Chapter 30

3163 Words

NAPATINGIN si Angel sa kamay niya na may bagong sugat. Mahapdi pa rin iyon pero kaya pa niyang tiisin ang sakit. Iniisip niyang pinaghahandaan talaga siya ng grupo ni Mikaela sa laban na ito. Plano talaga siyang patayin. Naisip tuloy niya na kung hindi lang dahil sa hinahanap niya ay hindi siya sasali rito para lang masugatan. Ngunit hindi rin niya inakala noon na mangyayari sa kanya ito. Dahil noong buo pa ang pamilya niya ay hindi siya nasusugatan. Ingat na ingat ang magulang niya sa kanya pero ngayon sobrang iba na ang buhay niya kumpara sa kinagisnan niya. Hindi rin siya nakikipag-away tulad nang ginagawa niya ngayon dahil takot siya noon sa away. Isa pa, tinuruan din siya ng magulang niyang maging mabuting bata. Ngunit ngayon, hindi niya inasahan na kakayanin niyang sumabay sa taliwas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD