CHAPTER 4

1876 Words
Tyler Napapikit ako sa tuwing dinidimdim ko ang alak. Napangiwi ako nang bahagya dahil, sa sobrang tapang nito. Pero, kahit pa gaano ito katapang hindi man lang nabawasan ang pait na nararamdaman ko. Hindi na bago sa akin ang magpakalasing sa bar na ’to, lugar kung saan ako nagpapalipas ng oras. Since the day she left me, naging lasinggero na yata ako. Psh! Pity me, right? “Elaine, Ba-bakit?” naiiyak kong tanong sa sarili. Napangiti ako nang pilit, naalala ko na naman ang mukha ni Elaine na para bang takot na takot akong makita kanina. Namumuo ang luha sa mata ko at agad ko itong pinahiran saka ko muling itinungga nang walang kagatol-gatol ang natitirang alak sa basong hawak ko. Samot-saring nadarama ko nang matagpuan ko na siya. Pero, hindi ko man lang siya magawang mahawakan. Hindi ko siya magawang ikulong sa bisig ko para yakapin nang mahigpit. Inaamin kong, isa akong gag* na hindi man lang maipadama sa kaniya ang nais niyang mangyari noon. But God knows how I wanted to hug her tight right here in my arms. Gusto kong sabihing mahal na mahal ko siya. “Elaine, asawa ko,” naibulong kong sambit habang napapikit nang mariin. Sana mapatawad na niya ako. ‘Cause I will promised. . . I'll promise, babawi ako sa kanya at magiging isang mabuting asawa. D@mn! Akala ko kasi noon na si Aemie, ang babaeng mamamahalin ko at hindi ako magmamahal ng iba bukod sa kanya. Yes, I loved Aemie, kaya noong nalaman kong sila na ni Zack, nasaktan ako nang todo. Nagalit ako kay Elaine, dahil nalaman ni Aemie, na may nangyari sa aming dalawa. I really loved Aemie, pero hanggang doon lang ’yun, hindi ko ninais pang makigulo sa kanila ni Zack. And, beacuse of that, I hurt Elaine, hindi lang emotional kundi pati physical. And yet, nakalimot akong buntis siya. Nasasaktan ko na siya at halos araw-araw kong ipinamukha sa kaniya na wala siyang puwang sa puso ko. But it was all a lie. Hindi siya ganoon kahirap mahalin. And because of this d*mn hands, nawala ang anak ko. And I can’t stop her from cursing me, and hating me. I deserved everything. Humigpit ang pagkakapit ko sa basong hawak ko. Dahil, sa inis ko sa sarili ko ay, nasabunot ko ang buhok ko at inis na ginulo ito. “I'm F*cking Idiot!” nangangalit ang bagang naimura ko sa sarili. Nabasag mula sa kamay ko ang basong hawak ko. Marahil sa sobrang kalasingan ay hindi na ako nakaramdam ng sakit. Dumugo ang kamay ko dahil, nagkasugat ito. Nilapitan ako ng bartender para awatin ako pero binalewala ko ito. “Sir, dumudugo na ho ang kamay ninyo,” nag-aalala nitong sabi. I smirk, wearing my deathly stare, glaring at him. “Leave me! You don't have f*cking care! Umalis ka sa harap ko, kung ayaw mo ’yang mukha mo ang babasagin ko!” umiinit ang ulo kong bulyaw sa kaniya bagay na ikinalayo nito kaagad. “Sorry po,” naihingi niya kaagad ng despensa. Hindi ako umimik, tumayo ako kahit na pasuray-suray na ako kung maglakad. Tinungo ko rin ang labasan ng bar. Namanhid ang kamay kong nagkasugat. Hindi ko pinansin ang patuloy nitong pagdurugo hanggang sa nanlalabo na lang ang paningin ko. “Babawiin kita bukas asawa ko. You’re mine Elaine, you only belong to me.” Ramdam ko ang paunti-unti kong pagbagsak sa semento. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo. Umiikot na rin ang paningin ko. ◈────∘⋆?⭑∘────◈ Elaine Bahagya kong hinaplosan ang malambot na pisngi ni Tyson bago ko siya hinagkan sa kaniyang noo. Napakapayapa ng tulog nito kung kaya ay malaya ko siyang natitigan. Nagkataon man na nag-krus muli ang landas namin ni Tyler, marahil ay sinadya iyon ng panahon. “I'm sorry Tyson, hindi mo siya dapat kilalanin bilang ama. Hindi siya nararapat anak,” naibulong ko saka napatingala upang kimkimin ang sakit na nanatili sa puso ko. KINABUKASAN habang abala ako sa pagtutok sa harapan ng computer, bahagya akong napatigil nang may pamilyar na presensya ang bumungad sa akin. Pag-angat ko ng mukha ay nagsimula nang magwala na naman ang pagtibok ng puso ko. Ang mukha kaagad ni Tyler ang nabungaran ko kaya huli na para umiwas pa ako mula sa titig nitong tagos hanggang buto ko. Kumunot-noo ko, pinagtaasan ko rin siya ng kilay dahil, ayaw na ayaw ko ang tinititigan ako. Naasiwa ako sa pagkakataon na iyon. “Hi!” nakangiti nitong bati bagay na ikinaiwas ko kaagad sa kaniya nang masulyapan kong sa ’kin nakatitig ang dalawang bruhang ka-officemate ko. “Excuse me, Mister who you are. Ano ba ang ginagawa mo, bakit ka naparito sa cubicle ko?” walang gana kong tanong sa kaniya. “I'm here to visit you,” He genuinely smiled. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatong nito ang isang kumpon ng puting rosas sa ibabaw ng mesa ko. Lalong tumaas ang kilay ko at lumalim ang gatla sa noo ko. “Sir, please excuse me. Hindi flower shop ang lamesa ko para lagyan mo ng bulaklak!” mahina kong asik sa kaniya. Pasimple kong ibinalik sa mga kamay nito ang bulaklak. “Umalis ka sa harapan ko, isama mo na rin pati na iyang bulaklak mo!” inis kong sabi at hindi na siya pinansin pa. Bahagya akong umatras nang ilapit nito ang mukha papalapit sa akin. Isang dangkal na lang ang pagitan namin dalawa. Ngumisi ito, “I won’t! Aalis lang ako kapag papakinggan mo ako. Ayaw mo naman sigurong ma-eskandalo tayong dalawa,” nagbabanta pa ang tinig nitong bulong sa akin bagay na ikinakuyom ko ng kamao. Gusto ko na siyang murahin pero, nagpipigil lang talaga ako dahil, ayoko ng iskandalo. Lalo ngayon, nakatingin sa amin ang mga co-workers ko. He is totally pissing me. And I hate that smirking smile traces on his lips. Tang*na niya! “Ano ba ang gusto mong palabasin?” nagngangalit ang bagang kong naitanong sa kaniya. Tumayo ako saka siya tinitignan sa kaniyang mga mata. “I'm here to court you Ela!” patuyang nitong sagot bagay na ikinainit kaagad ng tenga ko at hindi makaimik. “I’ve search you everywhere, kahit pa walang kasiguraduhan kung paniniwalaan mo ako. But at least, you knew my part. I'm here for asking forgiveness Ela. I'm sorry,” dugtong pa nito bagay na ikinaiwas kong makipagtitigan sa kaniya. “U-umalis kana! wala akong panahon para makipag-usap sayo!” pagtataboy ko sa kaniya. “Busy ako at bahala ka kung ayaw mong umalis. Tatawagan ko ang security guard para kaladkarin ka papalabas sa building na ’to!” pagbabanta kong naisaad saka kinuha ko ang isang folder bago siya talikuran para mag-report kay Mr.Park. Mula sa paghakbang ko ay napatigil na lamang ako dahil sa sinabi nito. “I love You, Elaine. Please give me second chance,” mahina nitong sambit pero nagbigay nang dahilan iyon para gumawa ng atensiyon. Pakiramdam ko ay kumapal bigla ang mukha ko dahil, sa kakaibang pagkabog ng puso ko. Nahihiya kong tingnan ang lahat na nakakarinig na sinambit nito. “You hear me, sweety. I won’t leave here unless you talk to me!” seryoso niyang saad bagay na ikinasama nang titig ko sa kaniya. Galit akong humakbang palapit sa kaniya at walang paalam siyang sinampal. “Hindi mo ako mauto Tyler!” asik ko at tinitigan siya sa kaniyang mga mata habang namumuo na naman sa gilid ng mata ko ang luhang nagbabadyang lumaglag. “Tahimik na ang buhay ko magmula nang umalis ako sa puder mo, kaya please lang. . .lubayan mo na ako!” dugtong ko at dumistansya nang bahagya sa kaniya. Napayuko siya at ngumiti sa akin nang mapait. “Okay, I'm Sorry!” paghingi nito ng tawad sabay taas ng kamay nito na animo’y sumuko na. “I'm here, ’cause I want to fix everything about us, Elaine. Forgive me for being rude to you. Alam kong huli na ang lahat,” pagpapatuloy niya, binaba nito ang kaniyang mga kamay. “I'm leaving for now, pero hindi ibig sabihin, lalayo na ako. I’ll do everything to get you back, Elaine. Kahit ang lumuhod pa sa harap nang maraming tao, gagawin ko!” Tyler said in his serious tone. Natigilan ako't hindi makaimik. He turned his back on me and left me after. Tanging pagsunod lang ng titig sa likod niyang papalayo ang nagawa ko. Hindi ko rin magawang tumitig sa mga kasamahan ko dahil, panigurado akong hindi nila ako tantanan. THREE days has been past magmula nang magpunta si Tyler sa opisina ay hindi na siya bumalik pa. Oo, may part ng katawan ko ang nagsasabing patawarin siya pero, kasi ang puso ko, umaayaw. Tuloy, gusto kong sapakin ang sarili ko. Ewan ko nga ba, hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko. Gusto kong bumalik siya at humingi ulit ng tawad. Pero, ganun na lang ba ’yun? Hindi pa naman ako sira diba? Nasa malalim na pag-iisip ako nang magsalita si Mr.Park na siya namang ikinagulat ko. Napangiwi akong tumitig sa kaniya, “Sorry sir,” naihingi ko kaagad sa kaniya ng tawad. “You're in deep thoughts, won’t you?” kunot-noo nitong tanong. Tumango lang ako bilang sagot kaya napailing na lamang siya at nagsalita. “Come to my office, Miss Guerrero. May pag-uusapan tayo.'' Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako. Kaagad ko siyang sinundan. At his office. Nanatili akong nakatayo habang nakatungo, nang magsimula itong magsalita ay saka naman ako tumitig sa kaniya. “Miss Guererro, I want you to be with our new President. He hired you to be his secretary and be glad because he has that good heart. Kung totuusin, ipagpasalamat mo iyon dahil, hindi niya naging basehan ang background mo,” Mr. Park directly said. Napanganga ako sa ibinalita niya at buong pagtataka ang nagawa ko. Jeez! Me? Hired as President Secretay? Shemay! I wanted to refuse it but sayang. Baka, malaki ang maging sweldo ko. Sa paraang ’yun, makakapagbayad na ako kay Caleb at makakaalis na rin sa bahay nito. Pero kasi nakakapagtaka ’di ba? Paano ako na hired? “Pero, paano po pala ako na hired bilang secretary? Sino pong nag-rekomenda sa ’kin, sa pagkakatanda ko po kasi, wala akong in-applyang ibang trabaho bukod dito sa Publishing,” kuryosidad kong naitanong nang bumalik sa pag-proseso ang utak ko. Ang tagal kasi mag-sink in sa utak ko. “Ako!” tipid ang sagot nitong sabi bagay na ikinalunok ko ng laway. Seriously? “So Ms.Guererro, are you willing to take this opportunity? Because if your not then, tell me what the reason is,” usisa niya na bahagyang ikinatigil ko. Langya! grabe na ’to. Hindi makapaghintay. “I-I'm Willing sir, thank you! Sino ba naman po ako para tumanggi and besides it’s your decision sir, kaya tatanggapin ko po,” malawak ang ngiti kong sabi. “Then good. Don’t worry, nandito pa naman ako, hindi ka aalis sa publishing dahil, dito lilipat ang bagong may-ari. That was your new boss. Good luck! you may leave!” mahinahon at nakangiti nitong paliwanag bagay na ikinatango ko. Tinahak ko pabalik ang cubicle ko habang napapaisip nang malalim. Sino kaya ’yung bagong President? Babae ba siya o lalake? Hayst! Sana naman kasing bait ni Mr. Park.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD