CLOSE UP PICTURE ng isang lalaki, note na may nakasulat na address at isang CD ang laman ng drawer na pinilit buksan nina Diwa at Rique. Kinuha niya agad ang picture at tinitigan. Si Rique naman, ang note ang binasa. “Sa Cambodia?” kunot-noong sabi nito, hawak ang note. Nakibasa na rin si Diwa. “Hindi kaya ang Dong Calveron sa address na ‘yan ay…ang lalaking ‘to?” Inilapit niya kay Rique ang picture, na agad namang tiningnan nito. “Ano kaya ang laman nito, Rique?” ang CD ang sinasabi ni Diwa. “Panoorin natin?” balik ni Rique, parang hindi sigurado sa gagawin nila. “Okay lang kaya? Baka naman dalawin tayo ng multo hanggang sa panaginip, Diwa. Mahirap ‘yan. Baka ‘di na tayo magising.” “Hindi naman siguro,” sagot niya naman. “Itinuro niya sa akin ang mga drawer

