CHAPTER 7

2398 Words
Elaine NANG makauwi kami ni Tyson sa bahay ay agad kong nabungaran si mama sa pintuan at nakaabang na ito sa amin. Patakbong lumapit sa kaniya si Tyson habang sinasambit siya nito. “Lola!” patakbong sambit ni Tyson sabay yakap kay mama nang makalapit ito. “Mano po, ma,” pagbigay-galang ko. “Saan ba kayo galing?” usisa ni mama. “Namasyal po kami sa Jollibee, lola!” naisagot ni Tyson bagay na ikinangiti ni mama. “Napagod ka ba apo ko? Aba! Amoy, spaghetti bibig mo. Kumain ba kayo sa Jollibee?” ngiti-ngiting sabi ni mama kay Tyson na siya namang ikinahagik-ik nito habang tumatango. “Oo po lola, kumain din kami ng fried chicken!” masayang sagot ni Tyson bagay na ikinatawa nang mahina ni mama. Napangiti rin ako. Walang mapaglagyan ang tuwa ko dahil, nakita ko kung gaano kasaya si mama sa apo nito. “Ano po ba ’yung sadya ng boss ko kanina ma?” naitanong ko nang nasa loob na kami ng bahay. “Hinanap ka lang niya at pinasabing sa susunod na araw na lang daw siya babalik. Heto—may pinabibigay nga pala siyang calling card para matawagan mo raw siya,” ani mama sabay inabot sa akin ang card. Nang tingnan ko ay bahagyang nangunot ang noo ko. Si Tyler nga at hindi ako nagkakamali ng duda. Pero paano niya nalaman ang tinitirhan ko? My God, don't tell me, pinasundan niya ako. Naikagat ko ang ibabang-labi ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil, sa nabuong hinala sa isipan ko. Pero imposible iyon. “Hayst! Sana hindi ninyo na lang kinausap at tinanggap ito,” naisatinig ko at siya namang pinagtaka ni mama sabay hinampasan ako sa braso. “Ikaw talagang bata ka, bakit mo nasabi ’yan. Boss mo iyon at bakit hindi ko pwedeng kausapin, anong dahilan ah?” tumaas ang boses nitong tanong. Napanguso lang ako saka umiling bago siya sinagot. “Ma, kung alam niyo lang---napakasama nun, masungit pa at halos mangangain ng tao kapag nagagalit at saka. . .napaka-sadista nun, ma!” gawa-gawa kong sabi bagay na ikinanganga nitong tumitig sa ’kin. Totoo naman ah? “Ganoon ba? Sige, mas mabuti nga na h'wag kanang bumalik pa roon at baka mabugbog ko ’yang boss mo!” asik ni mama bago ito umalis sa harapan ko kasama si Tyson. Napahinga ako nang maluwag. Shocks! Bakit ba kasi siya nagpunta rito? Tinitigan ko ang hawak ko. Lumabas ako ng bahay para matawagan ang Tyler na ’yun. Kakausapin ko siya. Kakausapin ko siya nang masinsinan. Dahil, panigurado ako na pinapasundan niya ako. ◈────∘⋆?⭑∘────◈ Tyler Walang pag-alinlangan kong isinalin sa rock glass ang wine sa ibabaw ng mesa ko. I froze the way that kid smiled at me. Tangna! Gustong-gusto ko silang lapitan kanina pero naduwag ako. “D@mn! Sinong ama niya Elaine? Bukod sa ‘kin may iba ka bang nakarelasyon? Kaya ba ganun na lang ang pagtaboy mo sa ‘kin?” naglalarong katanungan mula sa isipan ko at hindi ko namalayan na napaluha na ako. I want to hug that kid but d@mn! anong nangyari sa akin? Bakit, ganito ang pakiramdam ko. Hindi naman ako ang ama niya. Napasabunot ako sa buhok ko at galit kung ibinagsak sa sahig ang baso. Nabasag iyon at nagkapira-piraso. Pabagsak akong naupo sa couch at napahilot sa gitnang noo ko. Gusto kong malaman ang tungkol sa anak ni Elaine at kung sinong ama ng batang kasama niya kanina. “D@mn! Si Caleb ba kaya?” naimura ko at naisinandal ko ang ulo sa upuan. Nagliliyab sa galit at inis ang damdamin ko. Hinubad ko ang damit kong suot. Napapikit ako nang mariin at bahagyang napakislot kalaunan nang tumunog ang cellphone ko sa malapit lang sa tabi ko. It’s unregistered number kaya bored ko iyong sinagot. “What?” “Si Elaine ’to, Tyler. Gusto kitang makausap.” Bigla akong nabuhayan ng loob matapos marinig ang boses niya. Tumayo ako at napangiti nang walang dahilan. “Elaine,” mahina kong sambit. “Ahmp, pupuntahan na lang kita sa opisina mo,” saad niya bagay na ikinahimas ko sa batok. I heaved a sigh. Ginawa ko rin ang paghilot sa noo ko. “I'm not in my office---nasa bahay ako,” sagot ko. “Gano’n ba? Sige, bukas na lang,” tugon niya. Natahimik ako. Nakikiramdam. I'm f*cking wants to know who's the father of her child. “Ibaba ko na ’to,” pagpaalam niya na ikinatigil ko. “Elaine, sandali. . .” pagsandali ko at nag-isip ng puwede kong sabihin. Tena! Kulang na lang lalabas ang puso ko dahil, bigla akong kinabahan. Heto ang unang pag-uusap namin nang maayos. Pag-uusap na hindi niya ako tinataboy. Oh boy, mag-isip ka! “El, can I invite you for dinner? Kahit ngayon lang, para makapag-usap tayo. Just if you will,” pag-aya ko at naghintay sa isasagot niya dahil, bigla siyang natahimik. I heard him sighed and responded. “Sige, saan ba?” tipid niyang sagot and her answered enlighten me. Tuloy para akong naka-jackpot sa lotto dahil napabulong ako ng ‘Yes!’ “I pick you at 6 pm sharp!” I told her. “Sige!” tipid niyang sagot pero malakas na ang impact nun sa ‘kin dahil pumayag nga siya. Bago paman niya tuluyang ibaba ang tawag ay nagsalita ako. “Elaine,” “Hmp!” “Sa-Salamat!” nakangiting patuloy ko. “Okay!” sagot niya at tuluyan na ibinaba ang kaniyang tawag. I look at my cell and a smile forms on my lips. I saved her number at nilagay iyon sa Speed Dial. Babawi ako. Lahat gagawin ko mapatawad niya lang. Call me desperate but that is what I want to do now. Desperado akong bawiin ulit siya kahit pa may anak na siya sa iba at wala akong pakialam kung sino ito. ◈────∘⋆?⭑∘────◈ Elaine I take a deep breath, nang makarating na kami sa mismong restaurant kung saan ako dinala ni Tyler. Ewan, pero pumayag ako sa pakiusap niya. Baka titigil na siya kapag kakausapin ko nang maayos. Umiiwas ako sa mga titig niya dahil, kulang na lang tatagos iyon sa kabuuan ko. At isa pa, ang tahimik din ng paligid. “Anong gusto mong kainin?” pambasag niya sa katahimikan. Ang awkward shems! “Ah, ka-kahit ano na lang, wala akong maisip,” nakayuko kong sagot. Ramdam ko ang pagtitig niya at nagtanong na naman ito. “Mind if I ordered your favourite food, lasagña,” seryosong sambit niya bagay na ikinatitig ko sa mukha niya. Kita ko paano siya napangisi nang magtaas ako ng mukha. Napaiwas ako agad at napaismid din. “Hindi lasagña ang paborito ko!” giit ko bagay na ikinanlumo niya. Bakit feeling ko may nag-iba sa kanya? Hayst! Ayan ka naman Elaine. Naisaway ko ang sarili ko at hindi binigyang pansin ang reaksiyon niyang ito. “Oh, sorry. Sige adobong manok na lang ang o-orderen ko. I already miss adobo,” pag-iba niya at ngumiti sa ‘kin nang tapunan ko ito nang tingin. Tumango lang ako sa kaniya at muling tumahimik. Hindi ako makasubo nang maayos dahil, sa mga titig niyang kanina pa nakamasid. Kung hindi ngingiti, seryoso ang mukha at panay pa ang pagbuntonghininga. “May dumi ba sa mukha ko kaya ka ganyan makatitig sa mukha ko?” deretsang tanong ko bagay na ikinangisi niya na lang at umayos nang upo sabay pag-iling. “Wala naman, I just can’t get away my eyes staring at you. Gumanda ka kasi lalo,” nakangising sambit niya bagay na ikinaubo-ubo ko. He stood up sabay hagod sa likod ko kaya nagkasalubong ang mga kilay kong tiningala siya. “A-ano bang ginagawa mo?” usisa ko. “Hinahagod ang likod mo,” simpleng sagot niya bagay na ikinawaksi ko nang mahina sa kamay niya. “Salamat, pero okay na ako,’ malamig kong saad bagay na ikinangiti niya nang pilit. Bumitaw naman siya at naibulsa ang mga kamay. Tangna! Maka chansing itong manlolokong ’to. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa tahimik na lugar dito sa isang Park di kalayuan mula sa bahay. May mga upuan sa paligid. Natatanaw rin ang umiilaw at napakagandang fountain sa gitna. Naupo ako habang siya inilibot ang tingin sa paligid. I sighed, bago ako naglakas-loob na sabihin sa kaniya ang totoong pakay ko kaya ako pumayag na makipagkita sa kaniya. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Tyler. Gusto kong tumigil ka na!” derektang ani ko. He looked puzzled staring into my eyes. “Ayokong makita pa kita ulit at tungkol sa trabahong inalok mo, nag-resign na ako. Sana naman, maiintindihan mo ako,” patuloy ko na siya namang ikinakunot-noo niya at biglang umigting ang pangang tinitigan ako. Agad akong umiwas sa titig niya na kulang na lamang ay lalamunin ako ng buo. He walk through me while wearing his deathly stare. Mula sa kina-uupuan ko ay bigla nalang akong natigilan at napasinghap nang ikulong niya ako gamit ang magkabilang braso nito. Napatitig ako sa mukha niya at napapaiwas nang tingin nang makita kong ngumisi lamang siya. Titig na titig siya sa mga mata ko at para bang nagsasabi siyang hindi siya titigil. “You can’t stop me from getting you back Elaine. Hindi mo ba alam na sa tuwing itinataboy mo ‘ko, mas lalo lang akong magkaediyang lapitan ka!” nakangisi niyang saad. Napalunok ako ng laway dahil, sa mga pinagsasabi niya. Banta ba ‘to? My God! H’wag mo siyang hayaang matuklasan na may anak ako. Ang anak namin. Marahan akong napapikit at nagmulat din. Taas noo akong nakipagtitigan sa kaniya bagay na ikinaseryoso ng mukha niyang pagmasdan ako sa mga mata ko. Inirapan ko siya, “Bakit pa, Tyler? Puwede ba, marunong ka namang makinig? Masasaktan ka lang dahil, kahit anong gawin mo---sarado na ang puso ko pati utak ko sa kagaya mo!” madiin kong sabi bagay na ikinaigting ng panga niyang inilayo ang sarili sa ‘kin. Aala ko ay lalayo na siya pero, nagkamali ako dahil, muli niya akong binalikan sabay ningisihan ako nang mapanghinala. I gulped, No, kaya ko ’to. Hindi dapat ako manghina at magpaapekto. “Ganyan mo ba ako kamahal kaya hindi mo ako makalimutan?” pang-asar niyang tanong nang nakangisi. Natigilan ako at napangitngit sa inis. This Jerk! Ang kapal! “You’re sounds bitter when you said that words unto me, Elaine,” patuloy niya na ikinasingkit ng mga mata kong tumitig sa makapal niyang mukha. Walang anupa ay dumapo sa pisngi niya ang kamay ko. Napangisi lamang siya at nagtangis lang ang panga niya. “I'm not! Bakit pa ako magkakagusto sa walanghiyang kagaya mo! Gumising ka nga, nahihibang ka na ba talaga!” depensa ko na ikinangisi niya lang lalo at nagkibitbalikat. “Im just saying, dont take it