Pagkarating ni Oliver sa kusina ay naabutan niya si Erica na tulala sa basong may laman na gatas sa kanyang harapan. Ni hindi man lang niya pinansin ang presensya nito. Isinara niya ang butones ng polo niya. "Kumain ka na," malamig na sabi ni Erica sabay uminom ng gatas. Umupo naman sa Oliver at inumpisahan niya nang kumain. Habang kumakain ay pasimple niyang tinitignan si Erica dahil hindi niya mapuna kung ano ang inaarte ng asawa niya. Kung nasa mood ba ito o wala. "Oliver." Napahinto siya sa pag kain nang bigla siyang tawagin ni Erica "Hm?" "Mag file ka na kaya ng annulment?" seryosong sabi ni Erica kaya napakunot noo si Oliver "Wala namang makakaalam e, para soon wala na tayong maging problema." "Alam mo, hindi ko maintindihan kung anong problema mo. Kahapon ok naman tayo diba ta

