QUARTER to eight. Oras nang makarating si Diwa sa bahay ni Enrique. Nasa biyahe na siya kanina nang tumawag si Rique. Nangungumusta kung nasa bahay na siya. Mag-text na lang daw siya kung may balita. Mag-o-off na raw ito ng cell phone pagkatapos ng tawag sa kanya. Ibinagsak agad ni Diwa ang katawan sa sofa pagkapasok. Kung sana totoong may kaalaman siya sa witchcraft, kukulamin na talaga niya ang sangganong si Rogue. Seryoso talaga ang lalaking balikan siya! Kung binabalikan na siya wala pa nga siyang ginawa, paano pa kapag nalaman nitong sumira siya sa usapan nila? Hindi talaga siya ligtas sa isang iyon. At may pa-chocolate at red rose? Hindi alam ni Diwa kung ano’ng dapat niyang maramdaman. Ang sigurado siya, wala na talagang katahimikan ang mga susunod na araw. Lagi na