seriuosly, honey!” sambit niya bagay na ikinakamao ko sa sobrang inis. Anong akala niya sa ’kin. Assumera? Humiwalay siya mula sa pagkulong sa ‘kin. Kaya napahinga ako nang maluwag. Tumayo ako at nagpasyang aalis na. “Sa tingin ko, tapos na ang pag-uusap natin ito, Tyler. Kailangan ko ng umuwi,” sabi ko bagay na ikinasalubong ng kilay niyang humarap sa ‘kin. “Stay!” diin niya. “We're not done yet, Elaine. Nagsisimula pa lang ako,” saad niya bagay na ikinakaba ko nang tuluyan. “Anong ibig mong sabihin!” takang tanong ko. Lumakad siya palapit sa ‘kin at tumigil nang ilang agwat ang pagitan namin. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa mga mata ko. “Tanggapin mo ang alok kong trabaho kung gusto mo akong tumigil,” saad niya bagay na ikinaawang ng labi ko. “Be my secretary and it's all done. Titigil na ako sa pangungulit sayo.” Kinunutan ko siya ng noo, “Ano?” “Simple as that, El,” pagklaro niya. “Be my secretary, kung ayaw mo akong gumawa nang paraan at malamang may itinatago ka kaya mo ako itinataboy. You know, I have my connection at kaya ko iyong gawin,” panakot niya bagay na ikinatitig ko sa kaniya nang masama. “Ang sama mo!” nangangalit ang pangang sabi ko. He smirked smile. “I know. Call me, whatever you want to call me. Pero, pag-isipan mong mabuti ang sasabihin ko, h'wag mong alalahanin ang swelduhin mo. I can make it 50k when you agreed,” saad niya. “Ano!” hindi makapaniwalang naisambit ko bagay na ikinangisi niya lamang tumitig sa akin. “Maliit na bagay lang ’yan, Elaine. Kapag pumayag ka na, I'll make it 80K. So be wise, bihira ka lang makakahanap ng ganyang halagang pasweldo sa buong pilipinas na kahit mag-abroad ka pa, hindi ’yan matutumabasan!” pagmamayabang niyang ngisi bagay na ikinasingkit ng mata ko. Walangyang ’to! Ipinagmumukha pa talaga. “Pag-iisipan ko. Pwede na ba akong makaalis?” paalam ko bagay na ikinatango niya. “Sige, ihahatid na kita,” pagpresenta niya kaya nagpantig ng tenga ko. “Hindi na, magta-taxi na lang ako pauwi,” tanggi ko. “Malapit lang naman dito ang bahay ko at puwedeng-pwede lang lakaran.” “I insist, El. I won't let you. Hindi mo masisigurong ligtas ka sa kung sino mang driver ng mga taxi na ’yan. And Don’t talk against me. Wala kang mapapala.” “Now get inside my car,” maawtoridad ang boses niyang tugon bagay na ikinakilos ko. Para bang may phobia ako kapag ganito siya magsalita. Natatakot ako at walang magagawa. My God, Lord. Huwag niyo siyang hayaang saniban ng ka-demonyohan, please. May choice pa ba ako? Hayst! Dapat ko bang tanggapin ang alok niya? Pero kasi, tama siya. Napakalaking halaga na nun. Hamak mong 80K? Maryusep! Buong byahe kong hindi inimikan si, Tyler dahil, hindi ko feel ang makipag-usap sa kaniya. Ewan para akong hinehele sa sobrang antok, ni hindi ko rin masyadong narining ang mga pinagsasabi niya. “Ayos ka lang ba?” naitanong niya kaya tumango na lang ako at pilit idinilat ang mga mata ko. “Inaantok ako,” tipid kong sagot. He smirk, “Mukhang inaantok ka na nga. Matulog ka muna gigisingin na lang kita mamaya kapag nasa bahay niyo na tayo,” muli niyang sabi kaya pumwesto ako para umidlip. Hayst! Kapag kasi sumasakay ako ng kotse o kaya sasakyan para bang hinehele ako at antok na antok. Bahagya kong isinandal ang ulo sa upuan at tuluyan nang pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD