bc

Sweet(Bitter)Rain (Venus Goddesses Series 12)

book_age18+
96
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
drama
city
like
intro-logo
Blurb

WARNING MATURED CONTENT!!! DETERMINASYON. PANGARAP. PAGBABAGO. Ang tanging pinanghahawakan ni Carel Rain sa pagtakas mula sa malupit niyang tiyahin. Sa pagtuntong niya sa siyudad ay panibagong pakikipagsapalaran ang naghihintay sa kanya. Nakapasok siya agad bilang isang waitress sa Venus Goddesses Club. Subalit, hindi niya inaasahan na muli magtatagpo ang landas nila ng lalaking tumulong sa kanya pero nagawa niya pang nakawan. Ang nakakagulat, inalok pa siya na maging yaya ng anak nito. Sa tuluyang pagpasok ni Jacob sa buhay niya ay unti-unti ring pagsiwalat ng mga sikreto na dahilan para hilingin niya na sana hindi na lang siya tumakas. Authors Note: Names, places, characters, and incidents are just products of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence. Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan. God bless all.

chap-preview
Free preview
Prologue
Carel Rain HUMAHANGOS akong tumakbo papalayo sa lalaking pinagbentahan ni Tiya Lucing sa akin. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lugar na 'yon. Sa lugar kung saan nilamon ang aking kainosentehan. Ang aking kabataan. Walang pagdadalawang-isip akong tumakbo. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nagising na lang ako sa loob ng isang kotse habang umaandar 'yon. Gano'n na lang ang takot ko nang makita kung sino ang nagmamaneho. Kilala ko siya. Isa siya sa suki ng bahay-aliwan kung saan ako pilit na pinasayaw ni Tiya Lucing. Dahil sa takot ko ay sinunod ko siya. Kahit diring-diri ako sa tuwing naiisip ko na pinagpipyestahan ang halos hubad kong katawan ng mga lalaking wala yata alam gawin kung hindi ang magwaldas ng pera para sa pansariling kaligayahan. Paano ako nakatakas? Nang huminto ang kotse ay nagpanggap akong tulog pa rin. Alam ko na may hinalo sila sa inumin ko kaya nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung bakit huminto ang sinasakyan ko. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking nakalantad na mga hita. "Akala nila basta na lang kita ibibigay nang hindi kita natitikman. Ano ako tanga?!" Sabay halakhak niya. "Akin ka muna bago ka pa mapunta kung kanino. Mamaya ka sa akin at tinatawag muna ako ni kalikasan." Pinilit kong huwag mag-react nang muling humaplos ang isang kamay niya sa may leeg ko naman saka ko naamoy ang mabaho niyang hininga. Gusto ko na siyang itulak pero nagpipigil pa rin ako. Nakahinga ako nang maluwag nang bigla siyang lumayo at tuluyan lumabas. Mukhang hindi na nakapagpigil. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong lumabas ng kotse. Nakita ko pa siya na nakatayo sa may harap ng isang punong malaki habang ginagalaw ang ulo na tila nasasarapan. Nang igala ko ang aking mga mata ay nasa isang gubat kami. Mukhang dito niya ako balak halayin. At bago pa siya makabalik ay mabilis na akong tumakbo. Saka ko narinig ang malakas niyang boses na tinatawag ang aking pangalan. "Rain! Bumalik ka rito!" malakas niyang tawag kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Mga malalaking puno ang tangi kong nakikita. Patuloy lang ako sa pagtakbo para hindi niya ako masundan. Mabuti na lang at mataba siya kaya siguradong mahihirapan siyang habulin ako. Champion yata ako lagi sa tuwing naglalaro kami ng habulan. Kahit madilim pa ang daan ay pinilit kong maging maingat. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tumatakbo. Pero ramdam na ramdam ko na ang pagod at uhaw. Huminto ako nang mukhang naligaw ko na siya. Sa dilim ba naman at tanging liwanag lang mula sa buwan ang gabay ay siguradong umatras na 'yon. Pero kailangan ko pa rin maging maingat. Muli kong inilibot ang aking mga mata hanggang sa may nakita akong tila daan na patungo sa hindi ko alam kung 'yon na ba ang pag-asa ko. Hindi ko rin alam kung ano'ng oras na. Buong tapang kong sinuyod ang daan na 'yon kahit pagod na pagod na ako ay pinilit kong marating ang dulo. Hingal na hingal ako pero may ngiti sa aking mga labi nang mapagtanto ko na isa na 'yon kalsada. Ibig sabihin ay makakahingi na ako ng tulong. Kahit puno pa rin ng takot ang dibdib ko ay pinilit kong maging matapang. May nakita akong malaking bato kaya naman lumapit ako roon at umupo. Habol ko pa rin ang aking hininga. Ilang beses akong huminga nang malalim upang ikondisyon ang aking sarili. Napayakap ako sa aking katawan nang umihip ang malakas na hangin. Sa suot ko ay talagang manunuot sa balat ko ang lamig. Isang terno na underwear na kulay pula at may mga palamuti na makikinang. As in gano'n lang. Ni hindi man lang ako binihisan ni Tiya Lucing. Mabuti na lang at hindi pa naisipan ng matandang hukluban na 'yon na pagsamantalahan ako habang wala akong malay. Mas napayakap ako sa aking katawan nang mas lumakas pa ang ihip ng hangin. Tila uulan pa yata. Nararamdaman ko na rin ang pamimigat ng aking mga talukap. Gustong-gusto ko ng matulog. Napayuko ako. At aaminin ko na hindi ako paladasal na tao. Kailan ba nang huli akong lumapit sa kanya? Kailan ba nang huli akong pumasok sa simbahan? Noong sampung taong gulang ako ang huli kong natatandaan. Matapos noon ay hindi na ulit ako nakapasok sa simbahan. Dahil 'yon na ang simula nang pagbabago ng buhay ko. Nang maalala ko ang aking pinagdaanan ay hindi ko na napigilan mamalisbis ang aking mga luha. Ang dami kong tanong sa pagkatao ko. Ang tanging alam ko lang ay anak ako ng kapatid ni Tiya Lucing na maging pangalan ay hindi ako sigurado kung tunay ba. Alam kong may tinatago si Tiya Lucing sa akin pero hinayaan ko na lang. Nagtiwala ako sa sinabi niya na nasa ibang bansa ang nanay ko para maghanap buhay. Kaya nga kahit paano ay naging maayos ang buhay ko. Hanggang sa sumapit ang aking ika-sampung taong kaarawan. Kasabay rin nang pagbabago ng lahat. Hindi na raw makontak ni Tiya Lucing si Nanay. Kaya kailangan ko na raw tumigil sa pag-aaral. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang paglakas ng aking hagulhol. Iniangat ko ang aking mukha at tumingin sa langit. Pikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang bawat patak ng ulan sa mukha ko. Maging ang langit ay nakikiramay sa akin. Tumayo ako at itinaas ang aking mga kamay. Wala na akong pakialam kung may dumaan man. Punong-puno na nang hinagpis ang puso ko. Hindi ko akalain na magagawa ni Tiya Lucing na ibenta ako. Minahal ko siya kahit hindi maganda ang pagtrato niya sa akin. Kasi para sa akin siya na lang ang natitira kong pamilya. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko kasabay ng kulog. "Kunin n'yo na lang po ako! Tama na po! Hindi ko na kaya! Pagod na pagod na akong lumaban! Ayoko na!" Ang bawat patak ng aking luha ay kasabay ng patuloy na pagpatak ng ulan. Hanggang sa mapaluhod na ako at hinayaan ang aking hagulhol ang marinig sa lugar na 'yon. Sa lugar na hindi ko alam kung may darating pa ba para iligtas ako. Baka…ito na rin ang maging himlayan ko. Isang malakas na busina ang nagpabalik sa aking ulirat. Dahan-dahan kong inangat ang aking luhaang mukha. Napaatras pa ako dahil sa liwanag na nagmumula rito. Hindi ako bumangon bagkus ay nanatili lang ako nakaluhod habang patuloy sa paglandas ang aking mga luha. Sana binangga na lang ako…para tapos na ang lahat. "What do you think you're doing, woman?!" Isang malakulog na boses ang aking narinig. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata upang makita ang may-ari ng boses na 'yon. Dahil hilam sa luha ay malabo ang aking nakikita. Kumurap-kurap pa ako upang masiguro ko na hindi siya ang matandang hukluban. Pero sa boses niya ay sigurado ako na hindi nga siya 'yon, lalo pa at nag-English ito. Isang Amerikano yata. At nang makalapit ang lalaki sa akin ay namaywang pa ito sa aking harapan. Hindi man niya alintana ang malakas na ulan. Ngayon ay pareho na kaming basa. "Si-sino ka?" garalgal kong tanong at talaga pilit kong inaaninag ang mukha niya. Pero dahil sa malakas na patak ng ulan at sa pagod na aking nararamdaman ay tuluyan nang bumigay ang aking katawan. Narinig ko pa ang pagmumura niya sa English. "Damn it!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook