NAKAGARAHE sa madilim na parte ng kalsada ang motorsiklo ni Rogue. Mag-iisang oras na siyang naroon. Pinapatay ang bawat minuto at tinatanaw ang bahay ni Enrique. May nakabukas na ilaw—ibig sabihin, totoong bumalik nga sa bahay si Diwa. Pagkatapos niyang iwan ang babae kaninang hapon, pinigilan na niya ang sariling sumunod. Malapit na siyang maging stalker. Ang alamin lang ang mga activities nito at kung saang mga lugar nagpupunta ang intensiyon ni Rogue. Duda pa rin siyang susunod sa usapan nila ang babae. Kaninang nagkaharap sila, naniwala na siyang hindi nagsumbong ang babae kay Enrique. Hindi rin kasama sa mga pinuntahan nito ang barangay hall or police station. Wala rin report ang guwardiyang contact ni Brave sa subdibisyon. Nalipat sa ibang area ang guard n

