CHAPTER 6

1523 Words
Elaine Bumuntonghininga ako at napatigil na lang din nang titigan ako ng anak ko. Kahapon lang ako nag-resign sa trabaho kaya alam kong nagtataka ito dahil, hindi na ako umaalis ng bahay. Sinundan ko siya ng tingin nang maupo ito sa tabi ko habang titig na titig sa akin. “Mama, may umaaway po ba sayo? Bakit ka po malungkot?” inosente nitong tanong. Sasagutin ko na sana siya pero, bumukas ang pinto at iniluwa niyon mula roon si Caleb. “Oo nga Elaine, bakit ba?” singit nito bagay na ikinatitig ko sa kaniya. Ningitian ko lang siya at umiwas din. “Baby, kita mo. . .nagsusungit na naman ang Mommy Elaine, mo. May Period ata!” pilyong sabi ni Caleb sa anak ko bagay na ikinangiti nito at humagik-ik ng tawa. Halos magkasalubong ang kilay ko dahil, sa magkasundo ang dalawa at pareho akong pinagtawanan. “Bakit ka pala naparito, hindi ba may trabaho ka?” tanong ko. Ningitian lang ako ni Caleb sabay ginulo ang buhok ni Tyson. “Na-mi-miss ko na kasi si Tyson, kaya naisipan kong dumalaw. Pero, kung ayaw mo, uuwi ako mamaya,” sagot niya nasa tinig ang pagpapaawa-effect. Ngumuso ako't tinarayan siya. Dahil, ang totoo kasi, hindi ako komportableng naririto siya sa bahay. “Umuwi kana, may trabaho ka pang dapat asikasuhin, Caleb." Hindi na siya umimik pa at ramdam ko ang panlulumo sa mukha nito. Kaya, habang hindi pa ako makonsensya ay tinungo ko ang kusina para ituon ang sarili sa nakatambak na hugasin. Hindi pa kasi ako nakapaghugas ng pinggan simula kahapon. Tinatamad ako at naiisip ko ’yung trabaho ko. Pero hayst! Di bale na. Ang importante ay makalayo ako kay Tyler at baka mabuko pa niya ako. Bahagya akong natigilan mula sa ginagawa ko nang maramdam kong may humihila sa damit ko kaya, niyukuan ko ito, si Tyson ito. Ningitian ko siya, “Ano iyon baby? Hmp!” nakagiting tanong ko rito. “Mama, gutom na po ako,” reklamo nito kaya lumuhod ako para mapantayan siya. “Okay, Wait lang ha? Kakain tayo sa labas at ipapasyal kita kahit saan mo gusto!” nakangiti kong saad sabay kinurot ang kabilang pisngi niya. Lumapad naman ang ngiti nito. Kita tuloy ang mapuputi at bungal nitong mga ngipin. “Nak, si Caleb ba, nasa sala pa ba siya?” usisa ko bagay na ikinailing nito. “Nakauwi na po siya mama, ayaw mo raw kasi siyang kausapin,” nakangusong sagot nito habang nakatitig sa akin. Tumango ako saka siya ningitian, inayos ko rin ang buhok nito. “Nak, may rason si mama, kaya ayoko siyang kausapin. Hindi mo rin ’yun maiitindihan dahil, bata ka pa,” paliwanag ko bagay na ikinanguso nito. Alam kong nagtatampo na naman ’to. “Big boy na po ako ma, and call me babe, para wala pong magtatangkang manliligaw sayo, okay?” nakangisi nitong sabi. Natawa ako saka tumayo sabay gulo sa buhok nito. “Sus! sige na po susunod na. Oh, siya sige, just go to your room and take a shower dahil, aalis tayo, okay?” utos ko na agad niya namang ikinasunod at kumaripas ito ng takbo patungong banyo. I sighed. Naiiling na lang ako. “Tyson, nak. Paano na lang pala kung hanggang ngayon, nasa puder pa ako ng papa mo? Maging masaya ba ako? Mabubuo pa kaya tayo?” katanungan sa isipan ko na hindi ko alam ang sagot. ———★★——— Tyler Nahilot ko ang sentido ko dahil, kakaisip kay Elaine. She refuses the job. And D@mn! Wala akong idea saan siya umuuwi. Kung okay lang ba siya? Kung ayos lang ba ang kalagayan niya? Jeez. I think I'm going crazy. Naisandal ko ang ulo ko sa swivel chair at napapikit nang mariin. I sighed. Kinuha ko ang cellphone ko. May tinawagan din akong kakila ko. Nakailang tunog pa lang ay agad na nito sinagot ang tawag ko. “Kumusta na ang pinapagawa ko sayo. Did you find her?” Atat na atat kong tanong dahil gusto ko nang malaman ang sagot nito. “Mr. Monteverde, confirm na po. Siya nga ’yung pinapahanap mo kaya lang. . .may bata siyang kasama at mukhang anak niya. Sigurado ba kayong siya ang babaeng ’yun?” sagot nito mula sa kabilang linya bagay na ikinatigil ko. Kumabog nang husto ang puso ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. “Mr. Monteverde,” sambit nito sa ’kin nang natahimik ako at hindi makakibo. “Manmanan mo muna, pupunta ako diyan. Just give me her address and the exact details. I'm going right away!” agad kong sagot bago ibinaba ang tawag. Tumayo ako at napabuga ng hangin. Ginawa ko rin ang paghilot sa batok ko at palakad-lakad sa harapan ng pinto bago ko naisipang lumabas. I can’t really imagined. Paano, pero nalaglag ang anak namin, six years ago. ————★★———— Elaine Kunot-noo, napatingin ako sa kabilang kanto nitong bahay namin. Nakakapanghinala kasi. Noong nakaraang araw pa ito pabalik-balik. Para bang may minamanmanan palagi. May dr*g p****r yatang pagala-gala sa lugar nato? Hayst! Nailing na lamang ako at hindi ko na lang inintindi pa at nagtuloy-tuloy kaming lumabas ng anak ko. Ipapasyal ko siya ngayong araw nang makapagbonding kaming dalawa. SA JOLIBEE, hindi maalis sa mukha ni Tyson ang tuwa at saya dahil, naipasyal ko na ulit ito sa jollibee. Grabe, nakaugalian na yata niya ang masasarap na fried chicken at spaghetti, naging favorite na rin niya ang spaghetti. Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang kumakain. “Nak, iikot mo lang iyang tinidor mo, para ’di mahulog ’yung spaghetti na isusubo mo,” tugon ko nang bawat isusubo niya ay mahuhulog lang ito. “Ay! sige po, mama.” Ngumiti ako nang matamis at napapatango rin. Matalinong bata si Tyson kaya madaling makakasunod sa bawat iutos ko. Mabuti na lang hindi siya nagmana sa ama nyang, cold. Tsk! Kaasar. Bakit ko pa siya naisip. Napaismid ako nang wala sa oras at hindi pinahalata iyon sa anak ko, baka kasi magtanong na naman. “Nak, diyan ka lang ha? Kukuha lang ng fried chicken si mama,” paalam ko, pagtango at pagngiti lang ang isinagot nito dahil, abala pa siya sa nilalantakan niyang spaghetti. Tipid akong ngumiti at tumayo mula sa pagkaupo ko at sakto naman ang paglingon ko. Sa sandaling iyon, natigilan ako habang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Tyler. Mula sa pagkakataong iyon ay kinakabahan ako. Napaupo akong bigla. Oh my Gosh! Anong ginagawa niya rito? Bakit dito pa? “Mama, ano pong ginagawa mo?” inosenteng naitanong ni Tyson nang mapansin akong aligaga. Natameme ako sandali at umiling din kalaunan. “Ah, wa-wala anak, sige na, ku-kumain ka pa. Pagkatapos, aalis na tayo,” nauutal at kinakabahan kong saad. Pilit ko rin itinatago ang sarili ko sa mamang nakatalikod sa akin. “Susme! Kinakabahan ako. Hindi niya dapat makita ang anak ko.” Panay ang dasal ko na hindi niya kami makikita rito. Hanggang sa, nakita ko itong tumalikod at umalis. Laking pasalamat ko na lang din dahil, patapos ng kumain si Tyson kaya lumuwag ang pakiramdam ko mula sa nakakasakal kong takot. Napapikit ako, bahagya akong napakislot nang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko, si mama ito. Nakadalawang miss call na. “Hello ma,” mahina kong sambit nang sagutin ito. Tumingala naman sa akin ang anak ko bagay na ikinasuklay ko sa buhok nito gamit ang mga daliri ko. “Oh! Mabuti na lang sinagot mo. Kanina lang may lalaking naghahanap sayo, siya daw ang Boss mo. Bakit anak, nag-resign ka ba sa pinagtatrabahuan mo ah?” kuryosidad na tanong ni mama sa akin mula sa kabilang linya. Jeez! hindi uso sa kanya ang '“Hi at Hello” “Oo po,” tipid kong sagot at mabilis na inilayo ang cellphone sa tainga ko nang bigla niyang ibinagsak nang napakalakas ang bagay na hawak nito. “Baliw ka na ba? Sabihin mong tuluyan ng tinutuyo ’yang utak mo, Elaine!” bulyaw niyang sabi. “Ma, hayaan niyo na lang po ako, nakapagdesisyon na ako, mama at saka ayaw ko na po doon. Masyadong masungit ang boss kong ’yun!” pagsisinungaling ko pa. “Hayst! Ewan ko sayo Elaine, maatim mo bang hindi makakain nang mabuti ’yang anak mo. Hindi ka naman nakapagtapos sa pag-aaral dahil, diyan sa pabigla-bigla mong desisyon. Hayst! Hindi ka talaga nag-iisip, sinabi ko sayo na bumalik kana sa bahay. Pero, ayaw mo. Nasaan ba kayo ngayon at pupuntahan ko kayo?” mahaba nitong bulyaw bagay na ikinatahimik ko. Totoo ang lahat ng sinabi ni Mama. At nahihiya akong magpakita pa kay Papa. Dahil ayokong ipamukha na naman niyang wala akong kwenta. Agad akong nag-iwas ng tingin kay Tyson. Palihim ko rin na pinahiran ang namumuong luha sa mga mata ko. “Huwag na ho. . .pauwi na kami,” sagot ko at pinipilit na nilakasan ang boses ko. “Ikumusta mo na lang po ako kay papa,” dugtong ko. Binaba ko ang tawag saka bumuntonghininga. Mabuti na lang, wala nasa paligid si Tyler at baka madagdagan na naman ang sakit ng kalooban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD