July 31, 2003, Saturday
7:30 am kanina ay inumpisahan ko ng maglaba. 6:30 am pa lang kasi ay gising na ako kahit na past 12 midnight na ako nakatulog. Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush ay nagluto na ako ng sinangag at pritong hotdog para sa almusal ko. Hindi muna ako kumain dahil isinalang ko muna sa washing machine ang mga white tshirt, underwear, bra at mga bimpo ko. Kampante ako na mag isa lang ako sa 2nd floor dahil ang alam ko, wala si John sa unit niya. May pasok siya sa store. Napasimangot pa nga ako ng maisip ko na naman kung hinatid kaya ni John yung Camille na yun sa tinutuluyan nito. Kagabi pa ako binabagabag ng isipin na yon. Pasado alas dose na nga kagabi eh pinakikiramdaman ko pa kung nakauwi na si John sa unit nya. Nakatulugan ko na nga ang pagiisip at paghihintay. Potek, feeling wife lang na naghihintay sa husband na gumimik ha, Aicel. Nakakainis naman talaga. Napadabog pa ako dahil sa inis. Saka eh ano nga ba sa akin kung ihatid nya yung Camille na yon at kung anuman ang gawin nila? Mas maganda naman akong di hamak sa Camille na yon. Need talaga may comparison ha, Aicel? Kantyaw ng utak ko. Ah basta naiinis ako, sagot naman ng puso ko. Masyado yatang napalalim ang pagdidiskusyon ng utak at puso ko tungkol kina John at Camille kaya nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.
"Nag-almusal ka na, Ice?"
"Ay, palaka!" Sigaw ko dahil sa pagkagulat.
Paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko si John na nagpipigil ng tawa niya. Nakasuot siya ng fitted white t-shirt at shorts. May nakapatong na twalya sa balikat niya. Wow, bakat ang abs niya dahil manipis ang suot niyang fitted t-shirt. Potek, Aicel, behave. Sigaw ng utak ko sa akin.
"Ano ba? Bakit ka nanggugulat?" Pairap kong tanong kay John.
"Tinanong lang naman kita. Ano nakakagulat doon?" Nakangisi niyang tanong sa akin.
"Eh kasi naman, bigla bigla kang nagsasalita dyan." Nakasimangot kong tugon sa kanya. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa abs nya.
"Sus. Nagiging magugulatin ka yata, Ice?" Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin na ikinailang ko.
"Hindi naman ah." Inilayo ko agad ang mukha ko sa mukha nya. "Ano nga ulit yung tanong mo?"
"Nag almusal ka na ba kako, Ice?" Tanong ni John.
"Hindi pa pero nakaluto na ako. Ikaw?" Tugon ko sa kanya. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa washing machine na umiikot dahil baka kung saan maglakbay ang utak ko kung patuloy akong titingin sa mukha at sa abs nya.
"Hindi pa din ako kumain pero nakaluto na din ako. Pwede bang sabay tayong kumain, Ice?" Aya niya sa akin na tila naglalambing ang tono ng boses niya. Nagpuppy eyes pa siya ng tumingin ako sa kanya para mapapayag ako na ikinangiti ko at lihim na ikinatalon ng puso ko. Kalma ka lang dyan puso.
"Pwede naman. Kaso saan?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong napangiti siya ng halos abot tenga dahil sa pagpayag ko.
"Dito." Sabay turo ni John sa kinaroroonan naming laundry area. "Teka lang, iset up ko." Halatang excited siyang pumasok sa unit niya. Paglabas niya ay may bitbit siyang folding table.
Medyo maluwag naman ang laundry area kaya nagkasya ang folding table. Isinet up niya na nakaharap kami sa dagat. Pareho kaming pumasok sa mga unit namin para kunin ang mga pagkain na niluto namin at upuan. Buti na lang pala 4 na piraso yung jumbo hotdog na pinirito ko saka dinagdagan ko din yung sinangag para may maishare ako kay John. Ang balak ko kasi kaninang nagluto ako na tanghalian ko na kung anuman ang matitira pagkakain ko ng almusal. Scrambled eggs with sibuyas naman ang niluto ni John at sinangag din.
"Naglabas ka pa ng table e pwede namang sumalampak na lang tayo at dyan kumain sa lapag." Ani ko kay John.
"Malamig pa yung semento. Baka sumakit pa tiyan mo pag sumalampak tayo. Ikaw pa man din, Ice, napansin ko na sakitin ang tiyan mo." Paalala niya sa akin.
"Kunsabagay." Tumaas na naman ang isang kilay ko. "Ikaw lahat na lang napapansin mo." Ani ko pa.
"Syempre. Tayo lang naman ang madalas magkausap at magkasama kaya alam ko na ang mga sakit na madalas na idinadaing mo." Nakangising tugon niya sa akin. Ngumuso naman ako at sumimangot kunwari pero deep inside may kilig akong naramdaman.
"Ikaw na ang nursing graduate." Kantyaw ko pa na nakapagpatawa sa kanya. "Gusto mo ng kape?" Tanong ko kay John nang maihain na namin ang mga niluto naming almusal. Tubig kasi ang nilabas niyang iinumin niya. Samantalang ako naman ay nagtimpla ng kape para sa sarili ko. Coffee is life for me sa umaga.
"Hindi ako nagkakape. Inaacid ako." Pagtanggi niya sa alok ko.
"Hindi ka nga nagkakape pero umiinom ka naman ng alak at beer. Di ba mas nakakaacid yon, Mr. Nursing Grad." Nakataas ang kilay kong saad sa kanya.
"Lika na, Ice. Kumain na tayo. Mamaya mo na ako sermunan." Naupo na siya pero tumayo din agad. Inusad niya ang upuan ko saka pinagpagan pa niya. "Upo ka na, Ice."
Umupo akong nakataas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Anong meron? Bakit may pausod at pagpag ka pa ng upuan ko?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Wala naman. Gusto ko lang pagpagan yung uupuan mo." Ani naman ni John.
"Pa-gentleman ka yata today ha, Mr. John Mar Lauro." Nakataas pa din ang isang kilay ko.
"Lagi naman akong gentleman sayo ah. Sige na, Ice, kumain na tayo. Minsan nga lang tayo magkasabay kumain e tinatarayan mo pa ako. Nakataas na naman yang isang kilay mo." Nakangisi niyang sagot habang naglalagay ng pagkain sa kutsarang hawak niya.
"Ay Sorry naman. Panira pala…. " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang isinubo ni John sa akin ang kutsarang hawak niya na may laman na sinangag at scrambled eggs. Hinampas ko na lang siya sa balikat dahil sa ginawa niya.
"Bakit mo ako sinubuan?" Tanong ko sa kanya matapos kong nguyain at lulunin yung pagkain na isinubo niya sa bibig ko.
"Ang ingay mo kasi. Saka gusto ko lang naman na subuan ka. Don't worry. Hindi ko pa naman ginamit yang kutsara kaya wala pang laway ko yan." Nakangisi niyang tugon sa akin.
"Akin na yang kutsara mo. Palit tayo. Isinubo mo na sa akin yan. May laway ko na yan." Reklamo ko sa kanya. Pilit kong inabot ang kutsarang hawak niya pero iniiwas niya sa akin.
"Sus, eh ano naman kung nalawayan mo na tong kutsara ko. Laway lang yon. Wala ka namang sakit na nakakahawa. Lalong hindi naman ako malalason sa laway mo." Ani ni John habang nilalagyan niya ulit ng laman yung kutsara niya.
"Kahit na. Palit tayo…Tss." Napapalatak na lang ako nang isubo ni John sa sarili niya yung kutsarang isinubo niya sa akin kanina na may laman namang sinangag at hotdog.
"Wala namang nangyari sa akin, di ba. Saka sus, hindi naman ako maselan at maarte." Ani niya kahit na may laman ang bibig niya.
"Sige na. Tama na. Kumain na tayo. Hindi naman ako mananalo sayo." Iiling iling akong nagumpisang kumain na din.
"Nga pala, ano ang paguusapan natin?" Tanong ko sa kanya ng matapos kaming mag almusal. Nakaupo pa kami pareho habang nakatingin sa dagat.
"Alin?" Nakakunot ang noong tanong sa akin ni John. Hays, nakalimutan na yata niya.
"Di ba nagtext ka kagabi nung pagkaalis namin sa bar. Sabi mo ingat kami sa paguwi saka mag usap tayo bukas." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Ah yun ba. Yung nireplyan mo lang ng K." May diin ng sinabi niya ung K. Tinignan niya ako saka sumeryoso ang mukha na para bang may kasalanan ako sa kanya.
"Dahil lang sa reply ko na K, sumeryoso ka na dyan. Parang ang laki ng kasalanan ko ah?" Tanong ko sa kanya na may diin sa K.
"Hindi lang dahil sa reply mong K na alam mo namang ayaw na ayaw ko na nirereplyan ako ng ganoon." Ani niya na may diin pa din sa K.
"So ano pa? Parang ang dami ko namang atraso sayo na hindi ako aware. Tss." Tinaasan ko na lang siya ng kilay ko kahit gusto kong tumawa pero pinigilan ko lang dahil tiyak na maiinis lalo tong kausap ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala kayo ng bar kagabi e nagkausap pa tayo bago ako umalis kahapon? Nagpaalam pa ako sayo kahapon. Saka bakit hindi mo ako kinakausap kagabi sa bar? Ni tingin nga hindi mo ako tinitignan. Sa cellphone mo lang ikaw nakafocus nung inaaya ko kayo nina Ate na makijoin sa table namin." Tila may halong paninita at tampo na saad ni John.
Hay naku, nahalata pala niya yun. "Sus, ang dami naman. Wait lang. Kalma lang. Iisa-isahin ko ang pagsagot. Una, biglaan lang yong pagpunta namin sa bar. Nakaalis ka na ng sabihan ako nina Ate na may lakad pala kami. Malay ko ba na mag aayang mag bar sina Ate. Tapos paano kita kakausapin e ang lakas ng music sa bar. Halos pasigaw na nga kayong magusap nina Ate e hindi pa kayo magkaintindihan. Sasakit lang ang lalamunan ko kung makikisali ako sa usapan nyo kagabi saka katext ko yung asawa ko kaya nakafocus ako sa cellphone ko." Pagpapalusot kong saad kay John.
"Bakit hindi mo ako tinext na magbabar kayo?" Parang nanunumbat pa din nyang saad sa akin.
"Ha? Seryoso talaga, John, galit ka? Need talaga kitang itext?" Napasmirk pa ako at taas ng kilay. Though may kilig akong nararamdaman sa pagiging "demanding" nya. Hay puso, kalma ka lang.
"Hindi naman sa galit at hindi naman sa need na itext mo ako pero sana nga tinext mo ako para alam ko kung nasaan ka if ever na hindi kita datnan dito sa apartment. Saka nagulat lang kasi ako ng makita ko kayo sa bar." Pagpapaliwanag niya.
"Tsss….Eh ano naman nga kung andoon kami? Public place naman yon. Andoon ka din naman ah.” Pangangatwiran ko kay John
“OO nga pero hindi mo nga kasi binanggit sa akin na pupunta ka doon. Sana tinext mo man lang ako.” Giit na naman niya.
“Ano nga ba kasi ang masama kung pumunta ako sa bar? Kasama ko naman sina Ate. Andoon ka din naman. Saka biglaan lang naman nga kasi yung pag aaya nina Ate sa akin. Gusto daw nilang kumanta eh kaso ang daming tao sa bar kagabi saka hindi naman gumagana yung videoke kaya ayun naunsyami ang pagkanta nila. Tapos ayaw pang umuwi nina Ate kaya naglakad lakad na lang kami sa beach sa tapat bar nung paglabas namin doon." Tugon ko.
"Hindi pa kayo umuwi dito nung umalis kayo sa bar kagabi?" Gulat na tanong ni John sa akin.
Umiling ako sa kanya. “Hindi pa nga. Naglakad lakad at nag stargazing pa nga kami sa beach sa tapat ng bar bago kami umuwi dito. Halos 1 hour pa kami nagstay doon. Kami lang kasi ang tao saka maliwanag ang buwan kaya nalibang kami nina Ate.” Kwento ko kay John.
"Dapat pala sumama na lang ako sa inyo kagabi o kaya dapat tinext mo ako para nakasunod ako sa inyo." Tugon ni John na tila nanghihinayang.
"Sus, kung gusto mo talagang umuwi na kagabi dapat sumabay ka na sa pagalis namin e kaso hindi ka naman sumama kaya it only means na gusto mo pang tumoma." Automatic na talaga ang pagtaas ng isang kilay ko habang kausap ko tong lalakeng to. "Saka sasama ka sa amin e di ba may mga kainuman ka doon. Baka sugurin pa kami nung babaeng katabi mo pag iniwan mo siya. Yun nga lang e masama na tingin niya sa amin nina Ate nung nasa table ka namin. Ah kaya ka siguro nagagalit na nagpunta kami ng bar dahil ayaw mong makita namin nina Ate na may kasama kang babae. Kayo na ba ni Camille? Camille di ba name nya?" Urirat ko.
"Anong kami na ba ni Camille?" Nakakunot noong tanong ni John.
"Tss… Bata lang na walang muwang ha, John? Painosente lang. Kayo na ba kako nung Camille na kasama mo sa bar kagabi? Girlfriend mo na siya. Boyfriend ka na niya. Uy, ipakilala mo sa amin yang GF Camille mo para makaclose ko din sya." Ani ko kahit na tila may kirot akong naramdaman sa puso ko sa tanong at mga sinasabi ko kay John.
"Ipakilala sa inyo? Magtigil ka nga, Ice. Hindi ko naman nililigawan yon kaya paanong magiging kami. Nagulat nga ako kagabi kasi sa tabi ko siya umupo. Saka bakit gusto mo pa siyang makaclose pagkatapos kayong tingnan ng masama nung Camille na yon?" Tila naiinis na sagot niya sa akin.
"Eh bakit naiinis ka agad diyan? Tinatanong lang naman kita. Saka di ba dapat ako ang mainis dun sa Camille na yun dahil kami ang tinignan niya ng masama? Bakit ka affected?" Natatawang tanong ko.
"Kasi naman iniisip mo na kami na ni Camille. Paanong di ako maiinis eh tinignan ka niya ng masama kahit na di ka niya kilala." Halos magdikit na ang mga kilay ng lalakeng ito na nasa harap ko sa inis.
"Ano naman kung yun ang iniisip ko? It doesn’t matter naman kung ano iniisip ko dahil personal na buhay mo naman yan saka kaibigan mo lang naman ako di ba. Kung saan ka masaya, John, suportado kita. Pero kung hindi e di hindi. Nagagalit ka agad dyan. Tss." Tumayo ako para pihitin ang timer ng washing machine.
"Saan ka pupunta, Ice? Tignan mo to, nagalit na agad." Tila natatarantang tanong niya at halatang bumaba ang tono ng pagtatanong ni John. Akmang tatayo pa siya para pigilan ako.
"Di ba naglalaba ako. Pipihitin ko lang po ung timer ng washing machine. Bawal po ba?" Nakapamewang kong sagot sa kanya.
"Hindi naman. Akala ko kasi magwawalk out ka na." Nakangiti na siya ulit. Ang bilis talaga magbago ng mood nitong kausap ko. "Saka, Ice, it really does matter to me kung ano ang iniisip mo at nararamdaman mo." Dagdag pa niya na somehow ikinatuwa ko at ng puso ko.
"Alam mo nakakatawa lang na kahit pareho tayong topakin eh nagkakasundo tayo. Kaya nating sakyan ang ugali ng isa’t isa." Naiiling kong saad kay John.
Natawa na lang kami pareho sa sinabi ko.
"Pero ano naman nga ang masama kung nililigawan mo si Camille?" Parang may kumirot na naman sa puso ko ng sabihin ko yon. Masukista ka din, Aicel, ani ng puso at isip ko. "Binata ka naman saka dalaga naman yata si Camille."
"Wag na nga nating pag usapan si Camille." Kumunot na naman ang noo niya.
"O, naiinis ka na naman dyan." Hays, daig pa ako sa bilis magbago ng mood nitong lalakeng ito ah.
"Kasi nga hindi ko naman talaga nililigawan si Camille. Hindi ko din alam na kasama namin silang iinom kagabi sa bar. Tinext lang kasi ako ni Paul kahapon na magkita daw kami sa bar. Akala ko nga kami lang dalawa ang magiinuman dahil kakadating lang nya galing sa bakasyon. Saka for your information, hindi si Camille ang gusto ko. May iba akong gusto. Mahal ko na nga siya." Ani ni John habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Yon naman pala. Gusto mo na pala at posibleng mahal mo na. Bakit hindi mo pa ligawan kung sino man siya?" Ani ko pero may naramdaman na naman ako sa puso ko. Ayan na naman si kirot. Ano ba, puso? Ok ka pa ba? Tanong ko sa sarili ko.
“Hindi pwede.” Malungkot na tugon ni John.
“Bakit naman hindi pwede?” Tanong ko sa kanya at napakunot pa ako ng noo.
"She's already taken. May asawa na siya." Nakatitig siya sa mga mata ko. Nakita ko sa mga mata niya na puno ito ng panghihinayang.
Parang kinabahan ako sa sinabi niya at sa nakikita ko sa mga mata niya. Ako ba yun? Ay, assumera lang ang peg ha, Aicel, ani ng utak ko. Ikaw lang ba ang babaeng may asawa dito sa isla? Sermon pa ng utak ko.
"Ay complicated nga yan." Napalunok ako sa sinabi ko. Agad kong iniba ang topic. "Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang pasok ngayon o absent ka?" Tanong ko.
"Anong absent ang sinasabi mo dyan ha, Ice? Porke andito ako, absent na agad. Tss.” Ani ni John na tila dismayado siya sa sinabi ko.
“Sus, kaya nga po ako nagtatanong.” Nakapamewang kong saad sa kanya.
“Tuwing Sabado na ang restday ko simula ngayon. Puro ang mga locals na ang papapasukin nina Sir tuwing Sabado kaya maski sina Ate at Kuya Rudy e rest day din ngayon." Paliwanag ni John sa akin.
"Ah. So parepareho na tayo ng mga rest day natin. Saturday at Sunday na din." Ani ko na lihim kong ikinatuwa.
"Yes. Kaya kung wala kang gagawin mamayang hapon, magswimming tayo dyan sa beach." Aya ni John habang nakaturo sa beach na nasa harap namin.
"Ay, sige sige. Gusto ko yan." Naexcite akong bigla. "Dalawang buwan na nga ako dito sa isla, hindi pa din ako nakapagswimming dyan."
“Talaga?” Tila hindi makapaniwala na tanong ni John.
Tumango ako.
"Sige mamaya magswimming tayo dyan. Ayain din natin sila Ate at sila Kuya." Halatang excited na din si John.
"Yehey! Magswiswimming kami." Napapalakpak pa ako sa saya.
Nakangiti siyang napatingin sa beach pero ilang saglit lang ay sumeryoso din ang mukha niya. "Ice, paano kung may manligaw sayo dito sa isla?" Biglang tanong niya sa akin.
"Ano ba yang tanong mo na yan ha, John?" Nakakunot ang noo kong tanong ko sa kanya.
"Kung sakali nga lang, Ice." Giit niya sa akin.
"Hmmm… Alam ko namang mali yon dahil nga may asawa na ako kaya ituturn down ko siya agad. Kung maiiwasan ko, iiwasan ko siya." Tugon ko sabay buntong hininga.
"Bakit mo naman siya iiwasan?" Tila lumungkot ang mga mata ni John.
"Para hindi na maging magulo ang buhay namin at hindi na kami magkasala pareho. Hindi naman ako santa. Makasalanan din naman ako kaya hindi ko din naman masasabi kung mapapanindigan ko ba na hindi din tugunan ang nararamdaman niya para sa akin. Pero hanggat maaari, hanggat kaya ko, iiwasan ko siya para hindi na din mahulog ang loob ko sa kanya at para hindi na maging complicated ang situation namin." Nakatitig ako sa mga mata niya. Maiiwasan ba kita, John? Ani ng puso ko. Ay bakit may ganoon? Erase. Erase. Erase.
"So iiwasan mo ako?" Narinig kong bulong ni John.
"Ano kamo? Hindi ko narinig yung sinabi mo." Narinig ko yung sinabi niya. Gusto ko lang masiguro na tama ang narinig ko.
"Bilisan mo na kako ang paglalaba mo dyan dahil maglalaba din ako pagkatapos mo." Biglang bawi na sagot ni John.
Denial king din tong isang to. Hindi ko na din siya kinulit tungkol sa bulong nya na yun dahil mas ok na yun. Baka mapasubo pa ako kapag pinush ko pa na uriratin yung tungkol sa binulong niya.
"Ah Ok. Isang load na lang to. Sungit." Ngumuso pa ako at tinaasan ko siya ng kilay.
Natawa lang siya. "Ang ganda mo pa din, Ice, kahit nakanguso ka at nagtataray ka dyan." Ani ni John sa akin.
"Wag mo nga akong utuin. Nahawa ka na sa kaibigan mong si Paul. Magkaibigan nga kayo. Pareho kayong bolero." Inirapan ko siya pero naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko dahil sa sinabi niya na maganda ako. Behave ka lang dyan, puso.
"O bakit naman nasali si Paul? Tayo ang magkausap ngayon e kung sino sinong binabanggit mo. Kanina si Camille. Ngayon naman si Paul." Kumunot na naman ang noo ng kausap ko.
"Eh di ba kagabi. Nakipagkilala lang siya sa akin, sinabihan pa akong ang ganda ko daw. Ang angas nga ng dating nya. Tapos ngayon, ikaw din sinasabihan mo akong maganda. Baka maniwala na ako niyan sa sinasabi nyo." Natatawa kong sabi kay John.
"Mabait naman yung si Paul kahit na may angking kayabangan. Saka maganda ka naman talaga, Ice. Halos lahat nga ng lalake sa bar kagabi eh napapasulyap sayo." Saad ni John habang nakatitig sa akin ng diretso.
Parang tumalon na naman ang puso ko sa sinabi ni John na maganda ako.
"OA na yang sinasabi mo na halos lahat napapasulyap sa akin dahil alam ko naman na hindi talaga ako maganda." Pagkontra ko sa sinabi ni John pero di ko pa din maiwasan na kiligin. Mali. Mali. Mali.
"Totoo naman na marami ang napapatingin sayo kagabi. Hindi mo nga lang napapansin kasi nga busy ka sa cellphone mo kagabi na pati ako dineadma mo. Saka wag mo ngang sabihin na hindi ka maganda kasi maganda ka naman talaga, Ice. Simpleng ganda na hindi nakakasawang tignan. Kahit wala kang make up, mas lutang ang tunay mong ganda." Mukhang seryoso naman si John sa mga sinasabi nya habang nakatitig sa akin. Ako naman lihim na kinikilig.
"Tss. Sorry na nga. Hindi ko nga sinasadya na di ka pansinin kagabi." Naku, hahaba na ilong mo, Aicel, sa pagdedeny mo. "Teka nga. Pareho naman tayong kumain kanina kaya imposibleng dahil sa gutom yang sinasabi mo na maganda ako. Saka pareho lang naman na hindi panis ang kinain natin kanina, so bakit bigla bigla inuuto mo ako ngayon?" Sinalat ko pa ang noo niya. "Wala ka din namang lagnat para isipin ko na nagdidiliryo ka."
"Hindi kita inuuto, Ice. Lalong wala akong lagnat. Nagsasabi lang ako ng totoo base sa nakikita ko. Maganda ka naman talaga, Ice, hindi lang sa panlabas kundi pati ang kalooban mo maganda din." Ani ni John at kinindatan pa niya ako.
"Ay talaga naman. Itinodo mo pa talaga ang pang uuto mo sa akin. Kung magpapatulong ka lang na maglaba sa akin, hindi mo na ako kailangang utuin pa. Tutulungan naman kita tutal wala naman akong ibang gagawin ngayon." Saad ko.
“Sus, hindi ako magpapatulong sayo sa paglalaba. Kaya ko namang maglaba ng sarili kong mga damit kaya bakit kita papahirapan pa. Kung gusto mo ako pa maglaba ng mga damit mo." Alok ni John.
"No way. Kaya ko din namang maglaba ng mga damit ko." Ani ko sabay taas pa ng sleeves ng suot kong tshirt para mapakita ko sa kanya ang braso ko.
Natawa naman si John sa ginawa ko. "Samahan mo na lang ako dito, Ice, habang naglalaba ako para may nakakausap ako.” Saad niya.
“Yun lang pala gusto mo e inuuto mo pa ako. Lagi naman kitang sinasamahan pag naglalaba ka pag natapat na wala din akong pasok ah.” Pagpapaalala ko sa kanya.
“Baka kasi kako may gagawin ka or may lakad ka. Pero kidding aside, Salamat ha, Ice.“ Saad niya.
"Ay, ang drama. Ang arte lang. Pero you're welcome, Bestfriend John. At saka thank you din dahil andyan ka lagi para sa akin at lagi mo akong tinutulungan." Nakangiti ako sa kanya.
"Wow, bestfriend na tawag mo sa akin?" Halatang napasaya ko siya sa sinabi ko.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko.
"Gusto syempre. Kaya lang sana maging more than that." Ani ni John.
"Anong more than that?" Tanong ko. Hays. Eto na naman siya. Nagpapahaging ba siya?
"Wala. Happy na ako sa pagiging bestfriend mo, Ice." Nakangiting sagot sa akin ni John.
Bestfriend. Bestfriend John. Sana nga mapanindigan ko na hanggang bestfriend lang ang turing ko sayo, John dahil kinakabahan ako sa nararamdaman ko nitong mga nakakaraang araw para sayo. Kaya kalma ka lang dyan ha,