"COME ON, Adrian. You can do better than that. You can’t be that incompetent!" Napasimangot si Maddie nang aksidenteng marinig na kinakausap ni Adrian ang sarili. Mula nang masulyapan niya ito kanina na mag-isang nakaupo sa isang sulok ay hindi na niya naalis ang atensyon dito. Mukha kasi itong balisa. Nahuhulaan na niya kanina pa na mayroong gumugulo sa isip nito ngunit nakumpirma lang niya ang hinala nang magsalita ito gayong wala namang ibang kasama. Bago pa makapag-isip ay namalayan na lang ni Maddie na gumagalaw ang mga paa niya at naglalakad na siya palapit kay Adrian. Saka lang niya pinagsisihan ang ginawa nang nasa mismong tapat na siya ng lalaki. Bigla siyang nagduda kung tama ang desisyong mag-approach dito gayong hindi niya tantiyado ang mood nito at hindi rin sigurado kung sa

