takot ako na mawala ka,” sabi ni Lawrence. “Ano?” “Wala! Sabi ko umayos ka ng kapit at baka malaglag ka,” “Hayaan mo na ako maglakad,” Pero hindi siya pinansin ni Lawrence bagkus nagpatuloy ito sa pag-akyat hanggang sa makarating sila sa tuktok. “Hala andito na tayo!” sabik na sabi ni Cara. Sa sobrang saya ni Cara ay hindi niya napigilan ang sarili na yumakap ng mahigpit at kurot-kurotin ang pisngi ni Lawrence. “Diba? Sobrang ganda?!!!” masayang sabi ni Cara na sa di sinasadyang pagkakataon ay nang silipin niya ang mukha ni Lawrence ay sakto ring lumingon kaya nagkagulatan sila. “Oo, ang ganda,” nakangiting sabi ni Lawrence habang nakatingin kay Cara nang napakaganda. “Haha! Ibaba mo na ako,” iwas ni Cara ng tingin rito. Ibinaba naman siya ni Lawrence at parang batang tumakbo sa may tangwa nitong patag na tuktok ng bundok saka idinipa ang dalawang braso. Malakas at masarap ang simoy nang hangin kaya pumikit si Cara para damhin ang humahampas sa kaniyang pisngi. Mula sa pinakataas ay makikita ang naghahalong purple, orange, at pink na langit. “Halika rito...” Naputol ang sasabihin ni Cara nang yumakap mula sa likuran niya si Lawrence. “Hoy, Lawrence,” “Five minutes. Five minutes lang...Salamat. Sobrang ganda. Gumaan ang loob ko,” Ngumiti na lamang si Cara at hinawakan ang kamay ni Lawrence na nakayakap sa kaniyang may tiyan. “Anong nang plano mo ngayon?” “Sa totoo lamang ay hindi ko pa alam,” “Ibig bang sabihin nito na kung hindi ka babalik at susunod sa gusto ng Papa mo, hindi na matutuloy ang plano mong pagpapakuryente sa baryo namin?” Hindi nagawang makasagot ni Lawrence. “Ok lang yon.” “Pero umaasa na rin sina Tatay at Nanay. Umasa na rin sila na mabibigyan kita ng magandang kinabukasan,” “Ano ka ba. Hindi lang naman siguro ang Papa mo ang kompaniya dito sa mundo, hindi ba? Alam kong magaling ka kaya bakit hindi mo subukang..mag-apply sa iba?” “Malabo, Cara,” “Bakit naman?” usisa ni Cara at mabilis na humarap rito. Huminga nang malalim si Lawrence habang nakatitig sa mata ni Cara na mababakas na gustong-gusto na makakuha ng sagot. “Marami...maraming mga bagay na...mahirap ipaliwanag,” “Sabihin mo...makikinig ako,” “Cara,” “Hahaha! Wag mong sabihin na masama ang Papa mo? Na may mga ginagawang anumalya sa inyong kompaniya? Na hindi ka naman matatanggap sa ibang kompaniya dahil gagawin lahat ng Papa mo para hindi ka matanggap sa iba?” “Ang...Ang totoo...P-Parang ganon na nga. Pero bakit parang ayos lang para sayo?” “Kyaaah! Totoo ba talaga ito? Parang nasa palabas lang ah. Ganito ba talaga ang mayayaman? Grabe.” “Cara, kakaiba ka talaga,” “Alam mo ang lahat sa amin, kasi yon lang naman talaga ang meron sa kwento ng buhay ko. Kaya sinasabi ko sayo, kahit ano pa ikaw, o kahit ano ang kwento ng buhay mo, tatanggapin ko,” Saglit na natigilan si Lawrence at hinawakan ang kamay ni Cara, “Ang totoo...” Natigilan si Lawrence sa sasabihin nang sabay silang tumingala ni Cara dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. “Umuulan!!!” sigaw ni Cara. “Oo nga. Tara na bumalik at baka magkasakit ka pa,” “Ayaw ko pa!” tanggi ni Cara at kinuha ang dalawang kamay ni Lawrence. “Bakit ang ganiyan ang ngiti mo?” “Sayaw tayo,” “Ha? Hindi ako marunong,” “Basta, sumunod ka lang,” hagakgak ni Cara nang magsimulang kumembot sa harapan ni Lawrence. Sa lakas nang buhos nang ulan ay agad silang nabasang dalawa. Ang manipis na t-shirt na suot ni Cara ay dumikit sa kaniyang katawan kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan. Ganoon rin naman kay Lawrence. Ang magaganda nitong abs ay nagsimulang bumakat sa damit. “Oy sakto,” ngisi ni Cara nang sa may parteng baba ng bundok, kung saan may hagdan-hagdang mga palayan, ang ilang mga taong nagabihan na sa pagtatanim ay nagsisilong sa kani-kanilang kubo at nagpatugtog sa bitbit na radyo. Isang romantikong kanta ang tumugtog kaya naman naging intimate ang mga sandaling iyon sa kanila. Wala nang salitang nabitawan si Lawrence dahil abala na ang kaniyang mga mata na sundan ang bawat galaw na ginagawa ni Cara. Saktong bumuhay pa ang mga solar lights sa paligid nila kaya mas gumanda ang sandaling iyon. “Oh ghad, Cara. You’re taking my sanity away,” kagat-labing ungot ni Lawrence habang maya’t-maya ang haplos sa baywang ni Cara. Si Cara, wala namang ginawa kundi ang tumawa at sumayaw lamang. Hanggang sa madulas siya at madali siyang sinalo ni Lawrence. “Mag-ingat ka..” buong pag-aalalang sabi ni Lawrence pero huli na ito. Sabay silang natumba ni Cara sa basang damuhan. “Hahaha! Ang saya diba?” tawang-tawang sabi ni Cara habang pinupunas ang basang pumapatak sa mukha ni Lawrence. “Tawa-tawa ka pa. Ayos ka lang ba?” tanong naman ni Lawrence habang pinupunas ang mukha ni Cara. Pero kahit ano namang gawa nilang punas ay nababasa pa rin kaya napagpasyahan na lamang nila na tumigil at humiga. “Magsisimula sana ako ng bagong kompaniya,” biglang sabi ni Lawrence habang nakatingala sa langit. Namimikit pa ang mga mata nito. “Wow, talaga? Go! Bakit hindi!” sagot naman ni Cara na ganon rin, hirap na sa pagsalita dahil sa tubig na naiipon sa bibig. “Sana. Sa tingin mo kaya ko?” “Oo naman. Kayang-kaya! Anong pwede kong itulong?” “Pwede bang manatili ka lang sa tabi ko kahit nagiging mahina ako? Kahit parang wala ng patutunguhan?” “Ang dali naman, wala bang mahirap-hirap?” Nagkatitigan sila saglit at nagtawanan, “Tara na sa umuwi?” yaya ni Lawrence. “Sige. Hahaha walang maambag sa ekonomiya itong ginagawa natin,” tawang-tawang sabi ni Cara pero agad ring nawala ang ngiti. “Naku po.” “Ano yon?” “Lawrence! Bilis! Bangon! Bangon!” “Bakit?” “Basta! Dalian mo!” Dali-daling tumayo si Cara at nagmadaling tumakbo. “Saglit lang, Cara! Hintayin mo ako baka mamaya ay madulas ka! Baka pati may ahas!” habol ni Lawrence pero hindi na lumingon si Cara. Halos magkanda dulas-dulas na sila pababa ng bundok, nagkasugat-sugat na rin ang mga kamay nila sa pangapit sa mga dahon at mga sanga ng mga mabababang puno pababa ng bundok. Kamalas-malasan pa ay mas lumalakas ang ulan. “CARA!” palahaw ni Lawrence at madaling hinablot ang baywang ni Cara para hindi matuloy sa rumaragasang baha. Natumba sila paupo sa putik habang parehas na humahangos. “Ano bang iniisip mo?! Muntik ka nang mapano!” galit na sabi ni Lawrence at inilapat ang ulo sa likuran ni Cara. “Paano kung hindi kita naabot? HA! Paano?!” Ramdam ni Cara ang paghigpit ng yakap ni Lawrence, ang mga kamay nito ay nanginginig sa dismaya. “S-Sorry, sorry! Ayaw ko lang na hindi makauwi. Anong-anong iisipin nina Tatay,” “Mas mahalaga pa talaga ang iisipin nila kaysa sa kaligtasan mo?” “Sorry na. Sorry na,” “Wag na wag mo na itong uulitin, hindi ko kakayanin Cara,” “P-Paano tayo? Saan tayo matutulog?” “Tsk! Tara,”sabi ni Lawrence at at hinawakan ang braso ni Cara para alalayan tumayo. Maingat nilang binagtas ang daan sa tabi ng ilog at makalipas ang ilang sandali ay narating nila ang babang bahagi ng bundok kung saan may kubo na pahingahan ng mga magsasaka. “Halika, doon sa kubo,” sabi ni Lawrence at hinigit na naman si Cara. Madali silang pumasok nang makarating at laking pasalamat nang may naiwan doon na may dalit na lampara. “Maghubad ka, maghubad ka, baka magkasakit ka!” aligagang sabi ni Cara at wala sa sariling hinawakan ang damit ni Lawrence saka sinimulang itaas. “Ikaw muna, mas maliit ang katawan mo sa akin, mas madali kang magkasakit,” sabi ni Lawrence at itinaas na rin ang damit ni Cara. Hanggang sa matigilan sila sa ginagawa at agad na naglayo. “Ah...i-ikaw na ang gumawa,” nauutal na sabi ni Cara. “Ako na rin ang bahala sa akin. Tumalikod ka.” “O...Oo. Sige,” aligagang sabi ni Lawrence at agad na naghubad. Nanlaki ang mga mata ni Cara, “B-Bakit ka naghubad agad? Dapat sa pagbilang ko palang ng tatlo.” “Hindi mo sinabi,” “CARA!” Sabay na napatingin si Cara at Lawrence sa nagsalita at parehas na nagulat nang makita si Zian na humahangos at basang-basa. “Zian, anong ginagawa mo dito?” “Buong buhay ko ay naging duwag ako, Cara. Kaya ngayon, ilalaban ko ang dapat ay sa akin. Wala pati akong tiwala sa lalaking yan,” gigil na sabi ni Zian at pilit na sumiksik sa kubo saka naghubad rin ng damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD