HANGGANG pagbaba ng taxi, nagmamadali pa rin ang kilos ni Diwa. Hindi na yata nakatiis ang driver, nagtanong na pagkababa ng mga grocery bags. Kung okay lang daw ba siya o kung kailangan ng tulong. Nagpasalamat na lang si Diwa. Hindi na niya sinagot ang driver, baka madamay pa. Hindi na rin niya kinuha ng sukli. Ang bibilis ng hakbang niya palapit sa pinto. Pati pagpasok ng susi sa keyhole, para siyang may killer na tinatakasan. Pagkapasok ni Diwa, napasandal siya sa pinto. “Huuuuhh!” Nagbuga ng hangin sa ere at pumikit. Sa apartment ni Maya, mas ligtas ang pakiramdam niya. May mga kapitbahay siya. Kapitbahay rin nila ang mismong may-ari na laging nag-aayos ng mga halaman sa umaga. Kapag nadaanan nila, bumabati ng ‘good morning’ at nangungumusta kung maayos sila sa bahay at

