Chapter 09: Adjustments

1157 Words
"HETO ang towel oh. Magpunas ka muna ng pawis." Tinanggap ni Adrian ang tuwalyang iniaabot ni Lara kahit na hindi niya kailangan dahil hindi naman siya masyadong pawis. Pinunasan na lang niya nang bahagya ang kaniyang noo pati na ang bandang leeg. Naroon siya sa bahay ng kasintahan nang mga sandaling iyon. Pagkagaling sa studio ng talk show ay umuwi lang siya nang saglit para magpalit ng damit at sasakyan bago pinuntahan si Lara. "Dapat siguro, hindi ka na lang muna nagpunta rito. Nagpahinga ka na lang sana. Katatapos lang ng live interview mo, hindi ba? 'Tapos, nagpagod ka pa sa pagda-drive," malambing na sambit ng nobya niya, wala sa kaniya ang tingin kundi sa mga gear at helmet na hinubad niya. Kumunot ang noo ni Adrian. Hindi na nga maganda sa pandinig niya ang mga sinabi ni Lara, mas lalong hindi pa niya naibigan ang alam na tumatakbo na naman sa isip nito. He knows her very well. Sa tuwing mag-e-effort siyang sadyain ito sa lugar nito, she would think that it was hassle on his part. Minsan ay nao-offend siya. Imbes na ma-appreciate kasi ng girlfriend ang efforts niya, parang sinesermunan pa siya nito. Gayunman, hindi niya nagagawang lubusang kainisan ang babae sa tuwina. Aware kasi siyang inaalaala lang nitong lagi ang kapakanan niya. "Hon naman, para namang ayaw mo lang akong makita n'yan, eh," biro niyang mabilis na dinugtungan nang akmang aangal ang babae. "Dito na lang ako magpapahinga sa place mo. Don't you like that?" Sa wakas ay napahagikhik na si Lara. "Fine. Anong gusto mong merienda? I'll order it for you." Napagkasunduan nilang magpa-deliver na lang ng pizza. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang magsalita ulit siya. "Hon, hindi ba sinabi ko sa 'yo before na 'wag mo na lang panonoorin ang mga interview namin ni Kelsey o ni Maddie?" mahinahong sita niya sa nobya. "Bakit naman hindi? I cannot miss any of your TV appearance." "Yeah, but—" Hindi na niya itinuloy ang nagbabadyang pakikipagtalo sa kasintahan; sa halip ay pinili na lamang niyang humingi rito ng paumanhin. "I'm sorry sa napanood mo. Please don't be frustrated. 'Wag mo sanang seseryosohin 'yon," bumubuntong-hiningang wika niya. For a moment, tinitigan lang siya ni Lara sa paraang tila binabasa ang nasa isip niya. Hindi siya sigurado kung nagtagumpay ito sa sinubukang gawin, pero mayamaya lang ay matamis siya nitong nginitian. "Bakit ka nagso-sorry? Ano ba’ng ginawa mong mali?" "Well, dahil..." Dahil kung kani-kaninong ibang babae napupunta ang pagkilalang dapat ay para sa 'yo. Dahil ang magagawa ko lang ay ang itanggi sila pero hindi ang ipakilala ka. At dahil lagi mong nawi-witness kung paano ako umarteng sweet sa ibang babae for the sake of my career. Malinaw sa isip ni Adrian kung ano ang mga pagkukulang niya kay Lara bilang boyfriend nito ngunit sa nakikita niya ay parang siya lang naman ang namomroblema tungkol doon, kaya nagdalawang-isip siya kung dapat pa iyong isatinig. Sa huli, pinili niyang kimkimin na lang ang guilt na lumulukob sa puso niya. "Are you sure everything's fine with you, Hon? Wala ka bang kahit anong reklamo sa setup natin?" Hinawakan niya ang kamay ng nobya na nakapatong sa center table. "You can talk to me about anything." "No, Hon. 'Wag kang mag-sorry sa 'kin. Wala ka namang ginawang kasalanan. I understand the nature of your job. Dapat pa nga ay matuwa ako dahil dumarami na ang mga tsismis tungkol sa 'yo. Ibig sabihin lang niyon, sikat na artista ka na talaga!" Bumitiw ito sa pagkakahawak niya para naman haplusin ang kaniyang pisngi. "Saka, choice ko rin namang isikreto sa publiko ang tungkol sa atin, hindi ba?" Bahagya siyang nakahinga nang maluwag. He had to admit, he's one very lucky guy for having such an understanding girlfriend. Iyon marahil ang dahilan kaya tumagal sila ng dalawang taon despite the inconvenient situation that they have. "Okay. Salamat sa pang-unawa mo. But, what do you think of... coming out this time? Ayaw mo pa rin ba?" pangungulit niya gamit ang masuyong tinig. "What do you mean?" "You know what I mean, Lara. Come on." Malalim na buntong-hininga ang napakawalan ni Lara, dahil na rin siguro sa kaseryosohang tiyak na nababasa nito sa kaniyang mukha. "It's still a no, Adrian. Never kong na-imagine ang sarili kong nasasangkot sa magulong mundo ng showbiz, kaya ayokong lumantad bilang girlfriend mo. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" sabi nito mayamaya, with finality evident in her voice. "Yes, I know. I'm just hoping na nagbago na kahit paano ang isip mo," sumusukong tugon niya. "Kung 'yan ang desisyon mo, then we need to have some adjustments." Binigyan siya ng nagtatanong na tingin ni Lara kasabay ng pagkunot ng noo nito. "Anong adjustments?" Saglit na tinantiya ni Adrian ang mood ng girlfriend; binuo rin muna niya sa isip ang lahat ng mga nais sabihin bago muling nagsalita. "Pinagsabihan ako ni Madam Helena," he said after clearing his throat. "Gusto niyang bawas-bawasan ko pa ang pakikipagkita sa 'yo, both in public and private places. Mas lumalala na kasi ang curiosity ng fans at paparazzi sa personal life naming mga main cast ng Binalewalang Pag-ibig, due to the show’s rise in popularity. So, kung hindi tayo mag-iingat, there’s a big possibility na mabunyag ang sikreto natin." “At hindi iyon makabubuti sa paglago ng career mo at sa papasikat pa lang na love triangle n’yo ng co-stars mo, right?” Walang halong bitterness ang pagkakasabi ni Lara ng mga salitang iyon, at base sa pagkakakilala niya rito ay hindi mahirap maunawaang hinuhulaan lang nito ang mga posibilidad. Ngunit sa kabila ng kaalamang walang masamang intensyon ang kasintahan sa sinabi, Adrian still can’t help himself from feeling bad. Hindi niya gusto ang ideyang sa paningin ng babae ay ang career niya ang mas higit niyang pinahahalagahan at hindi ang kapakanan nito. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, okay?” mahinahong sabi niya. “I know. Pero ‘yon ang totoo, Hon. Let’s face it. Kaya ka nga pinagbabawalan ni Madam Helena, ‘di ba?” Hindi siya nakaimik. Aminado siyang tama si Lara sa puntong iyon. “Parang... at this point, exposing our relationship to the public won’t do both of us any good. Kaya sa ngayon, sumunod na lang muna tayo sa mga utos sa ‘yo.” “Okay lang sa ‘yo?” Again, Lara gave him a reassuring smile. “Oo naman! Ayos lang sa akin ang mag-adjust para sa career mo, as long as I know na ako lang ang nag-iisang babae sa puso mo.” Napatitig na lang si Adrian kay Lara. Kung tutuusin, dapat ay sanay na siya sa pagiging cool ng nobya sa halos lahat ng bagay, pero hanggang ngayon ay parang hindi pa rin niya mapaniwalaan ang calmness nitong taglay. He should be thankful na hindi pinasasakit ng girlfriend ang ulo niya... pero hindi pasasalamat ang nadarama niya nang sandaling iyon. Dahilan kaya parang gusto niyang kaltukan ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD