CHAPTER 3

3022 Words
July 30, 2003, Friday Two months na ako dito sa isla today. So far ok naman. Grocery apartment lang ang daily routine ko. Pag walang pasok, it's laundry day, linis ng apartment, magtulog sa kwarto pag Sabado at magsimba kasama sina Ate pag Sunday. May duty kasi sina Ate sa grocery pag Sabado kaya usually ako lang ang tao sa apartment tuwing Sabado dahil restday ko ang Sabado pati na ang Sunday. Sila namang mga cashier at mga stock clerk ay Sunday at Monday ang restday. Good vibes lang so far. Walang problemang naeencounter sa trabaho man o sa mga kasamahan ko. Madali ko namang natutunan ang mga dapat kong gawin bilang bookkeeper at pati ang pagiging substitute cashier sa store. Minsan tumutulong din ako sa pag aayos sa store pag may dumating na container na naglalaman ng mga stocks na pinurchase nina Sir galing sa main island at sa Pilipinas. Mababait naman ang mga kasamahan ko. Lahat naman sila ay kasundo ko. Maski sina Sir at Ma'am ay napatunayan ko din na kung ano ang kabaitang pinakita nila sa akin noong unang dating ko dito sa isla ay totoo. Considerate din sila sa aming employees nila. Cel na ang naging tawag sa akin nina Sir James at Maam Rachel. Isang araw din nila akong tinawag na Aicel. Pero tama nga si John Mar, hindi sila sanay sa pagtawag sa more than 1 syllable na pangalan. Si Ate Amy nga eh ang tawag nila ay Aim samantalang si Ate Susan ay Sue. Kay Kuya Rudy naman ay Rud at si Kuya Nilo na asawa ni Ate Susan ay Nil. Hindi naman nila ako tinanong kung ano ang nickname ko. Automatic na Cel ang itinawag nila Sir at Ma'am sa akin na ginaya na din ng mga kasamahan ko pwera lang kay John Mar na Ice ang itinatawag sa akin. Ay, John nga pala. Ayaw niyang tinatawag ko siyang John Mar. Dahil sa iba ang tawag ni John sa akin ay natanong tuloy siya nina Ate Amy ng minsang nasa common area kami. "Hoy, John, bakit Ice ang tawag mo kay Cel?" Tanong ni Ate Amy kay John. "Wala lang, Ate Ams. Para maiba lang. Gaya lang din ng tawag ko sa inyo. Ikaw, Ate Ams. Kay Ate Susan naman e Ate Sans. Maganda naman ang mga tawag ko sa inyo di ba." Nakangising tugon ni John. "Pauso ka talaga, John. Pero kunsabagay, maganda naman nga ang mga tawag mo sa amin. Kasing gaganda namin." Pagsang ayon naman ni Ate Susan. "Oo naman, Ate Sans. Ang gaganda nyo talaga." Agad na tugon ni John habang nakatingin sa akin. Ako naman ay tahimik lang nangingiti habang nakikinig sa pag uusap nila ng mga sandaling iyon. Sina Ate Amy at Ate Susan ay parehong nasa early 40's na gaya din ng mga asawa nila. Hindi ko alam kung ilan ang mga anak nila. Bukod kasi sa nahihiya akong magtanong, wala din naman silang nababanggit pag nagkwekwentuhan kami. Sa nakalipas na dalawang buwan na andito ako sa isla ay mas madalas na si John ang kakwentuhan ko dahil magkatabi nga lang ang aming unit. Parang naging routine na namin bago matulog sa gabi at kung walang lakad si John ang magkwentuhan muna kami sa harap ng unit ko kung hindi man kami nakatambay sa common area kasama ang iba naming kasamahan. May mga pagkakataon kasi na naaaya siya ng mga kaibigan niya dito sa isla na makipaginuman o kaya magnight fishing. Kung minsan ay sa laundry area sa terrace sa likod ng mga unit namin kami nagkwekwentuhan ni John pag isa sa amin ang naglalaba. Madalas kinakatok pa ako ni John para lumabas ng kwarto ko pag hindi niya ako nakikita sa labas. Saka madalas din na si John ang tinatawag ko para tumulong sa akin pag may sira sa unit ko o kaya naman may need akong bilhin na wala sa store ay sinasamahan niya ako pag natapat na day off niya. Sa dalawang buwan na nakalipas ay nagkagaanan na kami ng loob. Gaya ng sa iba kong kasamahan ay may nabuo ng friendship at closeness sa pagitan namin ni John. May mga nakilala na din akong mga ibang Pinoy dito sa isla pero wala akong nakaclose bukod sa mga kasamahan ko sa trabaho. Grocery - apartment lang naman kasi ang pinupuntahan ko at simbahan nga pag Sunday. Mapupunta lang ako sa ibang lugar pag kasama ko sina Ate Susan at Ate Amy. Saka pag bumibili ako ng supplies ko sa ibang store dito. Nakakakwentuhan ko din sina Ate Amy at Ate Susan sa store pag out ko ng 5pm at dito sa apartment kahit busy sila sa kani-kanilang mga asawa saka kahit na Sunday lang ang magkaparehas namin na restday. Nakakabonding ko din naman sila at nakaclose ko din pati na sina Kuya Rudy at Kuya Nilo. Pamilya ang turing nila sa akin. May mga pagkakataon na sabay sabay kaming kumakain sa common area pag restday nila. Madalas din nila akong bigyan ng mga niluluto nilang pagkain or ulam. Pag sinisipag akong magluto ay binibigyan ko din sila. Saka pag may mga lakad kasi sila ay sinasama din ako nina Ate Amy at Ate Susan gaya ng pag naiinvite sila sa mga birthday party ng mga kapwa Pinoy namin dito sa isla or pag may events sa simbahan o kaya pag gusto nilang mag videoke sa mga bar dito sa isla na walking distance lang naman mula sa apartment namin. Gaya kagabi na naaya akong magvideoke nina Ate Amy at Ate Susan. Ayaw sumama sa amin nina Kuya Rudy at Kuya Nilo kaya iniwan na lang namin sila Kuya na nagkwekwentuhan sa common area habang umiinom ng tig isang beer in can. Kami na lang tatlo nina Ate Susan at Ate Amy ang pumunta ng bar. Si John naman ay nagsabi sa akin kanina na may lakad siya kasama ng mga kaibigan niya dito sa isla. Pagdating namin sa bar nina Ate ay medyo madaming tao. Hindi gaya noong nakaraang punta namin na mangilan ngilan lang ang mga customer na nandoon kaya enjoy na enjoy sina Ate sa pagvideoke. Birit kung birit kahit na pumiyok. Pero ngayon, halos mapuno ang bar. Malakas ang tugtog, at hindi naka-on ang videoke. Sabado kasi. Nang makaupo kami nina Ate sa table na nasa may dulong bahagi ng bar at umorder ng tig-iisang softdrinks ay nakita ni Ate Amy na nandoon din pala si John kasama ang mga kaibigan niya. "Andito din pala si John. Ayun siya." Turo ni Ate Amy gamit ang nguso niya. Agad naman kaming napalingon ni Ate Susan sa direksyong inginuso ni Ate Amy. Tatlong table ang layo namin sa grupo nila. Halatang nagulat siyang makita kami nina Ate ng mapatingin siya sa amin dahil hindi naman niya alam na may lakad kami nina Ate. Ako din naman ay nagulat din na makita siya sa bar dahil hindi ko din naman alam na doon pala ang punta niya. Nagkatinginan kami ni John. Aba teka, babae ang katabi niya at sobra naman ang pagkakangiti ni girl habang nakatingin kay John bukod sa may kilig akong nakikita sa mata ni girl. Napataas ang isang kilay ko at iniiwas ko agad ang tingin ko sa pagkakatitig sa akin ni John. Medyo may inis akong naramdaman sa puso ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit pero hindi pa din ako nagpahalata. Selos ka, Ice, bulong ng isip ko. Tss. Mayamaya ay lumapit sa amin si John. Inaya niya kami na makijoin sa kanila ng mga kaibigan niya pero ayaw nina Ate Amy. "Mag-vivideoke lang kami kaya kami andito. Hindi naman kami iinom ng alak. Softdrinks nga lang ang inorder namin." Sabi ni Ate Susan. "Saka ayaw namin ni Amy na mabatas nina Rudy at Nilo pag nalaman nila na nakipag inuman kami sa bar nang hindi namin sila kasama dahil videoke nga lang ang paalam namin." Dagdag pa niya. "Sa liit ba naman ng lugar na kinalalagyan natin at halos lahat ng mga Pilipinong nagtratrabaho dito ay magkakakilala kaya imposibleng hindi makarating kina Rudy at Nilo na nakipag inuman kami if ever." Ani naman ni Ate Amy. "Saka bukod kasi sa mga kaibigang mong lalaki, John, hindi din naman namin kilala yang mga kasama nyong mga babae." Saad pa ni Ate Amy. “Sigurado ba kayong ayaw nyong makijoin sa amin?” Muling tanong sa amin ni John. Nakaupo siya sa tapat ko. “Oo nga. Sige na, John. Mag-enjoy ka na doon. Nakatingin na din dito yung babaeng katabi mo. Baka magalit pa sa amin yon.” Tugon ni Ate Amy. Sabay pa kaming napatingin ni Ate Susan sa babaeng sinasabi ni Ate Amy. Siya yung katabi ni John kanina. Tama nga si Ate Amy. Nakatingin sa amin yung babae at nakasimangot siya. Ay, may attitude ka girl, sa loob loob ko. Automatic na napataas na naman tuloy ang isa kong kilay. Feeling yata nya maganda siya, sa loob loob ko. Ay, nagmamaldita lang Aicel, sermon ng utak ko. Hmp. "Sus, yaan lang natin siya. Mas gusto kong kayo ang kasama ko lalo na puro kayo babae. Wala sina Kuya." Ani ni John. Wow, protective. Kakilig naman. Ay, erase. Erase. Erase. "Huwag kang mag-alala sa amin, John. Ok lang kami dito ni Ate Amy mo at ni Cel. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo. Saka hindi din kami magtatagal dito. Masyadong madaming tao. Hindi din naman kami makakakanta dahil hindi gumagana yung videoke. Uuwi na din kami mayamaya. Papaubos na din naman tong softdrinks na inorder namin.” Dagdag ni Ate Susan. Ako naman ay hindi kumikibo. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako sumasali sa usapan nila. Para kasi akong naiinis pa din kay John sa dahilan na ayaw kong aminin sa sarili ko. Hindi ko din siya tinitignan. Nagkunwari akong may katext habang nakayuko ako though ramdam ko na tinitignan ako ni John at hinihintay niya na tumingin ako sa kanya. Manigas ka dyan, ani ko sa sarili ko. Naiinis ako sayo. Inis lang ba o selos na, kantyaw na naman ng utak ko. Hmmp sabay buntong hininga ko. Mayamaya ay may lumapit na lalake sa amin na hindi ko kilala. Napatingala ako ng magsalita ito. “Hi, Ate Amy. Hi, Ate Susan.” Bati nung lalake kina Ate. Natanaw ko siya kanina na isa sa mga kainuman ni John ng tignan ko ang babaeng nakasimangot. Halos kasing tangkad din siya ni John. Magkakasing tangkad lang kaming tatlo. Kung sa may itsura eh may itsura din naman ang lalake pero mas may itsura si John. May ganoon talaga ha, Aicel, sermon na naman ng utak ko. May comparison. Erase. Erase. Erase. “O, Paul, kumusta na? Tagal mo ng hindi napunta sa apartment ah.” Tugon ni Ate Amy. “Oo nga. Saan ka ba