“MISS Maddie...” Nagmulat ng mga mata si Maddie, kasunod ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Naalimpungatan siya sa ginawang pagtawag at bahagyang pagtapik ni Steffi sa braso niya. Ilang segundo ang kinailangan niya bago muling napagana nang maayos ang isip. Nasa backseat siya ng kaniyang kotse. Pagkatapos na pagkatapos ng taping nila ay nagpatiuna na siyang sumakay roon at hindi na nahintay na matapos si Steffi sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga gamit nila. Pagod na pagod kasi ang pakiramdam niya nang partikular na araw na iyon. Patunay nga na sa sandali pa lang na paglapat ng likod niya sa sandalan ay nakatulog na pala siya. Binalingan niya ang assistant at nagtaka ng mapansing puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Ba’t gan’yan ang hitsura mo?” inaantok at halos paungol pang t

