Nakapalumbaba si Erica habang nakikinig sa kwento ni Manang Betty at ang Mommy ni Oliver, tungkol kay Oliver ang kwine-kwento nila. Nalaman din niyang nag aral rin pala si Oliver sa school kung saan nag graduate ng high school si Erica, ngunit hindi doon nag graduate si Oliver dahil lumipat din daw agad ito ng eskwelahan, doon lang siya nag first year. "May bahay kami sa probinsya, yun ang hometown ni George at doon din siya nag aral, kaya magkakilala sila ng Papa mo" Ani Athena. "E bakit niyo po pinag aral doon si Oliver ng isang taon lang?" tanong ni Erica. "Nung elementary kasi siya ay lagi siyang napupunta sa guidance office, ewan ko ba sa batang 'yon. Napaka Asocial, ayaw na ayaw niyang nakikipag usap sa mga tao. Sinasaktan niya yung mga batang lumalapit sa kanya, kaya napag desisy