naglalagi ngayon, Paul? Nag-asawa ka lang e hindi ka na namin napapagkikita.” Saad naman ni Ate Susan. “Kakabalik ko lang dito sa isla kahapon. Nagbakasyon ako ng 1 buwan sa atin sa Pinas, mga Ate.” Pahayag ng lalake. Nakatayo siya sa gilid ni John. “Ah kaya pala.” Tugon ni Ate Susan. “Hindi niyo ba ako ipapakilala sa magandang kasama niyo, mga Ate?” Tanong ng lalake kina Ate habang nakatingin sa akin. “Ay oo nga pala. Paul, siya si Aicel. Bagong bookkeeper namin. Cel, siya si Paul. Dati siyang empleyado nina Sir. Dati niyang unit yung unit mo ngayon.” Pagpapakilala sa amin ni Ate Amy. “Nice to meet you, Aicel. Ikaw na pala ang bagong occupant ng dating unit ko. Ang ganda mo by the way, Aicel.” Ani ni Paul sa akin sabay lahad ng kamay niya para makipaghandshake sa akin. Inabot ko pa din ang kamay ni Paul at nakipag handshake sa kanya kahit na medyo napreskuhan ako sa kanya. “Nice to meet you din, Paul. Thank you sa compliment.” Tugon ko kay Paul habang pilit akong ngumiti sa kanya. Agad ko ding binawi ang kamay ko matapos makipaghandshake sa kanya. “May asawa na din si Aicel gaya mo kaya magtigil ka dyan, Paul. Kabisado namin yang style mo at yang mga tingin mo na yan.” Warning ni Ate Susan kay Paul. Si John naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin. O mas tamang sabihin na nakatingin sa akin. Saka simula yata ng lumapit sa amin si Paul ay hindi na siya ngumingiti. Pansin ko lang. “Si Ate Susan naman. Kakapakilala nyo lang sa akin kay Aicel e nilaglag nyo na agad ako. Hindi ba pwedeng gusto ko lang din maging kaibigan si Aicel gaya nyo.” Depensa ni Paul. “Kaibigan ka dyan. Naku, Paul, kami pa ba ni Ate Susan mo ang lolokohin mo. Alam namin yang style mo na kunwari makikipagkaibigan ka pero basta makakalusot ka, lulusot ka. Single man o taken na.” Si Ate Amy naman ang sumagot. “Aicel, wag kang maniniwala kina Ate ha. Good boy kaya ako gaya ng kaibigan kong to. Di ba, Pareng John, good boy tayo?” Umupo si Paul sa tabi ni John sabay akbay kay John. Ako naman, deadma lang sa sinasabi ni Paul. “Si John, alam naming good boy. Pero ikaw, Paul, magtigil ka nga.” Pagkontra ni Ate Susan. “Tara na nga, Pareng Paul. Bumalik na tayo sa mga kainuman natin.” Imbes na sang-ayunan ni John si Paul ay inaya na niya ito. Dahil kabisado ko na din si John, based sa itsura niya nahalata ko na medyo naiinis na siya na ipinagtaka ko. Bakit kaya nagbago ang mood ng isang to? “Mamaya na, Pareng John, dito muna tayo. Makipagkwentuhan pa muna tayo kina Ate at kay Aicel.” Pagkontra ni Paul kay John. “Naku, bumalik na kayo doon sa mga kainuman niyo. Uuwi na din kami. Naubos na namin tong softdrinks na inorder namin.” Ani ni Ate Susan sabay turo sa mga baso naming wala ng laman. “Umorder ulit kayo ng drinks nyo. Dagdagan nyo pa ng chips or fries. Ako ang magbabayad. Ang aga aga pa e uuwi na kayo agad. Magkwentuhan muna tayo.” Pangungulit ni Paul sa amin. “Hay naku, Paul, pumunta ka na lang sa apartment kung gusto mo kaming makakwentuhan. Ang ingay-ingay dito. Mahirap magkarinigan. Sasakit lang lalamunan natin kung patuloy tayong maguusap ng gaya nito na pasigaw na. Saka uuwi na nga kami tutal hindi naman kami makakapagvideoke. Tara na kayo, Cel at Amy.” Aya ni Ate Susan sabay tayo niya. Tumayo na din ako dahil tumayo na din si Ate Amy. “Pareng Paul, hatid ko lang sila sa labas.” Ani ni John. “Ako na lang, Pareng John, ang maghahatid sa kanila. Bumalik ka na doon sa table natin. Kanina pa nakasimangot si Camille. Iniwan mo kasi.” Narinig kong panunukso ni Paul kay John. Nakangisi si Paul samantalang nakakunot ang noo ni John. Camille pala ang name ni Girl na may attitude at masamang nakatingin sa amin kanina. Hmmp. Kairita siya sa loob loob ko. “Pareho na kayong bumalik sa mga kainuman nyo. Huwag niyo na kaming ihatid sa labas. Para namang maliligaw kami e ayan lang naman ang pinto palabas. Sige na. Bumalik na kayo doon.” Utos ni Ate Susan sa dalawa. Magsasalita pa sana pareho sina Paul at John para kontrahin si Ate Susan pero nagsalita agad si Ate Amy. “Wag na kayong kumontra. Balik na doon. Balik.” Madiing utos ni Ate Amy. Para tuloy Nanay nina Paul at John si Ate Amy na pinauuwi sila sa bahay nila na kung hindi nila susundin ay tiyak na mapipingot sila sa tenga. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. “Lika na, Cel.” Aya sa akin ni Ate Amy. Hindi ko na din nagawang magpaalam pa kina Paul at John dahil hinila na agad ako ni Ate Amy. Though wala naman talaga akong balak magpaalam sa kanila. Walang nagawa sina Paul at John. Hindi na sila nagpumilit na ihatid kami sa labas. Hinatid na lang nila kami ng tingin. Nang nasa may pinto na kami nina Ate Amy at Ate Susan ay nilingon ko sina Paul at John. Si Paul ay natanaw kong nakaupo na kasama ang mga kainuman nila. Si John naman ay andoon pa din sa kinatatayuan nila ni Paul kanina sa may table na inokupa namin nina Ate. Nakatingin siya sa akin. Nginitian niya ako ng magtama ang mga mata namin. Nginitian ko na lang din siya saka ko ipinagpatuloy ang paglabas ng pinto ng bar. Paglabas namin ng bar ay nag aya sina Ate na maglakad lakad muna kami sa dalampasigan sa tapat ng bar. Maliwanag kasi ang buwan at malamig ang hanging nanggagaling sa dagat. Mayamaya ay tumunog at nagvibrate ang cellphone ko. Beep. Beep. Agad kong hinugot ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pantalon. One message received. Nang itap ko ang message prompt ay nakita kong galing kay John ang text. John: Ingat kayo sa pag-uwi, Ice. Mag-usap tayo bukas. Napakunot ako ng noo. Bakit parang ang seryoso naman yata ng text niya na mag usap kami bukas or is it just the way I read his text? Hmmp bahala ka dyan sa loob loob ko. Tutal kasama naman nya yung Camille na yun. Napataas na naman ang kilay ko ng maalala ko ung babaeng yun. Hmmp. Gusto ko sanang ireply sa kanya na andito pa kami sa tapat ng bar pero nagbago ang isip ko. Nagreply na lang ako ng…. Me: K. Napangisi ako sa naging reply ko dahil tiyak na maiinis si John pag nabasa niya ang text ko. Ayaw na ayaw niya kasi yung may nagrereply sa kanya ng OK or K pag tinetext niya. Ang dahilan niya kasi pareho lang din naman daw ang charge ng mahaba at maikli mang text kaya bakit daw hindi pa habaan ang irereply. Sinadya ko talagang iyun lang ang ireply ko sa kanya ng mainis siya para hindi siya mapakali at masira sana ang mood nya habang nasa bar para lalong sumimangot yung Camille na yon. Natawa ako ng palihim sa ginawa kong simpleng pang aasar kay John. Bwahahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD