Chapter 12: Madelline

1201 Words

MULING itinuon ni Maddie ang atensyon sa mukha ni Daddy Delfin. Nalungkot siya nang mapansing kahit natutulog ang ama ay hindi pa rin payapa ang hitsura nito. “Gusto ko sanang makasama si Daddy nang kami lang, kahit sandali. Puwede ho bang umalis muna kayo?” Inasahan niyang marinig ang mahinahong pagpayag ni Tita Vivian sa hiling niya, ngunit sa halip ay ang galit na pagtutol ni Valeen ang naging sagot sa kaniya. “Ang galing mo rin naman talaga, Maddie, ano?!” agad na angil ng babae. “Si Mama ang nag-aalaga kay Daddy Delfin sa maraming pagkakataong wala ka sa tabi niya, so what right do you have to chase her away ngayong nandito ka na? Ang kapal naman yata ng mukha mo!” Nakakuyom ang mga kamay na pinasadahan ng tingin ni Maddie si Valeen mula ulo hanggang paa. May hawak pa ang babaeng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD