Elaine
Paglabas ko ng opisina ni boss ay agad akong dumeretso sa Comfort Room. Naghilamos ako ng mukha dahil, nararamdaman kong tumutulo na paisa-isa ang mga luha ko.
Pigil ang iyak kong tumitig sa salamin para hindi mapahagulgol.
Ang sakit lang kasi. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan pero hanggang ngayon, bumabalik ang nararamdaman ko.
’Yung sakit na pinipilit kong kinalimutan, nanatili pa rin pala.
“God, ano bang dapat kong gawin?” naiusal ko at pinahiran ang luha kong pumapatak na.
I sighed and bitterly smiled.
Kaydali lang sa kanya ang lahat. Kay dali niyang matanggap ang lahat. Pero, bakit ba hanggang ngayon apektado pa rin ang puso ko? Bakit?
I bit my lower lip.
Nanlalabo ang talukap ng mata ko dahil, sa mga luha ko kaya panay hilamos ko ng mukha. Pagkatapos kong mailabas ang sama ng loob ko ay nagpasya akong mag-retouch nang kaunti. Tinitigan kong muli ang sarili ko sa salamin.
“Jeez. Namumula ang ilong ko. Heist! Let him Elaine, kaya mo 'yan. kakayanin mo para kay Tyson!” pampalakas-loob kong sabi sa sarili ko at isang pilit na ngiti ang inilabas ko.
Pero pangit pala kapag pilit.
“Hayst! Nagmumukha lang akong ewan!” nakanguso kong bulong at bahagyang tumigil dahil, may narinig akong mga boses papalapit sa kinaroroonan ko bagay na ikangiwi ko nang mapansin kong sina Katty at Beth pala ito.
“Ang gwapo niya, sino kaya hinihintay niya Kath? Hayst, kung ganyan lang ka-gwapo ang boyfriend ko ay hinding-hindi ko hahayaang titigan siya ng iba,” malanding sambit ni Beth bagay na ikinaangat ng kilay naman ni Katty lalo nang makita niya ako.
She stared at me from head to toe.
“Nandito ka pala,” nakangising aso niyang sambit bagay na ikina-roll eyes ko rin sa kanya.
“So, ei nandito ka rin naman, hindi ba? Tch!” pagmimilosopo ko at kaagad silang tinalikuran.
Hindi ko na hinintay pa na magsalita ang bruhang iyon baka sabunutan pa ako.
Abala ako sa kakapagpag ng damit ko nang may mahagip ang paningin ko. Napahinto ako at ramdam ko ang pagkabog ng puso ko dahil, nagsimula na ulit itong magwala. Hindi ko alam paano ako lalayo at iiwas dahil nasa harapan ko na si Tyler at nakalapit na nga.
“Hi!” bati niya bagay na ikinakuyom ng kamao ko.
“Hinintay talaga kita, para makausap. Im sorry kung—”
“Para saan,Tyler?” pagputol ko sa sasabihin niya at masama ko siyang tinitigan.
“I-I just wanna talk to you, El,” mahinahon niyang sabi.
“Wala akong oras. Umalis ka na!” pagtaboy ko sa kanya.
Nagsimula akong humakbang at pinipilit kong kalabanin ang sarili kong mapatitig sa mukha niya.
Bago paman ako tuluyang makalayo sa kanya ay mabilis na niyang nahawakan ang braso ko upang pigilan.
“Elaine, please—kahit saglit lang,” pagsusumamo niyang sabi.
Hinarap ko siya bago ako ngumiti nang pilit saka tinaasan siya ng kilay.
“Para saan pa? Ano pa bang pag-uusapan natin dalawa gayong wala na tayo. Matagal na tayong tapos Tyler!” giit ko bagay na ikinatigil na rin niya.
Natahimik na rin siya at kita ko ang paglungkot ng kaniyang mga mata.
“I know, at hindi ko na mababago pa iyon, pero sana naman hayaan mo akong magpaliwanag. Kahit sandali lang.”
I laughed and crossed my arms.
“Sige, magsalita ka na. Sabihin mo na rito mismo!” paghamon ko.
“Elaine. . .”
“Hindi mo kaya? Isa lang ibig sabihin niyan Tyler. Wala kang dapat ipaliwanag, kaya please lang. Tama na,” sambit ko at aakmang talikuran siya ng magsalita ito.
Napatingala ako at pinilit kong h'wag maiyak kapag haharap sa kanya. Ayokong sabihin niyang mahina ako.
“Galit ka pa rin ba hanggang ngayon Elaine. Hindi mo ba ako kayang patawarin?” may hinanakit ang boses niyang sambit bagay na ikinapunas ko kaagad sa luha kong nagtangkang lumandas.
“I'm not. Ayaw lang kitang makausap!” sagot ko at hindi siya nilingon.
I heard his voice broke, kaya natigil ako.
“Then, why you shoo me away if you're not, for God sake Elaine, hinahanap kita kung saan-saan. Mas gugustuhin ko pang sumbatan mo ako at bubugbugin kaysa sa pilit mo akong inilalayo sayo.”
Ipinikit ko lang ang mata ko. Hindi ako umimik dahil buo ang desisyon ko. Ayoko na at natatakot ako.
“Umalis ka na!” namumuo ang luha kong tugon at mabilis ko iyong pinunasan bago siya hinarap.
“Look at me now, I'm fine and better. So please, gusto ko nang katahimikan,Tyler!” ani ko bagay na ikinatitig niya sa mga mata ko.
He bitterly smiled staring at me, bago ito humakbang papalapit sa 'kin na siyang ikanaatras ko naman. Agad kong iniwas ang mukha ko at ibinaling ito sa ibang direksyon.
I heard him sighed.
“I’m really sorry Elaine, if I caused you a lot of pain. But, I’m happy to see you again. Don’t worry, aalis ako ngayon, but I’ll be back tomorrow and win you back!” seryoso niyang sambit at isang ngiti ang sumilay sa labi nito bago ako tinalikuran.
Naiwan akong nakatulala at hindi alam ang gagawin. Hindi ko siya maintindihan.
PAGKATAPOS akong iwan ni Tyler ay agad akong tumungo sa Rooftop para na rin makalanghap ng sariwang hangin. Pigil ang luhang napatingala ako sa kalangitan at napabuga.
Lord naman, bakit ko pa siya nakita pang muli? At kung bakit kay liit ng mundo at muli mo kaming paglandasin dalawa.
Kahit gaano ko pa ka-gustong makalimot pero nanatili pa rin ‘yung sakit. Ayaw ko sa pagpintig ng puso ko na parang sinabi niyang sa kaniya pa rin ito tumitibok.
Napahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan.
God, umiiyak na naman ako.
Knowing Tyler. Siya ang taong nakilala kong hindi natitibag ang salita.
“God, bakit?'' naitanong ko na lang habang naluluha.
Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga sakit na dinulot niya? Bakit siya pa rin? ‘Yung kirot at pagkamuhing nadarama ko sa kaniya noon, ngayon bumabalik na naman.
Akala ko tuluyan ko na siyang nakalimutan dahil, lumayo ako at pinangako ko sa sarili kong hindi na ako maapektuhan sakaling magkita man kaming dalawa. Pero akala ko lang ang lahat. Akala ko lang.
“Gosh Elaine, tama na naka-move on kana diba?” pangungumbinsi ko sa sarili ko at mariing napapikit kasabay nang pagbabalik tanaw ko sa masalimuot kong nakaraan kasama siya.
◈────∘⋆⭑∘────◈
6 years Past. . .
HIGHSCHOOL DAYS
They known me as Nerd. Nerd ako pero hindi ako binu-bully sa school namin. Ako lang kasi ang nerd na palaban. Since elementary, mag-kaklase na kami ni Tyler, kahit cold personality siya, kaibigan pa rin ang turing niya sa akin.
Inaamin kong may gusto na ako sa kanya noon pa. Kaya noong nakilala ko si Aemie at nalaman kong gusto siya ni Tyler, ay nadismaya ako.
Oo, ako ‘yung gumagawa nang dahilan para magkalapit sila dahil, alam kong kaibigan lang ang turing sa akin ni Tyler. Kahit napakasakit na nga, kinakaya ko.
Ang sweet nila. And totally naiinggit, nasasaktan na rin at nagagalit ako dahil, nakakaramdam ako ng selos. Na sana sa akin ang atensyon ni Tyler, ay nakatuon pa sa iba.
Alam kong walang gusto si Aemie kay Tyler kaya nang malasing si Tyler, sa gabi ng Prom Night, sinamantalahan ko ang pagkakataon. Nagpa-gaga ako para maangkin siya, kahit alam kong magagalit siya sa akin pagkatapos ng lahat. Hindi ako nagsisisi sa nangyari sa aming dalawa.
Mahal ko siya, kaya lahat gagawin ko. Nagtagumpay nga ako. Kahit nagmumukha akong desperada.
Buong akala kong walang gusto si Aemie sa kanya pero nagkamali pala ako.
Nasaktan ko silang pareho. Kaya nagawa kong pakiusapan si Aemie na layuan si Tyler. Nakiusap ako sa bestfriend kong ibigay sa akin si Tyler, alang-alang sa batang dinadala ko at sa pagkakataong iyon ay nagmukha akong kontrabida sa pagmamahalan nilang dalawa.
Ikinasal kami ni Tyler at inangkin ko siya bilang asawa. Pero kailanman ay hindi ko naramdaman na naging parte ako ng buhay niya. Bagkos, galit at pagkasuklam ang ipanadama niya sa araw-araw na kasama ako at kulang na lang idikit niya sa kaniyang noo na wala akong puwang sa puso niya.
Nawala ang pagkakaibigan namin noon dahil, pinalitan iyon ng galit sa puso niya. Walang araw na hindi ako umiiyak.
Akala ko kasi kapag kinasal ako sa taong mahal ko ay liligaya at sasaya ako. Pero hindi, dahil kabaliktaran pala ang lahat ng pangarap ko. Pagdurusa lang pala ang natamo ko sa lalaking inaakala kong matutunan akong mahalin.
Nasasaktan ako hindi lamang physical dahil pati na rin emotional. At sa araw-araw na lagi akong nasasaktan pati puso ko, namamanhid na rin nang tuluyan.
ISANG umaga noon nang napabalikwas ako nang bangon ng magmula sa labas ng pinto kantodo katok ni Tyler at halos gibain na niya ang pintuan ng kuwarto ko kaya ganun na lang ang takot ko at agad na napabangon sa kama at pinagbuksan siya.
Iba kasi ang kuwarto niya dahil, sa guestroom niya ako pinatulog.
Dahil para sa kanya, asawa niya ako pero hindi ako ang mahal niya. Si Aemie ‘yun.
Gusto kong maiyak na naman dahil, sa alaalang iyon. Pero natatakot akong makita ako ni Tyler.
“Ano ba! Open this d@mn door Elaine!” bulyaw niya mula sa labas na ikinanginig ng buong katawan ko.
Dahil sa takot ko ay pinagbuksan ko siya ng pinto at pagbukas ko niyon isang masamang anyo at titig ni Tyler ang nabungaran ko.
“T-Tyler—” putol ang sambit kong sabi nang isang malutong at malakas na sampal ang ginawad niya papunta sa mukha ko.
Nasapo ko ang pisnging nasampal niya at hindi ko napigilan ang paglandas paisa-isa ng mga luha ko.
“You b*tch! What the h*ll did you do to my Sleeve, Huh!” sigaw niya sa akin pagkatapos akong pagbuhatan ng kamay.
Hindi ako umimik kaya bigla niya akong hinila sa buhok na siyang ikinagulat ko.
“Ugh! Tyler, nasasaktan ako…please, maawa ka!” umiiyak kong pagmamakaawa.
But he just ignored me.
Pahampas niyang inihagis sa mukha ko ang damit na nasunog pagkatapos akong bitawan. Tumama iyon sa mukha ko bagay na ikinahikbi ko.
“Look at this! Sinunog mo ang susuotin ko Elaine. D@mn! hindi ko alam kung bobo ka o tanga ka talaga! Did you know what huh!” gigil niyang asik sabay hinawakan nang mahigpit ang panga ko bagay na ikinainda ko sa sakit at napapikit nang madiin habang humihikbi.
“Malandi ka! Bakit, habang nagpaplantsa ka ba, nakikipaglandian ka kay, Caleb, huh!” galit niyang sambit bagay na ikinailing-iling ko.
“T-tyler, h-hindi...hindi ko magagawa iyan, maniwala ka!” umiiyak kong sagot.
Isang masamang titig ang ibinigay niya sa akin.
“From now on, hindi ka lalabas kapag hindi ko sinasabi, naiintindihan mo? Huwag ka na rin papasok sa school, nakakahiya ka. Magmula ng maging asawa kita, kahihiyan na lagi mong naidudulot sa buhay ko. At eto na rin ang magiging impyerno mo ang makasama ako, tandaan mo 'yan!” Giit at diin niya bago ako bitawan sabay tulak sa akin palayo sa kanya.
Napaupo ako sa sahig at napainda sa sobrang sakit nang tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Ramdam ko ang pagmanhid nang buong katawan ko bagay na ikinangiwi ko na rin. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang biglang kumirot ang tiyan ko, dahil sa sobrang sakit.
“Augh! Tu-tulong! Tulungan niyo ako, Tyler, please. Tulong!” paghingi ko ng saklolo kay Tyler, pero wala na siya iniwan na naman niya ako.
Ang pagharurot palayo ng kotse nito ang narinig ko kaya natataranta ako dahil, dumaloy sa paanan ko ang dugo. Humihikbi at umiiyak kong pagmasdan ang kamay kong nabahiran ng dugo.
“Oh! God, No? Ang Baby ko,”
“Baby, please...kapit lang, kumapit ka anak, kaya natin ‘to. Diyos ko! Iligtas mo ang anak ko parang awa muna!” pagmamakaawa ko at naidasal habang nanginginig ang buong katawan ko.
Pinipilit kong abutin ang telepono dahil nanlalabo ang paningin ko at unti-unti akong nanghihina.
I’m 4 months pregnant but, Tyler ignored it. He doesn't care for it.
Dahil para sa kaniya, isa akong pagkakamali.
Sa lahat na puwede kong takbuhan ng tulong ay si Caleb ‘yun. Siya lang ang tutulong sa 'kin. Bago pa man ako nilamon ng kadiliman ay naaninag ko ang mukha ni Caleb, na natataranta na kinarga ako kaagad.
“Hold on, El. We're going to the hospital!” Anito ngunit, hinatak na ako ng antok.
PAGKAGISING ko kalaunan ay nabungaran ko si Caleb. Hawak-hawak niya ang kamay ko at pinipisil niya ito. Nang mapansin niya akong nagising na ay nag-alalang hinigpitan niya ang kamay ko at tumitig sa mukha ko.
“You're safe now, Ela.”
“Caleb, ang baby ko?” una kong tanong bagay na ikinangiti niya.
“The baby was safe too, so don't worry. Magpahinga ka muna, okay,” mahinahon niyang sagot bagay na ikinabuo ng luha sa mga mata ko at nagtatangkang malaglag nang pinahiran niya ito.
“Shh! Don't cry Ela, please...hindi ko kayang makita kang nagkaganyan,” sambit niya at hinalikan ako sa noo.
Napahagulgol ako nang iyak at yumakap sa kanya nang mahigpit.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya at baka na paano na ang baby ko.
“Thank you for being with me, Caleb. Salamat sa kabutihan mo,” umiiyak kong sambit.
“It's okay, Ela. I'm here for you to cry on. But please, tumahan ka na, it's not good for the baby,” pag-aalo niya bagay na ikinatango ko.
Nagkausap kami ni Caleb. Ilihim kay Tyler ang katotohanan. Gusto ko nang makawala sa kaniya kaya tatapusin ko na ang lahat.
“Are you sure about this, Elaine?” muling panigurado sa akin ni Caleb bagay na ikinatango ko.
Desidido na ako.
“Oo, Caleb. Alang-alang sa anak ko, hindi ko hahayaang pati siya idadamay ni Tyler sa galit niya sa 'kin. Mas mahalaga sa akin ngayon ang anak ko, Caleb. Kaya please, tulungan mo akong makalayo.” Buong desisyon kong tugon bagay na ikinatahimik niya.
“Sige, but before that everything. Magpahinga ka na muna,” tugon niya bagay na ikina-sang-ayunan ko.
MAHIGIT dalawang oras akong nakatulog muli at naramdaman kong may pumipisil sa kamay ko at hinahagkan iyon kaya naidilat ko ang mga mata ko at aninagin ang taong nasa tabi ko.
“Hey, you're awake!” naulinigan kong sambit ni Tyler bagay na ikinabangon ko kaagad at inilayo ang sarili mula sa kaniya.
“Elaine, God, I'm sorry!” may pag-alala na niyang sambit at pilit hagilapin ang kamay ko, ngunit mabilis ko iyong inilayo sa kaniya.
“Please, God! Elaine, I’m so sorry. I’m sorry for what I’ve done,” garalgal ang tinig niyang wika bagay na ikinahigpit kong paghawak sa bedsheet.
Paisa-isang lumandas ang mga luha ko habang humihikbi umiiling.
How could he say sorry for that so easy? He almost killed my baby for pete sake.
“Elaine,” mahinahon niyang sambit at akma niyang hawakan ang kamay ko nang sinigawan ko siya.
“No! Don't touch me!” sigaw ko. “Napakasama mo!” garalgal na ang boses kong dugtong.
I saw how he was broken but I don't care. He deserves it!
“Elaine, I’m really sorry,” putol niyang sabi nang paghampasin ko ang dibdib niya at sinusuntok-suntok ko na rin ito.
“Napakasama mo! Ang sama-sama mo,Tyler! Ang sama mo.” Pagwawala ko na kahit natanggal na ang dextrose ko sa kamay sa kasusuntok sa dibdib niya ay hindi ako tumigil.
He let me hurt him.
Hanggang sa napagod ako kaya mabilis niya akong ikinulong sa mga bisig niya at niyakap nang buong higpit.
He was sorry then.
Walang humpay ang paglandas ng luha ko kahit anong pilit kong pahiran ito. Humagulgol ako ng iyak habang mahigpit na ikinuyom ang kamao ko.
Iyong takot ko noon at takot ay napalitan ng tapang.
“Happy now huh?” mahinang sambit ko habang panay kawala ng luha sa mga mata ko.
“Wala na ang pinakaiingatan ko ng dahil sayo...pinatay mo ang anak ko Tyler, pinatay mo siya. Ngayon sabihin mo, kaya ba kitang patawarin?” nanghihina kong tanong habang yakap niya ako.
Ramdam ko ang luha niyang pumatak sa balikat ko at kalaunan ay humagulgol ito sa bisig ko.
He cried asking for forgiveness.
“Patawarin mo ako Elaine, hindi ko sinasadya, hindi ko intensyon gawin iyon sa anak ko,” umiiyak at humagulgol niyang sabi.
Umiling ako at tumapang sa mga oras na iyon.
“Don’t waste your tears, Tyler. Ang galing mo,” ani ko at winaksi ang kamay kong hawak niya.
“Alam naman natin na ito ang pinaka gusto mong mangyari, hindi ba? Diba, gusto mong mawala ang anak ko, kami sa buhay mo?” sumbat ko sa kanya at tila nabato ang puso ko sa mga oras na 'yun.
Napatitig siya sa akin habang namumula na ang mga mata niya dahil sa pag-iyak niya.
“Elaine, that’s not true!” depensa niya at aakmang hawakan ang kamay ko nang mabilis ko iyong inilayo.
“Maghiwalay na tayo, Tyler. Nakakapagod na. I already sign the divorce paper, ilang buwan lang ang itatagal niyon. Kahit alam kong peke lang ang kasal natin, maghiwalay na tayo!” malamig kong saad bagay na ikinatitig niya sa mukha ko at halatang nagulat sa ginawa ko.
He deserves everything.
Kung paano niya ako pinagtabuyan noon. Ibabalik ko iyon sa kaniya. At hinding-hindi ako makakapayag na makikilala niya ang anak ko. Dahil, sisiguraduhin kong magdusa muna siya bago mangyari iyon.