Chapter 5

2176 Words
Kinabukasan, ay maagang nagising si Cara para magtinda ng suman. Pero ang di niya inaasahan ay gising na rin si Lawrence at tumutulong na sa pagsisibak ng kahoy. "Tay! Ano hong ginagawa niyo? Bakit pinagsisibak niyo si Lawrence? Ako na ho! Ako na ho ang gagawa mamaya," "Gusto ko," sabi ni Lawrence. "Bumalik ka na sa loob at magkape." Walang nagawa si Cara at pumasok na pabalik ng bahay. “Nay, magandang umaga ho. Ang aga naman ho nina Tatay. Nakahanda na po ba ang suman?” tanong ni Cara sa ina pero ang mga mata ay nakatutok kay Lawrence. “Kanina pa. Mukhang di na nga ata nakatulog iyong isa dahil sa tatay mo,” “Si Tatay talaga. Tara na pong magtinda at baka tanghaliin tayo ng paglaba sa ilog,” sabi ni Cara habang inaayos ang buhok. “Ah anak, naisip ko, pasama ka na lang muna kay Lawrence. Ako ay mag-uuna na sa ilog, ano sa tingin mo?” Naningkit ang mga mata ni Cara, “Kayo Nay ha.” “Anak, sige na.” Ngisi nito. “Lawrence, halika na, magtitinda na si Cara.” “Nay, wag muna ho kayo sobrang umasa ha. Pwede pa pong magbago ang isip niyan, nako,” “Hindi na magbabago ang isip ko.” Sabay na napatingin si Cara at ang kaniyang ina sa biglang pagsabat ni Lawrence na tagaktak na ang pawis sa mukha maging sa buong katawan nito. “Nako, basang-basa ka na ng pawis, baka magkasakit ka. Teka lang, malamig pa naman dito pag umaga,” aligagang sabi ni Cara. Nagmamadali siyang tumakbo sa kwarto at kumuha ng towel. Paglabas ay pinunasan niya ang pawis nito sa mukha. Walang awat ang mga ngiti ni Lawrence dahil sa ginagawa ni Cara. “I can’t wait to marry you,” sabi ni Lawrence dahilan para mapangiti ng sobra ang ina ni Cara. Pilit namang itinago ni Cara ang kilig at mabilis na nagtago sa likuran nito para sapinan. “Yan, tara na, magbenta na tayo,” sabi na lamang ni Cara at dali-daling dinampot ang apat na basket na may lamang mga suman. Ganon din ang ginawa ni Lawrence at sumunod kay Cara. Malamig ang simoy ng hangin habang binabagtas nila ang daan sa mga kabahayan na di pa natatagal sa pagkakabukas ng mga lampara. “Suman po,” malambing na tawag ni Cara. “Suman po,” gaya nman ni Lawrence at sa pagkakataong iyon ay parang inipon ang mga kababaihan at pusong babae,mapabata man o matanda para bumili. “Ayos to ah,” bulong ni Caranang saglit silang tumabi sa isang bahay para mabigyan ang mga ito. Hindi na nila nabigyan ang iba dahil ubos na agad. “Uwian na?” tanong ni Lawrence nang iabot ang huling suman. “Oo. Wala na eh. Nako, alam ko na kung bakit ikaw ang pinapasama ni Nanay.” Nagtawanan na naman silang dalawa at naglakad na pabalik. Nang makabalik sa bahay-kubo, nakahanda na ang mga pagkain pero wala ng tao. “Ah, tayo lamang. Baka nasa ilog na si Nanay at si Tatay naman baka nasa pagkopra na.” Ramdam ang kaba at pag-aalangan sa boses ni Cara nang ibaba ang mga basket. Hinawakan ni Lawrence ang kaniyang balikat at humarap sa kaniya. “Relax. Hindi ka dapat kabahan sa akin. You are safe with me,” Ngumiti si Cara, “Salamat.” “Pero ibang usapan na pag kasal na tayo,” dagdag nito na agad na pumawi sa ngiti ni Cara. “Biro lang.” Muli ay pinagsandok siya ng makakain ni Lawrence at masaya silang nagsalo habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano, kung ano-anong rin ang mga babala ang binigay ni Cara rito pag dumating sila sa ilog. “Ok, ready ka na?” natatawang sabi ni Cara nang itali ang pinto ng kanilang kubo. Tumango lang naman si Lawrence na dala ang mga labahin. “Pwede pang umatras,” biro ni Cara nang iangat naman sa ulo ang palanggana na may laman ng mga pamukpok, pisnit, at kuskusan. “Malabo. Dito lang ako, hinding-hindi na kita papakawalan,” sabi nito. Ngumiti si Cara at binawi ang tingin rito, “Tara. Baka matanghalian tayo. Pagtapos na maglaba, maligo na tayo nang diretso na tayo sa barangay hall.” Mahaba-haba ang naging lakad nila papunta sa ilog at malayo pa nga lang ay dinig na nila ang maingay na kwentuhan at tawanan na humahalo sa banayad na tunog ng agos ng tubig. At di nga naglaon ay parang artistang dinumog si Lawrence ng mga taga-roon. Higit doon, higit dito, kung saan-saan na nga ito nahahawakan. “Sorry po. Maglalaba po muna kami ni Cara. Libre niyo naman ho akong tingnan sa pwesto namin, sige po. Salamat po sa pag-unawa.” Pakiusap ni Lawrence. “Ay iba, panalo,” kilig na kilig na komento ng isang pusong babae. “Sige na nga. Magiging happy na lang kami for you girl. Dasurv mo naman.” Nang makapunta sa pwesto kung saan naglalaba ang nanay ni Cara at si Boching naman na abala sa paglalaro sa ilog, maingat na naupo ang dalawa sa dalawang magkatabi na malalaking bato. “Ah, iyon bang saya na suot ng mga naglalaba, required sa lahat ng mga babae?” usisa ni Lawrence habang tinatanggap ang mga puting damit na hinihiwalay ni Cara. “Ha? Ano? Hindi,” “Ah...kala ko kasi maggaganon ka rin. Hihiling sana ako na wag na. May mga lalaki sa bandang ibaba, mahirap na,” “Hindi naman ako naggaganyan simula una dahil di ako kumportable,” pagsisigurado ni Cara. Ngumiti ng maganda si Lawrence habang giliw na giliw ang titig kay Cara. “Napakaganda mo, Caranova. Kung maaari sana, kung dumating ang araw na tanggapin mo na ang alok ko, sana sa sa akin mo lang ialay ang karapatan na makita ang iyong katawan dahil mapapangako kong ang akin ay sayo rin lamang.” Nag-uumapaw ang nararamdaman ni Cara, di na maipit ang mga ngiti. “Ay ano, di maglalaba ang mga damit ng kanila,” pabirong sabat ng ina ni Cara. “Haha, opo Nay,” halos mabilaukan pa si Cara. Kinuha ni Cara ang pamukpok at pinukpok ng malala iyong mga damit para isantabi ang kiliti sa sikmura na kaniyang nararamdaman. “Ang ganda ng ilog...haha..ang ganda ng tubig...” Nagsimula na silang maglaba at laking gulat ni Cara na marunong ito maglaba. Doon niya napansin na kahit ganoon kayaman ang kutis nito ay mauugat at tila magaspang ang mga kamay nito, parnag sanay sa trabaho. Pagsapit ng tanghali ay gumawa si Lawrence ng patong-patong na mga bato para makagawa ng simpleng ihawan at lutuan. Si Cara naman ay tumulong sa pangangahoy nang papanggatong gamit ang tabak na dala ng kaniyang ina. Pagbalik nila ay inako na ni Lawrence ang pagluluto habang si Cara ay bumalik na sa pagkukusot ng mga damit. Naglaga si Lawrence ng mga kamote at nag-ihaw ng mga karne na pinamili sa palengke kahapon. “Nagbaon na ako at nang di na kailangan umuwi,” sabi ni Lawrence. “Nay, magpahinga ka na po muna, ako nang bahala diyan pagtapos nating kumain." Halos magwala na iyong mga kasamahan nila sa paglalaba dahil sa tindi ng inggit at kilig. Halos itapon na iyong mga damit, may isa pang humiga sa ilog at nagpanggap na nalulunod kahit sobrang babaw lang naman ng tubig. Nang makaluto ay nanguha ng dahon ng saging si Lawrence at sa ilalim ng malaking puno sa tabi ng ilog ay masaya silang nagsalo-salo sa pagkain. Sobrang saya lamang ng bawat sandali habang patuloy lamang na magkatitigan si Cara at si Lawrence. Nang matapos ang pagkain ay nagpatuloy ang lahat sa paglalaba at pagkatapos, naligo naman sila. Parang mga batang naglaro sina Lawrence at Cara kasama si Boching at ilang mga kabataan. May isang bata ang kumanta kaya nagsikantahan na ang lahat, sumabay si Lawrence na maganda pala ang boses. “May have this dance?” Saglit na tumigil sa pagkanta si Lawrence at inilahad ang isang kamay para alukin ng sayaw si Cara. “You may,” sabi ni Cara at tinanggap ang kamay nito. Pumalibot ang mga bata at nagpatuloy sa pagkanta habang pumapalakpak sa tono ng kanta. Madilim-dilim na rin nang makauwi sina Cara at Lawrence dahil nagdiretso na silang magbanlaw sa malapit na poso. Puno ng tawanan ang daan nila pauwi. Pero ang masayang tawanan ay agad na napalitan ng matinding katahimikan nang madatnan nila ang isang lalaking may edad na at nakapostura ng mamahaling suit. Nakatayo ito sa tabi ng kotse ni Lawrence. “Pa?” sambit ni Lawrence na mababakas ang matinding takot sa boses. Itinapon nito ang hinihithit na sigarilyo at namulsa. “Mag-usap tayo, Lawrence.” “Mauna ka na, Cara sa loob,” pakiusap ni Lawrence. Tumango na lang naman si Cara bilang pagpayag at madaling nagtungo sa kanilang kubo. “Nay, bakit hindi niyo ho pinatuloy?” tanong ni Cara sa ina habang binababa ang palanggana. “Ayaw anak,” ramdam naman ang lungkot sa boses ng ina. “Anak. Dito ka na muna ha. Pupuntahan ko ang tatay mo, hindi pwedeng maabutan niya to, mahirap na. Halika Boching, samahan mo ako.” Nagsuklay lamang ng buhok si Cara at nagpalit ng maayos na damit bago naglaman ng tubig sa pitsel para maialok manlang sa ama ni Lawrence. “Tapos na ba ang mga kalokohan mo? Umuwi ka na.” Mga katagang nagpatigil kay Cara sa paglalakad at pinagpasyahang umupo na lamang sa likuran ng sasakyan ni Lawrence. Sa unahan nag-uusap ang mag-ama. “Pa, ano pa ba ang gusto mo saakin?” “Ang gusto ko ay umuwi ka na at tapusin na ang mga kalokohan mo. Dito ba ang pinagmamalaki mong babaeng mamahalin mo at mamahalin ka ng totoo? Itigil mo na agad ang pag-iilusyon mo. Sakim ka Lawrence at baka nalilimutan mo na hindi ka nararapat sa pagmamahal, kaya walang kahit na sino ang tatagal sayo. Iiwan ka rin ng mga iyan. Sa tingin mo ba, kung wala kang pera, ituturing ka nila ng maayos? Wag kang mangarap. Sige na, magpaalam ka na lamang ng maayos, sumunod ka na pabalik.” “Kung ang paghahangad ng pagmamahal ay kasakiman, dito na lang ho ako. Kahit papano ay baka malimusan ako rito kaysa saiyo na sarili kong ama.” “Manang-mana ka sa ina mo,” Bumukas ang pinto ng kotse at mabilis na tumakbo si Cara palayo. Iniwan niya lang ang pitsel sa tabi ng tungko at nagtatakbo sa kung saan nagtungo ang ina. “Cara, anong—” Di na natapos ng ina ang sasabihin nang sumunggab ng yakap si Cara rito. “Nay...” “Anong problema?” “Hindi ako pwede kay Lawrence, maling naghangad at umasa pa ako,” Imbes naman na malungkot ang kaniyang ina, tumawa ito at hinagod ang kaniyang likod. “Nay, bakit tumatawa ka pa?” Bumitaw ng yakap ang ina at pinahid ang kaniyang mga luha, “Ayaw na ba niya?” “Po?” “Ayaw na ba ni Lawrence?” “Hindi ko po alam,” “Anak, hanggat di umaayaw si Lawrence, wag ka rin umayaw. Sa pagkakataong ito ay gusto ko na maging tapat ka sa sarili mo. Masaya ka anak kay Lawrence, wag mo nang itatanggi dahil kitang-kita ko,” “Nay, masaya talaga po ako kay Lawrence,” “Oh yon naman pala eh. Anak, hindi mo kasalanan na mahirap ka pero hindi ibig sabihin non ay mahirap ka habangbuhay. Matalino at masipag ka, kamahal-mahal ka at karapatan mong mahalin at magmahal. Lumaban ka para sa kasiyahan mo, at ilalaban ka rin namin anak. Pwedeng-pwede mo kami iiwan kagaya ng mga kapatid mo pero hindi anak, kaya ang makita kang masaya balang araw sa tamang tao, tagumpay na namin yon,” “Nay, salamat po.” “Sige na, puntahan mo na si Lawrence.” Dali-daling nagtatakbo si Cara pabalik sa kanilang kubo at agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya nang magtama ang mga tingin nila ni Lawrence. Nakaupo ito sa kawayang upuan sa labas ng kubo sa mga sandaling iyon. “Kala ko aalis ka na,” humahangos na sabi ni Cara. Ngumiti si Lawrence at tumayo sa pagkakaupo. Grabe ang dagundong ng dibdib ni Cara habang naglalakad ng marahan palapit sa kaniya si Lawrence. Tumigil si Lawrence, ilang sentimetro lamang ang layo sa kaniya at namulsa. “Sumugal na ako ng todo.” Wala sa sariling tumingkayad si Cara at niyakap ito. “Hindi kita ipapatalo.” Marahang hinapit ni Lawrence ang baywang ni Cara para iangat at mayakap nang magkapantay sila. “Salamat na naisipan mong magkwento noong gabing iyon.” “Salamat rin at naisipan mo akong hanapin.” Bulong ni Cara pabalik. “Tuturing niyo pa rin ba ako ng maayos kung wala na akong pera?” “Tinuring mo kami ng maayos kahit wala kami ng kahit ano, anong karapatan naming ipagdamot ang bagay na ibinigay mo samin ng buong-buo?” Ibinaba ni Lawrence si Cara, “Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD